Fenich Mas nauna akong nauwi kay Vaughn sa bahay. Sinabi ko na hindi muna kami sabay uuwi dahil masyadong mahahalata iyon ni Leslie lalo na ngayon na pinag iinitan niya ako. Pagdating ko sa bahay ay tamang tama, nandun nga si Leslie at prenteng nakaupo sa malaking sofa nila habang nanonood ng tv. "Nice timing Fenich. Nagugutom ako kaya gawan moko ng merienda." Halos mapairap na ako sa sinabi niya. "Ha?" hatdog! "I said make me some snacks." Ulit nito sa sinabi niya. "Uhh..." "I know Fenich. Alam kong si Vaughn lang ang amo mo dito pero wala siya ngayon kaya kailangan mo akong pagsilbihan. Asawa niya ako at pamilya kami kaya wag kanang tumunganga diyan at gawan mo na ako ng pagkain." Utos nito habang tinitingnan ako ng masama. Tsk feeling entitled. Hmmm parang gustong gus

