NATAWA silang tatlo nang makita ang larawan nila galing sa Asticus. Simula nung nakabalik sila, mas lalo niyang naging close ang dalawa. Naging close din ang kanilang pamilya at open na open ang mga ito. Apat na buwan na ang nagdaraan at bumalik na sa normal ang lahat. Apat na buwan din bago sila nagkaroon ng lakas ng loob na buksan ang mga kuha niya mula sa Asticus. Pero ang totoo niyan, nauna ng pinagmasdan ni Percival ang mga larawan nila sa Asticus. In denial lang siya lalo na sa larawan nila ni Eulalia na sa tuwing tinitigan niya, sumasakit ang kaniyang puso na puntong iiyak sa sobrang sakit. Gabi-gabi niya ito pinagmamasdan. Pina-develop niya pa ang mga picture nila at tinago ito sa ilalim ng kaniyang kama. Tanging picture lang nila ni Eulalia ang kaniyang pinagmamasdan at pagkata

