Fenich Ting! Bumukas na ang elevator at pinauna ko na silang lumabas. Alam kong hinding hindi ako pwedeng dumikit kay Vaughn sa pagkakataong ito dahil nasa trabaho kami. Boss ko siya at isa lamang akong hamak na empleyado. Madaming mata rin ang makakakita sa amin kaya hindi kami pwedeng gumawa ng anumang kaduda duda. Sometimes I just wanna grab him and kiss him infront of the others but I know that's too selfish. Alam ko naman na kung sakaling gagawin ko yon ay hindi ako tatalikuran ni Vaughn. Palagi niya akong paninindigan pero kahit ganunpaman, ayoko pa ring masira siya nang dahil sa akin. I knew Vaughn worked a lot to get his father's attention and approval. Alam kong ginawa niya lahat para mapakitang worth it siya sa mga magulang nito at hinding hindi ko makakayang bawiin l

