Chapter 18 - Kagwapuhang Taglay

1675 Words
Mayamaya pa ay nagtulakan sila kung sino ang mauna sa kanilang tumalon. Kung susumain, nasa lagpas 200 feet ang taas kung hindi mali ang kaniyang kalkulasyon. Pwedeng buhay silang bumagsak, pwede rin na patay na sila pagdating sa ibaba sa sobrang taas. “Hay! Ako na nga mauna. Mga lalaki pa naman sana kayo.” “Athena samahan na kita,” agap na saad ni Reedrick na pinakyuhan lang ni Athena. Walang sabing bumwelyo ito at biglang tumalon. Nagulat silang tatlo at sabay silang pumalakpak ni Magnus nung bumagsak na si Athena sa ibaba at kum. Kaya okay na okay siya kay Athena para kay Reedrick. Bagay ang dalawa maging mag-jowa. Pwede! “Ano Reedrick, sunod ka na!” Sabay tulak niya sa pinsan niya. Napasigaw ito nang malakas sa kaniyang ginawa at sabay silang nagtawanan ni Magnus. “Gago ka talaga, Percival! Ano, sunod ka na.” “Anong ako?” “Bakit sino ba? Alangan naman ako? ikaw muna at titingnan ko kung buhay kang bumagsak sa ibaba.” Binatukan niya ang kaibigan at bigla itong tinulak na hindi nito napaghandaan. “Putangina mo, Percival Pierce!!!” Nagkibit lang siya ng balikat at nung makitang buhay na bumagsak ang kaniyang kaibigan si Magnus. Siya na ang bumwelo para tumalon din at puta! Pakiramdam ni Percival lumabas pati bituka niya at atay sa kaniyang bibig. Sobrang nakakalula. Eksaktong pag-ahon niya sa tubig ay nakita niya ang mukha ni Eulalia. Muntikan siyang atakehin sa puso sa mukha nito na sobrang lapit sa kaniya kaya nahampas niya ang tubig sa mukha nito. para itong multo! Multong napakaganda. Tudyo ng kaniyang utak. “Bakit ka basta-basta lumilitaw sa harapan ko Elsa?!” angil niya sa babae. “Dahil ang tagal mo sa ilalim ng tubig. Inisip ko, patay ka na.” Tiningnan niya lang ito ng masama at agad na lumangoy papunta sa gilid. Alam niyang kay Eulalia itong talon na ito dahil mahilig ito sa talon. Kaso nakakainis lang dahil pasulpot-sulpot ito. “Hay salamat! Akala namin patay ka na Percival. Ang tagal mo sa ilalim ng tubig. Muntikan ka na namin pagtirikan ng kandila ngayon sa tubig. Floating candle ba kaso wala kaming kandila.” “E, kung ikaw kaya ang pagtirikan ko Magnus?” Tinawanan naman siya ng gago niyang mga kasama. Nakarma yata siya sa ginawang pagtulak sa mga ito. Hindi niya napansin na matagal pala siya sa ilalim ng tubig. Baka nagpahinga lang siya saglit sa ilalim at nung napagod bigla siyang lumutang. “Ang tagal mo dumating. Alam mo ba na sinugod ang Jorion kagabi?” tanong niya kay Eulalia nung makaahon na siya sa tubig. Hindi na nagulat si Percival nung biglang nawala ang talon at ang exit way ng lagusan. Nagmistulang malawak na kapatagan ang kanilang nakikita at balik sa una, monochrome ulit ang kaniyang nakikita. Tanging Jorion na lang yata sana ang natirang masayang lugar pero nakuha na rin ni Barthram. “Alam ko. Naramdaman ko ito kagabi pero wala akong magawa. Wala akong kontrol kapag nagiging Lamhua ako at nasa ilalim ng sumpa ni Barthram.” Bahagya naman naawa ang kaniyang puso sa nakitang emosyon sa mata ng babae. Kung tama ang kaniyang nakikita, kalungkutan ito pero wala pala siyang pakialam. Ang gusto lang ni Percival ay maibalik itong efuanti sa dapat niyang paglalagyan para mapalaya na ang mundong ito at makabalik na sila. NAGSIMULA silang maglakbay ulit. May compass na dala si Magnus, binigay raw ito ng matandang Nede. Ayon sa compass ni Magnus, papunta silang south. Napakamot siya sa noo. Kumuha ng tobleron sa kaniyang bag at kumain. Nag-alok siya sa mga kasamahan niya pero si Magnus lang ang kumain. Inalok niya rin si Eulalia. Binigay niya rito ang isang tobleron na 100 grams. Ayaw sana nitong tanggapin pero mapilit si Percival. Nilagay niya s akamay nito ang tobleron at ang isang piraso ay sinubo niya sa bibig ng babae. “Gusto mo ba masak— masarap!” Nagliwanag ang mata nito. Ngumisi lang siya. “Kainin mo ‘yan. Tobleron ang pangalan niyan.” Tumango ito at ngumiti. Puta! Parang nahulog ang kaniyang puso sa ganda ng ngiti nito. mabilis siyang tumalikod at namumulang inayos ang suot ng damit. Parang tanga ‘tong si Eulalia, e. pinapakilig ang kaniyang puso sa ganda ng ngiti nito at ang ngipin ng babae? Ang puti at pantay-pantay pa! “Alam mo, Elsa—” Paglingon niya, kausap na ni Eulalia ang kaibigan niyang si Magnus habang kumakain ang babae ng Tobleron. Masayang-masaya ito pero kay Magnus na nakatingin at masayang sumasagot. Lihim na lang siyang napabuntong-hinga at hindi na pinansin ang dalawa. Sandali kasi silang nagpahinga sa ilalim ng malaking puno. Nakakapagod din ang maglakad ng maglakad. Kapagkuwan ay natigilan si Percival, may natanaw ang kaniyang mata mula sa kalayuan. Isang asticians na hinahabol ng isang malaking oso! Hindi niya na hinintay ang mga kasamahan niya na magsalita, kaagad siyang tumakbo sa asticians na hinahabol ng oso. “Hoy!” Binato niya ng malaking bato ang oso at sapol ito sa ulo. Napahinto ang oso at galit na tumingin sa kaniya. Doon lang napansin ni Percival na isang halimaw ang oso dahil sa haba ng pangil nito at pulang mata. Naglalaway ito at ang haba ng mga kuku at ang balahibo ay yari sa bakal at talim. “S-salamat!” Nanginginig na saad ng isang Asticians. Bata pala ito at mukhang pagod na pagod na sa kakatakbo. Kung hindi lang ito bata, hindi niya na ito tutulungan. Hindi biro lang, siyempre tutulungan niya pa rin ito dahil ito ang kanilang misyon. “Harapin mo ako oso!” Umangil ang oso at kaagad siya nitong sinugo. Pero dahil mabilis at maliksi ang kaniyang galaw, hindi siya agad naabutan ng oso. Gagamitin niya sana ang efuanti pero nung akmang kukunin niya ang kaniyang kwentas, nahampas siya ng oso sa mahaba nitong kuku. Napaigik siya nang masugatan siya sa braso. Sa sobrang lalim niyon, dumugo at nakita niya ang kaniyang laman. “Percival Pierce!!!” Narinig niya ang malakas na tawag ng kaniyang mga kasamahan at napaatras siya. Ang daming kumawalang dugo sa kaniyang kanan braso at masakit pala! Hindi pala siya totally manhid na lagi niyang sinasabi sa kaniyang sarili. Tao pa rin siya at masakit ang natamon niyang sugat ngayon. Puta! Si Eulalia ang mabilis na tumapos sa malaking oso. Isang iglap lang ay hawak na ni Eulalia ang puso ng puso at naging abo ang halimaw nung humarap ito sa kaniya kasunod ang puso na hawak ng babae. Lahat sila ay nagulat maliban sa kaniya. hindi siya nagulat dahil mas masakit ang natamo niyang sugat. Umabot yata ito sa kaniyang buto at naging manhid ang katawan niya. “Ang halimaw na iyon ay may dalang lason sa kaniyang katawan kaya namamanhid ka.” Hindi siya kumibo. Nag-alala na lumapit sa kaniya si Magnus at inalalayan siyang bumangon pero sinenyasan ito ni Eulalia na huwag siyang galawin. Mabilis na umatras si Magnus at tumango. Habang si Percival ay nahihirapan na siyang huminga. Totoo ngang may lason ang halimaw na oso dahil hindi lang katawan niya ang naging manhid, pati na rin ang kaniyang dalawang hita papunta sa kaniyang binti at paa. Putangina! Gusto niyang magmura. Reckless talaga siya minsan at mahilig siyang sumugod nang sumugod kahit hindi pwede. Nag-usap pa lang sila kanina na aayusin niya na itong buhay niya at ito na naman, napasok na naman siya sa ganitong sitwasyon. Minsan, naiinis din siya sa kaniyang sarili kung bakit careless siya pero heto siya, e. Kaya nga siguro Percival ang kaniyang pangalan dahil napakagalaw niya at hindi nag-iisip ng tama. Yumukod si Eulalia at ginanap ang kaniyang kamay. Takte! Pati paghawak nito, hindi niya maramdaman. Namamanhid na rin ang kaniyang kamay at braso pero nakikita niya ang pagbulwak ng mga dugo pati ang kaniyang mga laman na nahiwa. “Huwag kang gumalaw Percival Pierce.” Hinawakan ni Eulalia ang kaniyang brasong may malaking sugat. Napapikit siya sa sakit. pakiramdam ni Percival, naubos ang kaniyang lakas. Nahihirapan siyang huminga pero nung dinantay ni Eulalia ang kamay nito sa kaniyang sugat, nakadama siya ng dahan-dahan na ginhawa. Parang may kung anong anghel ang humawak sa kaniya at bumalik ng dahan-dahan bumalik ang kaniyang lakas. Teka, sandali, anghel nga pala talaga si Elsa the Frozen. Nang magmulat siya ng mata, nakita niya ang dahan-dahan na paghilum ng kaniyang mga sugat. Pati ang manggas ng kaniyang suot at bumalik din na parang hindi siya sinugatan ng oso. Matagal siya bago nakasagot. Hindi siya makaimik. Naiwan sa lalamunan ni Percival ang kaniyang sasabihin. Basta lang siyang nakatitig sa braso niyang gumaling na. nagagalaw na rin niya ang kaniyang kamay at paa. Nawala ang pamamanhid at higit sa lahat magaling na siya. Magpapasalamat sana siya kay Eulalia nang maalala niya ang bata kanina. Mabilis siyang lumingon-lingon at hinanap ng kaniyang mata ang bata pero hindi niya ito mahanap. “Saan ‘yong bata?” “Sinong bata, insan?” Napatingin siya kay Reedrick. “May bata dito kanina na hinahabol ng oso kaya ako sumugod para iligtas sana ito.” Napailing naman si Magnus at Athena. Nasapo niya ang kaniyang ulo. Ano ‘yong nakita niya kanina? Hindi naman siya humithit ng shabu kanina habang naglakad sila. “Magmadali tayo. May hinuha ako na ‘yong nakita ni Percival Pierce na bata na kaniyang tutulungan sana ay patibong lang ni Barthram. Paraan niya ito para malaman kung nasaan kayo.” Napamura silang apat sa narinig. Mukhang naisahan siyia ni Barthram kung gano’n. masyado kasi siyang padalos-dalos magdesisyon sa mga bagay-bagay. Hindi niya inisip na may mga patibong din pala ang mundong ito at nahulog siya sa patibong ni Barthram. f**k! Muntikan pa tuloy nadali ang kaniyang kagwapuhan taglay. Tumayo siya at inayos ang sarili. Hinarap ang mga kasamahan at sumunod sila kay Eulalia, nauna itong humakbang sa kanila. Ngayon mas naging alerto na siya. ilalagay niya sa tamang oras ang biro sa hindi. Hindi na siya mahuhulog sa patibong ni Barthram at kung sakaling meron man, ito na ang mahuhulog sa patibong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD