“Huh?!” Napabalikwas ng bangon si Percival. Nagtaka siya. Wala na siya sa Bundok ng Kamatayan.
Nilibot niya ang kaniyang paningin, nasa labas siya ng bahay. partikular sa kahoy na bench sa bakuran nila na siya pa ang may gawa para gawin itong tambayan kada-hapon. Nakita ni Percival ang kaniyang Inang si Perlita na nagwawalis ng mga tuyong dahon.
Napaayos siya ng upo at tiningnan ang mukha ng kaniyang Ina. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakabalik na siya sa totoong mundo. Hindi kaya, parte pa rin iyong Bundok ng Kamatayan sa kaniyang panaginip? Na ito ang totoong reyalidad ngayon?
Ah oo, tama. Ito nga ang reyalidad. Napabuntong-hinga siya at napakamot sa ulo. Akmang tatayo siya nang mapansin niya si Reedrick sa loob ng bahay. Binuksan nito ang pintuan at lumabas ito. Matamlay ang mukha ng kaniyang pinsan.
“Gago ‘yan, ah. Anong nilungkot-lungkot niyan?”
“O, Reedrick, asan si Percival?”
Napakunot ang kaniyang noo. Bakit siya tinatanong ni Perlita? Hindi ba nito nakikita na nasa bench lang siya at nasa harap lang siya nito? Ito talaga si Perlita, bulag din minsan.
“Nasa kaniyang silid, tita. Ayaw niya raw ho pumasok at masakit ang kaniyang ulo.”
Natawa siya. Ano itong pinagsasabi ng putanginang pinsan niya? Hindi ba nito siya nakikita?
“Hoy Reed! Nandito lang ako.” Binato niya ito ng maliit na bato pero walang reaskyon sa mukha nito. nagyuko lang ito ng mukha at nagpaalam sa kaniyang Ina sa lumabas ng gate.
Biglang sumikdo ang kaniyang dibdib. Nawewerduhan siya sa nangyayari ngayon kaya dali-dali niyang tinakbo ang loob ng bahay at deretsong tinungo ang kaniyang kwarto. Kinukomperma niya lang ang binubulong ng kaniyang utak at kinabahan yata siya.
Huminga muna siya ng malalim bago humawak sa seradura ng pintuan. Nagbilang siya ng hanggang tatlo at mabilis na binuksan ang pintuan! Oras na niloko siya ng baliw niyang pinsan, bibigyan niya talaga ng suntok ito.
Pero naiwan sa ere ang kaniyang ibang gustong sabihin nang matanaw niya ang bulto ng katawan na kilalang-kilala niya. Puta! Siya ito, ah!
Bigla siyang napaatras. Hindi niya makapa agad ang boses. Ano ba ang nangyayari? Bakit naging dalawang Percival Pierce?!
Binatukan niya ang sarili para lang maalala ang sinabi ni Eulalia. Tama, nasa Bundok ng Kamatayan sila. Ang kaaway nila rito ay ang sarili nila mismo pero ano ba ang gagawin para makaalis at matalo ang sarili niya? Wala naman siyang nakikitang masama na ginawa ng pangalawang Percival.
“Puta!!!” Napasigaw siya. Mabilis siyang lumapit dito at tiningnan ang mukha. “Ang pangit-pangit naman ng sarili ko rito. Anong taon ba ito? Mukhang hindi pa ako nag-skin care routine dito, ah.” Gusto niyang gumulong sa iyak.
Bakit ang pangit-pangit niya rito? sinipat niya ang mukha nito. grabe! Nangingitim ang eyebags, kulang sa tulog at super dehydrated ang katawan! Ang payat-payat niya tingnan kumpara sa gwapo niyang mukha ngayon.
Tiningnan niya ang kaniyang mga skin care products sa ibabaw ng kaniyang drawer, kompleto naman ito. Mula sa toner, creame, SPF, lotion, mask at rejuvinating set! Walang bawas! Bakit?!
Galit niyang nilapitan ang kaniyang sarili at akmang susuntukin ito nang biglang bumukas ang pintuan. Teka, binuksan niya ito kanina ah? Kaya pinagliban niya muna ang pagsuntok sa sarili niya at naiinis siya sa mukha nitong pumangit na! Tangina.
“Percival anak, nauna ng pumasok ang pinsan mong si Reedrick. Ayaw mo bang pumasok sa school? Ilang buwan na lang at ga-graduate ka na.”
Okay, nakuha na niya. Tumayo siya sa isang tabi at hinintay ang sagot ng clone niya na nakahiga sa kama. Para itong hindi siya. Nakakadiri ang mukha nito. Duraan niya pa ito sa inis niya.
“Bakit ako papasok?”
“Pero anak, hindi ka makakapag-graduate kung hindi ka papasok.”
“Pakialam mo ba? Umalis ka nga diyan Perlita at baka hindi kita matantiya.”
“Anak…”
Shit! Hindi nakahuma si Percival. Siya ba ito? Totoong hindi niya kasundo ang Ina pero hindi siya ganito kung sumagot. Walang respito at walang takot. Matigas lang ang kaniyang ulo at laging tumatakas pero hindi ganito kagaspang ang kaniyang ugali.
“Umalis ka kasi! Putangina mo talaga, wala kang kwentang ina!” Bumangon ito at pagalit na tinungo ang pintuan. Lumabas.
Mabilis niyang sinundan ang kaniyang sarili at tiningnan kung anong gagawin nito. Nakuyom na lang niya ang kaniyang kamao sa gaspang ng ugali ng pangalawang Percival. Bibigyan niya lang ito ng suntok!
Nakita niyang binuksan nito ang ref. Kumuha ng softdrinks at walang habas na ininom iyon. Kumuha rin ito ng junkfoods at pinaglalamon na parang gutom na gutom. Kaya naman pala hindi naalagaan ang kaniyang kutis dahil sa pinaggagawa ng sarili niya.
Hindi nga niya alam kung mag-eexist ba ito sa tunay na mundo o ano. Huwag naman sana at hindi niya yata kayang tanggapin ang pangit nitong mukha.
“Percival anak, may pagkain akong niluto. Paborito mo iyon.”
Teka, ano ba ang paborito ko? Wala akong matandaan. Ah, oo naalala ko na. Chicken curry at tinolang manok na maraming sili. Siguro naman ay kakain na ang walang-hiyang sarili ko.
“Huwag kang makialam Perlita kong ito ang kakainin ko. Anong paborito-paborito ang pinagsasabi mo? Alam mo ang paborito ko? Ha? Ang gusto ko sa lahat? Ang mabalik ang buhay ng Ama ko. Naiintindihan mo iyon? Ang bumalik dito si Daddy! Dahil ayuko sa ‘yo Perlita!”
Namatay si Daddy? Parang sinaksak ang puso niya sa nalaman. Kahit nasa isang Bundok ng Kamatayan lang siya.
“A-anak, kahit ako hindi ko gusto na mawala ang Ama mo. Plane crush ang kumuha sa Ama mo at kahit anong gawin mo, hindi maibabalik ang buhay ng Ama mo.”
“Wala akong pakialam!” Binasag ng sarili niya ang bote ng softdrinks. Binato ito sa sahig. “Kung pwede lang, e, ikaw na ang namatay tutal wala ka naman kwenta! Ano ka ba sa buhay ko? Wala. Ang kailangan ko si Daddy! Si Daddy. Hindi ikaw. Magpakamatay ka na lang. hilingin mong mamatay ka at kapag nakita mo ang Ama ko sa langit, pabalikin mo dito. Tangina talaga!”
Saka tumalikod ito at lumabas ng bahay. Gustong sundan ni Percival ang sarili niya pero mas pinili niyang magpaiwan. Nakita niya ang pag-iyak ng kaniyang Inang si Perlita at nanginginig na pinulot ang mga basag na bote ng ininom niyang soft drinks.
Gusto niya tuloy tanungin ang sarili kung bakit hindi coke mismo ang nasa ref nila. Sinadya niya yatang babasagin bote para mas intense kapag binasag niya. Gano’n siguro. Nagkibit siya ng balikat at umupo sa stool.
Paano niya ba i-comfort ang umiiyak niyang Ina? Dama niya kasing totoo ang mga luha nito. Napabuntong-hinga siya. Wala siguro siya dapat na gawin. Hindi naman totoo ito, e. Mamaya lang ay magigising din siya at babalik siya sa reyalidad.
HABANG si Reedrick ay hindi mapakali. Siya na lang ang tanging gising at hindi nakatulog. Ang tatlong kasama niyang si Magnus, Percival at Athena ay mahimbing ng natutulog. Siya na lang itong gising at naghihintay kung kailang makakalabas ang mga ito sa isang bangungot.
Sa mga sandaling ito, pinakita na ng panaginip kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Kung ano ang magiging buhay. Kapag magpapaapekto ang may-ari ng nanaginip, talo ito. Habang-buhay itong mananatili sa isang panaginip hanggang sa dahan-dahan mamatay. Dapat rin gumawa ang may ari ng panaginip na magising kahit anong mangyari.
“Percival kailangan mong magising. Ikaw lang ang pwedeng makakapagpalik ng efuanti sa pusod ng Asticus. Malaki ang tiwala sa ‘yo ni Atmoran. Kaya kahit dito, nakasunod ako sa ‘yo. Sa ‘kin ka pinabantayan ni Atmoran na siyang lolo mo kaya lumaban ka. Nawala man ang matalik kong kaibigan na si Atmoran, pumalit ka naman at tinuring kitang kadugo at matalik na kaibigan.”
Saka siya napabuntong-hinga. Umupo siya sa isang tipak na bato at pinagmasdan ang tatlo. Napangiti siya. Walang nakakaalam na isa rin siyang anghel. Ang tanging nakakaalam lang ay si Eulalia pero pinakiusapan niya ang babae na huwag sabihin sa mga kasamahan niya.
Isa siyang kalahating Asticians at anghel. Silang dalawa ni Atmoran noon ang nagtakas at nagtago sa efuanti sa mundo ng tao. Dahil doon, para tuluyan maprotektahan ang bato, kinailangan ni Atmoran maging ordinaryong tao. Habang siya ay nagpatuloy sa pagiging asticians at anghel.
Tumanda si Atmoran na nagtago sa pangalan Aritmoen, nagkaroon ito ng pamilya, nagkaanak at nagkaroon ng apo at ‘yon ay si Percival. Nag-iisang apo nito ang lalaki at siya, nagpanggap na apo ni Atmoran at pinsan ni Percival para hindi siya nito mahalata.
Binabantayan niya ang binatilyo. Sinasabayan ang lahat ng mga gusto nito at ang totoo niyan, masyadong malinaw ang kaniyang mata kaya kinailangan niyang magsuot ng kakaibang salamin para hindi lumitaw ang tunay na kulay ng kaniyang mata at magmukhang normal siya.
May kapangyarihan pa rin natitira sa kaniyang katawan pero hindi niya ito ginagamit. Alam ni Reedrick na laging nagpaparamdam ang Asticus kay Percival. Ilang beses na rin binabato at winawala ni Percival ang efuanti pero bumabalik ito sa lalaki.
Minsan naman siya ang nagtatago at binabalik niya rito. Kay Percival iniwan ni Atmoran ang efuanti dahil alam niyang kayang ibalik ng lalaki ang balanse ng lahat sa mundong ito.
Walang kayang gumawa niyon kundi si Percival lang. dahil kung pwede lang sana siya, matagal niya na itong ginawa pero tadhana na ang tumawag dito. Tadhana na ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon para maibalik sa normal ang lahat. At isa sa misyon niya bago namatay si Atmoran, kailangan niyang proteksyunan si Percival hanggang sa mamatay siya.
Ordinaryong tao lang si Percival at walang kapangyarihan. Kaya kinailangan niyang protektahan ito pero sa nangyayari, siya itong pinoprotektahan ng lalaki. Hindi niya nilabas ang kaniyang kapangyarihan dahil may sarili siyang rason at balang-araw ay sasabihin niya rin ito sa mga kasamahan niya. Lalo na kay Athena na babaeng gusto niya.
Napabuntong-hinga si Reedrick. Paano niya nga ba sasabihin kay Athena ang lahat? Gustong-gusto niya ang dalagita at balang-araw magiging tao rin siya at makasama ang dalagita. Pero sa ngayon, kailangan niya munang samahan at proteksyunan si Percival.
Anong parte ng panaginip na ba kayo? Subukan niyong magising at marami pa tayong gagawin.
NAPALINGON-LINGON si Magnus. Nasaan siya? Magkasama lang sila ng matalik niyang kaibigang si Percival at ngayon ay nasa simbahan siya. anong ginagawa niya rito sa simbahan
Napakunot siya ng noo nang makitang lumapit ang kaniyang Ama sa malaking piano at nagsimula itong magpatugtog. Nakita niya rin ang sunod-sunod na pagpasok ng mga tao sa loob ng simbahan habang siya ay nakatayo sa isang tabi.
Nalilito siya kung ano ang nangyayari. Bakit nasa simbahan siya at pinapakinggan ang piano ng kaniyang Amang Pastor ang propesyon?
“Magandang araw sa inyo! Masaya ako na makita kayo ulit sa bahay ng Diyos. Kumusta kayo?”
Nawalan ng panlasa si Magnus sa narinig. Ang kaniyang Ina ito. Pastor wife. Sa tabi ng kaniyang Ina ay ang kaniyang Ate May na nag-aaral sa Bible School. Ang kanilang pamilya ay larawan ng isang masayang nanampalataya sa Diyos. Puno ng pananalig at kontento sa bagay-bagay na bigay ng Diyos.
“Ma, nasaan si Magnus? Hindi na naman ba siya sasali sa pagtitipon ngayon? araw ng linggo, ah.”
Napakunot siya ng noo. Araw ng linggo pala ngayon? ah, hindi ko alam.” Napangisi siya. “Pero nandito ako, ah. Hindi ba nila ako nakita?”
“Paparating na ang kapatid mo. nakita ko siya kaninang nagbihis bago ako nagpunta rito.”
“Mabuti naman kung gano’n. Masyado siyang sakit sa ulo. Hindi ko na alam Ma. Araw-araw ko siyang pinapanalangin para maglingkod siya sa Diyos.”
“Salamat anak. Balang-araw ay magbubunga din ang lahat.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaniyang Ina. Kahit papaano, close sila ng kaniyang Ina at mahal na mahal siya nito kahit siya ang black sheep ng pamilya.