Chapter 43: Laro

1917 Words

Yakap-yakap pa rin ako sa kaniya nang umalis kami sa kalyeng 'yon. Ang 'di ko alam, pinagloloko lang niya pala ako para mapapayag niya akong mapasama sa birthday celebration niya. Nalaman ko lang na biro lang niya ito nang makarating na kami sa kanila sakay sa kaniyang motorsiklo. Magagalit pa sana ako pero wala na akong magawa dahil narito na kami sa harap ng magulang niya at ang dalawang kaibigan kong lukaret na ipinagkanulo na naman ako. "Hi Catherine, hija. Ikaw ba ang sinasabi ng aking Rj na crush na crush niya raw?" Mula sa kusina, lumabas ang ina niyang may bitbit na juice at espagetti. "Mama naman eh!" Napakamot pa siya sa ulo at nahiyang tumingin sa'kin. Hindi ko naman magawang kumibo pero ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi. Napayuko tuloy ako at 'di ko alam kon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD