HINDI makatulog si Percival nang gabing iyon. Panay biling-baliktad siya sa kinahihigaan. Ang daming gumugulo sa kaniyang utak at hindi niya alam kung ano iyon! kaya ang ginawa ni Percival, bumangon at umupo. Nasa pangalawang deck siya. sa ilalim ay si Magnus. Sa kabilang deck naman ay si Athena sa ibaba at si Reedrick sa itaas.
Tahimik na sa labas at wala ng mga Asticians na nagkakasiyahan maliban sa mga ilan sa bantay na nagbabantay sa gabi at nagroronda. Bumaba siya at tinungo ang bintana, para kasing may naghila sa kaniya na sumilip doon. Para siyang tinatawag ng bintana.
Hinawi niya ang makapal na kurtina at binuksan ang bintana. Awtomatikong tumama sa kaniya ang malakas na liwanag ng buwan at ang masarap na simoy ng hangin. Ang romantic! Pwede sa mag-jowa na gustong mag-date at magtitigan buong gabi hanggang sa parehong mamatay.
“Teka, ano ‘yon?” napakunot ang kaniyang noo.
May nakikita ang kaniyang mata mula sa langit. Tinitigan niya ito at pilit binibigyan ng pangalan kung ano ito. Baka isa itong paniki o kaya naman isang ibon sa gabi.
Pero hindi lang ito isa. Naging dalawa ito! Nagulat si Percival. Lumakas ang tahip ng kaniyang puso at parang may bumubulong sa kaniyang teynga na panganib ang kaniyang nakikita!
Ang dalawa ay naging tatlo, naging apat at hindi na niya mabilang!
“Mga Vadra!” Sandali siyang naging tulala. Hindi lang vadra ang nakikita niya, may iba pang halimaw na hindi niya alam ang mga pangalan. Nagsama-sama ang mga ito na sumugod. s**t! Nung bumalik siya sa kaniyang katinuan, mabilis siyang sumigaw ng malakas para magising ang mga tulog mantika niyang kaibigan. “Puta! Vadra!!! Gumising kayo!”
Kaagad na nagising sila sa malakas kong boses. Nasa bahay kami ni Nede kaya eksaktong paglabas namin ng silid, humahangos na lumapit sa ‘min si Nede. Takot na takot ang mukha nito.
“Andiyan si Barthram at nang mga kampon niya! Percival, igigiya ko kayo sa lagusan papalabas sa Jorion na ito at sa dulo ng lagusan ay ang daan papuntang pusod ng Asticus. Si Eulalia na ang bahala sa inyo at alam niya kung paano kayo hanapin. Bilis!”
“Pero Nede—”
“Wala ng pero-pero. Bilis! Nasa aking silid ang daan ng lagusan.”
Napahugot siya ng malalim na hangin at kasunod niyon, narinig niya ang mga hiyawan ng mga Asticians sa labas. Sigawan. Nagkaroon pa siya ng pagkakataon sumilip sa bintana at gano’n na lang ang panghihina ng mga tuhod ni Percival nang makita ang mga Asticians na pinaghihila ng mga Vadra at kitang-kita niya kung paano nilipad ang mga ito sa itaas.
“Hanapin niyo ang apat na bata!”
“s**t!” Napaatras siya at agad na bumalik sa mga kasamahan niya. Boses iyon ni Barthram at pinahanap na sila.
Kaagad silang giniya ni Nede sa silid nito. nanginginig sa takot ang matanda pero pinipilit nitong kumalma sa kanilang harapan kahit ang totoo, gustong-gusto na ni Percival tumulong sa mga Asticians sa labas.
Nasa kaniya ang efuanti. Pwede niyang iligtas ang mga ito tulad nung kung paano niya niligtas ang sarili nila sa mga Vadra.
“Nede, gusto ko silang tulungan. Mauna na kayo at susunod lang ako!”
“Hindi.” Mahigpit siyang hinawakan ni Nede sa braso at hinila siya papasok sa isang lagusan. “Wala ng oras. Marami ang dala niyang mga halimaw. Isa pa, ang efuanti, hindi niya kakayanin ang lakas ni Barthram. Ang tanging magagawa mo lang ay ibalik sa pusod ng Asticus ito at matatalo niya si Barthram. Mababalik ang balanse ng mundong ito at ikaw lang at mga kaibigan mo ang pwedeng gumawa niyon. Ngayon, bilisan niyo! Takbo! Tumakbo na kayo at isasara ko na ang lagusan ito!”
“Nede! Sumama ka na sa ‘min.” Naiiyak na saad ni Athena sa matanda pero umiling ito.
“Hindi pwede. Kayo lang. Bilisan niyo na ang kilos niyo.”
Wala siyang magawa kundi ang naunang pumasok. Sumunod sa kaniya si Magnus at Reedrick. Panghuli si Athena na umiiyak dahil mabilis itong ma-aattach sa isang tao.
Nagpaalam sila sa matanda at malungkot itong ngumiti sa kanila. Sinara nito ang lagusan at isang typical na lupa na lamang ang nakita nila. Tahimik sila pareho. Walang nakapagsalita. Ilang segundo silang gano’n at si Reedrick ang bumasag sa katahimikan.
“Percival…”
Napahugot siya ng malalim na hangin. Gusto niyang bumalik at tulungan ang mga nakatira sa Jorion. Pwede pa ‘yon, e. pwede niya pa tulungan ang mga ito! Sobrang hindi makatarungan itong tumakas sila rito sa lagusan tapos ang mga ito kasama si Nede ay nanganib ang buhay sa kamay ni Barthram.
“Mukhang hindi tama na magpatuloy tayo tapos nangananib sila sa labas. Kasalanan ko yata ‘to.” Gumuhit ang labis na konsensya sa kaniyang mukha nang tumingin siya sa mga ito. Pakiramdam ni Percival, siya ang dahilan kung bakit nakita ni Barthram ang Jorion.
“Ano ka pa ‘pre, huwag mong sisihin ang sarili mo.” Inakbayan siya ni Magnus at tinapik naman ni Reedrick ang kaniyang balikat. “Tayo na at kaya tayo nandito sa lagusan na ito para mahanap natin ang pusod ng Asticus, ‘di ba?”
“Tama si Magnus Jade, pinsan. Kasalanan man natin o hindi kung bakit nakita ni Barthram ang lugar na ito, kailangan na natin umalis at magpatuloy. Tayo na lang ang inaasahan ng mundong ito, Percival.”
“Sumangayon ako kay Reedrick. We need to hurry, dahil hindi lang Jorion. Marami pang iba. This time kailangan mo ng seryusuhin lahat ang mga nangyayari sa mundong ito, Percival. Napapansin ko kasi sa ‘yo na dinadaan mo lang sa biro ang lahat. Kahit nung hinabol na tayo ng mga halimaw at mga paniki sa kweba, parang wala lang sa ‘yo. Kahit nung sa Lamhua, chill ka pa rin though okay naman iyon, pinaparamdam mo sa ‘min mga kaibigan mo na hindi kami dapat matakot. Pero iba ito, e. Buhay natin ang nakasalalay at buhay ng mga tao rito kaya sana maging seryuso ka na.”
Natigilan siya. Tama si Athena. Hindi niya sineryuso ang mga nangyayari rito. parang laro lang kung gano’n. “Sige, simula ngayon seseryusuhin ko na. At simula ngayon, hindi ang tulad ni Barthram ang makakapigil sa ‘tin at hindi dapat masayang ang tulong na ginawa ni Nede. Tayo na!”
Ang lakas ng sigawan ng tatlong kaibigan niya at nag-team cutie ulit sila saka nila binaybay ang lagusan. Hindi sila nahirapan dahil may liwanag ang kanilang tinatahak mula sa mga kristal na nasa tabi. Parang glow in the dark ang set-up.
Siya ang nangunguna habang nakasunod ang tatlo sa kaniyang likuran. Dala-dala nila sa kanilang puso ang lungkot para sa Jorion at pag-asa para sa efuanti na nasa kamay niya. Kailangan maibalik nila ito sa lalong madaling panahon.
Hindi sila tumigil sa paghakbang. Walang kapaguran. Imbes na matulog muna sila, hindi na nila inisip ang bagay na iyon. wala silang karapatan matulog tapos ang mga taga-Jorion aty alipin na ngayon ni Barthram. Sana nga alipin lang, baka ang iba nakain na ng mga demons at halimaw.
“s**t! May nasabi ba sa inyo si Nede kung alin sa dalawang daan na ito ang susunod na papasukin natin?”
Natigil silang apat. Nakaharap sila sa dalawang lagusan at nalilito si Percival kung ang kanan ba o ang kaliwang daan. Dalawang choices pero nakakadugo ng utak.
“Wala, e. Ang sabi niya lang ay pumasok tayo rito at sa dulo ay naghihintay si Eulalia dahil alam niya kung saan tayo hahanapin.” Ganting sagot ni Magnus.
“Gano’n ba? Mahirap na desisyon nga ‘to! Pero tingin ko sa mga pelikula, palaging right ang pinipili.” Mabilis na sagot niya.
“Bakit right?”
Napatingin siya kay Reedrick. “Dahil tama ang right. Right is kanan at kanan is right. Ibig sabihin tamang daan!”
“Hindi-hindi, huwag tayong magdesisyon agad.” Agad na singit ni Athena. “Pilian na lang natin. Vote kung ganon. Majority wins.”
“Call,” sagot niya, “Sino sa kanan?” Nagtaas siya ng kamay. Nagtaas din ng kamay si Magnus pero si Reedrick at Athena sa kaliwa. Ang ending wala pa rin kaya dinaan na lang nila sa pag-ikot ng barya.
Mabuti na lang at may sampung pisong barya siya sa kaniyang bag. Kapag buhay iyon, kanan sila at ‘pag patay sa kaliwa ang tahak nila. Nung hinagis niya na sa ere ang barya, buhay ito na bumagsak sa kaniyang palad kaya nagwagi siya na pumasok sila sa kanan.
“Sure ba talaga ‘tong kanan?” natatakot na tanong ni Athena.
“Oo. Sure ako, magtiwala ka lang. Saka nasa tabi mo ang pinsan kong si Reedrick, hindi ka papabayaan niyan.”
Kinilig naman ang pinsan niya sa kaniyang sinabi. Ngumiti ito ng kimi na parang nahihiya pa.
Kapagkuwan ay humarap siya sa tinatahak nilang lagusan. Marami pa rin kristal sa bawat tabi at umiilaw ang mga ito. Sandali siyang tumigil nang may makita ang kaniyang mata. Isang kristal na kasingtulad ng kaniyang efuanti.
“Tingnan niyo ‘to!” Tinuro niya ang malaking kristal na kasing-itim ng gabi. “Ako lang ba? Parang katulad sila ng efuanti.”
Mabilis na tumingin ang mga ito sa kaniyang tinuro at sabay-sabay na sumangayon sa kaniyang sinabi. Kumuha siya ng maliit na tipak ng batong iyon at nilagay sa bag niya. Wala lang, trip niya lang. Itong lagusan na kanilang dinaanan ay parang lagusan ng mga kristal at iba’t ibang klaseng bato. Ang dami!
Saka sila nagpatuloy matapos kunin ang itim na bato. Lakad lang sila nang lakad at pakiramdam nila, ang haba. Walang katapusan. Paulit-ulit sila at pabalik-balik sa kanilang daraaanan.
Paano niya nasabi? Nakita nila ulit iyong batong kinunan niya. Napakamot siya sa ulo. Mukhang mali ata ‘tong daan na pinili niya, a. Mukhang sa kaliwa nga ang tamang daan.
Kaya ang ginawa niya, bumalik sila sa kanilang dinaanan at doon sila sa kaliwa dumaan. Ito ‘yong binubulong ng guts ni Percival pero hindi niya ito pinansin. Mas pinili niya ang kanan at mali nga ang kanan.
Mga tatlong oras din silang naglakad bago nila narating ang dulo. Paano nila nasabing dulo? Narinig nila ang lagaslas ng tubig.
“s**t! Talon pala ito.” Napatanga si Magnus.
Napatingin sila sa ibaba, napakataas na talon at kakasikat pa lang ng araw. Ibig sabihin, buong gabi silang naglakad? Kaya pala, hindi sila nakaramdam man lang ng antok.
Malakas ang pagbagsak ng tubig sa ibaba. Tumingin siya ng posibleng daanan nila kung paano sila makababa pero walang ibang daan. Kailangan nilang tumalon pababa. Puta!