“Pero bakit may dugo rito?” takang tanong ni Magnus.
“Dahil iisa lang ang ibig sabihin niyon, ang silid na ito ay isang feeding area.”
Hindi na siya kumontra sa sinabi ni Reedrick dahil totoo ang sinabi nito. Mula sa masangsang na amoy, nagkalat na dugo at laki ng silid na ito, malamang isa talaga itong feeding area. Ang tanong lang ay ano ang nandito.
“Kung isa itong feeding area, ibig sabihin… pagkain tayo?!” gulat na gulat na tanong ni Athena. Nakalarawan ang takot sa mukha nito. “God! Ayuko pa mamatay! Malamang ayaw kong maging karne!”
“Shh!” Bigla niyang sinaway ang babae. Tumahimik naman ito.
Nakiramdam si Percival. Pinag-aralan niya ang paligid. Kanina nung pumasok sila ay malamig pero ngayon ay biglang naging mainit. Maalinsangan. Tinutok niya ang flashlight ng cellphone niya mula sa kung saan sulok. Parang may hinahanap ang kaniyang mata. Dahil feeding area ito, hindi sila dapat pakampante.
Bigla, may kumulabog na malakas. Napasigaw silang apat at sabay napatingin sa pinanggalingan ng kalabog. Wala silang makita. Takte! Kinakabahan na siya. Apat naman sila, pwede niyang ipauna si Magnus tutal wala itong kwenta minsan.
“Nakita niyo? Puta! Mamatay yata tayo talaga rito. Ayuko pang gawin pagkain, Percival!”
“Gago! Ang drama mo.” Binatukan niya si Magnus. Nakakadala ito ng takot, eh.
Panay sila lingon kahit saan. Mas lalong uminit ang buong silid. pinagpawisan na sila apat. Niluluto ba sila? Baka naman sa ilalim nito ay apoy at gagawin silang cookies.
Pero hindi pa nasagot ang tanong niya nang may mapansin silang anino na gumagalaw sa kanilang itaas. Sabay silang napatingin sa kesame para lang mapasigaw sabay-sabay.
Isang malaking halimaw ito!
“Puta! Ano ‘yan?” hintakot na tanong ni Magnus.
Nakita niya na ang halimaw na ito. Ito ‘yong humabol sa kaniya na malaking lobo! Nasa kesame ito, nakadiin ang mga mahahabang kuko. Para itong hybrid wolf monster! Mas nakakatakot pala ito sa personal keysa sa panaginip niya. Dahil sa panaginip niya, hindi siya nito kayang saktan! Pero ngayon? Puta!
May mga matutulis na bakal ang likod nito. Parang spike ng dragon habang ang mahahabng pangil nito ay napakatulis. May pakpak ito pero hindi ito nakalahad sa ere. Inisip pa lang ni Percival, paano pa kaya kung nakalahad sa ere ang pakpak nito? takte na talaga! Ang mga mata nito ay namumula at sa hitsura pa lang ng lobo kaya silang kainin nito isang segundo lang.
Nangingintab ang kulay nitong itim. Ang buntot nito ay mahaba at patalim ang dulo. Mas malala pa ito sa napapanood niyang mga hollywood movies!
“Huwag kayong gumalaw.” Pinili niyang kumalma. Kapag nagpahalata siyang natatakot, paniguradong mas mabilis silang mamatay!
Dahan-dahan niyang nilabas sa kaniyang bag ang efuanti. Hinahanda niya ito. Kung gumana ito kagabi sa mga halimaw na sumugod sa kanila, baka naman dito magagamit niya.
Nahugot nila ang kanilang hininga nung lumundag ang malaking lobo sa kanilang harapan. Napakamit sa kaniya si Magnus habang si Athena ay kay Reedrick. Atras sila nang atras. Puta! Hindi siya sigurado kung makakatakas sila nito na buhay… pero sana nga makawala sila!
Naglabas ng pangil ang lobo. Galit na galit itong nakatingin sa kanila. Waring gutom na gutom at naghihintay lang ng sandali kung kailan sila kainin. Hinihintay yata na tumakbo sila para mas gananahan itong habulin sila at saka paghihiwalayin ang kanilang balat sa kanilang katawan. Paglalaruan at saka kakainin.
“Huwag kayong mag-alala mga bata, kakainin lang kayo ng Lamhua. Steady lang kayo.”
Nagtagis ang ngipin niya nang marinig ang malakas na boses ni Barthram. Sumilip ito sa maliit na butas ng pintuan at binigyan sila ng pagbati papuntang kamatayan.
“Walang pinipili ang Lamhua. Kaya walang saysay kung manlaban kayo sakali. Ipikit niyo lamang ang mga mata niyo mga bata. Para hindi niyo maramdaman ang pagpunit ng balat niyo sa katawan niyo at pagkawasak-wasak ng mga buto niyo sa katawan. Kapag buhay pa kayo pagbalik ko, papalabasin ko kayo at papakawalan. Pero alam kong wala naman talagang nakakawala sa dakilang Lamhua.” Saka ito tumawa ng malakas at sinara ulit ang maliit na butas doon sa pintuan.
“Percival, ano na ang gagawin natin?” hintakot na tanong ni Reedrick.
Atras sila nang atras. Tinitingnan niya ang hawak na efuanti, hindi ito nag-iilaw. Walang reaskyon sa kristal. Nagkaroon tuloy siya ng duda kung gagana ba ito o hindi. Umangil sa kanila ang lobo. Sa bawat hakbang nito papalapit sa kanila at paglabas ang dila na parang natatakam sa kanilang presinsya, ay libu-libong takot ang kanilang naramdaman!
Puta! Sino ba kasi ang hindi matatakot sa pesteng lobong halimaw na ito?!
“Run!”
“Puta!” Hindi niya na napigilan si Magnus. Bigla itong tumakbo at bago pa ito habulin ng Lamhua, siya na ang pumagitna. Mabilis niyang iniumang ang kamay rito kung saan nasa gitna ng palad niya ang efuanti.
Sandaling huminto ang lobo. Tumingin sa kaniya at ngumisi. Takte! Hindi gumana ang efuanti!
“Takbo!”
Napasigaw silang lahat at nagkaniya-kaniya silang takbo sa iba’t ibang deriksyon.
“Pilitin niyong huwag makain ng halimaw na iyan!”
Habang ang lamhua ay kaniya-kaniyang habol sa kanila. Habang si Percival, inayos niya ang efuanti. Baka may kailangan siyang gawin para gumana ito? Pero hindi, eh. Dahil nung sinugod sila nung mga halimaw na lumilipad, gumana lang ito agad.
Siguro kailangan niya lang ang magtiwala? Tama! Magtiwala lang siya na gumana ito. Pikit ang mata na muli niyang tinutok ang efuanti sa hybrid wolf monster at sa sobrang gulat ni Percival, gumana ang efuanti!
Napaatras ito! Humiyaw sa sakit.
Mabilis na lumapit sa likuran niya si Magnus, Reedrick at Athena. Tuwang-tuwa ang mga ito kahit natatakot pa rin. Sabay nilang pinagmasdan ang halimaw na masaktan at nagagalit na humiyaw sa sakit. para itong tao na nasasaktan!
Kulay asul ang nilalabas na mahika nung efuanti at laking tulong ito sa kanila sa mundong ito. Salamat sa aguelo niya talaga! Hahalikan niya ito talaga ‘pag namatay na siya at napunta sa langit.
Malakas ang pwersa ng efuanti. Gustong lumapit ng Lamhua sa kanila at abutin sila ng kuko nitong mahaba pero hindi nito magawa. Napapaatras ito sa pwersa ng batong hawak niya.
Tama lang! Kakainin pala sila nito, ah. Anong kain-kain? Hindi sila magpapakain agad. Lalabas pa sila ng buhay sa mundong ito lalo na sa silid na ito.
Muling umangil ang lobo. Napupumilit itong makawala sa kapanyarihan ng itim na kristal na hawak niya pero hindi nito kaya. Para itong nakagapos sa isang malakas na pwersa at nanghihina ito. Napapayuko ang ulo sa kanilang harapan.
“Ayan! Putangina mo! anong akala mo, ah.” Napangisi siya. hinding-hindi niya ito titigilan hanggang sa mamatay ito at—
Natigilan silang apat. Anong nangyari?! Napahinto siya pero nanatiling nakatutok ang kaniyang kamay sa Lamhua. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Ang halimaw ay naging isang babae. Hindi lang isang babae, kundi babae na kilalang-kilala niya!
Napaluhod ito sa sakit habang nakataas ang kamay sa kaniya na parang nagmamakaawa.
“Ikaw?!”
Tama, si Elsa ito ng the frozen. ‘Yong babaeng nakita niya sa talon at nakita niya sa root house! Nagulat silang apat at nagsitinginan. Nagdadalawang isip siya kung tanggalin ba ang pagkatutuk niya rito sa efuanti o hindi. Baka patibong lang ito ng Lamhua at kapag binaba niya ang kanilang proteksyon na nasa kamay niya, kamatayan ang kanilang aabutin.
“T-tama na… A-ang sakit!”
“Mas masasaktan ka kung pipilitin mo kaming kakainin!” ganting sigaw ni Magnus.
“Pero halatang nasasaktan siya, Percival!”
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Athena. Patuloy niyang iniumang ang efuanti sa babae. Isa pala itong halimaw! Nagandahan pa naman siya rito tapos ito pala ‘yong lobong halimaw na nakikita niya lagi sa panaginip?! Kinausap pa lang niya ito kaninang umaga. Dapat talaga hindi siya basta-basta magtitiwala. Maganda lang pala ito sa panlabas na anyo.
Nakita nila itong napahiga at nanghihina. Tanging putting kasuotan lang ang suot nito at saka lang niya ito tinigilan nung tuluyan itong nawalan ng malay.
Napalunok siya. Hindi siya sure kung napatay niya o nawalan lang ng malay. Alinman sa dalawa, wala siyang pakialam. Mas mabuti nga kung patay ito!
“Did we kill her?”
“Hindi ko alam, I guess oo.” Sagot niya sa tanong ni Reedrick. Lumapit siya sa babae. Tiningnan niya ito sa malapitan. Mukhang napatay nga niya.
“Paano tayo makalabas dito?” Muling tanong ni Reedrick.
Sinamaan niya ito ng tingin. “Ang dami mong tanong. Ikaw na lang kaya ang gawin kong susi para makalabas tayo rito?”
Ngumisi ang gagong pinsan niya saka biglang bumukas ang maliit na butas sa may pintuan. Ang kaninang mukha ni Barthram na masayang-masaya dahil may ipapakain sa Lamhua na sinasabi na nito ay napalitan ng galit.
“Papaano niyo natalo ang Lamhua?!” gulat na gulat ang mukha nito.
“Dahil nasa kaniya ang efuan—”
Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Magnus. Ang tabil din ng kaibigan niya, eh. “Dahil magaling kami.” Matapang na sagot niya kay Barthram. “Ngayon, palabasin mo kami tulad ng sinabi mo sa`min.”
Wala itong magawa kundi ang sundin ang sinabi nito. pinabuksan nito sa bantay ang malaking bakal na pintuan at pumasok ang lalaki. Nakalarawan sa mukha nito ang matinding gulat at hindi ito makapaniwala sa Lamhua na nakahiga sa sahig.
“Umalis na kayo.”
“Talaga!” Mabilis na sagot niya. “Huwag mo kaming maliitin Barthram. Ordinaryo man kaming tao, hindi kami basta-basta nagpapatalo.” Ningisihan niya ito at saka sinenyasan ang tatlo na batsi na sila bago magbago ang isip ng isang Barthram. Wala pa naman siyang tiwala sa mukha nitong ang pangit!
Mabilis nilang tinakbo ang pintuan at sinamahan sila ng bantay na makalabas. Doon lang nila napansin na nasa malaking palasyong itim sila at gabi sa labas! Napakamit sa balikat niya si Magnus.
“Percival, nakakatakot naman dito. Gabi na pala. Pwede bang bumalik muna tayo sa loob tapos maki-stay muna tayo rito ‘pre. Bukas na tayo lumabas.”
Binatukan niya ang kaibigan. Matatakutin talaga ang isang ito! Tiningnan niya ang langit. Madilim at walang kabituin-bituin at buwan. Kung dito naman sila manatili sa palasyong ito, baka muli silang huliin ng mga bantay ni Barthram, at ipakain sa Lamhua nito.
“Tayo na.” nauna siyang maglakad sa mga ito.
Mabilis na sumunod sa kaniya ang mga ito. Nakakapit sa balikat niya si Magnus. Habang si Athena ay nasa tabi niya imbes kay Reedrick. Napabusangot na lang ang pinsan niya. Hindi ito makagalaw at makahirit kay Athena.
“Athena, ayaw mo ba sa tabi ko?”
“Huwag kang mag-alala, kung gusto ko agad mamatay. Sa iyo ako tatabi.” Umirap ang dalagita rito.
Natawa naman siya. Wala talagang kwenta ‘tong pinsan niya. Ang hina dumeskarte. Tanggalin kaya nito ang salamin sa mata baka sakaling makapasa ito kay Athena.
“Grabe ka naman. Pwede ka naman tumabi sa akin na hindi namamatay, ah.”
“Oh pwede, sabihin sa pagong.”
“Pero walang pagong dito.”
Napailing na lang si Percival. Hinayaan niya ang dalawa na magbangayan. Naglalakad sila sa mahaba at tahimik na daan. Ang mga bahay ay nakasirado. Tahimik na lahat. Pati ang torch fire ay parang tinatamad na maglabas ng apoy sa bawat tabi. Sa totoo lang, nakakapanayo ng balahibo pero hangga’t nasa kanila ang efuanti hindi siya matatakot.
Napalingon si Percival sa palasyo. Malayo-layo na sila. Patungo sila sa malaking gate at nakikita nila ang ilan sa bantay na nakatayo roon. Panay hiling ito sa kaniya na bumalik sila sa palasyo ni Barthram at makitulog. Isa na lang talaga at sisikmuraan niya ang kaibigan.
“Buhay pa ba flashlight niyo?” Mayamaya ay tanong niya sa mga ito. Nasa malaking gate na sila.
“Sa`kin wala ng buhay.” Mabilis na sagot ni Reedrick at Athena.
“Sa akin din.”
Napahugot siya ng hangin. Hindi nila pwedeng gamitin ang kanilang cellphone. Para sa emergency uses nila ito kaya ang gagawin niya ay makihingi ng mga sulo ng apoy. Hindi sila pwedeng maglakad na walang dalang liwanag.
Nauna siyang kumuha sa isang sulo ng apoy sa tabi na nakita niya. Sumunod din si Magnus, Reedrick at Athena. Ito ang gagamitin nila para makapaglakbay sila sa gabing ito. Ang bilis ng oras! Parang kagabi lang ay nakipaglaban sila sa mga halimaw na lumilipad, tapos kanina ay kumain sila ng rabbit stew sa root house tapos nakipagbuno sa Lamhua.
Nang maalala ang Lamhua, bigla niyang naalala ang matandang nagbenta sa kanila. Tama! Nagtagis ang bagang ni Percival. Babalikan nila ito! Maling-mali ito kung bakit sila binenta kay Barhtram.
Nang mabuksan ang malaking gate, kaagad silang lumabas. Hindi na sila lumingon pa. Desidido si Percival na balikan ang root house na iyon at pilipitin ang leeg ng matandang hukluban na iyon! Napangisi siya.
Naglakad sila sa mahabang tulay. Nakakatakot ang mga huni ng mga insekto sa paligid, pati ang ihip ng hangin. Malamig na mainit. Maalinsangan kung baga. Pinagpatuloy nila ang kanilang paglalakad. Siya ‘yong nauna, ganoon naman talaga. Siya ‘yong leader. Siya rin ang dahilan kung bakit naman talaga sila una napunta sa Santague Mountain at napasok dito. Kaya siya ang responsibilidad sa buhay ng mga ito. Responsibilidad niyang siguraduhin na ligtas ang bawat isa sa kanila sa pamamagitan ng efuanti.