Napahinto sandali si Percival nung maramdaman niyang nagsitayuanan ang mga balahibo sa kaniyang batok. Takte talaga, oo! Akala niya nung una, maganda ‘tong Asticus. Kabaliktaran pala sa ganda ito.
“Saan pala tayo pupunta, Percival?”
“Sa impyerno.” Napangisi siya sa tanong ni Magnus.
“Gago ka ‘pre! Ayuko pa pumunta ng impyerno.”
“Iyong totoo pinsan, saan ba tayo pupunta?”
Napatingin siya kay Reedrick. Tinuro niya ang dulo ng tulay. Napakurap-kurap ito nang makita ang sobrang dilim na kagubatan sa unahan. Hindi ito kaagad nakapagsalita, waring natakot.
“Ano pa hinintay natin? Tayo na!”
“Tama si Athena, tayo na at baka bumalik si Barthram at ikulong tayo ulit. Malay natin hindi lang Lamhua ang alaga ng lalaking iyon.”
Nagsitanguan ang mga ito at nagsimula silang maglakad. Kahit papaano, nakatulong ang pagiging malakas ang loob niya para hindi matakot ang mga kasamahan niya. Nakasunod lang ang mga ito sa kaniyang hakbang at panay tingin sa paligid.
Hawak niya sa kamay ang batong kristal. Ligtas na ang laging handa. Para kung may halimaw man na biglang sumugod, maproteksyunan niya ang buhay nila.
Malayo pa lang, natanaw na ni Percival ang root house. Malayo-layo na rin pala sila. Parang ang bilis lang ng kanilang paglalakbay, ah. Kaaagad niyang inakyat ang root house at malakas na kinatok ito.
Eksaktong pagbukas nung matandang hukluban, kaagad niyang kinwelyuhan iyon. napasigaw naman ang tatlo sa kaniyang ginawa at mabilis na rumespunde. Pinipigilan siya sa kaniyang ginawa sa matanda pero hindi pwede! Babalian niya ito ng leeg. Muntik na silang pinakain nito sa Lamhua.
“Tangina mong matanda ka! Tinraydor mo kami.” Galit na anas niya at kulang na lang mawalan ng buhay ito.
“Percival Peirce! Baka mapatay mo si tanda!”
“Wala akong pakialam! Kahit mangisay pa ito.”
Napaubo ang matanda sa kaniyang ginawa. nagmakaawa na kaniyang pakawalan pero hindi niya ito ginawa. Pumasok sila sa bahay nito habang hawak pa rin niya ang kwelyuhan ng matanda. Naghahanda siya sa kamay nito kung sakaling may gagawin itong maduming laro.
“Sabihin mo! Bakit mo kami tinraydor, ha?! Taena mo tanda, iihawin talaga kita! Wala akong pakialam kung walang modo ang tingin mo sa akin ngayon.”
“P-patawad! Nagawa ko lang iyon dahil sa kahirapan. H-hindi ko gustong ibenta kayo kay Barthram pero kapag hindi ko ito ginawa, manganganib ang buhay ko. sa katunayan, ang pilak na binayad sa akin ay pinambili ko ng pagkain sapagkat mahirap ang pamumuhay rito sa lugar namin simula nung lagyan ito ni Panginoon ni Barthram ng sumpa ang mundong ito.”
“Ah, kaya napili mo kaming ibenta sa sinasabi mong Panginoon?!” Mas lalong nangalaiti sa galit si Percival. Bibigwasan niya talaga ang matandang ito kapag hindi siya makapagtimpi.
“Dahil alam ko rin na hawak mo ang batong efuanti! Oo, isa iyan sa rason. Ang efuanti.”
Bigla niyang nabitawan ang matanda at takang napatingin dito. Paano nito nalaman ang batong efuanti na hawak niya? Umayos ito ng tayo at hintakot na napatingin sa kaniya. Tinaasan lang ng dalawang kilay at sumenyas na magsalita ito kundi pipilipitin niya talaga ang leeg nito. Akala nito, hindi siya babalik?
