Chapter 19 - 12 Fruits

1435 Words
NAHARAP sila sa isang mahabang ilog. Ang sabi ni Eulalia, kailangan nilang dumaan doon dahil wala ng ibang daan papunta sa pusod ng Asticus. Nagdadalawang isip siya pero si Magnus, mabilis itong pumayag sa gusto ni Eulalia. Kinapa muna sandali ni Percival ang kwentas na efuanti at nang masigurong safe ito at ito ang tinuturo ng kaniyang instinct na iyon ang tamang daan, pumayag siya. “Sana hindi ito malalim.” Nag-alangan din si Athena pero lumunok ito ng lakas ng loob. “Pero kahit malalim ito, okay lang, andiyan naman si Eulalia sa ‘tin, ililigtas naman niya tayo.” “Huwag kang mag-alala, Athena, ako ang magliligtas sa ‘yo. Pangako.” Inismiran ito ni Athena at mabilis na tumabi kay Magnus. Hay, kawawang Reedrick. Minsan, tumatalab ang pa-pogi points nito sa babae at minsan naman ay hindi. Pero support niya ang pinsan at mabait naman ito ‘pag tulog. Pero hindi pa sila nakaapak sa tubig, may nakita na silang halimaw na paparating. Puta! “Mga Crugio!” Sigaw ni Eulalia. “Bilis! Sa tubig at pag-aari ko ang tubig. Kaya kong proteksyunan kayo kapag may tubig.” Crugio? Gusto pa sana niyang itanong kung anong klaseng mga halimaw ito pero hinahabol na sila. Nakuha pa niyang titigan ang mga ito ng isang segundo at nakita ni Percival na anyong tao ito pero apat ang paa at apat ang kamay. Dalawa ang ulo at parehong may mga sungay! Mali, hindi ito halimaw. Mga demonyo ito dahil sa pulang mata at pulang usok na lumalabas sa katawan ng mga ito at mahahaba ang dila ng mga ito. “Percival!!!” Doon lang nagising ang kaniyang diwa. Mabilis siyang sumunod sa mga ito pero hindi pa siya nakalusong sa tubig, dinambahan na siya ng isang crugio. Inasahan na ito ni Percival pero hindi na siya papauto, naumang niya sa mukha ng demonyo ang efuanti at sa lakas ng kapangyarihan na nagmula sa efuanti, nasunog ito sa kaniyang harapan. “Percival! Huwag mong gamitin ang kristal, Percival Peirce!” malakas na sigaw ni Eulalia. “Bakit?” takang tanong niya. Hinarap niya sa mga crugio ang efuanti at nasusunog ang mga ito. Bakit hindi pwedeng gamitin ang efuanti kung ito naman talaga ang silbi nito sa una’t sapol pa lang. “Dahil ang efuanti ay hindi dapat pumatay at panangga ng mga halimaw at demonyo. Ang efuanti ay para sa balanse ng mundo at oras na sumobra ang gamit mo sa kristal na iyan, kokontrolin niya ang katawan mo at pati ikaw magiging demonyo. Kaya pumunta ka na rito sa tubig at ako na ang bahala sa inyo!” Natigilan siya sa narinig. Hindi niya alam na ito pala ang disadvantage ng paggamit sa efuanting hawak niya. Mabilis niyang tinago sa ilalim ng kaniyang damit ang kwentas at lumusong sa tubig. Tama nga si Eulalia, kontrolado nga nito ang tubig dahil hindi nakalusong ang mga demonyo. Humiyaw ang mga ito na parang nasaktan nung sumubok ang mga ito na lumusong. Isa nga talagang patibong ni Barthram ‘yong bata kanina na nakikita niya. Pinaglalaruan lang pala nito ang kaniyang mata at kumagat naman siya sa patibong kaya sila nasundan ng mga demonyo na gawa nito. “Hindi nila tayo magagalaw kahit sa ere sila dumaan. Tubig ang aking kapangyarihan at nagagawa kong kontrolin ang tubig kahit saan ko gusto.” “Pero bakit at paano tayo nasundan ng mga crugio, Eulalia?” mabilis na tanong ng pinsan niyang si Reedrick sa babae. Tumingin naman sa kaniya ang babae at ilang segundo ang nagdaan bago ito nagsalita. “Mga demonyo sila at kampon ni Barthram. Nasundan tayo agad ni Barthram nung nahulog si Percival sa patibong na nilagay niya niya ngayon. Ang oso at ang asticians na sinasabi niyang nakita niya.” Hindi kumibo si Percival. Hindi naman siya sinisi ni Eulalia pero pakiramdam niya gano’n ang dating sa kaniya at wala na talaga siyang ibang ginawa kundi ang ilagay sa panganib ang buhay ng lahat. Hay! Putangina, talaga oo. Lihim siyang napabuntong-hinga. Nagsimula na silang maglakad. Hindi naman malalim ang malaking ilog. Hanggang beywang nila ito at may tiwala si Percival na kontrolado ni Eulalia ang tubig. Bumabalik lang sa kaniyang utak ang sinasabi nitong bawal niyang gamitin ang efuanti. Kung bawal gamitin ang efuanti, anong gagawin niyang panlaban kapag may makaharap silang halimaw, demonyo at itim na kapangyarihan sa kanilang paglalakbay? Sa umaga lang nila kasama si Eulalia, pero sa gabi ay hindi at napapansin niya na mas maraming lumalabas na mga kaaway tuwing gabi. Kaya nga sinugod ang Jorion kagabi dahil wala si Eulalia. Baka kung ando’n ang babae kagabi kasama nila, baka hindi tuluyan nakuha ang Jorion. “Percival!” “Bakit?” Napatingin siya kay Magnus sa kaniyang tabi. Nakatingin ito sa kaniya ngayon. “Ang layo ng iniisip mo. Umabot ka na yata ng Pinas.” Ningisihan niya lang ang kaibigan at hindi pinansin ang sinabi nito. Lumingon siya sa mga crugio at ando’n pa rin ang mga ito, hindi makalusong. Galit na galit at halatang gutom na gutom. Gusto silang kainin. Nababahala siya. Kung ganitong may disadvantage ang paggamit sa batong nasa pangangalaga niya, paano niya mapoproteksyunan ang buhay ng mga kaibigan niya, pati ang kaniyang buhay sa mundong ito? Wala siyang kapangyarihan. Isa lang siyang ordinaryong tao na gusto ng makalabas sa mundong ito. Kapagkuwan ay kinuha niya ang iPhone sa kaniyang belt bag at binuksan iyon. konti na lang ang bar. Itinigil niya na rin ang pagbibilang ng araw dahil iba ang galaw ng araw at orasan sa Asticus. Pasekreto niyang kinunan ng larawan si Eulalia nung mag-side view ito at napakaganda ng babae. Para itong isang diwata sa tubig pero alam niyang mas malala pa ito sa diwata dahil isa itong anghel. Wala nga lang pakpak para magpapatunay na isa itong anghel. Gano’n naman ‘di ba? Kinunan rin ni Percival ng larawan ang mga demonyo na hindi makalusong. Ang daming tulong na ginawa sa kanila ni Eulalia at pinagtawanan niya pa ito nung nagiging Lamhua ito kapag gabi. Siguro, kailangan niyang mag-sorry at magpasalamat kay Eulalia. Pero siya itong tipo ng tao na hindi nag-sosoryy. Argh! Bakit ako mag-so-sorry sa kaniya? Muntikan niya kaming patayin din ng gabing iyon nung naging Lamhua siya. Pero hindi niya kasalanan iyon, Percival Pierce. Lalo na at nasa ilalim siya ng sumpa. Gusto mo lang siya at nahihiya kang umamin sa sarili mo iyon dahil baka pagtawanan ka ni Reedrick at Magnus kapag malaman nilang gusto mo si Eulalia. Malditong sagot ng kaniyang kabilang utak kaya napahimutok na lang si Percival. Malungkot na lang siyang napatingin sa babae at binalik sa bag ang cellphone niya. Maingat silang nakalagpas sa kabilang panig ng ilog. Wala naman halimaw at demonyo na naghintay sa kanila kaya nagpatuloy sila sa paglalakad. Tanghali na rin at kung si Percival ang tatanungin, nagugutom na ang kaniyang tiyan. Huminto lang sila nung dumaan sila sa isang malaking kahoy at sobrang daming bunga niyon na iba’t iba ang klase ang sobrang hitik pa! “Teka-teka! Alam ko ang punong ito, ah. Ito ‘yong puno sa langit na namumunga ng iba’t ibang klaseng prutas.” Namangha si Magnus at nakuha pa siyang yugyugin sa sobrang tuwa nito. “Tama ka, Magnus. Ito nga ‘yon. Ang 12 fruits of heaven at pwede kayong kumuha ng prutas ng naayon sa gusto niyong kainin ngayon.” Humarap sa kanila si Eulalia at masuyong ngumiti. Nagkukot naman ang kaniyang kalooban nang makita ang masuyong ngiti ni Eulalia para kay Magnus. Kapag sa kaibigan niya, napapansin niya ang madalas na pagngiti nito, ah. “Kukuha kami, Eulalia!” Kaagad na umakyat si Reedrick sa puno at hindi naman mahirap akyatin ang puno dahil hindi ito kataasan. Nanguha agad ang pinsan niya at una nitong binigyan ang crush nitong si Athena ng mansanas. Tuwang-tuwa naman si Athena at agad na sinalo ang binigay ni Reedrick. Naunang kumagat si Athena at nagliwanag ang mata nito. Pinagmasdan niya ang mga kaibigan niyang masayang kumain kasama si Magnus. Hindi siya kumain, hindi pa naman siya gutom at hindi siya mahilig sa prutas. Nasa isang kapatagan sila at nag-iisang punong-kahoy lang itong nakatayo sa gitna. Maliban doon, wala ng ibang nakikita ng kaniyang mata kundi mga damong walang kabuhay-buhay. “Bakit nagkaroon ng punong prutas ito dito?” baling niya kay Eulalia. Pero ngumiti lang ang babae at hindi siya sinagot. Tinalikuran lang siya nito at kumain ito ng ubas. Nayayamot na nilagay niya sa dibdib ang dalawang kamay at tinalikuran ang mga ito. Nagbabantay siya at baka biglang may demonyo at halimaw ang biglang lumitaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD