" Marami sa mga koleheyo ngayon ang naka dorm na, at noong nag-aaral ako ng high school naka dorm na ako." Natatakot na si Clover kay Aleo, lalo kung malamig pa sa yelo ang itsura nito. " Kung kukuha ka ng dorm sa school, ay para lamang magkaroon ka ng maayos na mapagpapahingahan sa tanghali o kung naghihintay pa ng sunod na subject. Hindi para tumira ka doon." Hindi talaga sasang ayon si Aleo sa balak ni Clover na mag dorm sa school, mahirap na oara sa kanya na hindi matikman ang masasarap na luto ng asawa. At ang malala pa ang maisip niyang hindi na magagampanan ni Clover ang pagiging asawa sa kaniya sa gabi. " Keep it in mind, wag ka nang maglalakwatsa pagkatapos ng klase mo. Umuwi ka agad dito sa bahay at ipagluto ako. " You hear me?" Utos ni Aleo. Tumango naman si Clover, sana h

