Fenich
Gaya nga ng sabi ni Vaughn ay hindi pumasok ang professor namin. Wala naman na kaming lessons since tapos na rin naman ang exams kaya napaka ingay ng classroom.
Merong nag ja-jamming, may naglalaro ng cards ng patago, merong nagtatawanan, yung iba naman tulog, yung mga lovers naghaharutan, at ako naman kunyarin nagbabasa lang ng libro.
I saw Vaughn took his phone from his pocket and he started typing in it. Wala pang isang minuto naramdaman kong nag vibrate yung phone ko sa bulsa ko.
I know it was him.
I quietly stood from my seat. Sa cr ko na siya rereplyan baka mahalata kami eh.
"Where are you going Fenich?" Tanong ni Leslie.
"Ah may bibilhin lang ako saglit sa cafeteria. Hindi kasi ako nakapag breakfast eh." Palusot ko.
She just nodded.
Lumabas na ako sa room at dumiretso na sa cr. Pumasok ako sa loob ng cubicle at binasa ang text ni Vaughn.
1 new message from boyfriend
Hey love did you like my surprise?
9:00 am
I automatically smiled while typing my reply.
To: Boyfriend.
I love it! You're putting so many butterflies in my stomach.
9:12 am
Message sent!
1 new message from boyfriend
You're not in the cafeteria, where are you?"
9:15 am
Baliw sinundan niya ba ako?
To: boyfriend
I'm inside the rest room. Ba't mo ako sinundan?
Message sent!
9:16 am
1 new message from boyfriend
You said you didn't ate breakfast. C'mon let's eat.
Hindi na ako nagreply at naglakad na lang papunta sa cafeteria. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.
Nakita ko si Vaughn na nakaupo sa dulo ng cafeteria. Wala pang masyadong tao dahil hindi naman lunch time.
Pumila na ako at nag order lang ng spag at chicken at isang can ng soda.
Umupo ako sa malapit na table at nakaharap ako sa kaniya. He started eating his carbonara too.
1 new message from boyfriend
Enjoy your meal my love, ang konti naman niyang binili mo. Di bale bubusugin nalang kita ng pagmamahal ko.
9:30 am
I giggled upon reading his text. It's corny pero nakakakilig rin. I looked at him and he winked. Baliw talaga to.
I started eating now nasarapan ako sa kinakain ko. I don't know if masarap ba talaga yung kinakain ko oh baka gutom na gutom lang talaga ako. Hindi kasi ako nag breakfast kaninang umaga kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nagrereklamo na tong itsura ko.
Nagtext na naman si Vaughn kaya binasa ko iyon.
1 new message from boyfriend
I badly wanna lick the sauce on your lips.
9:46 am
Natawa ako at may pumasok na kalokohan sa isip ko kaya. Inayos ko ang buhok ko to expose my neck. Dahan dahan kong kinain ang spaghetti while looking at him and I seductively licked the sauce on my lips.
Success naman ang plano ko dahil nakita kong nag igting ang mga panga niya.
1 new message from boyfriend
Stop it love you're giving me a boner.
9:50 am
Nanlaki ang mga mata ko. Gagu talaga tong si Vaughn! Wala ng pinipiling lugar. I glared at him and he chuckled.
Tinapos ko na ang pagkain ko at lumabas na sa cafeteria. Hindi kami pwedeng sabay na lumabas baka mahalata ng iba. Clingy pa naman tong si Vaughn.
1 new message from boyfriend
Let's date now. Meet me at the arts and science room walang tao dun I wanna kiss you before we leave.
10:11 am
I suddenly blushed. I put my phone inside my pocket and headed to the arts and science room at tama nga si Vaughn walang tao dun.
After five minutes he came. Hindi pa nga kami nakakapag salita, he suddenly grabbed my waist and pinned me to the wall.
He desperately and hungrily kissed me while holding my face. I kissed him back with the same intensity.
After we kissed ay pinagdikit niya ang mga noo namin.
"God damnit Fenich I missed you so much sambit nito.
"I missed you too my love," sagot.
