Busog na busog na siya pero ang puso niya, ando'n ang hindi maipaliwanag na kahugkaan. Hay, namimiss niya na si Eulalia pero hindi pwede. Hindi pwede niyang i-miss ang isang taong wala na. Tangina naman kasi! Saan ba kasi pwedeng maghanap ng pamalit kay Eulalia? Sa dami-daming babae sa campus, wala siyang makitang pamalit sa babae. Nag-iisa lang ito sa puso niya at nasasaktan siya sa isiping hindi niya na kailanman makikita ito. "Hoy, Percival!" Binato siya ni Magnus ng patatas na maliit. Mabuti at mabilis ang kaniyang kamay para saluin iyon saka kinain. "Ikaw talaga Magnus ang hilig mong maglaro ng pagkain." pinandilatan niya ito ng mata. Ngumisi lang ito at nagkibit ng balikat. "Ang layo ba naman kasi ng isip mo. Abot mo na ang langit, eh." Inismiran lang niya ang kaibigan at nagpas

