Fenich "Love, love gising na nandito na tayo." Naramdaman ko ang mahinang pag tapik ni Vaughn sa mukha ko. Sa sobrang haba pala ng byahe ay napagod kami kakakwentuhan kaya nakatulog ako. Hindi ko alam nandito na pala kami. Antok na antok akong gumising at nag unat sa loob ng sasakyan. "Oh asan na yung kaibigan mo?" Tanong ko sa kaniya. "Nauna na siyang lumabas kasi siya yung magbabayad sa stay natin dito." Paliwanag niya at tumango lang ako. "Let's go?" Aya nito sa akin. Akmang lalabas na ako sa sasakyan nang bigla niya akong pinigilan. "Opps dapat buhatin kita ng naka-bridal style misis ko." My heart flattered. Napakasarap pakinggang ang salitang misis lalo na't galing pa yun sa taong mahal mo. Nakakataba talaga ng puso. "Sus naging extra sweet ka naman ata?" Biro ko sa

