Chapter 11 - Dugo

1003 Words
MASAKIT ang ulo ni Percival nung magising siya. doon lang niya nareyalisado na nilagyan ng pampatulog nung matanda ang rabbit stew na pinakain sa kanila! Ang matandang hukluban na iyon! Mabilis siyang bumangon para suntukin ang matandang hukluban nang maalalang nasa isang kulungan siya. Nilibot niya ang tingin, siya lang mag-isa roon sa silid na puro rehas. “Percival Pierce!” “Magnus!” Napalabit siya sa rehas na pintuan at nakita si Magnus sa kabilang rehas. “Si Tanda! Nilagyan niya ng pampatulog ang pagkain natin.” “Buti nga hindi lason, eh.” Si Athena na sumingit. Katabi ito sa rehas niya. “Mamatay na ba tayo?” Si Reedrick naman ang sumagot. “E, kung unahin kaya kita?” Hindi muna pinansin ni Percival ang pag-aaway ng dalawa. Iniisip niya kung bakit sila niloko ng tanginang matandang iyon! Hindi man lang sila pinatapos pakainin ng rabbit stew tapos pinatulog na sila. Ang malala pa, nagising silang apat sa malamig na rehas at magkaibang rehas pa. Anong ibig sabihin nito? Hindi kaya? Sinimulan niyang tanggalin ang lock ng rehas pero nauubos na yata ni Percival ang kaniyang almighty strenght, takte, hindi niya mabuksan! Nakisabay rin sina Magnus at Reedrick pero katulad niya, bigo rin ang mga ito. Kapagkuwan ay sumilip siya. Kung hindi nagkakamali si Percival, nasa mahabang silid sila kung saan dinadala ang mga alila. Halu-halo rin ang amoy pero hindi niya ito ininda. Ang iniisip niya ay kung paano sila makalabas sa kulungan na ito ng buhay! Nagulat silang apat nang biglang bumukas ang malaking bakal na pintuan at niluwa roon ang isang lalaking puro itim na kasuotan. May kapa ito at may baston na bitbit na yari sa bakal at ang ulo niyon ay hindi niya maintindihan kung ano. Hanggang balikat ang buhok ng lalaki at mahaba ang balbas nito. Masasabi ni Percival na nababagay rito ang antagonist part sa mga 1880’s fantasy movie. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at kinunan ito ng larawan. Nakasunod dito ay ang matanda na naglagay ng pampatulog sa kanilang pagkain at tatlong lalaki na tingin niya ay kawal o bantay dahil may dala ang mga ito ng espada. “Magaling! Magaling. Gising na ang mga bihag.” “Bihag?” Magkapanabay na tanong nilang apat. “Bihag. Oo.” “Tangina mo tanda!” Galit na anas niya. Kulang na lang ay gibain niya ang rehas pero hindi niya ito gagawin. Gwapo lang siya pero hindi bayolente. “Pinatulog mo kami! Tangina mo talaga kahit matanda kang hayop ka! Mumurahin at mumurahin pa rin kita, gago!” Malakas naman humalakhak ang lalaking mahabang balbas kahit hindi ito ang kaniyang kausap. Lumapit ito sa kanila at doon napatunayan ni Percival na hindi pasok sa standard beuaty ang “Para sabihin ko sa inyo mga mortal! Ang mundong ito ay para sa mga Asticians. Ang mga katulad niyo ay hindi nababagay rito.” Ngumisi ito. “Ako si Barthram. Panginoon ang tawag sa`kin dito at Panginoon ang dapat ang tingin niyo sa`kin.” Binigyan niya ito ng isang malutong na mura sabay dirty sign dito. Anong panginoon? Ito pala ang Barthram? Anong tingin nito, matatakot sila? “Pasensyahan niyo na ako mga bata. Gusto ko pang mabuhay at sana mapatawad niyo ako,” anas naman ng matanda. Kaagad itong binigyan ng apat na perang pilak ni Barthram at nagmadali itong umalis sa silid na iyon. Nangangalaiting tiningnan niya si Barthram. Wala siyang naramdaman takot! Kahit pa siguro ito ang hari ng demonyo, hindi pa rin siya matatakot. Pagwapuhan na lang sila nito! “Anong kailangan mo sa`min?! Pakawalan mo kami!” matapang na saad niya. Ngumisi lang si Barthram at sumenyas sa mga bantay nito na kunin sila sa loob ng rehas. May dala-dala ang mga bantay ng posas at kadena! Mukhang magagaya yata sila roon sa mga asticians na nakita nilang nakaposas at pinaparusahan ng mga bantay. “Tangina mo, pangit!” “Busalan niyo ang bibig ng batang iyan.” Tinuro ni Barthram ang kaibigan niyang si Magnus. So, mas nasasaktan ito ‘pag sinasabihan na pangit? Ayos. Bago nakapasok ang bantay sa kanilang mga rehas, nanlaban muna siya pero isang suntok ang kaniyang nakuha. Masasabi ni Percival na masakit ang suntok na binigay sa kaniya ng isang bantay bago pinosasan ang kamay. “Huwag kayong mag-alala, hindi ko naman kayo papatayin. Hindi ko rin gagawin alila. Marahil sabihin na natin na ipakilala ko lang kayo sa`king nag-iisang alaga.” Magtatanong pa sana sila kung ano ang pinagsasabi ni Bathram pero hinila na sila ng mga bantay papalabas. Mabigat ang posas na nakalagay sa kanilang kamay at makapal iyon pati ang kadena. Putang-ina talaga, oo! Oras na makawala sila, babalikan niya talaga ‘yong matanda at iumpog sa kahoy para magsisi kung bakit sila binenta sa Barthram na ito! MALAKAS silang sinalya papasok nung mga bantay sa isang malaking silid. malaking-malaking silid ito at malawak. Ang creepy lang dahil wala itong kahit anong gamit o mga upuan. “Teka-teka! Anong gagawin namin dito—” Hindi natapos ang tanong ni Reedrick nang isara ng dalawang bantay ang malaking pintuan na yari sa bakal. May maliit na butas roon at nilaglag ng bantay ang susi. Kaagad itong pinulot ni Magnus at naunang kinalagan ang sarili. Tinanggal din nito ang busal sa bibig at saka binato sa kaniya ang susi. Natapos nilang kalagan ang posas nila sa kamay, nagkaniya-kaniya na sila sa pag-explore sa buong silid. Tulad pa rin ng dati, monochrome ang dating nito. Walang kadating-dating at iba ang kutob niya. Malangsa rin at hindi kaaya-aya ang amoy. “Ano ‘to? Dugo?” Sabay silang napalingon kay Athena. Tinuro nito ang isang sulok na hindi naabutan ng liwanag na nagmula sa ilaw. Konti na lang at iisipin na ni Percival na nasa haunted room sila. Lumapit siya sa tinuro nito at inilawan ito mula sa flashlight ng cellphone niya. Good thing at hindi kinuha nung matanda ang kaniyang bag at nasa bag pa naman niya ang efuanti. “f**k! Dugo nga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD