OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 74 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. HANDA NA akong sabihin ang balita kay Enzo. Siya ang una kong pagsasabihan tungkol sa aking pagbubuntis. Gustuhin ko man na tawagan na ang kapatid ko na si Artemis upang sabihin ang totoo sa kanya, kailangan pa rin na mauna si Enzo. “Manang, wala pa rin ba si Enzo?” tanong ko sa kasambahay namin dito sa bahay. Umiling-iling naman si Manang. “Wala pa rin ho, Ma’am Athena. Baka pauwi na po ‘yun. Hintayin niyo na lang,” sabi nito at umalis na sa harapan ko. Bumuntong-hininga ako at naupo rito sa may couch. Tapos na rin akong kumain ng dinner. Napatingin ako sa orasan sa may dingding at nakita kong 9 PM na, pero hindi pa rin umuuwi si Enzo. Kanina ko pa rin siya tinatawagan pero cannot be reach ang kanyang numero. Hindi

