Parang gustong lumubo ng kaniyang utak. Hindi siya ang lalaking madaling matakot pero sa mga sandaling ito, sa mukha palang ng mga humahabol sa kanila… gusto ng manginig ang kaniyang mga tuhod. Gagi! Hindi sila pwede mamatay sa mundong ito.
Panay sigaw si Magnus sa tabi niya. Halos marindi na ang kaniyang teynga sa lakas ng sigaw nito. Panay tawag ito ng ‘Mama’!
“Pericval!”
Napatingin siya kay Reedrick. “Mamatay na tayo rito!”
“Gago!” galit na sagot niya. Hindi sila mamatay sa lugar na ito. Pero sa kamalas-malasan nga naman, nabundol ang kaniyang paa sa maliit na bato dahilan para gumulong siya sa ibaba. Mabuti at hindi ito bangin.
Sabay naman na tumulong ang mga kasamahan niya sa kaniya at tinulungan siyang tinayo. Nasa open field na sila at wala sa kagubatan. Nawala rin ang humahabol sa kanila.
Nagpalingon-lingon sila sa isa’t isa. Napapatanong pero walang makuhang sagot. Nagsiksikan sila sa isa’t isa. Abut-abot na rin ang kanilang hininga. Ang tagaktak ng pawis nila ang magpapatunay na nasa bingit sila ng kamatayan.
“A-ano ‘yong humahabol sa`tin?” Nagpunas ng pawis si Magnus. Parang kanina lang ay hindi ito panay sigaw ng Mama.
“Hindi ko rin alam. Parang mga nilalang galing sa impyerno.” Hapung-hapo na sagot ni Reedrick.
Panay lingon sila sa paligid. Nagtago rin ang buwan sa kalangitan kaya walan silang masyadong naaninag. Tangina! Kung kakainin sila sa lugar na ito, goodbye handsome face na talaga siya. Hindi na nga siya nakapag-skin care, madadali pa ang kaniyang kagwapuhan.
Kinuha niya ang cellphone sa bag. Mas mabuting mag-video muna siya bago mamatay sa mundong ito. Eulogy niya muna bago patay. Pero hindi niya pa nakuha ang cellphone sa bag, biglang lumitaw ulit ang malaking buwan sa kalangitan at kasabay niyon ang pagliparan ng mga pangit ng nilalang na galing sa impyerno!
Napasigaw sila! Pero nakuha ng efuanti ang kaniyang atensyon. Umiilaw ito. Tama! Baka may maitulong ‘tong efuanti. Kaagad niyang kinuha ito sa bag at itinaas iyon. Bahala na si Batman!
“Mamatay kayo!!!”
Napasinghap ang mga kasamahan niya kasama na si Percival do’n. Nagliwanag ng malakas ang kristal na hawak niya at lahat na natamaan niyon na mga nilalang ay napasigaw sa sakit saka nagsibagsakan sa lupa. Nangingisay ay naagnas.
“s**t!” Napaatras siya.
“Ang cool! Ako naman pre!”
“Huwag kang epal, Magnus!” galit naman na sita ni Athena. “Mamatay na nga tayo, bida-bida ka pa rin.”
Hindi pinansin ni Percival ang pag-aaway ng dalawa. Nag-focus siya kung paano maubos ang mga ito. Ngayon, naniniwala na talaga siyang may kapangyarihan ang batong pinamana sa kaniya ni Tanda.
Pero hindi rin gano’n kadali. Nakipag-agawan siya ng pwersa sa mga ito. Malalakas ang mga nilalang at pakiramdam ni Percival, nauubos ang kaniyang lakas. At sa muling pagtago ng buwan, nawala ang mga nilalang.
“s**t! s**t!” muli silang nagdikit-dikit. Hinihintay ang muling pagsalakay ng mga ito.
Mabuti na lang at nasa kaniya ang efuanti. Hindi niya ito nawala o kaya tinapon noon. Salamat sa aguelo niya at kung hindi sa bato nito, baka naging sandwich spread na silang magkakaibigan.
Lumitaw sa pangalawang beses ang buwan. Hinanda niya rin ang sarili pero wala na ang mga ito. Napahinga sila ng maluwang. Sabay-sabay silang napa-high five sa isa’t isa sa tuwa. Akalain mo ‘yon, sa daming nangyari sa araw na ito, buhay pa rin sila. Aba’y marunong talaga mamili ang kamatayan. Pangit ang inuuna nito. Ligtas siya, gwapo siya, eh.
NAG-UNAT NG KAMAY si Percival at dahan-dahan nagmulat ng mata. Napamura siya at napasubunot sa buhok. Nasa Asticus pa rin sila. Nauna siyang tumayo at naghanap ng tubig. Kating-kati na siyang maghilamos at maligo.
Nagkibit siya ng balikat nang sulyapan niya ang tatlong kumag na mahimbing na natutulog. Naglalaway pa si Magnus at naghihilik. Kung sabagay, sa nangyari kagabi, sinong hindi maghihilik sa pagod?
“Tangina! Saan ba ang tubig dito at kanina pa ako gustong maligo?” Naiinis na tanong niya sa kaniyang sarili. Naglakad siya at naghahanap ng ilog.
Kagabi lang, hindi nila alam paano matulog kaya sa gitna ng field sila natulog kung saan ang mga nagkakapalan d**o. Bahala na iyon ang nasa isip nila kagabi. Keysa ang pumasok sila sa kagubatan at kung ano pa ang makita sa loob ng kagubatan. Tinamad na siyang tumakbo.
Napangisi siya nang may makita siyang talon sa unahan. Mga isangdaan metro na rin ang kaniyang nalakad at hindi niya napansin na malayo na siya sa kaniyang mga kasamahan. Pero okay lang, hindi siya bahag ang buntot.
Ito pala ang narinig niyang lagaslas ng tubig kanina. Mabuti at malakas ang kaniyang pandinig kaya mabilis siyang naghubad ng damit. Hubo’t h***d lang siya nag-dive sa asul na tubig. First time niyang makita ng ganito kagandang tubig sa tanang buhay niya.
Ito lang ang bukod tanging asul sa gitna ng monochrome settings ng mundong ito. Pero ang mga bulaklak na nasa gilid ng talon aiy magaganda at vibrant ang mga kulay ng mga ito. Buhay na buhay!
Parang magical ang talon na ito na may kataasan. Ang bagsak ng tubig nito ay parang musika sa kaniyang pandinig. Para sa kaniya talaga ang tubig na ito! Nakaka-miss na rin maglunoy.
Nag-back stroke siya at ilang beses nagpabalik-balik sa ilalim ng binabagsakan ng talon. Wala naman siyang nararamdaman takot kaya chill lang si Percival. May pamalit pa naman siyang damit. Pero ‘yong brief niya, side B na lang muna. Tapos bukas ang side C at kasunod sa next day ay side D. Yeah, right.
Ang saya ng kaniyang pagligo nang maramdaman ni Percival na may nakatitig sa kaniya. Kaagad siyang lumingon-lingon sa paligid. Napakunot ang kaniyang kilay. Tinitigan niya ng mabuti ang paligid, wala naman siyang nakita.
Nagpatuloy siya sa paglangoy at paglalaro ng tubig sa ilalim nang pag-ahon niya, nakita niya ang isang babae. Wait, hindi lang basta babae. Isang napakagandang babae na tingin ni Percival ay isang diyosa kagandahan nito.
Nagliliwanag pa ito at nasisilaw si Percival sa kagandahan ng babae na nakasuot ng putting damit. Napansin niyang nakatayo ito sa dulo kung saan niya nilagay ang kaniyang hinubad na damit.
“Sino ka?”
“Woah! Tagalog?”
Tiningnan siya nito na para siyang baliw. “Ang tanong ko ang sagutin mo, sino ka? At anong ginagawa mo rito sa talon ko?”
“Talon mo ito?” Napalingon siya sa talon at tinuro pa talaga ang tubig. Makapang-angkin itong magandang babae na ito, ah. Papayag din si Percival kung siya ang angkinin nitong pag-aari. Napangisi siya at muling tumingin dito para lang magulat!
Nasa harapan niya na ang babae at nakalutang ito sa tubig!
Woah! Pakshet! Parang nalunok niya ang kaniyang puso sa nakita. Iisa lang ang ibig sabihin nito, hindi normal na babae ang nasa harapan niya. Kung sabagay, walang normal sa mundong ito.
Ilang beses siyang tumikhim. Wala siyang naramdaman takot sa babaeng ito. Katunayan, magaan ang loob niya sa babae kahit hindi ito nakangiti at linya ang tingin binigay sa kaniya. Puting-puti ang balat nito pati ang suot na damit na hanggang talampakan. Ang buhok nito ay nakatirintas na parang buhok ni Elsa sa Frozen. Fanatic yata ito ni Elsa.
Hindi lang iyon, puti rin ang buhok nito at Percival finds it weird. Wala naman siguro itong kapangyarihang ice. Tanungin niya kaya?
“Let me guess, si Elsa ka ng Frozen?”
Kumunot ang noo nito at muling nagtanong. “Uulitin ko, sino ka at anong ginagawa mo rito sa talon ko?”’
“Percival.”
“Percival?”
“Yeah, it’s Percival.”
Tumalim ang mata nito at tumalikod. Kitang-kita niya ang paglalakad nito sa ibabaw ng tubig. Nasaksehan niya ang paglutang nito at nakaka-amaze lang naman.
“Umalis ka sa talon ko!”
“Ano? Kakaligo ko lang, eh. Alis agad? Hindi ba pwedeng maligo muna ako?”
“Talon ko ito. Ang nagagawi rito ay hindi nakakaalis. Sa madaling salita, namamatay. Ngayon, umalis ka na hangga’t mabait pa ako sa mga taong taga-mundo.”
Nagkibit siya ng balikat. Wala siyang balak pansinin ang sinasabi ng babaeng ito nang maalala niya ang huling sinabi nito, taga-mundo. Siya ‘yong taga-mundo!
“Teka-teka Miss! Sandali lang!” mabilis siyang sumunod dito. Lumangoy siya papunta sa tabi. “Alam mong hindi ako taga-rito sa Asticus? Kung ganoon, tulungan mo kami paano makalabas at bumalik sa mundo namin. Tangina! Kagabi pa kami hinahabol ng mga demonyo! Baka naman Miss, makatulong ka.”
Pero walang sagot mula sa babae. Tuloy-tuloy lang ito sa paghakbang at natutuwa siya sa ganda nito. Kung wala lang siyang jowa, eh, pinatos niya na ito.
“Miss! Huminto ka muna. Hindi ako aalis dito sa talon mo hangga’t hindi mo sinasabi na pwede mo kaming tulungan makabalik sa mundo namin.”
“Mamatay ka kung hindi ka aalis sa talon na iyan.”
“Maniniwala ba ako?”
Ngumisi ito nang humarap sa kaniya. “Umahon ka at makikita mo ang gagawin ko sa`yo lalaki.”
Nagkibit siya ng balikat at agad na umahon tulad ng sabi nito. Parang wala lang rito kahit h***d na katawan niya ang lumantad sa babae. Nakaharap ito sa kaniya at nanatiling nakalutang sa hangin. Kung gabi siguro ito, iisipin ni Percival na isa itong white lady.
Nagpalit siya ng kasuotan sa harapan nito mismo. Kinidatahan pa niya ang magandang babae pero wala siyang nakuhang reaskyon sa mata nito. Para lang siyang isang bagay sa harapan ng babae. wala man lang itong nararamdaman kakaiba sa kaniya? Nahiya o ano pa man? Baka sanay makakita. Natawa si Percival sa kalokohan na nabuo sa kaniyang utak.
Sinukbit niya ang bag matapos magpalit ng damit at mayabang na hinarap ang babae. “Ano, matutulungan mo ba kami? Kailangan namin makalabas. Kanina pa ako paulit-ulit dito, ah.”
“Umalis ka na.”
“Alam mong hindi ako taga-rito at tulad nga ng sinasabi mo, taga-ibang mundo ako. Ngayon, patulong naman Miss. Need namin makabalik at nakakabaliw itong mundo niyo—”
“Hindi pa siya tapos nagsalita nang maghubad ito ng damit sa kaniyang harapan.
“Wooh!” Mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mata. Takte! Siya ang nahiya sa ginawa ng babae. Grabe! Liberated din pala ang babaeng ito. Ang buong akala pa naman ni Percival, Maria Clara ito.
Pero imbes na ma-turn off, mas lalo siyang ginanahan sa babaeng nasa harapan niya. Dahil bakit hindi? Ngayon pa lamang siya nakakakita ng babaeng putting-puti ang buhok at kulay dilaw ang mga mata. Para itong ginto! Bagay na bagay sa babae ang mata nito. Mukha itong banyaga. Ang labi pa nito ay pulang-pula lalo na ang namumula nitong pisngi na kay sarap pagmasdan!
Ipupusta ni Percival, artista ito.
“Liberated ka pala Miss. Kita mong nandito ako, naghuhubad ka agad. Kung hindi ako gentleman baka namolestiya na kita.” Saka lang niya binaba ang kaniyang kamay at sinundan ng tingin ang babae. Nawala na ito sa kaniyang paningin.
Napaatras siya. bakit nawala? Kinakausap palang niya ito.
“Miss! Takte! Kinakausap pa lang kita, eh.” Napakamot siya sa kaniyang ulo. Hinanap pa ito ng kaniyang mata pero hindi niya na ito nakita. Napatingin siya sa damit nitong hinubad, nandoon pa rin ito sa damuhan.
Wala sa loob na dinampot niya ito at tiningnan. Pwede na rin gamitin kumot mamayang gabi at malamig. Kinuha niya ito at tinago sa bag. Natawa muna siya sa kalokohan. Kompleto na ang araw niya ngayon. Nakaligo siya kahit walang sabon-sabon sa katawan at shampoo pero nakita naman niya si Elsa na liberated nga lang. Plus may kumot na siya mamayang gabi!
Bumalik siya sa kaniyang kasamahan na pasipol-sipol. Fresh at bagong ligo, siyempre! Nang makita siya nila Reedrick, Magnus at Athena, mabilis na lumapit ang mga ito sa kaniya na alalang-alala.
“Tangina mo, ah! Saan ka galing? Pinag-alala mo kami.” Isang sapak ang kaniyang nakuha kay Magnus. “Teka, naligo ka ah.”
Ngumisi lang siya at tumango. “Tayo na at magsimula na tayo maglakbay.”
“Anong magsimulang maglakbay? Saan ka naligo at makikiligo din kami. Kating-kati na ako sa suot ko! Kagabi pa tayo hindi nagpalit ng damit o kaya naman maligo.” Si Athena ang sumagot. Umismid ito sa kaniya.
Kung sabagay. Pangit naman kung siya lang ang bagong ligo tapos ang mga kasama niya ay amoy pawis at maligno. Dahil mabait siyang kaibigan at kasama, pinagbigyan niya ang mga ito. Dinala niya ito sa ilog kung saan siya naligo at laking tuwa ng mga siraulong kasama niya. Kaagad na tumalon ang mga ito matapos itapon ang bag sa kaniya.
Tinatamad na umupo siya sa malaking bato at pinagmasdan ang mga kaibigan na naliligo. Nababagot na siya at nagugutom. Binuksan niya ang kaniyang bag at napangisi nang makita ang tatlong bar ng tobleron. Binigay pala ito ng ex niya at ngayon lang niya naalalang kainin. Matagal-tagal na rin ito sa kaniyang bag dahil wala lang. Trip niya lang na nasa bag ito.
Kinuha niya ito at binuksan ang isang tobleron. Kagabi sa sobrang kaba nila at pagod hindi na sila nakaramdam ng gutom. Hindi na rin niya naalala ang tobleron na ito. Kumagat siya ng isa at nilasahan ang sarap ng tsokolate sa kaniyang dila. Unang pagkakataon na masarap pala ang chocolate `pag nasa ganitong sitwasyon.
“At nagdala ka pa ng mga kasama. Binigyan na kita ng babala na akin ang talon na ito. Ngayon matitikman mo ang galit—”
“Oy, ikaw pala!” natuwa si Percival nang makita ang babaeng nakita niya sa talon kanina. Napangisi siya. Inabot niya rito ang tobleron. Baka trip nito ngayon lalo na at nag-abot ang tingin nito sa kaniya.
Galit siyang tiningnan nito at walang balak na kunin ang tobleron na kaniyang hawak.
“Ayaw mo?” Nakuha niyang kumagat at sarap na sarap sa harapan nito. “Masarap ‘to, bayad sa talon mo. Pasensyahan mo na mga kaibigan ko. Kailangan nila ng tubig kasi.”
Hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi. Humarap ito sa tubig at nagulat na lang si Percival nang magtaas ng kamay ang babae. Parang may tinatawag itong nilalang sa paraan ng pagkumpas ng mga kamay nito. kaagad niyang tinawag ang tatlong kumag na masayang naliligo at pinaalis ang mga iyon sa tubig!
Hindi nga nagkamali si Percival. Biglang may nabuong alimpuyo sa gitna ng tubig. Mabuti at mabilis ang kaniyang mga kasamahan na nakaahon sa tubig. Sa isang iglap lang ay nawala ang tubig at talon. Bigla itong naging tuyong lupa. Wala na rin ang babaeng puti ang buhok.
“Anong… Anong nangyari? Saan ang tubig?” Takang tanong ni Magnus.
“Teka, nanaginip ba tayo ng sabay tatlo?” Si Reedrick.
“Sira. Basa nga kayo pareho.” Siya na ang pumutol sa pag-uusap ng mga ito. “Kinuha nang babae ang talon at tubig niya. Magpalit na kayo ng damit at magsisimula na tayo sa paglalakbay.” Anas niya sa mga ito at binalik sa kaniyang bag ang tobleron. Wala siyang balak mamigay. May mga pagkain naman siguro ang mga ito sa bag.
Laglag ang balikat ng tatlo at walang magawa kundi ang magpalit ng damit. Tulad niya, may dala ang mga ito ng pamalit pero pang byclist pa rin. Si Athena ay sa likod ng malaking kahoy nagpalit ng suot.
“Guuys!!!” Malakas na tili ni Athena ang kanilang narinig.
“Bakit?” Siyempre, to the rescue agad ang pinsan niyang inlagago sa babae.
“Lumapit kayo rito, dali!!!”
Nagsitinginan silang tatlo.
“Tapos ka ng magpalit ng damit?” Si Magnus ang nagtanong.
“Gago ka ba? Alangan naman hindi pa, aba siyempre tapos na kaya nga pinapapunta kayo rito! ano! Punta kayo rito, dali.”
Kaagad silang pumunta sa pwesto ni Athena. May tinuro itong isang deriksyon at sabay silang tumingon doon. Napangaga sila pareho nang makita ang lugar. Kung sa modernong salita, City. Pero dahil nasa Asticus sila, kaharian ang nakikita ni Percival. Sa itaas ay ang malaking palasyo pero walang kadating-dating. Namistula pa rin itong black and white. Walang kalasa-lasa kung sa pagkain pa.
“Kaharian ‘yan, right?” amaze na tanong ni Athena.
“Monochrome Kingdom.”