PANAY siko sa kaniya si Magnus at bulong. Crush daw nito si Eulalia kahit halimaw ito sa gabi. Lima na sila ngayon na magkasama sa paglalakbay. Nakasunod sila sa babae. Tahimik lang si Eulalia at wala rin siyang balak kausapin ito matapos nitong pagtangkaan ang buhay nila, nungkang kakausapin pa ito ni Percival.
“Pre, ang ganda-ganda niya. Nahulog ata ang puso ko sa kaniya.”
“Sa gabi ka mahulog sa kamay niya para sureball ang pagkain niya sa ‘yo gago!”
“Ang harsh mo naman magsalita. Maganda naman si Eulalia, ah. Ang puti-puti ng kaniyang balat at mala-porcelana pa. first time ko makakita ng babaeng putting-puti ang buhok na parang snow. Ang ganda niya talaga ‘pre!”
“Hindi siya maganda, period. Ang pangit-pangit ng kaniyang mukha para sa akin.” At sinabayan iyon ng malakas na tawa.
Sa kaniyang sinabi, biglang lumingon sa kaniya si Eulalia. Nanunuot ang tingin na binigay nito sa kaniya na para bang binabasa ang laman ng kaniyang utak. Aba ay, hindi siya nagpatalo! Nakipaglabanan siya rito ng titigan. `
“Alam mo kung ano ang pangit, Percival Pierce?”
Ngumisi lang siya at tumango. Hinihintay ang sinabi nito.
“Ang pangit ay ikaw. Sagad sa kaibutiran mo ang kapangitan! Bastos ka pa.” At kaagad siya nitong tinalikuran.
Ang lakas naman ng tawanan nila Magnus, Reedrick at Athena. Bahagya siyang napahiya sa sinabi ng babae. Akmang babanatan niya pa ito nang senyasan siya ni Reedrick na huwag na. Sumimangot ang kaniyang mukha at nagkibit ng balikat. Mamaya niya na ito bawian!
“Nga pala, kailangan niyo magpalit ng damit.” Muling huminto si Eulalia at humarap ito sa kanila.
Sayang. Maganda sana talaga ang babaeng ito, halimaw lang. Nakaka-turn off! Ibibigay niya na ito kay Magnus.
“Paano kami magpapalit ng damit, wala kaming dala.” Ganting sagot ni Athena.
“Mamaya, dadaan tayo sa lungsod ng Jorion. Pwede tayong bumili ng kasuotan doon para ipalit niyo sa mga suot niyo.”
“Wala kaming pera.” Siya na ang sumagot.
“Hindi pera ang pambayad dito. Kahit ano ay pwedeng ibayad. Barter kung sa tamang salita. Naiintindihan mo ba ako Percival Peirce?”
Nagkibit siya ng balikat. Tinatamad siya makinig sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Eulalia. Para pa rin itong Lamhua sa paningin niya. Inisin niya kaya ang babaeng ito, hanggang sa umiyak? Natawa siya sa kaniyang isip.
“Anong pwede namin i-barter, Eulalia?”
Gustong humagalpak ng tawa ni Percival sa reaksyon ng mukha ni Magnus. Parang elementary na nagkakagusto sa isang babae. Kadiri nito minsan talaga ni Magnus.
“Kahit anong laman ng bag niyo, o kahit iyang suot niyo. Pwede ipagpalit. Malayo ang Jorion, mga ilang milya pa ang layo at tago ito sa mata ni Barthram. Sekretong syudad.”
“Paano naging sekreto?” takang tanong ni Athena.
“Dahil nung sinumpa ni Barhtram ang Asticus, nailigtas ni Atmoran ang syudad ng Jorion at naitago ito sa kaniyang kapangyarihan pero namatay din siya kalaunan. Hindi niya kinaya.”
“So paano natin makikita ang Jorion kung sekreto ito?” Si Reedrick ang nagtanong.
“Makikita niyo ito. Nagpapakita ang syudad sa mga tao ng katulad niyo.”
Nagsitinginan sila sa isa’t isa at tumango. Okay, sabi nito eh. Ang mahalaga ay mahanap na nila ang pusod ng Asticus, maibalik ang efuanti, at makauwi sa mundo nila. Inisip pa lang niya, natatawa na siya sa reaskyon ng mukha ni Perlita pero alam niyang nag-aalala na ito sa kanilang magpinsan. Huling sakit sa ulo na lang itong ibibigay niya, pinapangako niyang hindi niya na ito bibigyan ng sakit sa ulo dahil sasama na siya sa kaniyang Ama.
JORION.
Nagulat si Percival nang matanaw nila ang isang matayog na syudad. Makulay at maraming mga magagandang bagay ang nakikita ang kanilang mata. Mga masasayang kulay ng mga halaman at bulaklak. Parang paraiso! Ito, ito ang gusto makita ng kaniyang mata. Hindi iyong monochrome kingdom ni Barthram.
“Ang ganda!” sabay na bulas nilang apat.
“Iyan ang Jorion. Maganda, hindi ba? Diyan ang punta natin at sasabihin kong mababait ang mga Asticians diyan. Ituturing niya kayong bisita at pakiusap, huwag na huwag niyong banggitin ang pangalan ni Barthram sa syudad na iyan. Ang pangalan Barthram ay kanilang kinakatakutan at pinaniwalaan na kahit ang pagbanggit sa pangalan nito ay may dalang sumpa.”
“Buti na lang at hindi alam ni Barthram ‘yan?” Ngumisi siya. may naiisip na kalokohan.
“Hindi niya alam pero hinahanap niya ito para sakupin sa malakas niyang sumpa at gawin alila niya.”
“Paano namin masasabi na hindi ka spy?” balik tanong niya. Inaarok ng tingin si Eulalia.
“Spy?”
“Espiya.” Si Magnus.
“Hawak man ni Barthram ang buhay ko kapag gabi, wala siyang makukuha sa ‘kin na impormasyon lalo na at sa umaga, hindi niya alam kung saan ako nagpupunta. Mas malakas pa rin ang kapangyarihan ko sa kaniya kaso nga lang hindi ko magawang proteksyunan ang sarili ko sa sumpa na ginawa niya sa akin dahil wala sa akin ang itim na kristal.”
“Kung ibibigay ko ‘to sa ‘yo, mawawala ba ang sumpa mo?” Pinakita ni Percival ang bato kay Eulalia pero umiling lang ito.
“Kahit ibigay mo pa sa ‘kin ‘yan, hindi ako makakawala sa sumpa. Kinailangan munang maibalagay sa pusod ng Asticus para matalo si Barthram.”
Nagkibit siya ng balikat. Nakuha niya na. Hinarap niya ang mga kasamahan niya. Hindi na lang pinansin ni Percival ang pagpapa-cute ni Magnus kay Eulalia. Bagay naman sa kaibigan niya ang parang asong ulol.
“Handa na ba kayo sa adventure na gagawin natin?”
“Yep! Kahit tatlong linggo na tayong nawawala sa ‘tin. Kawawa naman kasi kung babalik lang tayo sa mundo natin tapos ang mundong ito nakatali sa sumpa.”
“Tama si Athena, Pinsan. Tulungan natin ang Asticus.”
“Oo ‘pre, tulungan natin si Eulalia ko— este ang Asticus.”
Natawa siya sa naging sagot ni Magnus. Nilagay niya ang kamay sa gitna nilang apat. “For the win!”
“Team cutie, for the win!”
Sabay-sabay na nilagay ng mga ito ang kamay sa ibabaw ng kaniyang kamay. napatingin siya kay Eulalia, wala itong kibo kaya tinaasan niya ito ng isang kilay.
“Hoy Lamhua— este Eulalia, ano, kamay mo?”
“Kamay ko?” Natatakang tanong nito. tiningnan ang sariling kamay.
“Bobo naman nito! Ilagay mo ang kamay mo sa ibabaw ng kamay namin para matapos na.” angil niya sa babae.
Hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi. Tinalikuran sila nito at humakbang na ito. Kaya sila-sila na lang ang nag-for the win sweety. Pampalakas nila sa kanilang loob.
“Team cutie!” sabay nilang binaba ang kanilang kamay matapos itaas sa ere iyon ng sabay.
Kinuha niya ang kaniyang iPhone at kinunan ng larawan ang Jorion. Pinaposing niya pa ang tatlo at sabay-sabay nag-say cheese ang mga ito. Hindi nasama sa larawan tuloy si Eulalia dahil ma-attitude ito. Likod lang ang nakuha niya sa babae. Pwede na rin.
Nagpahuli siya sa kanila maglakad papasok ng Jorion. Ewan ba at pakiramdam ni Percival, may matang nakamasid sa kanila o masyado lang siyang nag-over think. Sino naman ang susunod sa kanila kung sakali? Pinagkibit na lang niya ito ng balikat at naniwala siya sa sinabi ni Eulalia na sekreto ang lungsod na ito sa mata ni Barthram.
“ANG GANDA?!” napanganga silang apat nang bumungad sa kanilang mata sa malapitan ang lungsod ng Jorion. Kung maganda ito sa malayuan, mas maganda sa malapitan ito.
Maraming mga Asticians siyang nakikita. Mga bata na naglalaro sa tabing daan. Mga matatanda na masayang nag-uusap at nagtatawanan. Mga babae at lalaki na nagkikwentuhan at masayang nagbibigayan ng mga bagay. Para itong lugar kung saan masasaya ang mga Asticians lang ang pwede.
May mga suot na sumbrero na pahaba ang mga ito sa ulo. Ang mga suot nilang sapatos ay yari sa balat ng hayop. Ang mga damit ng mga ito ay makukulay pero hindi nababagay sa mood ng buong syudad.
Ilan sa mga ito ay may suot na damit na yari sa balat ng hayop, ang iba naman ay yari sa balahibo ng tupa na ginawang wool at nilagyan ng mga kulay. Isa sa napansin din ni Percival, may mga burloloy ang mga Asticians na suot. Mula sa kamay hanggang sa leeg at teynga. Kahit lalaki ay may suot na mga burloloy. Mga bata lang ang wala. Kalimitan sa mga burloloy na nakita niya ay yari sa mga bato at kristal.
“Magandang araw sa inyo!”
Napahinto sila nang salubungin sila ng bata sa kanilang daraanan. Nag-offer ito sa kanila ng isang tinapay. Bigla naman natakam si Magnus at akmang kukunin ito nang tapikin niya ang balikat ni Magnus.
“Baka may lason ang tinapay na iyan, gagi ka.”
Kaagad na lumingon sa kaniya si Eulalia at tiningnan siya ng walang emosyon sa mata. “Walang lason ang mga pagkain ng mga taga-Jorion. Matutuwa ang mga bata kapag tatanggapin niyo ang kanilang iabot sa inyo. Ito ang isa sa paraan nila sa pagbati sa mga bagong dating lalo na at tago ang lugar na ito.”
Okay-okay. Ang haba ng explanation nito, eh. Tatanggapin naman nila ito. Naninigurado lang siya at baka kikisay lang sila bigla at bubula ang bibig. Kaagad niyang kinuha ang tinapay at naunang kumagat. Sumunod din si Magnus at Athena. Si Reedrick, hinintay pa na bumula ang kaniyang bibig.
“Masarap!”
Mabilis na binawi sa kaniya ni Reedrick ang tinapay at inubos sa kaniyang harapan iyon. “Masarap nga! Mas masarap pa yata ito kay Athena ko.”
Isang sapak naman ang nakuha ng pinsan niyang gago sa dalagita. “Bastos mo talagang gago ka!”
“Ito o, mga katas ng limang prutas.” May lumapit naman sa kanilang isa rin bata at may dalang malaking pitsel at mga baso.
Naunang kumuha si Reedrick at nagliwanag ang mata nito ng inumin ang juice. “Tangina pinsan! Ang sarap nitong juice!”
Nag-agawan sila habang si Eulalia ay tahimik lang na nakatingin sa kanila. Paminsan-minsan ay ngumingiti ito sa kanila na parang masaya sa reaksyon ng kanilang mukha.
Para silang mga bata na masayang kumakain ng tinapay at umiinom ng juice. Masasabi ni Percival na napakasarap ng mga pagkain na binigay sa kanila. Siguro mga sampu rin ang naubos niyang kainin bago siya nagsabi na busog na busog na siya.
Ang saya naman pala rito manirahan, eh. Dito na lang kaya sila magkaibigan? Kakapagod din maglakbay ng ilang kilometro. Dalawang milya rin ang nilakad nila para lang makita ‘tong Jorion na ito at sobrang napagod talaga sila sa paglalakad. Okay sana kung may biseklita silang gamit, kahit isangdaan milya pa ang gawin nila. Lakad lang ang kanilang ginawa kaya halos mag-abot ang dila at paa niya.
Mayamaya pa ay dinala sila ni Eulalia sa isang malaking tindahan. Pumasok sila roon. Bumati sa kanila ang isang matandang babae Asticians na nagbabantay roon. Nung makita nito si Eulalia, nagliwanag ang ngiti nito at mabilis na yumukod sa babae.
“Masaya ako at muli kong nakadalaw sa tindahan ko, mahal namin Eulalia.”
Ay wow? Kaharian ang treatment? Gusto niyang matawa pero pinili pa rin ni Percival maging seryuso lalo na at nasa Jorion sila. Hindi sila taga rito at baka bigla silang ibenta nitong si Elsa at tuluyan silang hindi makalabas sa Asticus. Sayang naman ang kaniyang kagwapuhan kung gano’n.
May kalakihan ang tindahan. May nakikita sila roon na mga sandata at ilan ay mga damit. May mga naka-display na hindi niya alam kung anong pangalan at para saan ang mga iyon. Siguro souvenirs at bibili siya nito sa susunod ‘pag may pera siya.
“Ako rin. Matagal na rin akong nakabiseta sa Jorion lalo na at alam niyo kung ano ang nangyari sa ‘kin. Pero sa ngayon, masaya ako Nede at nakabalik ako rito at makita kayong lahat na masaya.”
“Ngunit hindi tulad noon na saya. Nalulungkot ako para sa mga Asticians na naging alipin at alila.” Napabuntong-hinga ito pero kaagad din ngumiti nang makita sila na kasama ni Eulalia. “May mga kasama ka pala mahal namin Eulalia. Kung tama ako, mga mortal ang mga batang ito.”
“Hindi na kami mga bata, tanda.” Siya ang sumagot at napahalukipkip ng kamay sa harap ng matanda. “17 na ako at binatilyo na, hindi na bata. Kung gusto niyo, Percival ang itawag niyo sa ‘kin. Percival the great-great Percival!”
Natawa naman si Nede sa kaniyang naging sagot. “Pasensya na at natawag ko kayong mga bata. Sige, simula ngayon ay tatawagin kitang Percival the great.”
Ngumisi naman si Percival sa narinig. Iyan, napakaganda sa pandinig! Parang binabayaw ang kaniyang pangalan sa kaniyang teynga. Bagay na bagay!
“Ano pala ang mga pangalan niyo para hindi ko kayo matawag na mga bata?” Muling tanong nito sa kanila.
Mabilis naman nagpakilala si Magnus. Mayabang itong nagpakilala. “Magnus Jade Bautista. Disi-syete na ako at matalik na kaibigan nitong si Percival Pierce. Pareho kaming gwapo, ‘di ba, ante? Pareho rin kaming magaling sa bisekleta at parehong black sheep ng pamilya.”
Sinamaan niya ng tingin si Magnus pero tinawanan lang siya nito. Anong pareho silang gwapo?
“Ako naman si Reedrick Lauron. 16 years old ako at crush na crush ko itong babaeng katabi ko, si Athena. Kaso ayaw niya sa ‘kin o sadyang ayaw niya lang sa nerd na gwapo pero kahit ganoon, mahal na mahal ko pa rin siya at hindi magbabago ang pagtingin ko sa kaniya kahit anong tulak niya sa ‘kin. Pinsan pala ako Percival Pierce, sa father side niya.”
Namula naman ang magkabilang pisngi ni Athena sa sinabi ni Reedrick habang nagkantiyawan sila ni Magnus. Ang hype talaga ng pinsan niya! Nagiging matapang at hindi na torpe simula nung nandito na sila sa Asticus. Ano kaya ang nakain nito at masyado itong showy ngayon sa nararamdaman sa babae? Dati, kulang na lang itulak niya na ito sa putikan o sa kumukulong tubig, hindi pa rin ito aamin na may gusto ito kay Athena.
“At ikaw ineng?” baling ni Nede kay Athena na namumula pa rin.
“Athena Vara po. 16 years old din po ako at mga kaibigan ko sila maliban diyan kay Reedrick!” Inirapan nito ang pinsan niyang ulupong.
Natawa naman ang matandang babae at pumalakpak. Halatang masaya nga sa kanilang presensya. Kaya ito naman ang nagpakilala sa kanilang lahat.
“Tawagin niyo na lang akong Nede. Limang daan na ako at huwag kayong mahiya sa ‘kin. Ang kasama niyo naman ay si Eulalia Fera. Kung tatanungin niyo ang kaniyang edad, sasabihin kong nasa limang libong taon na siya.”
Pareho silang nagulat sa narinig. Napatanga sila at sabay na napatingin sa babae. Seryuso lang itong nakatayo sa isang tabi at walang kangiti-ngiti. Nasa isang bagay ito nakatingin na naka-display sa isang shelf.
Mabilis siyang lumapit sa babae at pinaharap ito sa kaniya. sinipat ang magandang mukha nito. kung buhok ang pag-uusapan, maniniwalla si Percival, puti na lahat, eh. Pero kung mukha? Para lang itong kasing-edad niya. Ang bata pa nitong tingnan. Grabe sa limang libong taon. Hindi pa ito namatay?
“Alam mo Percival Pierce, isa akong nakakataas na anghel at kaming mga anghel ay hindi namamatay. Immortal kami kung iyan ang gusto mong malaman. Ngayon, pwede bang umalis ka na sa harapan ko at masyado kang brusko at presko para sa ‘kin?”
Humagalpak ng tawa si Magnus at Reedrick pero agad din nagseryuso nung samaan niya ng tingin ang dalawa.
“Nede, pwede bang palitan mo ang mga damit nilang suot? Huwag kang mag-alala, alam nila ang basehan ng kabayaran dito sa Jorion. Sadyang hindi kami pwede maglakbay na ganiyan ang suot nila at mahahalata sila ng ibang lahi at halimaw na mga mortal silang tao.”
Tumango ang matandang babae at lumapit ito sa kanila. Sinipat ang kanilang suot. Habang si Eulalia ay nagpaalam na sa kanila na ito ay babalik na sa palasyo. Oo nga pala, doon lang napansin ni Percival na malapit ng magdidilim sa labas at magiging halimaw na naman ito.