After I performed the last song. I went back to OR. Hindi ko na inantay ang announcement ng winner. I need to be at the OR first bago pa man dumating si Dr. Chu. Ayaw niya na mas mauuna pa siya kaysa sa mga nurses. Lalo na pag ito ang mag aassist sa kanya.
Buti na lang di pa ako late. Wala pa si doc and I'm 15 minutes early.
Nagselfie muna ako para ipost sa IG. I am so tired di ko alam bakit, pero masakit ang buong katawan ko na parang bibigay na at lalagnatin ako. Siguro sa pagod. Sobrang pagod na ang katawang lupa ko at naiisip ko lang ang duty ko bukas at sa Sunday na 16 hours, pamatay. I posted the photo and put a caption.
"Tired and hungry. So sleepy. But the show must go on. I love being a nurse."
Kakapost ko pa lang at nagcomment agad si Jeffy.
"Why are you tired? I will send you food. You eat Ella. Wag matigas ang ulo. I miss you love. Take care always please."
Yah pag nilalambing ako ni Jeffy he will always called me love as his endearment. Di ako nagreply but I heart his comment. Alam na niya yon. Kilala na niya ako.
I assisted Doc Chu sa appendectomy operation. Dumating din naman ang food na padala ni Jeff while on going ang procedure. Pinauna ko na ang mga nasa OR na iba, madami siyang pinadala. Kaya tuwang tuwa ang mga kasamahan ko. Busog kung busog. Knowing Jeff, kilala niya ako. Hindi ako kakain pag ang food para lang sa akin. Kaya naman ang pinadala niya ay para sa buong OR department. Sabi ko tirhan nlang ako. They enjoyed eating the food. I will call him later to thank him. Kilala niya ako,
wala ng madaming salita, gets niya agad, that's explain why, ano kaya gagawin ko if mawala na si Jeff?
Performance was over at panalo kami. Our prize was given to Mang Danny. Afternoon shift done. I'm about to go home ng maremember ko si Caden. f**k! Di ko siya namessage kanina. Patay! I send him a message right away.
"Hey, my shift is done. Where are you?" i sent.
Nag-antay ako ng reply niya after 5 mins, 10 mins, 15 mins wala pa din. Haist, uwi na ako pagod na talaga ako. Di na kaya. Pagkalabas ko ng OR. There, i saw him leaning on the wall. Ba't di siya nagreply? Natanong ko sa isip ko. Tapos andito, nakaabang.
" Hi, " bati ko. Kanina kapa? I texted you but got no reply." naka pout kung tanong sa kaniya.
Tiningnan niya ako sa blangkong expression. Para naman akong napahiya sa paraan ng pagpapa cute ko.
" Just a couple of minutes. I'll send you home." sagot niya sa napakalamig niyang boses.
Wala kaming imikan na naglakad papuntang elevator, hanggang sa sumakay at makarating sa parking lot.
Pinakikiramdaman ko siya. Ano kaya problema nito? Last night he was mad pero mas okay kasi kinakausap pa din niya ako. Ngayon kasi kakaiba. He’s so cold. Di man lang niya ako binati. Hindi nireplyan sa text or tinanong if ok ako. Musta ang araw ko. As in the cold treatment is killing me. Sumakay na ako sa sasakyan niya. Hindi rin niya ako pinagbuksan ng pintuan. f**k! ba't ang sakit ng dibdib ko, parang tinutusok na gusto kong maiyak. He drove me to my condo without talking to me. Hayaan ko nalang siya. I'm so damn tired para makipag argue tonight. Bukas ko na lang siya kakausapin.
Nakatuon lang sa daan ang kanyang attention. Pagod ba siya? Tanungin ko kaya siya.
"mmmmh Okay ka lang?" tanong ko at tumingin sa kaniya. Hindi siya sumagot at nakatuon ang pa rin ang attention niya sa daan. Nag ring ang phone niya. May tumatawag. Sinagot niya 'yon.
" Okay i'll be there. Just wait for me. Don't go anywhere. I will kill you brat. Behave ha. " narining kong sabi niya.
Parang gusto kong umiyak. Sino kaya yun, fling niya or girlfriend? s**t, i hate this feeling. Yung kamay ko nanglalamig at nanginginig. Please not here. Maya na pag akyat ko. Ayoko ko na makita niya.
Nakarating kami sa condo ko. Same last night, umaasa pa din ako na sasabihin niya na matutulog siya sa unit ko, mangungulit. Pero walang nangyari na pangungulit.
As in hinatid lang niya ako. I said thank you for the ride. Di niya man lang ako tiningnan. The moment i stepped out from his car and closed it. Pinaharorot niya agad ang sasakyan niya. Without even saying goodbye. The next thing i know, tears started to fall from my eyes. s**t! Ang sakit. Gano'n lang yon after ilang days na pangungulit niya? Napilitan lang ba siya sunduin ako kasi nangako siya kanina at ngayon may kasama na siya na iba.
God! I hate this feeling patang tinutusok ang puso ko. Tanga ko kasi, ba't ako nagpadala sa tukso. Alam ko naman ang tulad niya na mayaman hindi ako pag aaksayahan ng panahon.
Para akong lutang na pumasok sa elevator hanggang makarating sa unit ko. The moment i closed the door, i broke down and started to cry hard. Humihikbi ako na umiiyak. When was the last time i cried so hard? Two years ago after the annulment was approved. Yes, I was finally free.That was the moment i regained my freedom. But, i was never happy that day. Kahit alam ko malaya na ako. Kasi alam ko sa sarili ko i failed in securing and fighting for my marriage. Ang pangarap ko na buong pamilya, hindi na matutupad. I started to live my life like a normal one. Pero gabi gabi naman basa ang unan ko sa kakaiyak. I am still broken, that's why i leave the Philippines for a month to travel. I visited Italy and Barcelona. I stayed in UK for how many days sa bahay ng brother in law ko.
I consulted a Psychiatrist and therapy session was started. Bawat araw unti unti akong nagiging okay. Kala ko matapang na ako. Kala ko pagkatapos ng mga pinagdaanan ko madali na lang.
Naging maingat ako this past two years sa mga tao sa paligid ko, lalong lalo na sa mga lalaki. Marami ang gustong manligaw pero hindi ako pumayag. Sinasabi ko na i'm married at pinapakita ko ang wedding ring ko. Nandito pa kasi sa akin ang wedding ring namin ng ex-hubby ko. Tinago ko muna.
Pero noong makilala ko si Caden, nawala lahat ng nilagay ko na pader. Unti unti niyang natibag. Kasi akala ko totoo siya. Yes i was attracted to him. Sino ba naman kasi ang hindi. Sa mukha na yon. Pero nakalimutan ko na sa mukhang yun pwedeng panandalian lamang ako. Yun ang sobrang sakit nagayon. Kasi sa maikling panahon na magkasama kami. Natotonan ko na siyang mahalin. Kaya masakit. Parang di ko kaya.
Tumayo ako at deretso sa bed ko at nahiga. Di na ako nag ayos or naligo. I want my bed to comfort me. s**t! ayoko ko talaga sa feeling na'to. Same with the feeling i felt 3 years ago. Mas masakit pa ngayon. Di pwede na ganito. I have to distance myself from him. Okay na din yun habang maaga pa. Kakayanin ko pa.
Nakatulugan ko na ang pag iyak.
The next day came. I woke up and prepare for duty. Pero makikita sa mukha ko ang lungkot. I put slight make up para di mahalata na may some thing sa akin. Di naman naging masyadong busy sa OR. Carry lang. Natapos din ang buong shift ko na maayos. Pinagdasal ko talaga kasi wala ako sa tamang katinuan. Baka magkamali pa ako. Pauwi na ako after my shift. Umaga na mag 8am. Tiningnan ko phone ko baka lang may message from him. Kaso wala, sumilip din ako sa labas ng OR baka kasi andon siya nag aantay at ihahatid ako. Pero paglabas ko wala. Instead nakita ko si Ma'am Jiminez.
" Good Morning Miss Morales, buti naabutan pa kita. Huwag kana pumasok mamaya, mag off kana at matulog. Start na din leave mo sa monday. Ingat ka ha sa travel mo. Pasalubong na lang." Sabi niya na nakangiti.
" Salamat ma'am. Makapagpahinga pa ako ngayon buong araw." natutuwa kong sabi.
I went home that morning na walang Caden akong nakita or nagtext. Haist. I have to forget about him. Walang magandang idudulot. Matulog na lang ako at mamayang gabi alis ako para bumili ng susuutin ko sa Bali. Sa wed pa naman ang flight ko. Change ko kaya at sa monday nalang ako umalis. Pag isipan ko. Matulog na muna ako.
Mula umaga ng 8am ang tulog ko at nagising ako ng 4pm hapon na. Today is Sunday. Sana hindi traffic. Tiningnan ko ang phone ko. Walang message kahit isa. Wala manlang nagmamahal.
Kumain ako at naligo. Nag ayos, at nagsuot ng Polo Longsleeve na tinupi ko ang manggas at ripped shorts, paired it with high lace shoes. Magdala lang ako ng maliit na sling bag for my phone at wallet. Punta ako ng Shang ri La para after doon pwede ko daanan si Jeff and magsimba sa Baclaran. I will use my car today syempre.
Pagkarating ko ng Shang ri La nag ikot ikot ako sa mga shops. Pag may nagustuhan ako na di gaano ka mahal binibili ko. Complete na ang outfit ko. Swimwear na lang ang kulang. Kaya napadaan ako sa isang shop. Makapasok nga, parang mga maganda ang paninda nila.
" Hi Ma'am good afternoon welcome! " bati ng sales lady.
"Dito po ang mga New Arrivals. May isa po kami na design halos sold out na but we still have one pair yang naka display. "
Maganda parang bet ko. "Sige kunin ko small size Miss ha." sabi ko.
" Okay ma'am may bibilhin pa kayo? " natanong niya.
" Oo sana may titingnan pa ako sa paninda niyo, kunin ko yan wag mo na ibenta at pakuha na sa mannequin, isamama ko pag may mga additional ako na mapili." pagkaklaro ko sa sales lady.
Maya't maya may narinig akong babae na nagsasalita at gustong bilhin yong swim wear na gusto ko. Wow ha, sa dami bakit yung pinareserve ko pa.
" Miss i want that pair please." sabi ng babae
" Ay ma'am sorry, may bumili na po niyan, nasa dressing room lang may sinusukat. Kaya po tatanggalin na sana namin kasi hinndi na siya for sale. Last pair na kasi yan." explained ng sales lady.
" Yan ang gusto ko. Aj please. Diba kilala mo ang may ari ng mall na'to? Gusto ko kasi yan, ayoko ng iba. " maarteng sabi nung babae.
" Miss baka pwede ibigay na lang sa kaniya. Kausapin mo yung kumuha. Yan lang kasi bibilhin namin dito. " Pakiusap ng lalaki at parang familiar ang boses niya. Di nga ako nagkamali ng silipin ko.
Fuck! It's Caden. Biglang tumigil ang mundo ko. Napasandal ako sa dingding na nasa labas ng dressing room at hinilig ang katawan ko para kumuha sapat na lakas. Para akong nanghina lalo na ng makita ko ang mukha ni Caden, at yung babae ay familiar. Yung babae sa eroplano, yung flight attendant What a small word. Napapikit na lang ako sa sakit na dumaan sa dibdib ko. Kaya pala di na siya nagmessage. Kaya pala kahit tingnan ako di na niya magawa noong isang araw. May iba na pala. Ang tanga ko naman kasi na umasa. Sino ba naman kasi ang mag aaksaya sa isang tulad ko na single mom and separated kung may isang ganyan kaganda na walang sabit. Di ko namalayan, lumuluha na pala ako. Narinig ko na lang na tinatawag na pala ako ng saleslady at dali dali kong pinunasan ang luha ko. Nagtatanong kung pwede ko daw ibigay yong swimwear sa isang buyer doon sa girlfriend ni Caden. Napatango na lang ako ng wala sa oras. Pinaka hate ko ang makipag agawan. Kaya sa kaniya na yang swimwear.
Narinig ko na ngsalita na naman yung girl. " Aj, i'll sleep in your condo tonight. Matagal tagal na din last tayo natulog dun. " maarteng sabi niya.
" Fine!" Tipid na sagot ni Caden sa babae.
May biglang dumating na dalawang ginang. Sa mga suot at ganda halata mo talaga na mayaman.
" Miranda and Aj di pa kayo tapos diyan? Tanong nung medyo matanda na babae.
" Tapos na siya Auntie. Magbabayad lang. Pawait na lang sa labas.", Sabi ni Caden doon sa Auntie niya.
" Aj, asan sina mom? " bumalik at nagtanong si Miranda, halos yumakap na kay Caden.
Di ko alam kung lalabas ako. Need ko ng bayaran yong nasa cashier. Lalo na ng tinawag na ang pangalan ko.
" Hi ma'am cash or credit card?" tanong niya sa akin kaya no choice ako kundi lumabas. Inayos ko ang sarili ko bago humarap sa dalawang linta.
" Credit card Miss, sabay abot ng cc ko. Thank you." sabi ko sa cashier. Na hindi tumitingin sa gilid ko pero narinig ko ang boses ni Caden.
" Miss Bella Alliena Morales po tama ma'am? pagkompirma ng cashier. Pucha sinabi pa talaga ang full name ko. Tumango lang ako bilang pag sang ayon.
" Bella...." mahinang sambit niya.
"Ito na po ma'am salamat." sabi ng cashier.
" Thank you Miss. " sabi ko at sabay kuha ng mga pinamili ko at nagmamadali akong umalis na di tinatapunan ng tingin si Caden. Narinig ko pa yong sinabi ng cashier doon sa Miranda.
" Siya po yung nakabili ng swimwear na to ma'am. Kanina pa kasi siya dito. Madami siyang binili. Buti nga pumayag siyang ibigay namin sayo. Kasi kong iba po yun baka awayin kayo. Ang bait niya at maganda pa." narinig ko na sabi ng tindera.
" So anoh ang gusto mong sabihin Miss cashier? Na masama ugali ko kasi kinuha ko sa kaniya? " mataray na sagot ni Miranda
" Miranda stop it!" saway ni Caden.
Umalis ako sa shop na yon na nakalutang. Di ko alam saan ako pupunta. Naramdaman ko nalang umaagos na naman na parang gripo ang mga luha ko. Lord bakit ganoon? Bakit ko pa siya nakilala kung ganito lang din naman. Sana tama ba yong sa Istanbul. Sana di na ako pumayag na lumapit siya sa akin. Ang sakit eh. Tapos na ako nito. Ayoko na maranasan ulit kasi di ko alam if makakabangon pa ako dito. Nakarating ako sa parking. Di ko muna binuhay ang makina. Umiyak ako ng umiyak. Kasi ang sakit naman. Minahal ko na ba talaga siya, kasi sobra ang sakit. Narinig ko na lang na nag riring ang phone ko. Kinuha ko sa bag ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
It's Caden who is calling. f**k you cheater! Kung kailan ka nahuli saka ka magpaparamdam. Ano akala mo sa akin, ganoon lang kadali mauto. Di ko sinagot ang tawag niya at wala akong balak sagutin kahit kailan. I deleted his number. Parehas la lang siya sa ex hubby ko. Tumatawag pa din siya this time number na lang kasi deleted na siya sa phonebook ko. I block him para di na niya ako istorbohin.
I drove my car to The Medical Center. Malapit lang naman. Daanan ko si Jeff. Pagkadating ko at nagpark. Pinuntahan ko ang office niya. Past 5pm pa lang naman.
" Hi Annie! musta? Si Jeff? Bati at tanong ko sa secretary niya.
" Ay Allie kaw pala, andiyan siya sa labas nitong Hospital mayroon sa dulo isang Restaurant nakain ata. Try mo puntahan. " sabi niya.
Pumunta naman ako at nakita ko nga ang restaurant. Pumasok ako at hinanap si Jeffy. Nakita ko siya sa sulok banda. Pero may kasama siya, isang maganda na babae. Tumatawa silang pareho. It's nice to see Jeff happy at the same time sad, dahil alam ko mawawala na siya sa akin once mahanap na niya ang babaeng makapagpapasaya sa kanya. I guess she's the one. Hindi ko pa nakita si Jeff ng ganyan sa iba. Sa akin lang at ngayon sa kanya. Di ko na sila istorbohin.
Hindi na ako tumuloy. Namalayan ko nalang sumakay na ako sa sasakyan ko at
di ko alam saan pupunta.
I need someone right now. Di ko ata kakayanin mag isa ngayon. I want someone to talk to bago pa ako magbreakdown. Lord not now please. I drove my car. Nalaman ko na lang na binabaybay ko na ang daan papuntang Baclaran. Here i am again. Pag may problema. Simbaban lang talaga ang takbohan ko. Ikaw lang Lord ang masasandalan ko.
Nakarating ako ng Baclaran at nagsimba nalang kahit patapos na ang mass. Umiyak ng umiyak hanggang sa maubos na ang luha ko. After mass tumambay ako sa labas. Sa may waiting shed, sa dati ko pa din na pwesto. It's been 10 years. Kumusta na kaya siya. Pano kung makita ko siya ulit dito. Mas malaki na yon for sure.
" Sana kong nasaan ka man. Sana natupad mo ang pangarap mo. Sana safe ka." pabulong kung sambit.
May dumaan na eroplano at napatingala ako.
" Sana ikaw ang piloto sa eroplano na yan. Hanggang sa muling pagkikita." malungkot kong sambit. Napatingin ako sa aking relo. Past 6pm na pala. Message ko nga sila baka mayroon free sa kanila.
I texted them all one by one but no one is available. Si kim overtime, Dylan overtime. Shawn duty 16 hrs. Hindi na ako nagtext kay Mariel kasi may asawa na at buntis. Ayoko siyang mag alala sa akin.
God! Saan ako ngayon pupunta. Lahat sila busy sa buhay nila.
Alis na lang kaya ako. May flight pa kaya? Check ko nga. Singapore wala ng available bukas na. Thailand din wala. Malaysia yon mayroon ngayong gabi 9pm. Tama doon ako pupunta kay Sue, yung dati ko na kawork sa middle east na malaysian.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nagbook ng ticket papuntang Malaysia. Tinahak ko ang daan papunta sa Bacoor, sa bahay at mag empake ako at balik airport na. Iwan ko na lang ang sasakyan ko sa airport banda, magbabayad na lang ako.
Nakarating ako sa bahay at nag empake pati yung mga bago ko na pinamili sinama ko na. Nagreply na sa akin si Sue. Nag ask lang sana ako anong hotel ako dapat magstay. Hindi niya ako pinayaga at sinabihan na sa bahay nila ako tutuloy at susunduin niya ako mamayang 12 midnight in Philippines time.
Natawa na lang ako at parang iiyak.Akalain mo masasaktan na naman ako the second time. Karma ko na ba'to. Kasi kong karma, grabe ang galing mo. Tinamaan na naman ako.
Nakarating ako ng NAIA terminal 1, international flight departture.Pumila sa baggage, sa Immigration and now waiting for boarding. Sana pagbalik ko mawala ang sakit at maghilom.
Nasa loob na ako ng eroplano and waiting for the plane to take off at naremember kong magpost sa IG ko. I took a photo of an airplane wing and put a caption. Napabuntong hininga. I wish madali lang ang lahat.
IG post...
“Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars? I could really use a wish right now! Wish right now!
Bye for now Pinas...
#safeflight