Chapter 26 - Tatlong Libo

1962 Words
Hangga’t maari, hindi niya gagamitin ang kapangyarihan niya kung sakaling meron man siyang kapangyarihan. Napatingin siya sa kalangitan, wala talaga siyang nakikita kahit isang bituin. Puro fog lang ang nakikita ni Percival. Takte! “May nakita ako, Percival. Isang maliit lang na labasan pero hindi ako sigurado kung labasan ba talaga ito. Pwedeng magtuturo ito sa `tin ng exit at pwede rin entrance sa palasyo ni Barthram.” “Ang lito naman. Nakakatakot naman.” Hintakot na saad ni Athena. Ngumisi naman siya. “Iga-grab natin ang chance na iyan. Magnus, mabilis ka tumakbo?” “Puta! Ako pa.” “Okay, good. Reedrick, saan ang labasan na iyan?” “Hindi malinaw. Basta may nakikita akong dalawang batong magkatabi at sa gitna niyon ay lagusan na hindi ako sigurado. Sa east-west ang tinuturong dereskyon ng mata ko.” “Okay. Bibilang ako ng isa. Tatakbo tayo at sumunod tayo kay Reedrick. Game?” “Oo!” “Okay. Isa!” At nagsiunahan sila sa pagtayo para tumakbo. Naunang tumakbo si Reedrick at mabilis silang sumunod sa lalaki. Siya ang ang pinakahuli. Hindi pwede si Athena at baka mauna itong dagitin ng mga halimaw. “Ang lamig!” “Ang init kamo!” “Shh…” Saway niya sa mga ito. Patuloy sila sa pagtakbo pero paulit-ulit sila sa kanilang tinatakbuhan. Paulit-ulit silang bumalik sa bonfire na ginawa ni Reedrick. Teka, kung paulit-ulit silang bumalik sa bonfire na ito, baka pwede silang bumalik sa pinakaunang entrance bago sila pumasok sa bundok na ito. “Halimaw!” Napatingin sila sa dereskyon na tinuro ni Reedrick. Sabay silang napayuko lahat at mabilis na nakaiwas sa matalas na mga kuku nito. puta! Muntikan na sila roon. Paano nga ba talaga sila makakalabas sa bundok na ito? Kailangan niyang mag-isip. Tama, kailagan niyang mag-isip at bumalik sa nakaraan. Baka may nasabi sa kaniya ang kaniyang Lolo. Isipin niya muna saglit ang nakaraan… “Lolo, bakit ang daming halimaw sa Asticus?” tanong ng anim na taon na batang si Percival. Siya ito. Katabi niya ang aguelo sa duyan, doon sa ilalim ang malaking mangga. “Dahil parte sila ng Asticus, apo. Parang mga tao lang sa mundong ito. Mayroon masasama, may mga mabubuti, may sakim, may mga mababait na bata tulad mo.” “Mabait ba ako, Lolo?” “Oo naman apo. Sobrang napakabait mo na bata.” “Pero Lolo, doon sa kwento mo, paano nakalabas ‘yong apat na magkakabigan sa bundok na iyon?” Natawa naman ang kaniyang aguelo at ginulo ang kaniyang buhok. “Hay naku bata ka. Bakit gusto mong malaman, apo?” “Kasi pakiramdam ko Lolo, parang ako ‘yong leader nila.” Humagikhik siya at inakbayan naman siya ng kaniyang Lolo. “Sige, ikekwento ko ang nangyari. Makinig kang mabuti, ha, apo?” “Opo Lolo!” nagliwanag ang kaniyang mata. Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo at nagsimulang makinig sa kwento ng kaniyang aguelo ng apat na magkaibigan na naglakbay papunta sa pusod ng Asticus. “Si Percival, ang pangalan ng leader nila.” “Wow, Lolo! Kapangalan ko po ‘yan, ah.” “Oo, apo. Kaya makinig ka, huwag ka muna sumingit.” Natatawang saad nito. Kaagad siyang nag-zip ng bibig at ngumiti ng matamis. Mahal na mahal niya talaga ang kaniyang Lolo Aritmoen. “Nung pumasok sila sa bundok ng kamatayan, nanaginip silang magkakaibigan pero agad din nilang natalo ang kamatayang panaginip na iyon. Pero may problema, hinahabol sila ng mga halimaw at demonyo ni Barthram. Kilala mo si Barthram, hindi ba, apo?” “Yes po, Lolo! Siya `yong bad guy sa kwento.” “Tama. Siya ang masamang nilalang sa Asticus at kinakatakutan ng lahat.” “Tapos, anong nangyari Lolo? Anong nangyari?” “Hindi nila mahanap ang lagusan o ang daan paano lumabas. Hindi rin pwedeng gamitin ni Percival ang kaniyang kapangyarihan sapagkat malalaman ni Barthram ang kaniyang kahinaaan kapag nagkataon.” “Wow!” namangha