Tinatamad na bumaba siya ng hagdanan para tingnan ang kaniyang bisita. Sasabihin niya lang sa admirer niya ngayon araw na may iba siyang mahal at wala siyang balak na magmahal pa ng iba. "Percival anak, nasa hardin ang bisita mo. Sandali siyang lumabas at sinabi niyang doon na lang din siya maghihintay sa 'yo." Lihim na napabuntong-hinga si Percival. Taena 'tong bisita niya, ah. Tinatamad na niya siyang lumabas, papupuntahin pa siya sa bakuran nila sa labas. Sige na nga. Tinungo niya ang pintuan at lumabas doon. Nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa isang bench. Nakatalikod ito kaya hindi niya makilala kung sino ang babae. Maikli ang buhok nito. Hanggang balikat at itim na itim na parang kasing-itim ng gabi. Napansin din niyang maputing-maputi ang balat nito. "Hi, hinahanap mo daw

