Alam ni Reedrick na imposibleng gisingin ang katawan ni Percival pero kailangan niyang subukan. Susuntukin niya ang mukha nito kung hindi ito magigising! Hindi niya magamit ang kaniyang kapangyarihan dahil ang totoo niyan, hindi niya na alam paano gamitin ang kapangyarihan niya ngayon,
“Magigising ba siya kapag sasapakin natin siya?” inosenteng tanong ni Athean.
“No. Pero mamatay siya sa panaginip niya!”
“God! Totoo? You’re not joking right now?”
Galit na binalingan niya si Athena, “Mukha ba akong nagbibiro? Of course I am not. Sinabi mong binurol si Percival, ibig sabihin niyon Athena, hindi na makakabalik sa atin si Percival Pierce na buhay!”
Tuluyan nagitla si Athena sa kaniyang sinabi at mabilis siyang tinulungan na gisingin din si Percival pero bigo silang dalawa. Hindi. Hindi nagigising si Perciva kahit anong yugyog nilang dalawa. Kahit bugbugin pa niya si Percival, sapakin at bagsakan ng bato sa kuku, hindi ito nagigising.
SAMANTALANG si Percival ay hindi mapalagay sa loob ng kaniyang panaginip. kahit gusto niyang magising, hindi niya magawa. Parang may kung anong humihila sa kaniya para lapitan ang kaniyang Ina na umiiyak habang pinupulot ang mga bubog. Nagkasugat-sugat pa ang kamay nito pero balewala lang nito.
“Percival, mula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang pagmamahal ko sa `yo anak. Mahal na mahal kiya kaya kahit anong gusto mo, ginagawa ko, binibigay sa `yo. Kahit ang hirap para sa `kin na ina mo na hindi mo nirerespito, okay lang sa `kin dahil mahal ka ng Mama mo. Pero… pero ngayon, hindi na kita ma-control anak. N-nasasaktan na ako sa mga pinaggagawa mo lalo na at nawala ang Ama mo ako ang lagi mong sinisisi sa kaniyang pagkawala.”
Natigilan si Percival. Kahit ayaw niyang masaktan sa sinabi ng kaniyang Ina pero bakit apektado yata siya?
“K-kaya kung mawawala man ako sa buhay mo anak ay magpapasaya sa `yo, gagawin ko ang sinasabi mo na mawala ako…”
Hindi! Hindi! Huwag mong gawin Ma!
Mabilis siyang lumapit sa kaniyang Ina at dinaluhan ito pero hindi niya mahawakan. Puta! Gusto niyang magmura. Oo, inaamin ni Percival na hindi sila magkasundo ng kaniyang inang si Perlita. Magkaaway sila lagi dahil siya rin naman ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ng kaniyang Ina.
“Ma! Tangina huwag kang mamatay gago ka! Ay sorry!” Pinilit niyang kunin ang basag na bubog na hawak nito pero hindi niya mahawakan ang kamay nito.
Puta! Puta! Kahit anong gawin niya ay hindi niya magawa. Nagsisigaw na siya sa harapan nito pero umiiyak lang ang kaniyang Ina. Nanginginig ang kamay at halatang may gagawin masama sa sarili.
Naiiyak na si Percival. May idea na siya kung ano ang gagawin ng ginang sa harapan niya. Puta! Hindi siya handa makakita ng taong magpapakamatay sa harapan niya.
Kapagkuwan ay pumasok muli ang kaniyang pangalawang sarili. May dala-dala itong mga junk foods at sinulyapan lang nito ang kaniyang Ina at nagkibit ng balikat. Deretso itong umakyat sa hagdanan at nagtago sa kwarto.
Puta! Mabilis niyang sinundan ang kaniyang sarili. Hindi pwedeng wala itong gawin at magpapakamatay ang dramahin niyang Ina na si Perlita pero mahal na mahal niya ito. Importante sa kaniya si Perlita kahit hindi masyadong halata sa kaniyang mukha.
Nakita niya ang kaniyang sarili na pasalampak na humiga sa kama at nag-cellphone. Sinilip ni Percival ang ginagawa ng kaniyang pangalawang sarili, naglalaro ito ng ML. Ay puta! Sinubukan niyang sapakin at suntukin ito pero parang may harang! Siya ang lumilipad papalayo nung sinuntok niya ito.
Napamura siya sa sakit. Ang layo ng kaniyang nilipad. Muli siyang tumayo at lumapit sa kaniyang sarili at sinubukan itong suntukin ulit pero hindi niya magawa. Puta! Natatapon siya papalayo at masakit ang kaniyang balakang.
“Hindi ko akalain na maiinis pala ako sa sarili ko rito. Takte! Si Mama na lang ang harapin ko at baka kaya ko siya pakiusapan.” Sa sinabi niya, kaagad siyang lumabas ng pintuan at tinakbo ang hagdanan.
Bakit wala siyang super power o kaya naman lumipad para mabilis siyang makapunta sa kaniyang madramang ina. Takte! Huwag naman sanang magpakamatay si Perlita at hindi niya kayang pagmasdan na patay na ito.
Pero nahuli siya! Dahil nung pagbaba niya, nakita niya ang kaniyang Ina na nakahandusay sa sahig at may laslas ng boteng basag ang pulsuhan. Naliligo ng dugo at wala ng buhay!
Nanginginig ang kaniyang katawan sa nakita. Hindi mag-function ang kaniyang utak. Ilang beses niya rin pinilig ang kaniyang ulo at paulit-ulit na sinabi sa sarili na panaginip lang ito at hindi totoo pero sobrang apektado siya sa nakita.
Ganito pala ang pakiramdam kung wala na rin ang kaniyang Ina. Masakit. Nalilito siya sa gagawin. Hindi niya rin magawang umiyak. Nalilito ang kaniyang sistema.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang Ina at sa kaniyang gulat, nahawakan niya ito. Doon nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Hindi maawat ang mga ito sa pagsipatakan.
“Ma…”
Pero walang sagot mula sa kaniyang Ina.
Niyugyog niya ito. Sinubukan niyang pakinggan ang paghinga ng ginang pero wala, hindi na ito humihinga. Parang sinaksak ang kaniyang puso sa sakit!
“Ma! Gago ka Ma! Ano, gumising ka… Ma!”
Pero mahirap yata gisingin ang taong patay na. Mas mahirap yata gisingin ang kaniyang diwa lalo na at totoong dugo ang kaniyang nakikita na nakadikit sa kaniyang kamay. Nanginginig siya. Natatakot. Nasisindak at hindi alam ang gagawin. Paano nangyari ito? Bakit pa nagawa ng Nanay niya ito?
Mas lalong lumaki ang galit niya nung bumaba ang kaniyang pangalawang sarili at sandali lang itong tumigil nang makita ang kanilang Ina na patay na. Akala ni Percival, iiyak ang kaniyang pangalawang sarili pero hindi. Balewala lang nito ang nakita at nagkibit ng balikat. Tinungo nito ang ref at muling kumuha ng softdrinks at sa sobrang galit ni Percival, nilapitan niya ito at galit na sinigawan.
“Puta ka talaga!”
Napalingon sa kaniya ang kaniyang pangalawang sarili. Gulat na gulat ito at hindi makahuma nang bigyan ng suntok. Nagulat din si Percival dahil hindi na siya tumilapon sa malayo kundi ang pangalawang sarili niya. Napangisi siya.
“Si-sino ka?!”
“Sino ako?” Mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi. “Sino ako putangina mo?!”
Hintakot itong napatingin sa kaniya lalo na nung kinwelyuhan niya ito. Dumugo rin ang labi nito dahil sa suntok na kaniyang ginawad. Napahawak ito sa labi na dumugo at hindi pa rin makapaniwala na nakatingin sa kaniya.
Ganiyan! Dapat matakot ito sa kaniya. Dapat matakot talaga ito!
“Ako lang naman ang sarili mo na galing sa nakaraan. Hindi mo pa rin nakuha, ha, putangina mo Percival?! Ako ay ikaw! Tapos sa ginawa mong hayop ka! Hinayaan mo mamatay ang ating Ina!”
“Hi-hindi! Nababaliw lang ako. Nababaliw na ako.” Natawa ito pero ando’n pa rin sa mata ang takot para sa kaniya. “Paanong naging ako ay ikaw? Hindi! Isa ka lang ilusyon. N-naparami yata ang hithit ko ng shabu! Tangina kasi ni Perlita, e. Ang arte-arte pa!”
Muli niyang sinuntok ang kaniyang pangalawang sarili at dumugo naman ang ilong ito sa lakas ng kaniyang ginawa. Natumba ito pero muli niyang dinaluhan at sinunto nang sinuntok hanggang sa napagod siya.
Nag-iiyak na lang si Percival sa isang tabi. Kahit anong suntok niya rito, hindi niya na maibabalik ang buhay ng kaniyang ina. Ang tanging magawa na lang niya ay umiyak sa sobrang inis.
Sobrang apektado siya. Pinipilit niyang gisingin ang kaniyang sarili pero hindi niya magawa. Umiiyak lang siya sa sobrang galit at inis. Pero nung nagmulat siya ng mata, ibang kapaligiran na ang kaniyang nakikita. Malaking apoy at nasa gitna siya nito!
“Saan ako?!”
HABANG si Reedrick at Athena ay mas lalong kinabahan nang magkaroon ng mga pasa ang mukha ni Percival. Dumugo rin ang ilong at labi nito kaya mas lalong nataranta si Reedrick. Gago! Kailangan may gawin siya ngayon kundi mamatay si Percival.
Pero kung gagamitin niya ang kaniyang kapangyarihan, malalaman ni Athena ang kaniyang tinatago na isa siyang anghel.
“Percival? Percival! Magising ka!” Muli niyang yinugyog ang balikat nito pero walang reaskyon ang kaniyang nakuha.
“Gising na ako!”
Napatingin siya kay Magnus. Gising na ito at nakalarawan pa rin sa mukha nito ang saya at takot. May konting luha sa mata.
“Buhay pa ba ako? Buhay pa ba? Muntikan ko na patayin ang Papa kong Pastor!”
“Magnus, si Percival hindi pa nagigising! Marami na rin pasa an kaniyang mukha.” Naiiyak na saad ni Athena.
Napatingin sa kanila si Magnus at mabilis na lumapit. Sinipat nito ang mukha ni Percival at napamura ito nang makitang marami na ngang sugat at pasa ang mukha ni Percival.
Samantalang nag-aagaw pa rin ang utak at puso ni Reedrick. May pro’s ang con’s kapag nilabas niya ang kaniyang kapangyarihan. Malalaman ni Barthram na buhay pa siya at mapapabilis ang pagkamatay ni Percival. Dapat mag-isip siya ng ibang paraan pero ano ang ibang paraan na iyon?
Putangina talaga ni Percival. Nalilito tuloy siya sa kaniyang gagawin kung ano ang dapat at hindi. Kung ayaw pa rin nitong magising, mapipilitan siyang pumasok sa panaginip ng lalaki at pilitin itong hilain palabas sa impyerno!