naman siya sa narinig at napatingin sa kaniyang dalawang kamay. Pakiramdam ng batang si Percival ay siya ang nasa kwento ng kaniyang aguelo. “Nahirapan sila nung una kung paano makalabas. Hindi nila alam kung ano ang gagawin lalo na at dalawa sa kasama ni Percival ay ordinaryong tao, apo. Walang kapangyarihan at kung sakaling mapapalaban sila, tiyak na mabilis na makukuha agad ng mga halimaw ang dalawang kaibigan niyang babae at lalaki.” “Ay, pero sabi mo noon Lolo, meron siyang itim na bato. Bakit hindi niya gamitin ulit iyon?” “Dahil hindi pwede, Percival. Hinding-hindi pwede gamitin ulit ni Percival ang kristal na iyon dahil ang kristal na iyon ay para lamang sa balanse ng mundo. Naiintindihan mo ba ako?” Tumango siya at yumakap dito. Naghintay siya ng kasunod na kwento ng kaniyang aguelo. Excited siyang makinig sa buong kwento kung paano nakalabas ang magkakaibigan sa bundok ng kamatayan. “Pero dahil may kasamang kaibigan anghel si Percival, nagawa nilang hanapin ang lagusan. Pero may problema apo, hindi nila mahanap ang labasan na nakikita ng kaniyang kaibigan.” “Anong ginawa nila, Lolo? Bakit nila ‘di mahanap ang lagusan papalabas?” “Dahil ang totoo, ang lagusan ay doon mismo sa b****a ng bundok. Doon sa maraming mga watawat nung unang pagpasok nila.” Napanganga naman siya at napa-wow ulit. Hindi siya makapaniwala na doon ulit ang lagusan. “Nakalabas ba sila Lolo?” Ngumiti lang ang kaniyang aguelo at ginulo ang kaniyang buhok. “Sige na, matulog ka na at mamaya lang ay kakain na ng hapunan.” Tumango siya at ngumiti. Biglang nagmulat ng mata si Percival. Mabilis siyang napatingin kay Reedrick. “Alam ko na kung saan ang labasan, Reed. Sumunod kayo sa` kin.” Napatango ang mga ito at nauna siyang naglakad sa mga ito. Napangiti siya nang makitang hindi na sila bumalik nang bumalik sa kanilang daraanan. Nakita nila ang mga watawat sa b****a ng bundok pero hindi pala gano’n kadali ang lahat, hindi pala gano’n kadali na makalabas sila agad dahil ando’n na ang mga halimaw at demonyo nakatayo. Nagbabantay sa kanila. “Puta! Ang dami nila.” Hintakot na saad ni Magnus. Napakamit ito sa kaniyang braso. “Dahil isa ka ng superman ngayon, Percival Pierce. I-sure mo na ligtas ako. Hayaan mo `yan si Athena, bahala na si Reedrick d’yan.” “Suntukin kita d’yan, eh.” Inis naman na sagot ni Athena at pinanlakihan ng mata ang lalaki. Habang sila ni Reedrick ay nakatingin sa mga halimaw at demons na nakaharang. Marami ang mga ito. Ang iba ay alam niya ang pangalan, pero ang iba ay hindi. Siguro, kung gagamitin niya ang efuanti, mabilis sa kanila ang makalabas pero hindi niya pwede gamitin iyon. “Anong gagawin natin, Reed?” “Kailangan natin makalampas sa kanila. Iyang ang lagusan. Bilib na `ko sa `yo, Percival.” Ngumisi lang siya at nag-thumbs up. Mamaya na nila pag-usapan ang kaniyang sarili kung gaano siya ka-proud. Tumingin siya sa mga kaaway, ang dami naman masyado pinadala ni Barthram. Apat lang sila pero ang pinadala nito ang dami! Hinanap ng kaniyang mata kung nasa linya ba si Barthram pero wala ito. Mukhang naghihintay talaga ang demonyog iyon na ilabas niya ang efuanti o ang kapangyarihan nila. Huminga siya ng malalim. Kailangan nila mag-isip ng paraan kung paano makalabas! “Alam mo, sa sobrang dami nila, ginutom na `ko.” Awtomatikong paglingon niya ay nakita niya si Magnus na kumakain na ng mansanas. Ang lakas ng nguya nito at umakbay pa sa kaniya habang tinuturo ng isa nitong kamay ang mga halimaw na nakaharang sa daraanan nila. “Tingin mo Percival, bakit hindi pa sumusugod ang mga iyan sa `tin? May hinihintay ba silang command ni Barthram?” Tama! Naghihintay ang mga ito ng command ng panginoon nito kaya pala hindi kumikilos ang mga ito para sugurin agad sila. “Bakit ikaw lang ang kumakain? Bigyan mo nga ako.” Inagaw ni Athena ang kinakain na mansanas ni Magnus. Inubos nito iyon. Habang si Magnus ay kumuha ng panibagong prutas at peras ang nakuha nitong kainin. Napailing na lang sila ni Reedrick at tinanggal niya ang kamay ni Magnus na nakaakbay sa kaniya. Lumapit siya kay Reedrick at kinausap ito. Mas mabuti na kung handa sila sa kasunod na utos ni Barthram. “Ano sa tingin mo ang mangyayari ngayon? nakita mo ba kung saan diyan si Barthram?” Umiling si Reedrick. “Hindi ko siya makita, Percival. Marahil ay nagtatago ito sa itim na kapangyarihan niya.” “Anong gawin natin dito?” “Hindi ko rin alam. Anong gawin natin ngayon?” Napabuntong-hinga siya at napakamot sa kaniyang batok. Nag-isip siya ng paraan kung ano ang dapat gawin nila. Hinawakan niya ang kwentas kung saan ando’n ang efuanti nakalagay. “Percival! Percival! Tingnan mo, oh. May magic na ako!” Napatingin sila ni Reedrick sa lakas ng boses ni Magnus. Kung nagulat siya sa nalaman na may kapangyarihan daw siya ayon sa lolo niya at nalaman ang parte ng nakaraan niya, mas lalo siyang nagulat sa nakitang lumutang-lutang ngayon si Magnus. “Woah! Anong nangyari?” Nagulat sila ni Reed. Napatingin pa sila sa isa’t isa at biglang napatawa si Reedrick na parang nakuha na ang nangyari. “Hindi ko akalain na nilagyan ni Eulalia ng mahika ang mga prutas na pinabaon niya sa `tin.” Natatawang saad ni Reedrick. “Ano kaya kay Athena?” “Hala! Hala! Tingnan niyo ang kamay ko, nakakalutang ng bato.” “Ito pala ang pakiramdam ng may kakayahan?” Natawa siya. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam kaya inabot niya ang peras ni Magnus at kinagatan iyon. Naghintay siya ng ilang segundo pero wala naman nangyari sa kaniya. “Gumagana lang ito sa mga ordinaryong tao, Percival. Huwag mo ng pag-aksyahan ang oras mo.” “Kumain lang ako kasi nagutom ako.” Nagkibit lang ng balikat si Reedrick at muling humarap sa mga kaaway nila sa gabing iyon. Lumapit naman si Percival sa lalaki at binigyan ito ng peras. Alam niyang nagugutom ito. Nagugutom nga ba? Napaismid si Percival sa isiping immortal ang hayop na ito! “Umamin ka nga, ilang taon ka na Reed?” “Mas matanda sa `kin si Eulalia ng dalawang libong taon.” Napamura siya sa nalaman! Puta? As in na tatlong libong taon ito? Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi na siya magtataka kung bigla niya itong sakalin, hindi ito mamatay. Napabuntong-hinga siya. Ano ba ang dapat nilang gawin ngayon para makalampas sa mga ito? “Aabutin tayo ng ilang libong taon dito, Percival. Kung gusto natin makalabas dito at makapunta agad sa pusod ng Asticus, kailangan na natin makalampas sa kanila hangga’t wala pa ang kanilang panginoon.” “Mag-iisip ako ng ibang paraan kung paano. Saglit lang. Hayaan mo akong mag-isip at balikan ang sinabi ni Lolo sa `kin.” Tumango si Reedrick at pinikit ni Percival ang kaniyang mata pero umabot lang ng isang minuto, hindi bumalik ang kaniyang memorya sa nakaraan. Naiinis na nagmulat siya ng mata. Bakit hindi siya makabalik sa nakaraan? “Percival! Tingnan mo, tinamaan ko ang isang halimaw. Tumba agad!” Ang lakas ng halakhak ni Magnus. Tanginang Magnus `to, ah! Natawa siya. Lalo na ng makita niya si Athena na pinaglalaruan din ang bato. Ginawa nitong apoy iyon at binato sa isang halimaw, nagulat sila ni Reedrick nang matumba ang isang halimaw at nangisay ito. Tangina! Ang galing pero hindi naman nila pwede gawin iyon ng pinsan niya dahil hindi naman gagana ito sa kanilang dalawa. Ang kailangan na lang ay pag-isipan kung paano makawala sa lagusan na ito. Nalilito na si Percival, ano ba talaga ang dapat nilang gawin? Mauubos na yata ang kaniyang buhok sa kakamot niya nito kahit wala naman siyang alaga sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD