“Anong nangyayari? Ito na ba `yong kapangyarihan na sinasabi ng Lolo ko? pero anong klaseng kapangyarihan? Wala naman akong naramdaman kahit ano sa katawan ko o sa kamay ko, ah.”
At sa isang kisap lang ng mata, nag-iba na ang buong kapaligiran. Nawala ang malaking apoy na halos sunugin siya. Muli niyang pinikit ang mata at nung magmulat siya ay nasa bundok ng kamatayan na siya.
Isang malakas na batok ang kaniyang nakuha kay Magnus nang pabigla siyang bumangon. Pero pagkatapos siya nitong batukin, kaagad siyang niyakap nito na umiiyak na parang bata.
“Gago kang puta ka talaga `no!”
Habang si Athena ay naluluha rin pero masaya na nakabalik siya ng buhay. “Akala namin namatay ka na, eh. Buti nandito si Reedrick at—”
Biglang natigil si Athena sa pagsasalita nang bigla niyang yakapin din si Reedrick. Ang pinsan niya! Naluluha siya at nakabalik siya. Akala rin niya, akala rin niya hindi siya makakabalik.
“Narinig ko ang boses mo Reed. Sinunod ko ang payo mo kung ano ang gawin at effective ito. Nakita ko rin si Lolo natin at si Eulalia noon limang taon gulang pa lang ako.”
Biglang napangiwi naman si Reedrick sa kaniyang sinabi. Napakamot ito sa ulo pero hindi na nagsalita. Samantalang si Athena ay biglang sumingit sa kanila. Hinila nito si Reedrick at sinalya sa isang tabi.
Nagulat si Percival pero hinayaan niya si Athena. Napatingin na lang sila ni Magnus sa dalawa. Nagtatanong ang mga mata.
“Sino at ano ka ba talaga, ha, Reedrick? Paano mo nalaman ang lahat ng gagawin ni Percival? Saka may ginawa ka kanina, may dinasal kang latin na hindi ko alam anong ibig sabihin.”
Napangiwi si Reedrick at hindi alam ang gagawin. Napakamot-kamot ito sa batok at nag-iiwas ng tingin. Kumunot ang noo ni Percival. Tama, kung totoong pinsan niya ang lalaki, bakit hindi niya ito nakita noong limang taon gulang pa lang siya? Si Magnus lang ang kaniyang nakita at ang kaniyang Lolo.
Oo nga pala, bago lang sa kanila si Reedrick. Dinala lang ito ng kaniyang Lolo at sinabi sa kaniyang Ina na sa kanila muna titira hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral. Pumayag ang kaniyang Inang si Perlita at pati rin siya dahil wala naman siyang kapatid at nag-iisa lang siyang anak.
“Umamin ka na Reedrick! Kapag `di ka umamin, hinding-hindi talaga kita sasagutin kapag manliligaw ka sa `kin, tandaam mo `yan!”
Natawa sila ni Magnus pero agad din nagseryuso. Totoo, pati rin siya ay may katanungan din kung paano nalaman ni Reedrick ang kaniyang gagawin sa silid na iyon. Hindi kaya ang pinsan niya ay isa ring—
“Ang totoo niyan, ayuko sabihin sa inyo kung anong pagkatao meron ako.”
“Ano ka nga ba?” Sabay-sabay nilang tanong.
Tumayo si Reedrick at inayos ang apoy na malapit ng mamatay. Makapal pa rin ang fog sa paligid at malamig pero dahil sa apoy, kumalma ang nanlalamig nilang katawan.
“Nandito ako ssa mundong ito para patagong protektahan si Percival at ang efuanti.”
“Hindi kita makuha insan.” Pero ang totoo, may idea na si Percival kung ano ang ibig-sabihin ni Reedrick. Baka nga bakla talaga ito, hindi biro lang. Baka anghel din ang kaniyang pinsan.
“Isa akong kalahating anghel. Kasama ko ang Lolo mo noon Percival at si Eulalia na siyang magbantay sa efuanti bago namin ito kunin at dalhin sa mundo ng mga tao para hindi makuha at tuluyan sirain ni Barthram. Tanging si Eulalia lang ang naiwan dito sa Asticus para patuloy na bantayan ang Asticus.” Saad ni Reedrick nang humarap sa kanila. Tinanggal nito ang suot na makapal na glasses at inayos ang buhok.
Hindi na nagulat si Percival nang lumitaw ang totoong kagwapuhan ng kaniyang pinsan. Pinsan nga ba talaga? Ang mata nito ay naging ginto at pati na rin ang buhok nito. Kaya pala sa tuwing nag-mountain biking sila sa gabi, tinatanggal ni Reedrick ang salamin nito pero hindi niya napapansin ang kulay ng mata. Siguro may suot itong contact lens or ano.
Gumwapo ng 50 percent si Reedrick. Para itong may lahing dayo ngayon dahil sa ginto rin nitong buhok at mata. Gusto nga niyang tumawa dahil si Athena ay parang nahipotismo sa kagwapuhan ng lalaki.
“Kaya ako may suot na salamin dahil hindi pangkaraniwan ang kulay ng mata ko at ang kapangyarihan nito. Nakakaya kong makakita sa dilim na parang umaga. Minsan niyan, kaya rin ng mata ko makakita ng mga bagay-bagay kahit nasa malayo pa ito. Alam ko rin kung ano ang ginagawa ni Barthram ngayon at nang mga tauhan niya pero hindi lahat dahil may nakaharang na itim na kapangyarihan. Sa madaling salita, ang aking mata ang isa sa aking kapangyarihan.”
Lahat nagulat sa sinabi ni Reedrick. Walang nagsalita sa kanila at walang umimik. Nakatingin lang sila kay Reedrick na ibang-iba na ang mukha ngayon. Pero ipupusta ni Percival ang kagwapuhan niya mas gwapo talaga siya kahit saan angulo tingnan.
“Reed!” tawag niya.
Lumingon ito sa kaniya sa paraan nahihiya pero ngumisi pa rin.
“Wala akong pakialam kung isa kang anghel at kaibigan ka ni Lolo, pinsan pa rin ang tingin ko sa `yo. At dahil diyan, salamat sa ginawa mo, salamat sa lagi mong pagpoprotekta at pagbabantay sa `kin.” Lumapit siya rito at binigyan ng sapak ang lalaki saka inakbayan.
Tinawanan naman siya ni Reedrick at madramang tiningnan siya. Napaka-emotiro din nitong pinsan niya, e.
“Paano na `yan, Athena. Anhel pala itong si Reedrick, hindi kayo bagay.” Nagsimulang manukso si Magnus. Ngumisi at binigyan ng nang-iinis na tingin si Athena.
Sasagot pa sana si Athena nang matigilan silang apat. Biglang lumakas ang simoy ng hangin at biglang namatay ang bonfire na ginawa ni Reedrick. Napatingin sila sa dereksyon ng hangin, malamig at mabaho ang hangin na iyon na parang may dalang panganib.
“Percival, nandiyan na sila. Nakikita ko. Dalawang klaseng demons at tatlong klaseng halimaw.” May pag-alala sa boses ng kaniyang pinsan nung tumingin ito sa kaniya.
Agad silang naalarma sa narinig. Mabilis silang tumayo at nag-isip ng plano kung ano ang gagawin. Napatingin siya kay Reedrick at tinanong ito kung ano ang pwede nilang gawin para maiwasan ang mga ito at makalabas sila sa bundok na ito. Mabilis naman na sinuhestyon ng pinsan niya na magsimula silang maglakbay.
Ayon dito, hindi na sila pwedeng gumamit ng sulo ng apoy. Ang ginawa ni Reedrick ay binigyan sila ng kaniya-kaniyang bato na pinulot lang nito at may binulong saglit sa bato saka ito umilaw na parang lampara.
“Tayo na! Ikaw ang mauna Percival at igiya ang daan.”
Tumango siya. Alam niya ang gagawin kahit hindi niya pa alam kung anong kapangyarihan meron siya. Pero pangalawang buhay na itong binigay sa kaniya and this time, seryuso na talaga siya na putulin ang kasamaan ni Barthram. Hindi niya na bibiruin ang itim na kapangyarihan ng lalaki.
Nauna siyang naglakad at mula sa bato na hawak nila na nagmisturang lampara, mas bumilis ang kanilang lakad. Halos tumakbo na nga sila para makaalis na sila sa bundok na iyon pero paulit-ulit lang sila. Hindi sila makalabas.
“Tangina! Akala ko sarili lang natin sa panaginip natin ang kalaban natin, pero bakit may mga halimaw at demons pa?”
“Dahil nasundan agad tayo ni Barthram nung ginamit ko ang kapangyarihan ko kay Percival. Nalaman niya ang lokasyon natin. O kahit `di ko sabihin, malalaman at malalaman pa rin niya dahil na rin sa kapangyarihan ni Barthram. Mas lalo siyang lumakas ngayon, kung ako ang magsasabi.”
“Gago! Mamaya ka na manakot sa `tin. Magmadali na tayo.” Asik ni Magnus.
Tama nga naman, magmadali sila pero paano sila magmadali? Pabalik-balik sila sa kanilang nilalakaran, at kahit tumakbo pa sila walang nangyayari.
“Percival, may kapangyarihan ka. Alam mo na ba iyon?” Biglang saad ni Reedrick nung sandali silang huminto. Hindi nila halos makita na ang paligid. Sobrang kapal na ng fog. Sarili na lang nila ang kanilang nakikita. Kahit papaano, tumutulong ang batong binigay sa kanila ni Reed.
“Ang sabi ni Lolo sa `kin sa impyerno, meron daw ako. teka, bakit nasa impyerno si Lolo? Kung sabagay, bagay rin sa kaniya malagay ro’n, iniwan niya ako ng walang manual o mapa!”
“Mamaya ka na nga magloko,” asik sa kaniya ni Athena.
Nagseryuso siya. “Oo na, sorry Ma’m!”
Inirapan naman siya ni Athena pero hindi makakaila ang pagpula ng magkabilang pisngi nito nang mapsulyap kay Reedrick. Kung ako sa pinsan niya, hahayaan naman niyang parang tanga na hahabol sa kaniya ang babae. Akala nito, ha? pagkatapos ng paghahabol ni Reedrick dito, ngayon parang tanga naman na magkakagusto si Athena.
“Ang alam kong kapanyarihan ni Aritmoen noon na Lolo mo Percival ay kakaibang lakas. Kaya ni Aritmoen ng malaking cruise at kaya niya rin tawagin ang kidlat.”
Hindi siya makapaniwala. Seryuso ba ito si Reedrick sa pinagsasabi?
“Subukan mo, Pecival!” mabilis na udyok sa kaniya ni Magnus. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at ikinumpas-kumpas sa ere. “Baka kailangan mo lang eh, sumigaw ng superman at itaas ang kamay mo para lumabas ang almighty power mo.”
“Hindi gano’n iyon. Si Percival mismo makakaalam niyon kung paano.”
“Ano ba ang dapat kong gawin?” tanong niya.
“Isipin mo na may kapangyarihan ka. Gano’n bagay lang lalabas ang kapangyarihan mo, Perciva— sa likod mo!!!”
Napasigaw silang tatlo nang biglang may lumitaw na demonyo sa kanilang harapan. Isa itong malaking paniki at muntikan siya mahagip ng mahaba nitong kamay kung hindi agad siya nakadapa. Puta!
“Ano ang mga iyan?!” sabay na tanong nila ni Magnus at Athena.
“Mga Enara! Iyan `yong mga paniki na nakita natin sa kweba. Mas malaki sila sa gabi dahil full form na sila at kumakain sila ng mga tulad natin! Kaya dapa!”
Napatingin si Percival kay Reedrick. Pag nakalabas sila sa mundong ito, sasapakin niya talaga ang lalaking ito! May alam pala ito, wala man lang sinabi. Nagpanggap itong inosente! Malaki ang kasalanan nito pero dahil kaibigan at pinsan niya si Reedrick kahit hindi sila totoong magkadugo, papatawarin niya ito sa ngayon.
“Kaya kong talunin ang ilan sa kanila, pero hindi lahat. Marami silang papunta rito at kung mamalasin, baka hanggang dito na lang tayo sa bundok ng kamatayan. “
“Hindi iyan mangyayari.” Bigla siyang tumayo. Tinaas niya ang umilaw na bato, hindi niya nakikita ang paligid sa sobrang kapal ng fog pero nararamdaman niya ang hangin. “Subukan natin ang kapangyarihan na sinasabi ng Lolo ko.”
Hindi niya gagamitin ang efuanti. Nasa kwentas lang niya ito. Pinikit niya ang kaniyang mata. Pipilitin niya ang kaniyang sarili na mailabas ang kaniyang kapangyarihan kung ano man ito.
Ito na, nararamdaman niya na. Ito na talaga…
“Superman!”
Bigla siyang nagmulat ng mata at galit na tiningnan si Magnus. Ito ang sumigaw ng Superman. “Baka gusto mo rin sumigaw ng Batman?”
“Mas gusto ko si Superman, pre. Pero pwede rin si Spiderman dahil ang cool niya tingnan! Subukan mo, Spiderman dali!”
Nilapitan niya ang kaibigan at isang malakas na sapak ang kaniyang binigay sa kaibigan. Kaya siya nagiging maloko minsan, eh. “Tumahimik ka kung ayaw mong mamatay tayo sa mga halimaw ngayon.”
Agad nagtakip ng bibig si Magnus habang nag-peace sign sa kaniya. Saka siya bumalik sa kaniyang kinatatayuan. Hindi umaatake ang mga demons at halimaw sa kanila at isa na iyon sa kaniyang pinagtataka.
Hindi!
Bigla siyang nagmulat ng mata. Bakit hindi pa sumugod ang mga demons at halimaw ngayon? Nakakapagtaka. Bigla akong dumapa at tiningnan si Reedrick.
“Mukhang inaasahan na ni barthram na gagamitin ko na ang kapangyarihan ko kung sakaling meron man ako. Hindi ko pwedeng gamitin ito, Reed. Ang kailangan natin gawin ngayon ay makalabas sa bundok na ito na walang kapangyarihang gagamitin o kahit anong mahika.”
“Pero paano gawin iyon? Hindi tayo makakaalis ng buhay rito Percival.”
“Saan ba ang labasan sa bundok na ito?”
“Walang labasan ang bundok na ito, Percival.”
“Ano?!” Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Reedrick.
Hindi pwedeng walang labasan sa bundok na ito. Impyerno lang ang may entrance at walang exit pero wala sila sa impyerno ngayon kaya imposibleng hindi sila makakalabas.
“Gamitin mo sandali ang kakayahan mo. Hanapin mo ang exit sa bundok na ito. “
“Ginawa ko na Percival iyan kanina pa pero hindi ko makita.”
“Subukan mo ulit.”
Tumango ito at muling pinikit ang mata. Mas lalo ng kumapal ang fog. Hindi na rin maramdaman ni Percival ang daloy ng hangin sa paligid. May mali talaga pero gagamitin niya ang maling iyon para kontrolin ang nangyayari.