Chapter 10 - Root House

3022 Words
Natawa si Percival sa pabirong sagot ni Magnus. Ito rin ang nasaisip niya. Sila lang yata ang makulay sa mundong ito at ‘yong magandang babae kanina. Napangisi siya. kailan kaya niya makita ulit ang babaeng iyon? trip na trip niya ang pagiging liberated nito dahil liberated din naman siya. Maghuhubaran silang dalawa. Natawa siya sa likod ng kaniyang utak. “Punta tayo diyan.” Napatingin sila kay Reedrick. Pwede rin na pumunta sila roon. Wala naman silang papupuntahan nito. Alangan naman na dito sila sa kagubatan manatili. Ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglakad papunta sa black and white kingdom. Para silang nasa 1980’s set up na mundo tapos sila ‘yong mga adventurer na gwapo. “Paano kaya tayo makalabas nito, ‘no?” “Magtatanong tayo.” Sagot niya sa tanong ni Magnus. May nadaanan silang bahay at nasa itaas ito ng punong kahoy. Ang kahoy ay napapalibutan ng mga mahahabang ugat ng kahoy. Parang pinoprotektahan ito. “Tao po!” Magkapanabay sila. Pero walang sumagot. “Wala yatang tao rito.”  “Ako na.” Ngumisi siya at naglakas loob na pumasok sa bahay na nasa itaas ng puno. Pinagpapalo niya ay pinaghihila ang mga ugat niyon para lang makapasok sila. May hagdanan naman na yari sa ugat kaya hindi nahirapan si Percival na umakyat. Kintatok niya ang pintuan na pinapalibutan ng mga ugat at tuyo-tuyong dahon. Bahay yata ito ng mga sinaunang mangkukulam. “Yow! May tao ba rito? Pabukas naman at may itatanong lang kaming magkakaibigan.” “Baka walang tao?” “Shut up gago!” Baling niya kay Magnus. “Alis na tayo. Wala naman tao diyan. Abandoned house naman ‘yan, eh.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaniyang pinsan. Paano nito masasabing abandonadang bahay samantalang ang dalawang mata nito ay puro kay Athena. Muling kumatok si Percival. Walang sumagot. Akmang bubuksan niya ito nang magsalita si Athena. “May napansin akong tao sa likuran!”  Opps too late! Nabuksan niya na ang pintuan. Kasabay ang malamig na hangin na humampas sa mukha ni Percival. Muntikan siyang mahulog sa kinatatayuan! Mabuti na lang at mabilis ang kaniyang kamay na kumapit sa railings na yari sa ugat din ng kahoy. Pwede niya ng tawagin ang bahay na ito na house of roots. Napangisi si Percival. “Hindi ba kayo marunong magbasa? May nakalagay na karatula na bawal pumasok sa bakuran ko!” Muntikan malunok ni Percival ang kaniyang dila. Tangina naman ‘tong si Elsa, pasulpot-sulpot sa harapan niya! Kung hindi lang maganda ang mukha nito at kulay ginto ang mata, baka nasapak niya ito. “Hi, Ms. Beautiful!” “Umalis kayo!” Napaigik si Percival nang bumagsak ang kaniyang likuran sa lupa. Sinara ni Elsa ang pintuan at malakas na hangin ang sumalpak sa kaniya. tinulungan naman siyang ibangon ng dalawang kumag niyang kaibigan at sabay silang humanga ni Magnus sa babaeng pinangalanan niyang Elsa. “Ang ganda niya ‘no?” “Si Athena pa rin pinakamaganda sa `kin.” ganting sagot ni Reedrick sa naging pahayag ni Magnus. “E ‘di wow.” Napakamot si Percival sa kaniyang pwet na tumama sa bato. Masakit lang naman pero dahil maganda si Elsa, pwede na rin. Tumayo siya at pinakyuhan ang bahay ng babae. Mabuti na lang at nasa kaniya ang damit nito. gagawin niya iyon kumot mamaya. Nagsimula silang maglakad. Wala silang nakitang kahit tao sa daan o hayop. Ang creepy lang dahil puro kakahuyan na puro sanga ang nadadaanan nila. Halatang tuyo lahat. Parehas ito sa kagubatan na napuntahan nila kagabi kung saan sila pinaghahabol ng mga papangit na mga nilalang. Napapansin din ni Percival na tuyong-tuyo ang lupa. Bitak-bitak sa madaling salita. Kung may makita man silang bahay, sirado at sirang-sira na. May mali. Damang-dama ni Percival ang bagay na iyon pero dinadaan niya lang sa biro at tawa para hindi matakot ang tatlong kasama niya. Lalo na si Magnus. Kung anong angas nito, gano’n ito kabado at kamatakutin. Lakad sila nang lakad hanggang sa pareho silang napahinto apat. May tulay na yari sa semento. May kahabaan iyon at sa ilalim ay tubig na siguro dati ay masagana ang agos niyon pero ngayon ay pati isda, maghihingalo sa taas ng tubig. “Anong klaseng mundo ba ito?” Sinenyasan niya ang mga ito na huwag munang maingay. Pinagmamasdan niya ang lugar. Malapit na sila sa gate ng kaharian na nakikita nila sa kalayuan kanina pero imbes na masiyahan, naging kabado si Percival. “Tago!” Mabilis niyang hinila ang mga kasamahan nang bumukas ang malaking gate sa unahan na yari sa bakal at kahoy. Mataas ang naturang gate at imposibleng makakapasok sila roon agad-agad. Sa malaking bato sila nagtago. Nawala ang pa-chill at pa-gwapo niyang mood nang matanaw nila ang mga lalaki, babae, bata at matanda na nakatali ang mga kamay ng kadena. Sa unahan ng mga ito ay dalawang lalaki na tingin niya ay bantay o kawal. May hawak itong mahabang pamalo na yari sa buntot ng pagi. Parang may kung anong awa ang naramdaman ni Percival pero para saan ang awa niya? Sinenyasan niya ulit ang kaniyang mga kasamahan na huwag magsalita o gumawa ng ingay. Nanatili sila sa likod ng malaking bato. Pinagmamasdan nila ang mga ito. Halatang gutom na gutom ang mukha ng bawat taong nakikita nila. Gusot-gusot ang damit at ang iba ay mahihina na. Sa likuran ng mga taong nakaposas sa bakal at kadena, ay limang bantay. “Kawawa naman sila!” “Shh!” pinanlakihan niya ng mata si Magnus. Nanatili ang kanilang mata sa mga ito. Dumaan na ang mga ito sa may kahabaang tulay at si Percival yata ang nasasaktan sa mga ito. Hindi siya likas maawain na tao dahil sa kaniyang tunay nga na Ina pinagsasagot niya ng pabalang minsan at tinatakasan pa. “G-gutom na kami… m-maawa kayo sa `min…” “Hindi pa ito oras ng kain niyo!” “P-pero kahapon ng umaga pa lamang kami huling kumain. Maawa kayo sa mga anak namin. Kahit sila na lang ay pakainin niyo ng tinapay.” Isang malakas na latigo ang nakuha ng mga ito. Sabay-sabay silang napapikit sa sakit. kung si Percival ang tatanungin, siya ang nasaktan. Alam niyang masakit ang latigo. Isang palo nga ng kaniyang Ina, nabibwesit na siya. “Ano? Hihingi pa ba kayo ng pagkain sa`min? kapag sinabi kong oras ng pagkain, ay oras ng pagkain. At kapag oras ng trabaho ay oras ng trabaho. Hindi lang ito ang matitikman niyo sa`min mga bantay, alam niyong mas matinding kaparusahan ang matitikman niyo kay Panginoon Barthram.” “Sino si Panginoon Barthram?” Mabilis na binatukan ni Percival si Magnus nang magsalita ito. Takte talaga itong kaibigan niya! “Sino iyan?” “Puta ka! Iihawin ka namin sa kaingayan mo.” Sumenyas siya na tumakbo sila sa kabilang bahagi kung saan ando’n ang malaking kahoy. Pwede silang magtago ro’n. Kaagad silang gumapang para magtago sa likuran ng puno, mabuti na lang at hindi na pumunta sa dereksyon nila ang mga bantay. “Baka mga kuneho lang na ligaw. Tayo na at baka magalit ang Panginoon Barthram sa atin.” Nakahinga sila ng maluwang nung nagtuloy-tuloy na ang mga ito kasama ang mga  nakaposas na mga tao o sa madaling salita, mga alila. Napasunod na lang ang tingin nila sa mga ito na dumaan sa kanilang harapan. Doon kitang-kita ni Percival kung gaano naghihirap ang mga mukha ng mga ito sa malapitan. May iba pa na natutuyuan ng dugo na halatang dumanas sa masakit na paraan. “Kawawa naman sila.” “Mas kawawa tayo kung hindi tayo agad makabalik sa mundo natin.” Nakalarawan ang takot sa mata at mukha ni Reedrick. Sinagot nito ang sinabi ni Athena. “Makakabalik ba tayo?” “Naman.” Siya ang sumagot. Tiningnan niya ang malaking gate. Nanatiling bukas pa rin ito at katarantaduhan ang gagawin nila kapag pumasok pa sa sila roon. Kaya ang plano na pumasok at magtanong-tanong sa mga taong nandoon ay nagbago. Pumasok sila sa loob ng kagubatan. Mas mainam na dito sila sa masukal na gubat na ito. “Dito na yata tayo mamatay.” Sinapak niya si Magnus. Minsan ang pangit din ng humor nito. “As long as nasa akin ang Efuanti, hindi ka mamatay. Gago!” Nagkibit naman ito ng balikat. Gumawa siya ng plano. Nag-iba sila ng routa apat. Sa kanan bahagi sila pumasok na gubat. Bahala na kung ano sa unahan basta huwag lang sila matulad sa mga tao kanina na nakaposas at parang hayop sa circus kung ituring.   MALAYO-LAYO na sila. Mataas na rin ang sinag ng araw kahit natatabunan ito ng makapal na ulap. Kinuha niya ang cellphone. Nagpicture sila ng groupie. Ginagawan naman ni Magnus ng vlog ang pagkakapunta nila sa mundong iyon at sinisi nito si Reedrick. Muntikan pang magsuntukan ang dalawa sa harap ng camera ni Magnus kung hindi sumingit si Athena at parehong binigyan ng sapak ang dalawang kumag. Huminto muna sila at nagpahinga. Pakiramdam ni Percival, umikot-ikot lang yata sila sa malaking gubat na ito lalo na at nakita niya ang pangit na bahay ni Elsa ng Frozen! Puta naman, oo! Nagreklamo na rin ang kaniyang mga kasamahan at pagod na rin siya sa kakalakad nila na paikot-ikot. Paano sila makakalabas sa lugar na ito? “Mga bata, ano ang ginagawa niyo sa lugar na ito?” Nagulat sila pareho nang may nagsalita sa kanilang likuran. Paglingon nila, isang matandang puting-puti ang buhok ang nakita nila. May dala itong panggatong at isang patay na kuneho sa isa pang kamay. Hindi halatang matanda ito. “Naliligaw kami. Paulit-ulit kaming bumabalik sa bahay na ‘yan!” Naiinis na wika ni Athena sabay turo sa bahay na yari sa ugat ng mga kahoy. Kung pagmamasdan, hindi ito bahay. “Dahil ang mundong ito ay walang dulo at hangganan.” Napapantastikuhan silang napatingin sa isa’t isa. “Anong sabi mo?” “Ang ibig kong sabihin mga bata, ang mundong ito ay nasa iisang pangyayari lang. Itong gubat, ang kaharian, at ang palasyo.” “Lolo, nakakalito ka. Anong koneksyon sa pagkaligaw-ligaw namin sa sinasabi mo?” naiinis na saad niya rin sa matanda. Pinapaikot pa ang sabi, eh. Heto na nga at pagod na sila, pinapaikot pa nito ang isip nila. Sandali naman nilagay ng matanda ang dala nitong kahoy at kuneho. Umupo ito sa isang bato at nagsimulang magsalita. Nagkaniya-kaniya naman sila ng upo at handa ng makinig sa mahabang sasabihin nito sa kanila. Baka sa matandang ito, makakakuha sila ng kasagutan at kung paano sila makalabas sa Asticus. “Hindi kayo taga-rito, ano?” Sabay-sabay silang tumango. Halata naman sa bihis nilang apat. Kulang na nga lang dalhin nila ang kanilang besikleta at mapagkamalan na silang galing ibang planeta. “Simula ng sinumpa ang mundong