"Bakit namumula yang pisngi mo?"
I gulped. Ano bang ipapalusot ko? Alangan namang sabihin kong pinalayas at sinampal ako ng auntie ko. Vaughn would over react.
"I fell while I'm sleeping." Pagsisinungaling ko. I acted cute para makumbinse siya at hindi na magtanong pa.
"Stop pouting love, I might kissed you for an hour today." Banta niya sa akin.
I just showed him a cheeky smile and he hugged me.
"I love you Fenich," he said.
"I love you too Vaughn," I answered.
"Vaughn? Fenich?"
Halos matumba na si Vaughn sa lakas ng pagtulak ko sa kaniya.
"What are you guys doing?!" Gulat na tanong ni Leslie.
I saw pain and jealousy in her eyes. She's shooting daggers at me what the f**k!
"Ano bang ginawa mo Carter! Bigla bigla ka nalang nanghihila at nangyayakap!" Kunyaring galit na sigaw ko kay Vaughn. I gave him a meaningful look.
In short sinabihan ko siyang sakyan ang palusot ko.
"I'm sorry miss it was a dare by a friend." Sakay nito sa palusot ko.
Leslie calmed down. At nakahinga ako ng maluwag dahil dun. Bakit ba siya nandito? Is she a stalker?!
I saw Vaughn trying to make a fake call.
"Hey Claude I already did the dare, I hugged a stranger." Kunyaring my kausap ito sa kabilang linya.
"I'm really sorry miss. Una na ako." Paalam nito sa akin.
"Omg Fenich! How does it feel?!"
Gulat akong napatingin kay Leslie nang bigla na lamang siyang tumili.
"A-ang alin?" Nagtataka kong tanong.
"Ang mayakap ng isang Vaughn Carter!" Kinikilig pang usal nito.
"A-ah hahaha nakakagulat lang." Pagsisinungaling ko.
"Ano ba yan! May nagpadala na nga ng flowers at chocolates sayo, nayakap mo pa yung crush ko nakakainggit ka naman!" Maktol niya.
Tsk ano pa kaya kung nalaman niyang naghalikan kami? Na four years na kaming magjowa? Na we make love? Baka mabaliw kana Leslie.
Sa totoo lang hindi ako natutuwa kay Leslie. Yes she's my friend but she's starting to get annoying sometimes. Her childish manner is pissing me off.
"Tara balik na tayo sa room?" Aya niya sa akin.
I just nodded at her at sumunod sa kaniya. Hayys minsan na nga lang kami nagkakasama ni Vaughn na kaming dalawa lang, andami pang ume-epal.
Pagdating sa room kay kinuha ko lang ang bag at ang pinadalang flowers at chocolates ni Vaughn saka ako naglakad palabas.
"Hey where are you going?" Tanong ni Leslie.
"I'm going home kasi wala na akong class after nito," sagot ko sa kaniya.
Why does she always ask about my whereabouts? She's such a stalker.
Lumabas na ako at sumakay ng jeep. Pinagtitinginan pa ako ng ibang pasahero dahil sa dala dala kong bouquet at chocolates.
I texted Vaughn.
To: boyfriend
Hey love I'm going home. I'm really sorry I really don't know na susulpot siya bigla.
Pagbalik ko sa motel na tinutuluyan ko ay tinawagan ko agad si Vaughn.
"Love, did you get home safely?" Tanong niya agad pagkasagot niya ng tawag.
"Yes love I'm okay," sagot ko.
"Damn that girl I was really pissed off!" He said with frustration.
"Yes I know. I'm sorry hindi tuloy tayo nakapag date." Malungkot na sabi ko.
"Nakakainis yung babaeng yun. I rejected her a lot of times already hindi pa rin siya natatauhan!"
I just sighed. This is getting hard.
"I'm sorry love malakas ata yung pagkakatulak ko sayo kanina." Paumanhin ko.
"No it's okay, nag panic ka lang."
"Where are you right now?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm still inside the campus, nagpapalamig ako ng ulo love," he answered.
Buong araw lang kaming nag usap sa phone since hindi kami nakapag date dahil sa Leslie na yun. It really gets frustrating kapag nangyayari to.
I hope someday magiging maayos na rin ang lahat para sa aming dalawa ni Vaughn. I want to date him while holding his hands. Yun bang hindi kami nagiging anxious kung may makakakita bang iba sa amin.
Vaughn's point of view
I am sitting at one of the benches here inside the campus. Andito ako sa isang mini park trying to cool down.
Bitin na bitin yung oras namin ni Fenich kanina dahil sa lintek na Leslie na yan.
Leslie was once my childhood friend. Both of our families our close but it all started to changed during our last year in high school.
Before the graduation ceremony Leslie confessed to me and I don't kno what to say. I treat her like my younger sister and I can't see her more than that. I like her as a sister and not like a lady like how she wanted.
I rejected her in a nice way back then. I thought naiintindihan niya yun but she keeps on insisting that maybe I can make a room for my feelings for her. She said she can make me fall for her in no time and that pissed me off.
She can't seem to understand what I said. Hinding hindi niya na ako tinantanan after what happened.
She always find ways to keep in touch with me, or be with me lalo na sa mga family parties and I hate her for doing that. Kung sana lang ay pwede kong sabihin na girlfriend ko yung kaibigan niya.
How ironic coz she's Fenich's friend too. Fenich often tell me na palagi daw akong bukang bibig ni Leslie and it hurts her listening to someone who's head over heels sa boyfriend niya.
Mabuti nalang talaga at sobrsng understanding ng girlfriend ko.
"H-hi Vaughn."
Speaking of the devil. Umigting ang panga ko nang marinig ko si Leslie. I always cringe when I hear her voice! She trying so hard to sound sweet and cute.
"What are you doing here?" I asked her in a cold tone.
"I saw you na mag isa kasi eh so I'm thinking na baka gusto mo ng kasama or kausap that's why I went here."
I sighed.
"Nakita mo akong mag isa diba? So it means ayoko ng kasama kaya pwede ka ng umalis." Pagtataboy ko sa kaniya.
Hindi naman ako ganito kay Leslie dati eh. I used to be so gentle and nice to her pero palagi niya kasing binibigyan yun ng malisya.
"A-about earlier nga pala, why are you hugging Fenich?" She asked trying to change the topic.
"I told you it was a dare." Naiinis na sagot ko sa kaniya.
"You should've hug me instead. I was jealous Vaughn. It makes me feel bad because Fenich is my friend," she said trying to hold back her tears. Here we go, another drama.
"Siya yung una kong nakita eh. She didn't know I was going to hug her at isa pa Leslie I already told you to stop bothering me. Kahit ano pang gawin mo I won't hug you," I told her.
"Why is it so hard to like me Vaughn?" She asked in frustration.
"It's simple. I don't like you Leslie. I can't force myself to like you kaya please maawa ka naman sa sarili mo. Don't act so cheap madaming ibang lalaking magkakagusto sayo!" I shouted in anger.
Bobo ba sya?
"Just tell me what's your ideal girl Vaughn please. Am I ugly? I'm willing to undergo plastic surgeries hanggang sa magandahan kana sa akin! Please Vaughn nasasaktan na ako sa patuloy mong pagre-reject sa akin!" Umiiyak na talagang usal niya.
"At patuloy kang masasaktan Leslie kung hindi ka pa titigil! I don't care if both of our parents are friends Leslie, you can't just force me to like you!" I answered.
"May iba ka bang gusto?" Tanong niya.
"At kung sakaling meron anong gagawin mo?" Nanghahamong tanong ko sa kaniya.
"Ha! Do you think tita would let you date someone without checking their background informations? Magiging kawawa lang yung babaeng magugustuhan mo Vaughn if ever na meron nga talaga," she said.
"Well wala akong pakialam. My parents can't decide kung sino ang gusto kong mahalin. At ikaw Leslie, magiging kawawa ka lang rin if patuloy mong ipagpipilitan yung sarili mo sa akin." I told her and started walking away.
That girl is really a pain in the ass!