Chapter 24 - Kaniyang Lolo

1804 Words
NAPALUHOD SI Percival sa sobrang init. Hindi niya kaya ang init ng buong silid. Tagaktak ang kaniyang pawis! Hindi niya alam kung ano ang nangyayari kung bakit nasa isang malaking silid siya na may malaking apoy. “Nasaan ako? Paano ako napunta rito?!” Gusto niyang takbuhin ang exit pero hindi niya kayang gawin. Nanginginig ang kaniyang kalamnan at tuhod. Hindi niya rin magawang ihakbang ang paa. Parang may nakatali roon na isang kadena at nung tingnan niya ang kaniyang dalawang paa, may nakataling malaking kadena roon. Hindi niya maintindihan kung bakit may kadena siya. Para saan at nakadena ang kaniyang kagwapuhan? “Percival! Percival, gumising ka!” Sandali siyang natigilan. Boses ito ng kaniyang mga kaibigan. “Buhay pa ako!” “Puta! Kapag hindi siya nakabalik sa kaniyang katawan, mamatay si Percival ng tuluyan at ang kaniyang kinanalagyan ngayon ay ang Impyerno.” Nagulat siya sa sinabi ni Reedrick. Impyerno? Nasa impyerno siya ngayon? napalingon-lingon siya. Bakit siya lang ang nasa impyerno. Dapat silang apat para masaya. Puta! Unfair nito, ah. Sumigaw siya pabalik sa mga ito pero hindi yata siya naririnig ng mga ito. Siya lang ang nakakarinig sa mga ito at kailangan may gawin siya para makaalis sa lugar na iyon. Puta! Bakit kasi apektado siya agad nung namatay ang kaniyang inang si Perlita. “Percival, may kailangan kang gawin. Kung naririnig mo kami, kailangan mong gumawa ng paraan para makaalis sa lugar mo ngayon. Marami ng mga pasa ang katawan mo rito sa itaas at mahina na rin ang pulso mong gago ka! Ngayon, isipin mo ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo, Percival, at kapag nagawa mo iyon… Isipin mo ang magandang bagay o memories sa taong iyon. Tanggalin mo ang galit sa puso. Lahat ng galit, Percival. Magpatawad ka. Mangako ng taos-puso na hinding-hindi mo na sasaktan ang taong iyon. Gawin mo ito Percival at ilang minuto na lang, mamawalan na ng buhay ang katawan mo rito sa itaas.” Paano? Ano? Sino? Nalilito si Percival. Kung kanina ay ang kaniyang dalawang paa ang may tali, ngayon pati ang kaniyang dalawang kamay. napapansin din niya na humihigpit ang tali ng mga kadena at nagkakasugat ang kaniyang balat. Maliban pa roon, narinig niya ang mga hiyawan at sigawan sa buong paligid. Pakiramdam niya ay nalalapnos ang kaniyang mga balat ngayon sa lakas ng apoy. Hindi niya alam kung luha o pawis ang nasa mukha niya. Napapahiyaw siya sa sakit! Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa impyerno. Sino ba ang importanteng tao sa buhay niya? Ang kaniyang Inang si Perlita at ang kaniyang Ama ang importanteng mga tao sa kaniyang buhay. Tama! Ang kaniyang Inang si Perlita ang iisipin niya. Pero puta. Puta talaga! Hindi niya magawang isipin ang magagandang alaala nilang mag-ina dahil hindi naman sila magkasundo. Wala siyang maalala na magkasama silang ina na masaya siya o kaya naman ay mahalaga sa kaniya. Napaiyak siya. Hindi pwede siya mamatay sa lugar na ito at kailangan niyang palayain ang mundo ng Asticus mula kay barthram. Pinikit niya sandali ang kaniyang mata at sandaling pinakalma ang kaniyang sarili. Mainit at masakit pero nakakaya niyang mag-isip ng matino. Marahang bumuka ang kaniyang bibig at mahinang bumigkas ng kapatawaran sa lahat ng kaniyang ginawa sa kaniyang Inang si Perlita. Taos sa puso ang kapatawaran na ginawa niya. Pagkatapos niyon ay inisip niya ang alaala nung limang taon gulang pa lamang siya at masayang kasama ang kaniyang Ina at Ama. Nasa isang fast food sila at kumakain ng kaniyang paboritong chicken joy at spagetti. Kaarawan niya ito at maraming mga kabataan ang dumalo sa kaniyang special na karaawan. Maliban pa roon, masayang-masaya ang kaniyang magulang na mahal na mahal niya. Mag-isa lang siyang anak at kaya sa kaniya nabuhos ang pagmamahal ng mga ito sa kaniya. Hindi lang iyon dahil andoon din ang kaniyang kaibigan si Magnus. Pati rin ang kaniyang Lolo. Masaya itong nakangiti sa kaniya at kinarga siya nito matapos ibigay sa kaniya ang regalo nitong malaking robot. Napangiti si Percival sa bahagi na iyon ng kaniyang alaala. Ngayon niya lang napagtuunan ng pansin na close na close pala sila ng kaniyang matandang aguelo. Siya lang ang lumayo rito nung tumungtong na siya sa Highschool. Hindi na siya lumalapit sa kaniyang aguelo. Sinarhan niya na ito ng pintuan at hindi na ito hinayaan makapasok sa buhay niya ang matandang werdong lalaki na kung anu-ano lang ang pinakikwento sa kaniya. Kinikwento nito sa kaniya na may kapangyarihan ang itim na crystal na ibibigay nito sa kaniya at dapat niya itong ibalik sa Asticus para maibalik ang balanse ng mundo. Na ipapasa nito ang kakayahan nito at kapangyarihan pero hindi siya nakinig noon. Naala niyang pinagtatawanan niya ang kaniyang Lolo at sinabihan itong baliw. Sino ba kasi ang hindi mapapaisip nito noon ng baliw? Ang Asticus daw ay mundo ng lahat ng mga nilalang. Anghel, dyosa, mga maligno, demonyo, mahika at kapangyarihan. Marami pa ang sinabi ng kaniyang Lolo at naalala niya rin na may binanggit itong pangalan noon, si Eulalia. Ang angel na kaibigan nito. Tama! Naalala niya, nakita niya rin noon nung limang taon gulang pa siya si Eulalia. Kausap ito ng kaniyang Lolo at akala niya noon, pinsan niya ang babae. Nagandahan pa nga siya noon kay Eulalia at alam niyang si Eulalia ito dahil sa mukha at mga mata. Puti rin ang buhok niyon ni Eulalia at naalala pa ni Percival, hinanap niya pa ito nung matapos ang kaniyang kaarawan pero hindi niya na nakita ang babae. Tinanong niya pa ang kaniyang magulang kung saan ang babae pero hindi alam ng kaniyang Ina kung ano ang kaniyang pinagsasabi. Kaya ang ginawa niya ay tinanong ang kaniyan Lolo at sobrang gulat na gulat ang matanda sa tanong niya. Simula noon, lagi ng sinasabi ng kaniyang Lolo na special siyang bata. May kapangyarihan siya. Siya ang magbabalik ng bato sa pusod ng Asticus. May special sa kaniya na lalabas balang-araw at hindi niya raw ito mapipigilan. Pero sino ba ang maniniwala sa kaniyang aguelo na puting-puti na ang buhok at halos hindi na makakilos sa sobrang katandaan. Ang sabi ng kaniyang Ina noon, 60 years old pa lang ang kaniyang Lolo pero tingin niya rito ay nasa isangdaan na ito sa sobrang katandaan. “Lolo… Patawad. Patawad kung hindi ako naniniwala sa inyo noon. L-lahat pala ng sinabi mo noon ay totoo pero hindi ko sineryuso.” Nagmulat siya ng mata kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha. “Sorry sa lahat ng ginawan ko ng masama. Sa aking Ama na masyado kong tiningala kahit ang totoo, may iba na siyang pamilya at siya dapat ang kamuhian ko dahil sa ginawa niya kay Mama. Pero mas nagalit ako kay Mama, inisip ko na siya ang dahilan kung bakit umalis si Papa at nagtungo sa America at doon nakahanap ng panibagong pamilya. Inisip ko noon na kung sumama sana kami, baka hindi naghanap ng iba si Papa.” “Pero ang totoo, sa `king sarili ako galit. Galit ako dahil wala akong magawa para maging buo ang pamilya namin na minsan ay puno ng pagmamahalan at masaya. Inisip ko noon, na kung sana naging mabait pa akong anak, baka hindi sila naghiwalay at baka ngayon ay nandito pa rin si Papa at kompleto pa kami.” Nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses at hindi niya mapigilan humagulhol sa sakt. Ngayon lang niya nasabi ang lahat sa sarili at inamin. “Isa lang naman ang gusto ko, ang makasama ang dalawang mahalagang tao sa buhay ko. Pero malabong mangyayari iyon, nagkalamat na ang relasyon namin ni Mama. Hindi na kami tulad nung dati noon na laging nagpupunta sa paborito kong fast food.” “Kaya nga siguro nararapat akong malagay rito sa Impyerno kung ito nga ang impyerno. Marami akong naging kasalanan. Dapat nga ako lang ang mundong ito pero sinama ko pa ang aking pinsan, Magnus at Athena. Wala rin akong kwenta. Puro yabang lang ang alam ko at minsan, gusto ko ako ang bida ng lahat. Ako ang nangunguna at ayaw kong nasasapawan.” Napayuko ako ng ulo. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Mahirap pala aminin ang kahinaan niya at ito ang kaniyang kahinaan na kaniyang tinatago. “Percival!!!” Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Reedrick, Magnus at Athena mula sa kung saan. Nabuhayan ako ng loob pero agad din napatay iyon. Hindi ko alam kung ang gagawin ko para makalabas. Ginawa ko na ang sinabi ni Reedrick pero wala pa rin, nandito pa rin ako sa silid na ito na kung saan napapalibutan ng apoy at maraming mga tao ang nagsihiyawan, humihingi ng tulong at gustong makaalis sa lugar na iyon. “Siguro, hanggang dito na lang ako…” Nagbaba siya ng tingin. Nawalan na siya ng pag-asa. Nababagay siya sa lugar na ito at siguro hanggang dito na lang ang lahat. “Percival…” Isang malumanay na boses ang nagpagising sa kaniya. Nagmulat siya ng mata at nagulat siya nang makita ang isang lalaki sa kaniyang harapan. Napakunot siya ng noo kung sino ito, at bakit kilala siya? Isa pa, napansin niya na parehas sila ng mukha. Ang sarili na naman ba niya ito? Hindi. Dahil mas matanda sa kaniya ang lalaking nasa harapan niya. “Lolo?!” Tumango ito at masuyong ngumiti. Gumaan ang kaniyang pakiramdam sa ngiti ng kaniyang aguelo. Parang bigla siyang bumalik nung limang taon gulang pa lamang siya at close na close pa sila. “Ako nga Percival apo. Lumaban ka. Kailagan mo makalabas sa silid na ito. Isipin mo ang mundong Asticus na naghihintay sa `yo. Isipin mo ang mga kaibigan mo, ang `yong Ina at Ama.” “P-pero Lolo, hindi ko alam paano. Saka, bakit sa `kin mo iniwan ang itim na kristal? Malaking responsibilad ang iniwan mo sa `kin, Lolo. Hindi ko alam paano maibabalik ang bato ngayon nandito ako.” “Magtiwala ka sa sarili mo, Percival. Apo kita. Hindi basta-basta ang dugong nanalaytay sa katawan mo. Isipin mo kung ano ka, isa kang anghel, taga-bantay ng efuanti. Hindi basta-basta ang kapangyarihan mo dahil sa iyo ko binigay ito bago ako namatay.” “Pe-pero hindi ko alam paano gamitin ito Lolo…” “Pilitin mo… Pilitin mo ang sarili mo. Natutulog ang kapangyarihan mo.” “Ang kulit mo rin, Lolo, eh! Sabi ng hindi ko alam!” Ngumiti lang ang kaniyang aguelo at sa isang kisap mata lang, bigla itong nawala. Mas lalo siyang nainis pero pinili niyang kumalma. Pinikit ni Percival ang kaniyang mata at huminga ng malalim. Nawala ang init na kaniyang nararamdaman. Minulat niya ang kaniyang mata at nandoon pa rin ang apoy pero hindi na siya nasasaktan. Parang yelo sa lamig ang paligid at napreskuhan siya. Napansin din niya ang pagtanggal ng mga kadena sa kaniyang paa at kamay. Nawala rin ang mga sugat at lapnos sa kaniyang balat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD