OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 73 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. OKAY NA kaming dalawa ni Enzo. Masaya ako na bumalik na siya sa pakikipag-usap sa akin at nakakatabi ko na rin siya sa pagtulog. Pero masama ang pakiramdam ko… lagi na lang masama ang pakiramdam ko at nakakaramdam ako ng pagsusuka sa umaga at nahihilo ako. “Cantia, pumunta na lang kaya tayo sa ospital?” “Shut up!” galit kong sigaw ni Enzo habang nagsusuka pa rin ako rito sa loob ng CR. Nasa likuran ko ngayon si Enzo habang hinahagod ang aking likod. “Cantia, kada araw ka na lang nagsusuka. Kailangan na nating pumunta sa ospital!” muling sabi ni Enzo. Tinignan ko siya ng masama at tumayo na ako. Naghilamos ako sa aking mukha at tinignan ko ang repleksyon ko sa salamat. s**t! Ang pangit ko talaga kapag masama ang pakira