Asticus, ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng sumpa ni Barthram. Lahat ay naapektuhan, simula sa maliit na bagay hanggang sa loob ng palasyo. Hindi ito ang dating Asticus. Ang dating Asticus ay napakaganda, parang paraiso ng langit. Ang mga Asticians ay may kalayaan at kayapaan…” “Asticians?” “Mga tao rito.” Siya na ang sumagot sa tanong ni Athena at Magnus. Mga boploks din kasi minsan ang dalawang ito, eh. “Ah, okay. Gets ko na.” Napakamot na lang si Percival sa ulo at sumenyas sa matanda na magpatuloy na ito sa pagkikwento. Marami siyang gustong malaman sa galaw ng mundong ito. Baka may magawa siya. Kung may magawa. “Pwede na ba ako ay magpatuloy?” “Sige ho, ‘Lo.” Chorus nilang sagot. “Ito na nga, ang Asticus ay hindi ganito. Maganda ang mundong ito kung hindi lang dahil kay Barthram. Nilagay niya sa maitim na mahika at sumpa ang lahat simula nung mawala ang mahalagang bagay sa mundong ito.” “Ano ang mahalagang bagay iyon?” “Hindi ko pwedeng sabihin. Mahigpit na pinagbabawal  ang pagbanggit kahit sa pangalan ng mahalagang bagay na iyan.” “Pero paano kami makakaalis sa mundong ito?” mabilis na tanong ni Reedrick. Napailing naman ang matanda sa naging tanong ng kaibigan niya. Tumayo ito at binuhat ulit ang mga panggatong at binitbit ang kuneho. “Magtatanghali na at nagugutom na rin ako. mauna na ako sa inyo mga bata. Pagpasensyahan niyo na kung ako ay mauuna.” “Teka lang Lolo!” Mabilis silang napasunod sa matanda. Nagulat pa sila nung umakyat ito sa hagdanan. Teka! Dito ba nakatira ang matandang ito? Siya ang sumunod sa matanda. Habang naghintay sa ibaba ang tatlo. “Lolo! Dito ba kayo nakatira sa root house na ito?” “Root house?” “Itong bahay na gawa sa mga ugat.” Natawa naman ito sa kaniyang bansag sa bahay nito, “Ah, oo. Akin ang bahay na ito. Pwede muna kayong dumito ngayon araw ng mga kaibigan mo.” “Talaga?” “Oo. Delikado sa labas. Tawagin mo ang mga kaibigan mo at pwede kayo sa maliit kong bahay pansamantala.” “O, narinig niyo ang sinabi ni Tanda? Akyat na mga lods!” Para naman nakarinig ng magandang balita ang tatlong kasama niya. Nag-unahan sa pag-akyat ang mga ito pero nauna pa rin si Magnus. Pinakyuhan nito si Athena at inirapan naman ito ng babae. “Mahulog ka sana!” “E `di, mahuhulog ka rin. Ogag!” Hindi niya pinansin ang dalawang nag-aaway na naman. Ganito naman ‘to si Athena at Magnus. Mabuti at hindi nagseselos ang pinsan niyang si Reedrick. Pagpasok nila sa loob ng bahay kubo ng matandang puti ang buhok, tumambad sa kanila ang tipikal na bahay ng mahirap. Walang upuan man lang. sa unahan ay isang lutuan at may nakasalang na doon. Tipikal na bahay na pagpasok niya ay nakikita niya na lahat pati kaluluwa. “Upo muna kayo mga bata. Magluluto lang ako nitong nahuli kong kuneho at ako ay nagugutom na rin.” “Baka pwede, dito rin kami kumain ‘Lo?” Tumango lang ang matanda. Umupo rin sila sa lapag na yari sa hindi magkapantay na kahoy saka nilibot ni Percival ang mata, hinahanap niya ang babaeng si Elsa. Hindi niya yata makita ang babaeng ito, ah. “Lo, saan nga pala ang babaeng maputing buhok dito?” “Babaeng maputi ang buhok?” Takang tanong nito nang humarap sa kaniya. Nagsimula na itong magpakulo ng tubig. “Elsa ang tawag ko sa kaniya, eh. Maputi ang buhok niya at ginto ang mata. Katunayan nga niyan, nasa bag ko ang damit niya.” Mabilis niyang binuksan ang bag at nilabas ang damit ng babae para lang magulat. Naging dahon na ito ng isang kahoy na hindi niya alam kung anong pangalan. Nagtatakang kinuha niya iyon at tinaas. “Bakit naging dahon?” Napailing naman ang matanda sa kaniyang sinabi. Hinarap nito ang kalan at kumulo na ang tubig nito. nilagay nito ang kuneho sa kumukulong tubig saka tinanggal at binalatan. Napa-ew sila apat sa ginawa nito pero ganito talaga ang  buhay. Kasama naman talaga sa food chain ang kuneho. “Si Eulalia yata ang ibig mong sabihin, hijo.” “Eulalia? Sino siya?” Hindi mapigilan sumingit ni Athena. Panay kamot ito sa balat nito, at alam niyang hindi na ito mapakali sa suot. Wala eh, nasa ganitong sitwasyon na sila. Hindi muna importante ang damit. “Si Eulalia. Isa siyang kataas-asang anghel.” “Anghel?!” Tumango ang matanda at pinagpatuloy nito ang ginagawa. Habang si Percival ay hindi na makatiis, lumapit siya sa matanda at umupo sa tabi nito. busy ito sa pagtatanggal ng balat ng kuneho. Mukhang gagawa ito ng rabbit stew. Eww. “Paano mo nasabing anghel tanda? You mean, isa siyang angel. Angel literal na nakatira sa langit? ‘Yong may pakpak? Hindi kayo nag-jojoke?” Nagkibit lang ito ng balikat. “Nasa inyo iyan kung maniniwala kayo. Ang mundong Asticus ay nababalot ng misteryo at mahiwaga. Pinagtataka ko lang ay kung paano kayo nakapasok sa mundong ito gayon hindi ito napapasok ng mga mortal. Ang katulad niyo ay isang mortal, bago kayo makapasok dito, mamatay muna kayo.” “Baka talaga ito ‘yong langit!” Nagsimula na naman magdrama ang kaibigan niyang si Magnus. Natatakot at nag-aalala. “Tapos ‘yong mga nakita natin kanina na mga taong nakaposas ay dadalhin sa impyerno dahil sila ay makasalanan.” “Nagkakamali ka bata. Ang Asticus ay hindi langit. Ibang mundo ito pero pwede mo rin masasabing langit kung ‘yan ang gusto at madali mong paniwalaaan. Ang mundong ito ay nandito ang lahat. Mahika, anghel, demonyo, mga  nilalang na hindi niyo balakin pang makita, mga halimaw at ang pang-huli, si Barthram.”  Sabay silang nahintakutan sa sinabi ng matanda. Effective ang sinabi nito para matakot si Percival dahil nakita nila ang isa sa nilalang na sinasabi nito kagabi. Kung hindi sa efuanti, baka nga nakain na sila at ginawang hapunan. Takte! Paano sila makakalabas nito kung ganoon? Ilang sandali pa ay hindi na sila pinansin ng matanda. Nagseryuso na ito sa pagluluto ng stew at aaminin nilang magkakaibigan, ngayon pa lang sila nakaamoy ng ganito kasarap na luto. Though, hindi siya fan ng kuneho! Tingin niya kasi rito ay isang alagang pusa. Mayamaya pa ay natakam sila lahat nung maluto na ang hinanda nito. Niyaya sila ng matanda na kumain sila at sabayan ito. Sino ba sila para hinidian ang gutom nilang sikmura? Kaagad silang kumain at iyon ang unang pagkakataon na nakatikim sila ng sobrang sarap na pagkain na gawa sa kuneho. Ipupusta niya ang luto ng kaniyang Inang si Perlita nito. “Masarap!” Sabay-sabay silang napa-thumbs up sa sarap! “Pwede ng panlaban sa—” Nakaramdam sila ng antok apat. Napatingin si Percival sa matandang lalaki, naging dalawa na ang tingin niya sa matanda. Bakit pakiramdam ni Percival may halo ang pagkain na binigay sa kanila? Lalo na at hindi rin sumabay sa kanila ang matanda. Oy puta! Nagulat siya nung bumagsak si Athena. Kasundo si Magnus at ang panghuli si Reedrick. Anong nangyari? Napatingin siya sa stew pero hindi niya na matitigan iyon dahil bigla rin siyang bumagsak sa tabi ni Magnus.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD