Five

2039 Words
Fenich "Mag impake kana! Pinapalayas na kita sa pamamahay ko!" Sigaw ni Auntie. Tumulo ang luha ko sa sinabi niyang yun. Ano bang naging kasalanan ko! Bakit ba ginganito nila ako! "Pero auntie! Diba nangako ka sa mga magulang ko na aalagaan mo ako? Na ikaw na yung tatayong magulang ko?!" Sambit ko sa kaniya. "Malaki kana Fenich kaya mo na ang sarili mo! Nakakainis nga eh kasi hindi ko dapat sinabi yun sa kapatid ko! Sana hinayaan nalang kitang magpalaboy laboy sa kalsada!" Sigaw niya. "Ang sama niyo!" Lumakas ang boses ko dahil hindi ko na mapigilan ang galit ko. First year high school ako nun nang mawala ang mga magulang ko at tandang tanda ko pang si Auntie ang nangakong magpapalaki sa akin. Akala ko magiging maayos yung buhay ko pero ginawa lang nilang impyerno yun! Mas lumaki kasi ang galit ni Clarisse sakin nung makakuha ako ng scholarship sa paborito niyang unibersidad tapos siya hindi siya nakapag college dahil wala silang pambayad ng tuition. "Ang kapal ng mukha mo!" Isang malutong na sampal ang inabot ko kay Auntie. "Pinakain at pinag aral kitang hayop ka tapos sasabihan mo pa akong masama! Pinatulog pa kita sa bahay ko ang kapal kapal ng mukha mo!" Sumbat niya sa akin. My fist turns into balls. Sumbatan na ba ang gusto niya? Pwes pagbibigyan ko siya since aalis na rin naman ako dito. Mas mabuti na yung malaman niya yung nga hinanakit ko bago ako umalis. "Oo pinatulog at pinakain niyo ako sa bahay niyo pero pinagtrabahuan ko yun! Para niyo na rin akong katulong dahil ako narin naman ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay! Pinaglinis, pinagluto, at pinaglaba ko kayo kaya dapat lang na pakainin at patulugin niyo ako!" Sigaw ko sa kaniya. "Hoy wag mong sigawan ang mama ko-" "Manahimik ka Clarisse!" Sigaw ko sa kaniya kaya naputol ang sasabihin niya. "Isa ka pa eh! Wala ka ng ibang ginawa kundi ang pahirapan ako! Alam kong naiinggit ka kasi hindi ka nakapag aral gaya ko, kasalanan ko bang bobo ka? Bobo ka Clarrise!" Sigaw ko sa kaniya. "At ikaw auntie, wag mong masabi sabi na pinag aral mo ako dahil wala kang binayad ni isa sa tuition ko! Scholarship ko ang nagpapaaral sa akin!" Sigaw ko sa kaniya. "Hayop ka talaga wala kang utang na loob!" Sinugod ako ni Clarisse at sinabunutan. Huling araw ko na dito kaya sinabunutan ko rin siya. "Tama na! Tama na Fenich wag mong saktan ang anak ko!" Awat sa amin ni Auntie. Inawat niya kami at parehong magulo ang mga buhok namin. "Nakita mo namang anak mo ang unang sumugod sa akin diba? Gumanti lang ako!" Sigaw ko. "Sige na! Lumayas kana Fenich ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito!" Sigaw niya. "Oo! Lalayas na talaga ako sa impyernong to!" Hindi na ako nakinig sa mga panunumbat nila at nagsimula ng mag impake. Hindi ko lang talaga lubos akalain na magagawa nila sa akin to. Naiiyak ako kasi masaya pa ako kanina eh. Pero pag uwi ko bigla nalang magkakaganito. May kabayaran ata talaga lahat ng saya na matatamasa mo sa buhay. Pagkatapos kong mag impake ay mabilis akong lumabas. Sinisermunan parin ako ni Auntie ngunit hindi na ako nakinig. "Yan! Ganyan nga! Lumayas ka dahil wala kang utang na loob hayop ka!" Rinig ko pang sigaw niya habang naglalakad ako palabas ng bahay nila. Pinagtitinginan ako ng mga kapit bahay ni Auntie ngunit hindi na ako nakinig sa mga bulong bulungan nila. Lalayo na ako sa lugar na to kaya wala na akong pakialam kung gagawa pa sila ng chismis tungkol sa akin. "Paglabas ko sa eskinita ay sumakay ako ng taxi. Meron pa naman akong natitirang pera mula sa huling sweldo ko sa pagiging tutor. "San po tayo mam?" Tanong ng driver. "Ah sa pinakamalapit na bangko nalang po," sagot ko. Ngayon na wala na akong bahay ay kailangan kong maghanap ng pansamantalang matutuluyan. Habang nakasakay ay kinuha ko muna ang cellphone ko at nakita kong nag text pala si Vaughn. 5 new messages from boyfriend Hey love nakauwi kana ba? 1:05 pm Did you eat? 1:10 pm Why aren't you replying to my texts? 1:15 pm Are you sleeping love? 1:20 pm I guess you're sleeping. A'right sleep tight and well my love, beep me when you wake up I love you! 1:25 pm. Hindi nalang muna ako nagreply para kunyaring natulog talaga ako. Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko kay Vaughn. Dumating na ako sa bangko kaya nagbayad na ako sa taxi driver at dumiretso na sa atm machine. 50,000 lang ang laman ng account ko at isang taong ipon ko na rin yun. Wala na akong magagawa kundi ang i-withdraw nalang lahat. Pagkatapos ay nagcheck in nalang muna ako sa isang motel dahil yun ang pinakamura! Mas mahal kasi ang hotel kaya magtitiis nalang muna ako dito. Wala masyadong nangyari ngayong araw maliban nalang sa pinalayas ako ng mabuti kong tiyahin. K I N A B U K A S A N Maaga akong nagising dahil hindi naman talaga ako nagkaroon ng maayos na tulog last night. Biglaan ang alis ko sa bahay ng tiyahin ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma process na pinalayas na talaga ako. At some point natuwa rin ako dahil at last, malaya na ako mula sa kanila. I won't live in a toxic household anymore. Meron lang akong isang problema. Hindi ko pa nasasabi kay Vaughn ang tungkol dito at natatakot akong sabihin because I know he would over react! Baka sa sobrang over acting nun eh bilhan niya ako ng bahay! Napansin ko ang pag vibrate ng phone ko kaya agad ko iyong sinagot. "Rise and shine my queen!" Masayang bati sa akin ni Vaughn sa kabilang linya. "Good morning love!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko para hindi niya mahalata na wala akong matinong tulog. "How's your sleep love?" Tanong nito sa akin. "I slept well last night" pagsisinungaling ko. "How about you love?" Tanong ko sa kaniya. "I dreamed about you. Ikaw? Napanaginipan mo ba ako?" Parang batang tanong nito. "Oo naman. At sobrang gwapo mo dun sa panaginip ko." Pang bobola ko sa kaniya. "You too, you look so sexy in my dream and by the way we're making babies in my dream hahaha!" Pilyong sabi nito. "Ikaw talaga Vaughn ah! Ang aga aga pa kung ano ano na sinasabi mo!" Saway ko sa kaniya habang pinipigilan ang tawa ko. "Hahaha see you later love, maghanda kana diyan magde-date pa tayo mamaya! I love you," He said in a happy tone. "Alright love see you later I love you too!" I answered back and ended the call. Napabuntong hininga ako. I look so wasted right now. Namumula pa ang pisngi ko dahil sa sampal na inabot ko kahapon sa tiyahin ko at idagdag mo pa ang kawalan ko ng matinong tulog. How can I get some sleep when I sleep in the motel? Madalas akong magising dahil sa ungol ng kabilang kwarto. Cheap motel lang naman kasi to kaya hindj sound proofed. Nagsimula na akong maghanda para pumasok sa school. Nilugay ko lang ang buhok ko para matabunan nito ang pamumula ng pisngi ko. Pumara na agad ako ng jeep. Hindi kasi ako pwedeng sunduin ni Vaughn dahil nag iingat kami na baka may makakita sa amin. It's sad coz we can't do those things that other couples normally do. "Manong para po!" Sambit ko at bumaba na sa jeep. Bago ako pumasok sa campus ay nagtext muna ako kay Vaughn. To: Boyfriend Nasa school na ako love, see you later! I love you. Pumasok na ako at dumiretso sa room kung saan ang first subject namin. Classmates kami ni Vaughn sa subject na to. Pagpasok ko sa room ay wala pa masyadong tao kaya nakahanap ako ng dalawang upuan na magkatabi. Mas nauna kasi ako kay Vaughn dumating eh so I saved him a seat pero hindi ako nagpahalata. 1 new message received from boyfriend I'm taking the stairs now love see you in a bit! Napangiti ako nang mabasa yun. "Good morning Fenich!" Napatingin ako sa pinto at nakita kong sabay na pumasok si Leslie at Vaughn. Leslie is my friend. Siya lang yung masasabing ka-close ko dito sa campus. Classmates kasi kami sa halos lahat ng subjects. I looked at Vaughn and the chair beside me, trying to tell him to sit beside me pero mas naunahan siya ni Leslie. "Dito ako uupo ah?" Masayang bati ni Leslie. "A-ah sige hahah good morning!" Awkward na sagot ko sa kaniya. Ano ba yan! Para kay Vaughn yang upuan na yan eh amp. "Leslie." Napatingin kami kay Vaughn nang magsalita siya. His voice is cold and it's sending chills to my spine! Ano na namang gagawin niya? "B-bakit?" Kinakabahang tanong ni Leslie. Leslie started to blush. Matagal ko ng alam na crush na crush niya ang boyfriend ko but she doesn't know that Vaughn is my boyfriend. Masakit kasi harap harapan niyang sinasabi sa akin kung gano niya kagusto ang boyfriend ko but I know it woukd hurt her too if she knew that Vaughn is my boyfriend for a long time. "I feel like sitting there. Can we switch chairs?" Walang emosyong sambit nito kay Leslie. "S-sure Vaughn! No problem!" She gladly gave the seat to Vaughn. Hindi ako tumingin kay Leslie dahil sigurado akong titignan niya ako and signal me to find another seat. Kilalang kilala ko na si Leslie, she would find every possible way just be close with Vaughn. Umupo na si Vaughn sa tabi ko and Leslie sat behind him. I can smell his manly scent and it's filling my nostrils. I acted as if I don't know Vaughn. Ganito kami lagi everytime na magkasama kami sa iisang lugar. "Excuse me po, sino po dito si miss Fenich Luna?" Napatingin kaming lahat nang nay kumatok na delivery man sa pinto ng room. Ako raw yung hinahanap. Eh wala naman akong natatandaang inorder! "A-ako po yun. B-bakit po?" Nagtatakang tanong ko. "Maam may delivery po para sa inyo," sambit nito. "P-po?" Nagsimula akong maglakad papunta sa pinto at nagulat ako ng inabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak at isang malaking box ng ferrero roucher! Kanino to galing? "Wow sana all!" "Ang haba naman ng hair mo!" "Sana all pinapadalhan!" Naghiwayan ang mga kaklase ko kaya hindi ko mapigilang mamula. I tried to look at Vaughn pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakita ko rin si Leslie na nakatingin sa akin and she's smiling. "K-kanino po to galing?" Tanong ko a delivery man. "Sorry maam ayaw ipasabi eh, pirma po kayo dito maam," sabi ng delivery man at may inabot na papel sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang pumirma. Pagkatapos nun ay naglakad na ako pabalik sa upuan ko. "Sana all talaga!" "Fenich lang malakas!" "Pahingi naman kami ng chocolates!" Awkward na ngumiti lang ako sa mga kaklase ko. I saw a little card na nakalagay sa bouquet kaya kinuha ko yun. I love you my moon, I'm excited to date you later. Love, Love. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na mapigilan yung ngiti ko. Kay Vaughn lang naman pala galing! "Uy ngiting ngiti ka naman Fenich kilig na kilig yan?" Napatingin ako kay Leslie nang sabihin niya yun. "A-ah hahaha medyo lang," sagot ko. "Kanino ba galing yan? Patingin nga." She tried to snatch the card from me pero mabilis kong naitago yun sa likod ko. "S-secret hahaha." Kinakabahang sambit ko sa kaniya. "O-oh sorry kinilig lang ako para sayo." Paumanhin niya. "Hayys buti ka pa Fenich. Ako nga hindi ako ma crush back ng crush ko!" Pagpaparinig niya at tumingin pa kay Vaughn na katabi ko. "Okay lang yan Leslie. Maganda ka naman, brainy rin, tsaka mayaman and you're nice too. I'm sure may tamang tao din para sayo," sabi ko sa kaniya. In short, para ko na ring sinabi na tigilan niya na ang pagpapantasya sa boyfriend ko in a nice way. Nakaka frustrate talaga tong secret relationship na to! Hindi mo basta bastang maipapamukha sa iba na ikaw yung girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD