Chapter 20 - Bundok ng Kamatayan

2054 Words
“Pagkatapos natin dito, dadaan tayo sa Bundok ng kamatayan.” Lahat natigilan sa sinabi ni Eulalia at napatingin sa babae. Kumunot ang kaniyang noo at hindi makapaniwala sa narinig. Bundok ng kamatayan? Anong gagawin nila roon? Magpapakamatay ba sila at sa bundok na iyon pa sila papasok? “Dahil ito ang daan papunta sa pusod ng Asticus at wala ng iba pang daan.” Napalunok si Reedrick at namutla naman si Athena pero hindi ito nagpahalata na natakot sa nalaman. Habang si Magnus ay lumapit sa kaniya at nakuhang bumulong sa kaniyang teynga. “Tingin mo, buhay pa kaya tayo ‘pag labas natin doon, Percival?” “Siguro hindi.” Pang-aasar niya sa lalaki. Namutla naman ito sa kaniyang sinabi at hinampas siya sa balikat. “Huwag ka nga magbiro ng ganiyan ‘pre. Nananakot ka, eh.” Ningisihan lang niya si Magnus pero ang totoo, kinabahan siya sa Bundok ng Kamatayan na sinabi ni Eulalia. “Anong naghihintay sa Bundok ng Kamatayan maliban sa halimaw at demonyo?” Lumingon sa kaniya ito at lumapit. Isang dipa ang layo nito sa kaniya nung huminto ito. Para naman huminto din ang t***k ng kaniyang puso. Hay, putangina talaga nitong puso niya. Umibig na yata! Hindi lang ito simpleng gusto pero pipigilan niya ang sarili at hindi pwedeng magmahal siya ng babaeng mas matanda sa kaniya ng libu-libong taon. “Doon, sa bundok na iyon, hindi lang kamatayan ang makakasalubong natin kundi pati sarili niyo.” Nagtatakang napatingin sila sa isa’t isa. Sarili? Nagbibiro ba ito? “Susubukan kayo ng Bundok na iyon kung ano ang tunay niyong motibo sa Pusod ng Asticus. Susubukan nito ang inyong pagkakaibigan at pagsasamahan. Hindi lang halimaw, o demonyo, kundi sarili niyo ang kalaban niyo. Malalaman niyo ang sinasabi ko ngayon kapag dumating na tayo doon at kahit gusto ko man kayong samahan, malabo. Malabo dahil walang araw sa bundok na iyon at alam niyong nasa ilalim ako ng sumpa ni Barthram tuwing gabi.” Kinabahan sila sa narinig. Paano kung hindi nga sila makalabas sa bundok ng kamatayan? Anong gagawin nila? Ang hirap ng sinabi ni Eulalia. Wala itong matinong sinabi. Lalo na ngayon na hindi niya pwede gamitin ang efuanti. Anong panlaban nila sakali sa mga halimaw? Malaking tulong si Eulalia sa kanila dahil ito ang nagmistula nilang proteksyon. “Kumuha kayo ng mga prutas na baunin niyo sa Bundok na iyon. Kailangan niyo ng pagkain.” “Wala bang ibang daan?” kunot-noong tanong niya. “Kung meron man, hindi niyo kakayanin. Ordinaryong tao lamang kayo. Sige, maghanda kayo at kumuha ng makakaya niyong dalhin. Sapagkat, aalis din ako ‘pag sapit ng kadiliman.” Lihim siyang napabutong-hinga. Mukhang seryuso nga ang babae sa sinabi nito at humarap siya kay Magnus. Pinaakyat niya ito ng puno at sinunod siya nito. tatlongg prutas lang ang kaniyang dadalhin at hindi naman siya masyadong gutumin. Sanay ang kaniyang sikmura na hindi kumain ng tatlong beses. Tubig lang ay sapat na para sa kaniyang sikmura. BUNDOK NG KAMATAYAN. Sabay-sabay silang napalunok nang lumitaw sa kanila ang bundok. Foggy ito at wala silang masyadong nakikita kahit hindi pa naman gabi. Tiningnan ng maigi ni Percival ang paligid ng bundok at nakikita niyang kamatayan nga talaga ang naghihintay doon. Maliban sa hindi niya gusto ang hangin na nalalanghap, hindi niya rin gusto ang ere at ang katahimikan ng buong paligid. Kung sakaling mabubuhay pa sila paglabas sa bundok na ito, hahalikan niya talaga si Eulalia. Natawa siya sa sariling naisip. Mahihirapan talaga ang babae na kalimutan siyang kalimutan kapag nahalikan niya ito sa labi pero siyempre hindi niya ito gagawin lalo na at gwapo siya. mataas din ang kaniyang standards pagdating sa babae. Sinong niloloko mo Percival? Sarili mo ba? Nagkibit siya ng balikat at pinilig ang ulo. Dapat niya munang isipin kung paano sila makakaligtas sa gabing ito sa bundok na ito. “Mag-ingat kayo. Hihintayin ko kayo sa dulo ng bundok kung sakaling makalabas man kayo pero alam kong makakalabas kayo. May tiwala ako sa ‘yo, Percival.” Tumingin sa kaniya si Eulalia at matagal siyang tiningnan sa mata. Para bang binabasa ang kaniyang isip. “Ano kung may tiwala ka sa ‘kin?” tiningnan niya lang ang babae. Hindi ito sumagot pero ngumiti ito saka tumingin sa kanilang lahat. “Magpapaalam na ako. huwag na huwag niyong gamitin ang efuanti. Alalahanin niyo ang mangyayari kapag ginamit niyo ito lalo na at alam ni rin ni Barthram ang lahat. Kaya mag-iingat kayo, Percival Pierce, Magnus Jade, Reedrick at Athena. Alam kong matatapang kayo at kaya niyo itong lutusan. Gamitin niyo itong gasera.” May binigay ito sa kanilang dalawang gasera. “Pagpalain kayo ng langit.” Saka yumukod sa kanila si Athena at biglang nawala. Puta! Hindi pa siya nakapagpaalam, nawala agad ito. Napatingin sila sa langit, nawala na ang liwanag at napalitan na ito ng gabi. Mabuti na lang at may iniwan sa kanilang gasera at ito ang gagawin nilang liwanag sa bundok na ito. Dahil hindi siya matakutin, mabilis kay Percival na maunang maglakad papasok sa matayog na bundok. Bahagya pa siyang napapikit at agad na napatakip ng ilong. Ang sangsang ng amoy! Hindi kayang langhapin ng sistema niya. Parang nabubulok na laman ng tao at hayop. “N-nakakatakot naman ang bundok na ito. Hindi yata tayo maabutan ng isang oras dito.” Napangiwi si Magnus at napakapit sa kaniyang braso. Panay ang lingon nito habang si Reedrick ay nasa likuran ni Athena. Matatakutin ang pinsan niya pero hindi kasing-bahag ng buntot ni Magnus. Ang ipinagtaka lang ni Percival ay kung bakit may mga nakataas na parang watawat sa paanan ng bundok. Kulay pula ang mga watawat na nakatayo at may simbulo ito na parang ahas at hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. Napahinga siya ng malalim. Hindi pwedeng hindi sila maging handa. Wala na si Eulalia sa kanilang tabi, isama pa ang hindi niya pwedeng gamitin ang efuanti. Nakailang hakbang pa lang sila nang maamoy nila ang napakasangsang na amoy! Sa sobrang sangsang niyon, halos mahilo sila sa amoy. Dala ng hangin ang amoy at mukhang hindi sa isang hayop ang amoy na ito, kundi galing sa mga naagnas na katawan. Mas malala ay baka inuuod pa! Napakuyom siya ng kamao. Wala ba talagang ibang daan para pumunta sa pusod ng Asticus? May balak yata talaga si Eulalia na ipapatay sila sa bundok na ito. Habang si Eulalia ay marahan napabutong-hinga. Nasa isang silid na siya kung saan siya nag-iibang anyo at nagiging halimaw. Isang nakakatakot na halimaw na kahit sarili niya ay kaniyang kinakatakutan. Hindi niya gusto ang maging halimaw pero dahil ito ang kapalit ng pagkawala ng efuanti sa pangangalaga niya at sa sumpa na ginawad sa kaniya ng itim na kapangyarihan ni Barthram. Gabi na sa labas at siguro sa mga sandaling ito, pinapanalangin ni Eulalia na makakaligtas ang mga ito. Tanging si Percival at mga kasamahan na lang nito ang makakatulong sa kanila na mapalaya ang mundong ito. Oo, isa siyang halimaw sa gabi at ang kontrolin ang kaniyang sarili kapag nakakaamoy siya ng Asticians at tao ay hindi niya magawa. Kumakain siya ng tao, hayop at lahat ng mga buhay na laman sa ganitong porma kahit ayaw niya, wala siyang magagawa. Katawan niyang halimaw ang naghahanap ng laman at lahat ng binibigay ni barthram, kinakain niya ito. Sa tuwing ginagawa niya iyon, pinagtatawanan siya ni Barthram. Sinubukan niyang kaiinin si Barthram noon pero may kapangyarihan ito na hindi niya kayang kalabanin. Sa tuwing susunggaban niya ito kapag pumasok ito sa silid na pinagkulungan sa kaniya, lagi siyang napapabaluktot sa sobrang sakit. Minsan, binabali ni Barthram ang kaniyang mga buto at sinusunog ang kaniyang balat. Delikadong tao si Barthram. Marami na itong pinatay na kauri niya noon at marami na rin itong pinatay na Asticians. Hindi basta-bastang nilalang si Barthram at mahirap itong kalabanin kaya nakakapagtaka kung bakit pinakawalan ni Barthram si Percival Pierce at ang mga kaibigan nito matapos siyang mapatulog ni Percival sa pamamagitan ng efuanti. Hindi niya alam ang plano noon ni Barthram pero ngayon ay nakuha niya na kung ano ito. Marunong sumunod sa usapan si Barthram. Kahit hindi nito gusto, kapag nagbigay ito ng isang salita, ginagawa nito dahil ito ang kahinaan ni Barthram. Pero matalino ang demonyong ito. Hindi ito agad nalulusutan. Tanging si Percival at ang mga kasamahan lang nito ang nakawala. Hindi pwedeng mapunta sa kamay ni Barthram ang bato at oras na mangyari iyon, tuluyan ng mawawasak ang mundonalag ito at gagawa ng bagong mundo si Barthram kung saan, lahat ay alipin sa kapangyarihan nito. Kung sabagay, walang alam nung una si Barthram na hawak ni Percival Pierce ang itim na kristal. Pero siya, alam niya na ito. Unang kita pa lang nila ay alam niya na hawak ni Percival ang batong matagal niya ng hinahanap at pinatago niya noon sa kasamahan niya sa pagbabantay ng efuanti. Si Aritmoen. Alam niyang si Percival ang apo ni Aritmoen. Si Aritmoen at Atmoran ay iisang tao. Bago umalis sa Asticus si Atmoran, tinago nito ang Jorion sa kapangyarihan nito at pinalabas nito sa lahat ng Asticians na namatay ito para walang magtataka o magtatanong. Pero ang totoo, si Atmoran ay nagpunta sa ibang dimensyon. Mundo ng tao para doon itago ang efuanti. At ngayon nasa kay Percival ito, marahil patay na si Atmoran. Siguro, tadhana na rin at panahon na rin para maibalik ang balanse sa mundong ito. Nung una, natakot siya na baka masira ni Barthram ang efuanti dahil muntikan nitong maangkin ang kristal. Nabawi niya lang ito at kasunod niyon ay ang pagsumpa nito sa kaniya. Hindi na rin niya naproteksyunan ang sarili dahil wala na sa kaniya ang efuanti at doon nagsimula siyang naging Lamhua. Kapag naibalik na ang efuanti sa kaniyang kinalalagyan, mababalik na rin ang buong kapangyarihan niya at mawawala na ang sumpa. Kapagkuwan ay napatingin siya ng bumukas ang pintuan at may pinasok doon na isang Asticians doon si Barthram. Nanlaki ang kaniyang mata nang makitang si Nede ito! “Kainin mo ‘yan!” Napaatras siya. hindi niya magawang kainin si Nede pero ang kaniyang halimaw na katawan ay napakahirap na kontrolin. Nanubig ang kaniyang bagang! Ayaw niya. Pero nagsilabasan ang kaniyang mahabang pangil lalo na nung dinagdagan pa ng isang batang asticians ni Barthram. “Mahal namin Eulalia…” Napailing siya. Namumuo ang luha sa kaniyang mata. Ayaw niyang kainin si Nede pati ang isang bata pero mas malakas ang pagiging halimaw niya… Ang kontrolin ang kaniyang sarili ay napakahirap na gagawin. NAPAHAWAK si Percival sa kaniyang ulo. Bigla itong sumakit at nahihilo rin siya. f**k! Napansin din niyang kumapal ang fog. Wala silang nakikita. Kung wala silang lampara baka pati ang kanilang nilalakaran ay hindi na nila makikita. “Anong nangyayari? Napansin kong kumapal ang fog.” Nag-alalang saad ni Athena. Panay lingon ito at nasa tabi niya ang babae. “Hindi ko alam. Masakit din ang ulo ko. parang mabibiyak.” Napangiwi siya. Napaluhod sa sobrang sakit. Nataranta naman si Magnus at Reedrick. Mabilis siyang dinaluhan ng dalawa at pinaupo ng maayos. Nilapit sa kaniya ang lampara at tiningnan ang kaniyang mata. “Percival! Namumutla ka!” Si Magnus na sinipat-sipat ang kaniyang mata. “Gagi. Mainit na mainit ka rin!” nataranta si Reedrick. “Huwag kang magkasakit at magkalagnat insan. Gagi ka! Hindi pwede sa bundok na ito lalo na at ikaw ang leader namin. Please huwag kang mamatay!” Sinapak niya ang lalaki pero hindi kalakasan iyon. Nanghihina rin siya. Namamanhid ang kaniyang kamay. Mas lalo rin kumapal ang fog at mas naging mabigat ang kaniyang paghinga. “T-teka… nahihilo yata ako…” Hindi niya na nakita ang pagtumba ni Athena. Kung hindi naging mabilis si Reedrick sa pagsalo rito, malamang ay tumama ang ulo nito sa bato. Naging malamig ang paligid. Naging makapal ang fog at wala na siyang makita. Tanging naririnig na lamang niya ay boses ni Magnus na paiyak na. Niyuyugyog na rin nito ang kaniyang balikat pero hindi na kaya ng kaniyang mata. Dahan-dahan na itong pumikit. Ito ba ang sinabi ni Eulalia na sarili nila ang magiging kaaway nila sa bundok ng kamatayan? Paano sila makakalabas kung ganito pa lang sa paanan ng bundok, hindi na nila kaya? Paano niya matutulungan ang mundong ito kung dito pa lang, hindi niya na kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD