Fenich Maaga akong nagising kesa kay Vaughn. Ilang oras rin kaming nagpalanoy laboy sa pistahan kagabi at sinubukan lahat ng pwedeng gawin. Pagkauwi namin ay saka na namin ginawa ang honeymoon na sinasabi niya kaya naman napakasakit ng katawan ko sa sobrang pagod. Mahimbing pa ring natutulog si Vaughn sa tabi ko. He looked so innocent but he's wild. He just sleeps like a baby at napaka-cute niyang tingnan. Narinig kong nag-ring ang cellphone niya at nakita kong si Elysha ang tumatawag. Nagdadalawang isip pa akp kung sasagutin ko ba oh hindi pero mas pinili kong sagutin nalang. "H-hello?" Bati ko sa kabilang linya. "Hello? Hello ate Fenich ikaw ba yan?" Mahinang tanong ni Elysha sa kabilang linya. "Oo ako to may problema ba?" Tanong ko. "Magkasama ba kayo ni kuya? Omg don't t

