Maraming kababaihan ang nasa paligid na nagdadaldalan tungkol kay Zoren Yang. Dahil malapit lang si Clover sa mga ito, narinig niya ang lahat ng usapan. Natapos ng magsalita sa stage si Zoren Yang, wala man lang naintindihan si Clover kahit isa sa mga sinabi nito. Habang pababa ito ng stage ay sinulyapan na lamang niya ito, at hindi niya maiwasang humanga rito. Napabuntong-hininga si Clover, dahil sa naisip na talagang gwapo naman ang tinatawag nilang senior Yang. All of sudden, nagvibrate ang cellphone ni Clover, dahil may nag txt. "Babe, binabalaan kita. Huwag kang tumingin sa ibang gwapong binata diyan. Asawa na kita ngayon. Kung hindi ka magiging tapat sa akin, you'll die." The message was sent by Aleo, mula pa kaninang umaga ay balisa na itong si Aleo, dahil natatakot itong ang