“Ano, magsalita ka! Wala ka yatang balak magsalita, ah.”
“Maghintay ka bata. Palanghapin mo naman ako ng hangin.”
Nagbigay siya ng ilang segundo at binilingan ito. Nagkaniya-kaniya ang kasamahan niya sa pag-upo sa lapag. Halatang napagod sa kakalakad nila pero siya wala siyang maramdaman pagod.
“Iyang hawak mo, efuanti iyan. Huwag mong sabihin sa akin na hindi dahil alam ko ang bagay na ito kaya malakas ang loob ko na ibenta kayo kay Barthram para makaharap niyo ang Lamhua.”
Naningkit ang mata niya. “Anong koneksyon ng Lamhua sa efuanti?”
“Ang Lamhua at si Eulalia ay iisa lamang sila. Iyong sinasabi mong babae na mahaba at puti ang buhok, siya ay anak ko.”
Hindi sila napakibo apat sa narinig. Binabasa niya ang kislap sa mata ng matanda, nagsasabi ito ng totoo. Pero ang sabi nito kanina bago sila binenta kay Barthram ay isang kataas-taasang anghel ang lalaki. pinagloloko yata sila nito, eh.
“Paanong naging anak mo ang halimaw na iyon at hindi ba sabi mo sa`min, isa siyang anghel! Sinungaling ka talagang matanda ka. Puputulan talaga kita ng dila para ‘di mo na mabilog ulo namin.”
“Hindi, huwag!” Agad naman itong nagtaas ng kamay na parang nagmamakaawa. “Ito na sasabihin ko na ang totoo.”
Ngumisi siya. “Ayan naman pala, eh. Ano magsalita ka na bago mandilim ang paningin ko.”
“Si Eulalia ay totoong kataas-taasang anghel. Siya ang naatasan magbantay sa mundong ito at si Eulalia ang nagbabalanse sa kasamaan at kabutihan ng Asticus. Ngunit isang araw nagkaroon ng isang pangyayari, nawala ang itim na kristal sa pusod ng Asticus kung saan binabantayan ni Eulalia. Dahilan para maging halimaw siya sa gabi. Sa umaga ay isa siyang normal na Asticians na nakikita mo minsan sa kaniyang talon.”
“Binibiro mo yata kami Lolo, eh. Bakit siya ando’n kanina sa silid na parang nakakulong?” ganting tanong ni Reedrick.
Tama, bakit nga ba? Kung sa umaga, malaya itong namamasyal sa kahit saan gusto ni Elsa?
“Dahil nakasumpa siya sa palasyong iyon pagsapit ng gabi. Nakakulong siya sa itim na palasyong iyon at nasa ilalim siya ng sumpa ni Barthram. Tanging si Barthram lang ay may kakayahan kontrolin ang kaniyang kalayaan tuwing nagiging halimaw si Eulalia. Mananatili ang kaniyang anyong Asticians kung mababalik din ang efuanti sa pusod ng Asticus. Mababalik din ang balanse ng mundong ito kapag naibalik na ito sa kaniyang tamang paglalagyan.”
Tinaas niya ang itim na kristal at tinitigan iyon. Ganito pala ito kaimportante sa mundong ito? Bakit hindi kinuha ni Barthram?
“Huwag mong ipakita iyan kay Barthram kung ayaw mong tuluyan magunaw ang mundong ito, bata.”
“Percival.” Pagtatama niya sa kaniyang pangalan.
“Mahalaga ang batong iyan. Mas mahalaga pa ang buhay mo sa batong iyan lalo na at hawak niyan ang kalayaan namin lahat. Matagal na panahon na ang nagdaan simula nung nawala ang efuanti at nung gabing nakita kita na ginamit mo sa mga Vadra.”
“Vadra?”
“Ang mga halimaw na may pakpak! Iyong mga humabol sa inyo sa gubat. Naghahanap ako ng makakain sa gabing iyon nang makita ko kayong hinahabol kaya kaagad akong nagtago. Mga Vadra ang tawag sa mga halimaw na iyon at kampon ito ni Barthram.”
Napatango-tango sila. Naniniwala na siya sa mga salitang lumabas sa bibig ng matanda. Nakikita niya kasi ang takot at panginginig nito na dapat lang! Sa ginawa nito sa kanila, kahit matanda pa ito, papatulan niya talaga. Ang pandak pa naman ng height ng matandang ito!
“Anong dapat namin gawin? Nga pala tanda, baka pwede kami duminto muna sandali sa gabing ito? Huwag kang umayaw, alalahanin mong bawi mo na lang ito sa pagbenta sa `min.”
Napakamot ang matandang lalaki sa kaniyang ulo at humingi ulit ng pasensya. “Sige, pwede kayong dumito. Bukas na bukas ay ituturo ko sa inyo ang daan kung saan at paano matatagpuan ang pusod ng Asticus. Kailangan niyong ibalik ang itim na kristal doon.”
“Bakit?” tanong ni Magnus.
“Anong bakit?” Balik tanong niya sa kaibigan.
“Wala lang, gusto ko lang magtanong ng bakit.”
Natawa siya at pinakyuhan ito. Seryuso na ang usapan, eh. Bigla ba naman itong sisingit ang hayop na ito.
“Dahil ito lamang ang tanging daan para makabalik kayo sa mundo niyo. Alalahanin niyo na isang araw rito ay isang linggong katumbas sa inyo. Isipin niyo ito, ilan araw na kayo rito?”
Nagsitinginan sila. Naging seryuso ang kanilang mukha. Nawala ang kanilang ngisi. Natigil din sa ere ang kamay ni Percival. Puta! Isang linggong katumbas? Ibig sabihin, dalawang linggo na silang nawawala sa mundo nila?
“Sige, ibabalik namin ang efuanting ito sa pusod ng Asticus para makabalik na kami kaagad sa mundo namin. Gagi! Nag-alala na iyon si Perlita panigurado.”
“Pati ang Mommy at Daddy ko rin.” Nababahalang anas naman ni Athena.
“Naku! Grounded abutin ko nito sa magulang ko, Percival!” Nakapamot naman sa batok si Magnus. “Simulan natin maglakbay bukas.”
“Sandali lamang, kung maglalakbay kayo papuntang pusod ng Asticus… Hindi pwede na ganiyan ang maging suot niyo. Hindi lang si Bathram ang makakasalubong niyo. Marami. Marami kayong makakasulubong sa inyong paglalakbay. At dapat una palang, hindi kayo agad mapansin na taga-ibang mundo kayo.”
“Pero wala kaming dalang ibang gamit. Pwede na ito. Huwag kang mag-alala sa amin, tanda, kaya namin ang sarili namin. Salamat sa concern.”
Walang nagawa ang matanda kundi ang tumango. Niyaya sila nitong kumain pero humindi sila apat. Hindi sila gutom. Baka kung ano pa ang ilagay nito ulit. Kaya tubig na lang ang hiningi nilang apat at iyon ang ginawa nila para punuin nila ang kanilang sikmura.
Pagkatapos niyon ay binigyan sila ng matanda ng tig-iisang unan. Hindi niya alam kung anong pangalan dahil walang balak si Percival na alamin ang pangalan nito. May katigasan ang unan pero okay lang. Binigyan din sila nito ng banig na gawa sa buri o tinatawag na palm tree.
Ilang sandali pa ay nagkaniya-kaniya na sila sa paghiga. Salamat naman at nakatikim din sila ng matinong higaan kahit hindi malambot. Ang ilaw na nagmula sa gasera ay sapat na para makita niya ang mukha nila isa-isa.
May tiwala siyang walang gagawin sa kanila ang matandang ito dahil oras na gawan na naman sila ng taktika nito, ihuhulog na talaga niya ito sa hagdanan. Pinikit niya ang mata. Ang efuanti ay nilagay niya ito sa kaniyang bag at niyakap iyon. sana masarap ang tulog nila sa gabing ito.