Chapter 22 - Athena at Reedrick

2175 Words
Ilang sandali pa ay nagulat si Magnus nang makita ang kaniyang sarili na pumasok sa loob ng simbahan. May dalang bible sa kanan kamay pero ang kaniyang suot ay hindi pang-simba kundi rakista! Para siyang binatilyong sasali sa banda ng mga illuminate. Suot niya ay itim lahat at bad boy look tingnan. May makapal na eyeliner ang kaniyang mga mata at itim na itim din ang suot niyang lipstick. Emo na emo ang kaniyang dating. “Anong nangyari sa ‘kin? Nagmukha akong banda ng chemical romance.” Natawa si Magnus pero hindi siya nag-react. Tiningnan niya ang kaniyang sarili na nilagpasan ang kaniyang Ina at kapatid. Natigil din ang pagpapatugtog ng kaniyang Amang Pastor sa piano at tiningnan siya. lahat na mga member ay napatingin sa kaniya at nagkaniya-kaniya ang mga ito sa pagbubulungan laban sa kaniya. “Hindi ba, iyan ang anak ni Pastor?” “Oo, iyan nga. Ang bunsong anak ni Pastor.” “Napaka-itim na tupa talaga ng batang iyan. Tingnan mo nga at nasa simbahan tayo ganiyan ang kaniyang suot. Walang respito sa Diyos pati sa kaniyang Ama.” Napatingin siya sa nagsalita. Natawa siya at namulsa. Kaya ayaw niyang magsimba kasi ganito ang mga tao sa simbahan. Nagsisimba sa Diyos pero mga dakilang tsismosa at tsismoso. Walang pinipili. Ang tingin sa sarili ay sinong mga santo at santa at hindi nagkakamali. Hindi basihan ang pansuot at anyo ng tao para hindi matanggap ng tahanan ng Diyos. Kaya ang ginawa ni Magnus, hinintay niya ang kaniyang sarili na nakaupo sa ikalawang aisle ng upuan kung ano ang gagawin nito. “Anak…” Ang kaniyang Ina ang unang lumapit sa kaniya. Umupo ito sa kaniyang tabi. Nasa mukha ng kaniyang Ina ang pagmamahal para sa kaniya kahit anogn klaseng tao siya. Ang kaniyang Ina na lang yata ang natitirang totoong tao sa mundo. “Masaya ako na nandito ka ngayon Jade.” “Ayuko magtampo kayo Ma, saka araw ng Diyos ito ngayon kaya dapat magbigay ako ng oras sa kaniya.” “Tama anak. O siya, maiwan muna kita rito ha? Lalapitan ko lang ang ibang mga bisita anak.” Tumango ang sarili niya at napa-thumbs up na lang si Magnus sa kaniyang sarili. Naging mabait yata siya ngayon. nagsimba na siya pero chemical romance lang ang dating ng kaniyang suot. Rakrakan ang dating! “Jade!” Napaigtad siya pero ang kaniyang sarili ay nanatiling kalmado. Gusto niya tuloy i-congratulate ang sarili niya dahil kalmado lang ito at walang takot na makikita sa mukha. Tumatapang na siya, ah. Dati lang, isang boses lang ng kaniyang Ama, buong katawan niya na ang nanginginig sa takot. Ilang suntok at sipa na rin ang kaniyang nakuha rito dahil gusto nito ay magtino siya pero paano ba siya magtitino? Anong klaseng tino ba ang gusto ng Ama niya? Bawat galaw, pagkakamali at desisyon niya ay puro mali. Wala na siyang tamang ginawa para sa mata nito at laging pabor dito ay ang kaniyang Ate dahil marunong daw sumunod ang kaniyang kapatid. Hindi tulad niya na matigas ang ulo at laging suwail. Masisisi ba niya ang kaniyang sarili kung hindi siya kasingbait, kasingtino, kasingsipag, kasingtalino ng kapatid niyang si May? Ah, hindi. Tanging ang kaniyang Ina na lamang ang nakakaintindi sa kaniya at mahal siya. Hindi siya pinapangunahan at pagmamahal lang ang laging pinaparamdam sa kaniya. “Yes, ‘Pa?” “Tumayo ka at sumunod sa ‘kin sa Pastor’s office.” May pinal ang boses nito at galit. Halatang nagpipigil lang pero dahil sa mga members ng church kaya nagpipigil ito ng galit. “Sige po.” Mabilis siyang tumayo at sumunod sa kaniyang Ama. Nauna itong naglakad at umakyat sila sa ikalawang palapag ng simbahan kung saan nandoon ang pastor’s office. May bente minuto pa bago magsimula ang church service. Kaagad siyang sumunod sa mga ito. Pinupusta niya ang kaniyang bisekleta, susuntukin siya ng kaniyang Ama at hindi nga nagkamali si Magnus. Pagpasok na pagpasok pa lang ng isang Magnus sa opisina ng kaniyang Ama, nakita niyang sinuntok na ito ng kaniyang Ama. Napaaray siya sa nakita. Masakit iyon! Tama nga ang kaniyang hinala. Kailan ba kasi sila naging close ng taong ito na Ama niya raw? Kung hindi lang sila magkamukha ng taong ito, baka isipin niya ampon lang siya. “Wala ka talagang respito sa akin at sa mata ng Diyos! Tingnan mo nga iyang ayos mo Jade! Ganiyan ba kita pinalaki?! Para kang demonyo sa suot mo!” galit na galit na boses ng Ama niya. Dinuro siya nito habang nakikita ni Magnus ang kaniyang sarili na natumba sa sahig, sapo ang mukhang sinuntok. SI ATHENA ay hindi mapakali sa kaniyang silid. Paano siya napunta sa silid na ito? Kanina lang ay kasama niya si Magnus, Reedrick at Percival sa Bundok ng Kamatayan. Mukhang nasa isang panaginip siya. Ito yata ang sinasabi sa kanila ni Eulalia na kalaban nila ang kanilang sarili rito sa bundok na ito. Nakita niya ang kaniyang sarili na pumasok sa silid niya. Aburido ang mukha nito at galit na galit. Alam niya na kung bakit galit ang sarili niya. Siguro, si Reedrick na naman ang dahilan. Wala naman siyang kaaway kundi ang lalaking pinsan ni Percival pero oo nga pala, bakit siya galit dito? “At ang kapal ng lalaking iyon na hindi i-seen ang messages ko, ah!” Napamulagat si Athena sa narinig. Teka, sineen ang messages? Sinong lalaki ang ibig sabihin ng isang Athena? Mabilis siyang lumapit sa sarili niya at tiningnan ang sinasabi nitong messages. Gusto niyang malaman kung sinong lalaki ito at ganito siya kainis ngayon. Wala siyang alam na lalaking kinababaliwan ever! Duh! Not on her vocabulary. Kahit nga si Percival na sobrang gwapo, hindi siya nagkagusto. Kahit si Magnus na pang-artestahin ang kagwapuhan din, never siyang nagkagusto. “Bwesit ka talaga Reedrick! Kainins ka! Matapos mo akong halikan,bigla kang mawawala na parang bula?! Bwesit kang lalaki ka!” Muntikan siyang himatayin sa pangalan narinig. Anong Reedrick?! Gusto niyang sabunutan ang kaniyang pangalawang sarili. Halik? Paanong halik?! Hinalikan siya ni Reedrick? Nang werdo at nerdong Reedrick?! Gusto niyang magduwal. Hindi niya yata kayang isipin na hinalikan siya ng lalaking iyon! Napaka-argh! Mukha pa lang ng binatilyo, naiinis na siya. Ang kapal pa ng suot nitong salamin at paminsan-minsan lang nagsasalita. Pero ang sabi ni Percival sa kaniya, patay na patay si Reedrick at gusto nitong maging nobya siya. Like ew? Siya, magiging nobya? Hindi siya papatol sa mga pangit `no! She’s not a total weird para pumatol sa lalaking iyon. Kulang na lang kay Reedrick ay isang pares ng braces at complete na ito. Complete wierd! Pero nagunaw ang kaniyang mundo nang makita niya ang napakahabang chat na ginawa ng pangalawang sarili niya. Ang haba pero walang reply kay Reedrick. Umusok ang kaniyang ilong pero kaagad din siyang kumalma at natawa. Bakit ba siya magiging affected? E, hindi naman ito totoo. Panaginip lang ito. A weird dream kung baga at walang katutuhanan. Tinawanan na lamang niya ang kaniyang pangalawang sarili at humiga sa tabi nito. Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili ng parang tanga sa lalaking nagngangalang Reedrick. In which in reality, hindi niya ito gusto o mahal ano! Ang ganda-ganda niya kaya period. Inside ang out pa iyon kaya kahit ang dami niyang manliligaw, laging basted ang mga ito sa kaniya. Namanhid na ang kaniyang puso 3 years ago at simula no’n, hindi na siya pumasok pa sa kahit anong relasyon. Mapa-short or long relationship pa ito! Mayamaya ay biglang may nag-door bell! Biglang tumayo ang pangalawang sarili niya at tiningnan ang bintana. Nakita niya ang pagngiti nito na halatang inlove na inlove. Napakunot naman ng noo si Athena at sinundan ang pagsilip nito sa bintana. Ganoon na lang ang pagbagsak ng kaniyang panga! No s**t! Binibiro lang siya ng kaniyang paningin. Too good to be true masyado ang nakikita niya. Mabilis siyang napasunod sa kaniyang pangalawang sarili na tumakbo pababa ng hagdan. Gusto niya rin kumpermahin ang mukha nito kung totoo nga ba talaga ang kaniyang mata. “Hi, Athena!” Muntikan siyang himatayin nang batiin ni Reedrick ang kaniyang pangalawang sarili. Ilang beses niya pang sinapak ang sarili at bakit sobrang gwapo ngayon ni Reedrick. Wala na ang salamin nitong makapal na lagi nitong suot. May dala itong red roses at ang gwapo nitong tingnan sa casual nitong suot. Nalaglag yata ang kaniyang puso sa ikapitong baitang ng impyerno! “Pasensya na at hindi kita nareplyan agad. Naging busy lang sa burol ni Percival.” Lumambong ang lungkot sa maganda nitong mata. Ngayon nga lang napansin ni Athena na maganda pala ang mata ni Reedrick. Kulay ginto ito at magaganda ang hugis niyon. Makapal din ang pilik-mata. Para itong may lahing foreigner. Kikiligin na sana siya sa kagwapuhan nito nang umecho sa kaniyang utak ang sinabi nito. Burol ni Percival. Burol ni Percival. Burol ni Percival… Parang sinabugan si Athena sa narinig habang ang kaniyang pangalawang sarili ay parang wala lang reaksyon sa mukha nito. Naluluha siya at hindi makapaniwala sa narinig. Pero agad din niya pinunasan ang kaniyang luha. Hindi siya pwedeng umiyak ‘no! Hindi naman totoo ang panaginip niya, e. Pumasok siya ng bahay at hinayaan ang kaniyang pangalawang sarili na kiligin sa presinsya ni Reedrick. Hindi ito gwapo, period. Panaginip lang ito. Panaginip lang ito. Panaginip lang! NAPATINGIN si Reedrick kay Athena na galit na galit na nagising. Napahanga siya pero masaya na kaagad itong nagising agad. Mabuti na lang at nakabalik ito agad. “Okay ka lang ba?” mabilis niyang tanong kay Athena. Tumalim naman ang tingin nito sa kaniya at inirapan siya. Hindi tuloy alam ni Reedrick kung bakit ganito ito kagalit sa kaniya ngayon. mabait naman ang kaniyang pakikitungo niya sa dalagita. Katunayan nga niyan, nag-alala siya rito. Kung may kakayahan lang siyang pumasok sa panaginip, nakita niya sana ang panaginip nito. Nandoon kaya siya? “Tumahimik ka! Buti na lang at binangungot ako sa pagmumukha mo. Pati sa panaginip ko, ando’n ka pa rin para bwesitin ako!” Napangisi siya sa sinabi ng dalagita. Ibig sabihin, siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ni Athena. Kaya hindi na siya nagtanong pa at hinayaan na lamang niya ito. Mamaya niya na kausapin ang babae dahil sa ngayon, nag-aalala pa siya kay Percival. Sana mabilis itong magising lalo na at iba’t ibang level ang panaginip. Kapag natanggap na ni Percival na nanaginip lang ito at pipilitin nitong magising, hindi ito mapupunta sa pangalawang level kung saan mas mahirap at mas masakit ang mga nangyayari. At kapag nangyari iyon, mas mahihirapan si Percival na tanggapin na panaginip nga lang ang lahat. Mas pahihirapan ito ng panaginip at hindi ito makakalabas hanggang sa mamatay ito. Walang happy ending. Lahat ng mga nanaginip ay namamatay depende sa klase ng kanilang panaginip. “Reedrick!” Napatingin siya kay Athena. Nasa harap siya ng bonfire na kaniyang ginawa, dahil maginaw na ang buong paligid. Kailangan niya ng apoy para sa napakahabang gabi ito. “Bakit?” Matiim siya nitong tinitigan. Nakaupo ito sa isang tabi, katabi ni Magnus kung saan nakahiga ang lalaki at mahimbing na natutulog. “Bakit hindi pa sila nagigising? Nauna ka bang nagising sa ‘min?” “Oo nauna ako mga sampung minuto lang ang pagitan. Kaya nakagawa ako bonfire lalo na at malamig na ang buong paligid. Ayon kay Eulalia, mahaba ang gabi sa bundok na ito.” Tumango si Athena at napatingin kay Percival. “Ang sama ng panaginip ko.” Lihim siyang napangiti. “Gaano kasama ba?” “Ano ba ang panaginip mo at paano ka nagising?” Tumingin ito sa kaniya. Ngumiti lang siya. Inasahan niya ng tatanungin siya nito. “About family sa ‘kin. Ang sa `yo, ano?” Nag-alangan ito magsalita. Napatingin ito kay Magnus at Percival na puno ng pag-aalala ang mukha. “Iyong sa panaginip natin, totoo ba ang mga iyon?” “Sa pagkakaalam ko, totoong mangyayari sa hinaharap ang lahat ng mga nakikita natin sa panaginip.” Nagitla si Athena sa kaniyang sinabi. Parang diring-diri ito at hindi makapaniwala. “Sure ka? Baliw ka yata, e!” Inis na saad nito. Kulang na lang ay bugahan siya ng apoy sa inis nito. “Mukha ba akong nagsisinungaling sa mata mo?” “Hindi naman pero—” Napalunok ito. “Ano ba `yan! Pati ba naman sa panaginip ko, ando’n ka pa rin. Hindi ka talaga nagtitino sa buhay.” Tumawa lang siya at nagkibit ng balikat. “Ano pa ang nakita mo sa panaginip mo maliban sa `kin?” “Wala na pero narinig ko na sinabi mo na nakaburol si Percival.” Siya naman ang nagitla sa narinig. Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan bato. Gulat na gulat ang kaniyang mukha. Hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Kung gano’n, mapapatay si Percival ngayon?! Mabilis niyang nilapitan si Percival at niyugyog ito. Gago! Isusumpa siya ni Atmoran nito kung mawawala ang nag-iisa nitong apong si Percival. Hindi pwedeng mamatay si Percival sa panaginip at malaking problema ito! Hindi matutuloy ang love story nila ni Athena kapag namatay si Percival!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD