Ilang sandali pa ay inasikaso na sila ni Nede kahit wala na si Eulalia. Umalis na ito at hinayaan si Nede na asikasuhin sila. Pero iba ang kay Percival, siya ang namili ng kaniyang susuotin. Isang kulay puti na long-sleeve ang kaniyang napili. Partner niyon ay isang red open coat. Pulang sinturon, black breeches at brown boots na may pulang laso. Sa kaniyang kamay ay may suot na black compression at may nakatali na puting tela sa kaniyang dalawang braso.
Sa gilid ng kaniyang sinturon, nakakabit ang maliit na bag na yari sa balat ng hayop. Doon niya nilagay ang natirang tobleron niya at cellphone. May suot din siyang kwentas at sa gitna niyon, pwede roon ilagay ang efuanti. Tinago niya ito sa loob ng kaniyang damit.
Ang kaniyang buhok ay bahagya niya itong ginulo papuntang gilid at bumagay ang tatlong piercing niyang suot sa teynga. Fantasy outfit ang datingan niya! Pati ang matandang Nede ay napahanga sa napili niyang kasuotan.
Kay Magnus at Reedrick, simpleng Jirken na kulay asul at itim at black breeches ang suot ng mga ito na pinaresan ng puting damit sa ilalim ng jirken at brown boots. Napa-high five pa sila sa isa’t isa nang makita ang kanilang mukha sa malaking salamin kristal. Nakuha pang mag-selfie ni Magnus at hindi pa sila nakontento, sinama nila ang matandang babae sa picture. Nagulat ang matanda pero hindi na ito nagkomento pa nung makita nito ang mukha sa cellphone.
Hinintay na lang si Athena na lumabas mula sa pagpapalit nito ng damit. Nung lumabas ito, halos bumagsak na ang mundo ni Reedrick. Bagay rin kay Athena ang damit na napili nito. Kulang na lang sa kanila ay sandata pero dahil ang sabi ni Zede, hindi na nila kailangan iyon dahil nasa kanila ang kristal na itim.
At tulad ng napagkasunduan, mga damit nila at bag ang pinampalit na bayad. Sinama rin ang flashlight nila at helmet. Ang natira lang sa kanila ay ang kanilang cellphone dahil ayaw ni Nede. Mas okay rin iyon, importante ‘tong iPhone niya kahit wala itong connection. Marami siyang mga games doon. Hindi pa lang niya nagagalaw ito dahil sa bilis ng mga pangyayari.
“Maganda na ang mga suot niyo, pwede na kayong makipaghalubilo sa mga Asticians sa labas.”
Nagliwanag agad ang mata ni Magnus at ito na ang naunang lumabas. Nag-vlog ang gago sa cellphone nito at hinayaan niya ang kaibigan. Sumunod na lumabas si Athena at Reedrick. Siya lang ang nagpaiwan. May itatanong siya kay Nede.
“Ayaw mo ba lumabas at makita ang kagandahan ng Jorion sa gabi, Percival?”
Mabilis siyang umiling. Aanhin niya ang ganda ng Jorion? Mas maganda si Eulalia sa gabi. Natawa siya nang maalala ang nakakatakot ang hitsura nito.
“Nasabi ko na ba sa ‘yo Percival na marunong ako magbasa ng isip?” Tumingin ito sa kaniya, nasa counter ito at nakaupo. May inaayos na bagay sa kamay. “Nababasa kong pinagtatawanan mo si Eulalia sa kaniyang pagiging Lamhua. Masama iyan Percival sapagkat hindi mo alam ang dinanas niyang paghihirap ngayon. Hindi niya kagustuhan ang kumain ng Asticians o ang mga katulad niyo.”
Nagkibit siya ng balikat. Okay then, sorry. Hindi naman niya gustong tawanan. Natatawa lang siya sa tuwing pumapasok sa utak niya ang pangit na mukha ng babae. Over all maganda naman si Eulalia. Kaya nga gustong-gusto ito ngayon ni Magnus.
“May sasabihin ako, importante ito.”
“Gusto mo ba basahin ko ang isipan mo o ikaw na magsabi?”
Naglinya ang kaniyang kilay. Umupo siya sa isang upuan na nando’n malapit sa may pintuan na yari sa kristal habang nakahalukipkip ang kaniyang kamay na nakatingin dito.
“Sige, ikaw na magsabi. Nambabasa ka ng isip ng may isipan, eh. Privacy iyon!”
Ngumiti na lang si Nede sa kaniyang sinabi at hindi na nagkomento. Hinarap nito ang inaayos na bagay sa ibabaw ng table nito.
“May kilala ka bang tao na nagngangalang Aritmoen? Siya ang lolo ko, at nag-iwan ng efuanti sa ‘kin kahit hindi ko gusto ang batong ito.” Tinuro niya ang kwentas kung saan ando’n ang kristal na itim.
“Aritmoen? Hindi ko kilala ang taong iyan. Pero kung sakaling makita ko ang larawan ng taong sinasabi mo, baka sakaling makilala ko,” anas nito nang tingnan siya, “Nakakapagtaka, paano napunta ang itim na kristal sa iyo at sa mundo niyo pa. Matagal na panahon na hinahanap ito ni Barthram,” sandali itong huminto at binulong ang pangalan na iyon na parang hintakot ito na bigkasin ang pangalan Barthram, “Mabuti at hindi niya nakita ang batong iyan. Payo ko sa iyo Percival, huwag na huwag mong iwala ang batong iyan sa iyo. Protektahan mo iyan na parang buhay mo, naintindihan mo ba?”
“Bakit takot na takot kayo kay Barthram? Hindi naman nakakatakot ang mukha niya, ah.”
Kaagad na sumenyas sa matanda na huwag niyang babanggitin ang pangalan ng kinakatakutan nito. “Basta! Hindi mo alam kung anong klaseng itim na panginoon si Barthram. Sige na, ako ay magsisirado na ng tindahan. Makakalabas ka na. tandaan mo lang ang sinabi ko na huwag mong iwala ang batong efuanti. Nasa pangangalaga mo iyan ngayon at walang pwedeng humawak niyan kundi ikaw lang. Ikaw lang ang pwedeng magdala niyan sa pusod ng Asticus.”
Tumango siya at lumabas sa tindahan nito. Talagang iingatan niya ito dahil gusto pa niyang lumabas sila at bumalik sa mundo. Sasama pa siya sa kaniyang Ama sa America.
Hindi na siya nagulat nang makitang masayang nakikipagsayawan si Magnus at Reedrick sa mga Asticians. Nasa gitna ang mga ito habang si Athena ay nasa tabi lang at nahihiya pa. May naglalaro ng mga iba’t ibang klaseng instrumento at ang mga kabataan na tulad nila ay masaya ng nagsasayawan at sumabay sa tugtog.
Para itong party. Kinayawan pa siya ni Magnus nung nakita siya pero hindi niya pinansin ang kaibigan. Baliw ito, eh. Ang ginawa lang ni Percival umiwas sa kasiyahan. Naglakad siya papalabas at huminto sa isang upuan na yari sa kahoy. Umupo siya roon nung makitang malayo na siya sa kasiyahan.
Kahit suwail siyang anak at matigas ang ulo, nag-aalala pa rin siya kay Perlita. Bukas ay apat na linggong nawala sila. Hindi niya alam kung missing in person ba ang nilagay sa kanila o patay na. Kahit papaano, nag-aalala rin siya para sa buhay ng kaniyang mga kaibigan.
Hindi niya alam kung anong buhay ang naghihintay sa kanila mamaya o bukas. Siguro nga nakaligtas pa sila dahil nasa kaniya ang Efuanti, paano kung wala ang itim na kristal sa kaniya? wala, patay na sila at iyon ay dahil sa kaniya.
Napabuntong-hinga si Percival. Kahit ganito siya, may bahagi ng kaniyang pagkatao na nagsisisi kung bakit sinama niya ang kaibigan at kaniyang pinsan lalo na si Athena. Dapat sa gabing iyon, siya na lang ang nagpunta ng Santague Mountain para siya na lang ang napasok sa mundong ito.
“Pinsan, okay ka lang?”
Napalingon siya kay Reedrick na nagsalita sa kaniyang likuran. May dala itong tasa at binigay sa kaniya iyon. Umuusok pa ang laman niyon at sa amoy pa lang, para itong kape. Tamang-tama! Kailangan niya ng kape.
“Nag-isip-isip lang ng susunod na planong gagawin natin.” Dinala niya sa bibig ang tasa at tinikman ang kape. Tama nga siya, kape ito at napakasarap na kape. Nanunuot ito sa kaniyang ilong at lalamunan ang sarap.
Umupo ito sa kaniyang tabi at uminom ng kape. “Kilala kita Percival. Magpinsan tayo at kahit makapal ang suot kong salamin, kitang-kita kita.”
Natawa naman siya at hindi pinansin ang sinabi ni Reedrick. Dami nitong alam, e. uminom na lang sila ng kape para masaya ang gabi nila rito sa Jorion.
“Naiisip mo si Tita Perlita.”
“Hindi, ah.”
Ngumisi lang si Reedrick at nagkibit ng balikat. “Saka huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit tayo napasok dito pinsan. Wala kang kasalanan. Lahat ay may rason at iyan lang ang maipapayo ko sa ngayon. may rason kung bakit mahilig tayo sa bisekleta. May rason kung bakit tayo nagpunta sa Santague Mountain nang gabing iyon. kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. hindi ka nag-iisa sa laban na ito, kasama mo kami pinsan.”
Napangiti siya sa sinabi ni Reedrick. Matino rin naman pala kausap ito minsan. Ang buong akala niya noon, tatahimik lang ito sa tabi at puro oo sa lahat ng utos ng kaniyang Inang si Perlita.
“Salamat, Reed. Pinsan nga talaga kita.”
Ngumisi naman ito at sabay silang humigop ng kanilang kape. Napatingin sila sa kalangitan. Maraming mga bituin na hindi niya alam ang mga pangalan. Kakaiba ang Jorion na ito at kung si Percival ang tatanungin, gusto niyang manatili muna sila rito ng isang linggo.
“Ayaw mong makisaya? Kanina pa sumasayaw roon si Magnus Jade. Si Athena naman, nakikipag-usap sa mga bata. Ikaw lang ‘yong nandito at nag-iisa.”
“Hindi ko dama ang magsaya ngayon. Pakiramdam ko may mangyayaring masama.”
Umarte naman parang gulat na gulat si Reedrick sa kaniya saka ito tumawa. “Ikaw ba iyan pinsan? Pagkakaalam ko, wala kang pakialam sa paligid minsan. Saka trip mo kapag may masamang mangyayari. Gano’n ka ‘di ba?”
Sinamaan niya lang ng tingin si Reedrick at kung nakakamatay ang titig niya, nangisay na ang lalaki. “Nagdesisyon akong magbago ngayon lang, masaya ka na?”
Nagkibit ito ng balikat at muling uminom ng kape. “Wala naman sigurong masamang mangyayari sa ‘tin dito. Ang saya ng Jorion ‘no? Pero nakakaawa ‘yong mga tao na nasa ilalim ng sumpa ni Barthram.”
“Iyon nga, e. naawa ako sa mga taong naging alipin ng palasyong ‘yon. Gusto ko silang tulungan.”
“At isa na ro’n si Eulalia ‘no?”
“Anong Eulalia ang pinagsasabi mo diyan?” biglang naging defensive ang kaniyang boses. Nilagok niya lahat ang laman ng kape at muntikan siyang napaso. Tinawanan naman siya ng gagong pinsan niya at mas lalong tinukso sa babae.
“Kunwari ka pa. kilala kita pinsan. Alam ko kung kailan ka may gusto sa babae at kung kailan ka hindi seryuso. ‘Yang mukha mong ‘yan, kilalal ko na iyan.”
Hindi siya kumibo. Hindi niya gusto ang babae. Kay Magnus na lang si Eulalia at isa pa, hindi siya pumapatol ng babaeng puti ang buhok at limang libo ang taon.
Ilang sandali pa ay naubos na nila ang kapeng iniinom at tumayo na si Reedrick. Babalik na raw ito sa kasiyahan. Nagkibit lang siya ng balikat. Nagpaiwan siya roon sa kaniyang kinauupuan para namnamin ang kaniyang pananahimik ngayon gabi.
Hindi siya ganitong tipo na tahimik lang sa isang tabi. Siya si Percival at dapat siya na ‘yong nangunguna sa kaingayan do’n sa kasiyahan ngayon pero hindi niya magawa. Mas gugustuhin niyang tumambay dito sa labas.