Aj
I hate leaving Bella while sleeping like a baby. I want more cuddle. Even the whole day we do nothing but cuddling and kissing I wouldn't mind. I will surely love it. Pero hindi pwede, as much as I want to I have an appointment at 9:30 in the morning. I left her condo unit while she was still in deep sleep. I placed the food on the table for her to see it easily once she get up, I just added some small note and stick into it. I know she will look for me and wonder where I am.
I attended meetings and tons of proposals to be review was piled up on the top of my desk. I need to finish it today because I want to spend more time with Bella tonight.
Noon came and I called her. She’s on her way to work. Damn she’s a canny woman. Ayaw gamitin ang sasakyan. Mas gustong mag jeep. I’m just so worried but I guess it’s an advantage on my part. I can send her home and be with her every after shift.
My dad will be discharge tomorrow according to his cardiologist. They will just run some test over him today and by tomorrow he is good to go. My phone beeps. Again it’s from my friends. Mga walang magawa sa buhay. This group of slackers are killing me. Ako ang binubweset everyday, for sure they are at the hospital now. Ginagawang tambayan ang room ni Dad. Pano mga confident na di sila sisitahin ng mga nurses kasi andon din si Allen, isa ding konsintidor.
Dragon Boyz Z ( w******p Loop)
Zeus: Hey boyz! Where the hell all of you? Punta na kayo.Dito na me.
( selfie photo of him sent. Nagpapacute na naka poute)
Liam: Puta Zeus! Nakakadiri ka!
Zeus: hahaha! Saranghae Oppa! Odi-ya? ( I love you, where are you?)@Liam
Liam: jip (home)
Zeus: Punta kana dito, last tambay na natin dito ngayon.
Aj: Amputa ginawa na namang tambayan ang room ni Dad. @ Zeus siguraduhin mo lang na di nalulugi ang Airlines at nasa hospital ka parati. Iwithdraw ko pera ko.
Zeus: Chillax papa bear. Kaya nga tinatawag tayong may ari. Para dito tayo nakaupo lang.ahaha! Asan ka? Punta kana, madami akong dalang pagkain. Sabi ni tito break ka daw muna. Hapon na oh. Sige ka papunta dito si Bella. @Aj
Kai: Madaming pagkain? Super madami?
Luca: @Kai kahit kailan talaga pito basta pagkain ang usapan di ka pahuhuli.Wala ka bang pambili sa yamang mong yan? Papunta na kami ni Allen.
Zeus: Oki doks! As usual absent pa din si @Atreus. Kaya wag muna kayong magsiasawa ha. Sabay sabay tayo. Ayaw kong maiwan na nag iisa.huhu
Aj: Ang drama mo. Nakakabading ka. May tapusin lang ako at punta na diyan.
Wala talaga sa ayos. Tambayan na naman ang room ni Dad sa hospital. Mabuti na lang din kasi kung wala sa hospital for sure dito yan sa opisina nagtatambay ang mga kumag. Tapusin ko lang itong needed ng signatures na files after punta na ako sa hospital.
"Vivian!" i called my secretary and give her some nstructions. "Alis ako ng maaga ngayon. Ikaw na muna bahala dito. See you on Monday. Inform me if anything bad happens."
"Oka sir! " sabi niya.
Inayos ko na ang mga gamit sa desk and I texted mang Ben na ako na mag dadrive. Umuwi nalang siya at ng makapagpahinga. I drive my car to the hospital. I think mga past 5pm na ata ako makakararating nito, it’s Friday and matraffic. Naalala ko si Bella. Hindi ko muna siya itetext for sure naka duty, bawal istorbohin, sunduin ko na lang mamaya. Sa hospital na lang ako magbibihis, may damit naman ako na nilagay ni Mang Ben kahapon.
I arrived at the hospital at 5pm in the afternoon. Deretso na ako sa room ni Dad at ano pa, present na naman ang aking mga kaibigan, complete except for Atreus. Busy sa asawa at company nila. Masilan kasi magbuntis ang asawa niya. We haven't meet the girl, gusto naming mameet kaya baka magset sila ng date or by next week i guess, yong plan sa house warming ng bago nilang bahay. I'm happy for Atreus, i hope so.
“Ano mga busog na ang mga patay gutom? Sabi ko sa mga kumag pagkadating at hinubad ang coat at niluwagan ang butones ng longsleeve na suot ko. Magpalit ako maya maya mg damit.
“ Kita mo naman inubos na, buti tinirhan kapa, ang tagal mo. Nagpunta kanina si Bella. Di mo tuloy nakita ang ganda niyang pang Miss Universe. “ kwento ni Zeus na nang-iinggit.
“Alam ko pupunta siya, mag insert ng IV access kay Dad. Kausap ko siya kanina bago siya pumasok." sabi ko para alam nila.
“ Wow, seryoso na talaga pre. Kayo na ba? “ nagtatakang tanong ni Kai.
“ Di ko alam, first time ko naman nagka ganito. Kaya di ko alam. Basta gusto ko siya. At ayoko may nakikitang may umaaligid aligid sa kanya. Makakapatay ako. “ tiim bagang sabi ko sa mga kaibigan ko. Seryoso ang mukha ko at napatingin silang lahat sa akin.
Di ko din alam, basta gusto ko siyang makita araw araw. Mayakap at mahagkan. Di akong magsasawang gawin 'yon. Para kasi akong mababaliw pag di ko siya nakikita. Nagseselos ako pag nalalaman ko may mga lalaking humahanga sa kanya. Gusto kong pumatay pag may mga lumalapit sa kaniya. Hindi ko alam kung mahal ko siya. Hindi pa naman ako nakaramdam ng ganito sa iba, at hindi pa ako nagmahal ng babae kaya di ako alam ano ang feeling. Naninibago talaga ako sa sarili ko. Tiningnan ko sila isa isa ng makahulugan.
“f**k! p***y whipped “ iiling iling na sabi ni Luca. “ Malala yan kaya kain ka muna. “ dagdag niya at nagtawanan sila. Sige lang tawa lang kayo. Mararanasan niyo din ang ganito.
May kumatok at isang nurse na bading at pumasok. Magbibigay daw siya ng gamot kay Dad. I give him a nod and he went to Dad to give the medicine. Kasunod niya pumasok naman yung head nurse ata nila kasi kahapon kausap siya ni Dad about sa Hospital. Kaya familiar ako sa face niya.
“Good Morning Sir. Makikinuod saglit..” sabi niya. Ako naman napakunot ang noo. Manuod saan? What does she mean?
“Ano pong mayroon ma’am?” curious kung tanong sa kaniya.
"May program po kasi sa baba. Foundation Day kasi ngayun. Dad niyo po manuod din daw siya,” paliwanag niya sa akin. Kala ko ano, manuod lang pala ng program.
“ Nagstart na ba ma’am?” it was Zeus. Aba ang kumag interesado din. Close na din sila ng head nurse.
“Grabe Zeus, pati program ng hospital pinapatos mo? “ naapailing kung sabi.
Nagtawanan ang mga loko. Tapos na kaming kumain lahat at lumipat kami sa may balcony banda. Kanina pa ata nagstart ang program. Nakakatuwang makita ang mga performance. Kahit mga pagod sa duty todo bigay ang mga employees. Ganoon naman talaga, katuwaan lang. Mas exciting pa pag malaki ang prize. Parang sa company lang din. Sarap tingnan ang mga mukha nila na nasisiyahan sa mga pakulo ng company. Parang dito rin, manalo at matalo basta nag enjoy.
May pumasok na isang nurse pa, at may sumunod pa. Madami na sila dito. Pati yung supervisor dito na din. Tuwang tuwa naman si Dad, lalo na't kinakausap siya ng mga nurses. I love seeing him this way, so carefree. Para ng sinehan ang room niya. Sabayan pa ng mga maiingay kong mga kaibigan.
“OMG, si Allie ang magpeperform?” excited na sabi noong isang nurse na parang nagulat pa.
“ Bakit si Alie, mga busy kaya yon. May case sa OR ngayon", sabi ni Maam Karen yong headnurse.
“Hndi mam ah, maya pa siya mag scrub after ng performance nila. Pinsan ko kasi naka duty sa OR, student nurse, umaga na daw nga sila natapos sa practice. Mag perform daw si maam Allie. Kasali ang OR ngayon, yon ang pasabog sa program. Sila ang huling magperperform.” paliwanag niya.
“ Ah talaga totoo pala, kala ko joke lang ang biruan namin kahapon. Maganda atleast sumali na ang OR." natuwa naman na sabi ni ma'am Supervisor.
Nakikinig lang ako sa kanila, pero curious din ako. Alam ko nagpractice si Allie last night, di ko siya natanong para saan kasi pagod na pagod siya and she wanted to sleep. Papanoorin ko nalang din.
" Tamang tama pala pinapunta ko kayo dito, buti din nagpapilit ka, kasi kung hindi, you will miss half of your life pag di mo makita ang performance ng destiny mo. Makakapanuod din kami. " nakangising sabi ni Zeus. Tama siya, masasaksihan ko kung ano man ang gagawin ni Bella ngayon.
"Omg yan na, sila na! Oh nakikita ko mga taga OR, nandoon si Jerry. Si Allie oh naka hoodie. Teka but naka hoodie lang siya walang pag ibaba?", Nagtatakang tanong nung baklang nurse.
Napatingin din kami doon sa tinitingnan ng nurse. f**k! Bella your legs is expose. Nasabi ko nalang sa sarili ko. Inis na napasara ko ang kamao ko. Di ko alam if pupuntahan ko or what.
Hinawakan ako ni Zeus sa braso.
"Relax dude. Magpeperform, may costume." sabi niya at napa tiim bagang nalang ako.
“Uuwi na ba kayo? Wag muna kasi di niyo makikita ang aming pasabog. First time nilang magparticipate ngayon, as in marami ang magugulat. Handa na ba kayo sa last participant natin? Gusto kong marinig yung malakas na sigaw na handa na kayo. “ sabi ng emcee.
Nagsisigawan ang mga tao. Pati ang mga kaibigan ko, mga sira ulo.Nag cheer din lalo na si Zeus at Kai parang mga sira.
Woooooh ! Sigaw nilang dalawa at pumapalakpak pa.
"Ok, ito na. Let us all welcome the
Operating Room Department!
Lumakas ang sigaw ng mga baliw kong kaibigan, nakisali na din. Himala ang mga walang imik noon, ang iingay ngayon.
"Wwwoooooh! OR OR!
"Ang ingay niu anoh?", sabay tingin sa kanila ng matalim.
"Syempre support namin si Allen at Luca, OR eh at ang destiny mo bro." sabi ni Zeus.
" Si Allie ! Sigaw ng nasa likuran ko, nakita ko si Bella umakyat ng stage.
waaahhhh!! Woooooh! Mga taga OR sumali. Sigaw ng mga tao.
Namatay ang ilaw bigla at dumilim ang paligid at ang stage napalitan ng parang mga bituin na nagkikislapan. Biglang bumukas ang spotlight at nakatutok sa babaeng naka baloktok ng upo, walang iba kundi si Bella. Biglang pumalinlang ang malamyos na awit at sinabayan niya yon ng galaw ng katawan.
"s**t!" Yon lang masabi ko.
"OMG si Allie yan diba? Shitty ang ganda ng katawan.Ang liit ng baywang. Body goals girl. So lean, walang fats beh.", sabi ng nurses na nasa kabila ko.
Ako naman naiirita. Gusto kong sumabog ngayon. Napailing na lang ako at kinalma ang akinh sarili at pinanood siya. She's performing a Pole dancing. Nahigit ko ang aking hininga habang nakatingin sa kanya na nagsasayaw. Wow! First time ko makakita ng ganyang performance. I saw pole dancing done by stripper. Bella's performance it so different. The emotion, the energy it flows and you can see it. I know her body is so flexible. Napapansin ko yon when were having s*x. She’s that good at grinding on top of me. f**k! I'm having a b***r now thinking about having s*x with her. Pano pa ang ibang lalaking nakatingin sa kanya ngayon I know her performance is breathtakingly amazing but mga lalaki lang din ang mga 'yan. Titigasan kong ganyan ba naman kaganda na katawan ang nakikita at nagsasayaw pa, halos wala ng saplot. Mas lalo pa akong napa tiim bagang noong marinig ko si bading na sumigaw.
"Doc James! Kumurap ka naman. Lalaway kana naman kay Allie eh. Hanggang pangnanasa ka lang!", sabay tawanan nila.
"Grabeh galing niya. Di ko iniexpect. Sabagay halata naman kasi makikita mo sa uniform niya kahit naka scrub siya maganda tingnan sa kaniya. Yan pala pinaka work out niya.", narinig kung sabi ng mga nasa likod.
" Now I know kung bakit nababaliw ang isa dito. Hahaha!", sabi ni Liam. "Kung ganyan ba naman, mababaliw talaga ako."
"f**k you! Shut up!", matalim ko siyang tiningnan at tumahimik sila. Alam nila di na ako natutuwa sa nakikita ko. Bella is mine and her body is mine. Ako lang dapat ang nakakakita niyan. Bakit kailangan ganyan ang iperform niya halos hubad na siya. Grabe ang pagtitimpi na ginagawa ko ngayon.
"Relax bro, performance lang yan. That’s an art. I really appreciate the dance. Kala ko pang stripper lang mostly ang pole dancing. I never imagine that it can be that good to watch, it conveys a message and show much emotion through dancing and with that tune. Ngayon ko lang naintindihan because Bella showed it to us. Hindi malaswa ang makikita mo sa mga mata ng tao ngayon, kundi paghanga. About her outfit she needed that para makakapit ng mabuti sa pole, which is a metal, dapat direct sa skin. You need to understand her and the way she perfom now , shows that she really love pole dancing because of those emotion and energy she invested. “ mahabang paliwag ni Luca at nagets ko naman ang kaniyang point kaya kumalma ako.
Natapos din ang performance niya. Nakahinga ako ng maluwag.
" Kala niyo tapos na? "sabi ng emcee. Here they are again, OR!!
Mas madami sila ngayon na sumasayaw. I don't like her outfit again so fit na kita pa rin ang curves niya, pero mas okay na kaysa kanina.Still she's so hot and damn sexy. Aaah! Mastress ako dito.
"Hahahah!"
Narinig ko nalang na tumatawa si Zeus at iiling iling.
“ Sa sunod hanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay, sayong sayo wala kang kaagaw, walang titingin." sabi niya at tumatawa pa ang kumag.
I love you Allie!!! You're so hot! Idol!
Naririnig king sigaw ng mga nanunuod.
“ Mga Imaging boys! Maglaway na lang kayo.” sigaw naman ng bakla na nasa kabila.
Natapos ang sayaw nila at naiwan si Allie at yung isang lalaki. Kumanta silang dalawa. Shes really talented.
“ Talentado pala si Allie.”, sambit ni Kai na puno mg paghanga at tinapik ako sa balikat.
“ You’re one lucky bastard, pero masakit yan sa ulo. “ hahah ngayon pa lang magready kana."
Yah I know, ngayon pa lang sumasakit na ulo ko.I need to guard her baka maagaw pa ng iba. Like what Allen said to me. Mahirap na. Natapos silang kumanta at naiwan siya mag isa sa stage.
"Hi good afternoon. I’m Allie." sabi with that pretty smile plastered on her face.
"Nyaaaaaah! Sigaw ng mga tao.
"I love you daw Allie sabi ni Doc James from Imaging! " sigaw sa kabilang building.
"Alam ko na yan. Wala na bang iba diyan?" Nagtawanan ang mga tao.Nagpatuloy naman siyang magsalita.
"All of you maybe wondering why i
I'm still here infront where in fact tapos na ang performance namin. I going to sing a song. I know familiar kayo sa song kasi during pandemic sumikat 'to, ' The Fight Song', but aside from the song I made a video. A stolen shots of different faces of employee inside MNH. Today, we commemorate the day this hospital was founded 20 years ago. It gives life and chances to live for those who are lifeless and at the edge of their death. And it gives hope to all hopeless, people aiming for their ambition. And I want you to see that in those faces we face everyday. We may encounter different kind of personality, attitude in different areas in this work place. Always remember that everyone has a story to tell, let us always try to understand each other, to know everyone of us, bad attitude and good one. Always remember that a hero lies in you. We are a warrior of our on battle and at the same time a hero of our own selves. Hope you like it. "
"Ahh..mmmh. Yung unang picture pala ay si Doc Allen. Dito ba si Doc? Permission to let them see how handsome you are. haha Joke lang. Doc Allen was the first person I saw the moment I stepped into MNH two years ago. I considered him one of the heroes here. His didication and passion as a surgeon is remarkable. I witnessed all of those everyday inside the OR and i really admire him."
Fuck!
“Wooooooh ooohh!" narinig ko na sabi ni Kai, "magiging karibal pa ang kaibigan."
Nairita na talaga ako at hindi na ako kumibo. Kanina pa ako selos na selos mas nagselos pa ako at may special mention pa siya kay Allen. The f**k! Nanandiya ba siya.
"Grabe ang talented talaga ni Allie, nasa kanya na ang lahat.", sabi ng mga katabi namin. Patay na patay si Doc James sa kanya tapos inlababo naman si Doc Jeffrey. Angabait pa niyan."
"Kaya nga no? Ako wala manlang talent kahit isa, kumain lang. Sinalo na niya lahat no'ng mamigay ang diyos." sabi ng isa.
She has a beautiful voice, sarap sa tenga. Hindi pa rin mawawala ang selos ko. Lalo sa video na picture ni Allen ang nakita ko. So may picture siya ni Allen at ang last video mas nakakapag painit pa sa ulo ko bakit nasali ang picture nila no'ng lalaki na yon?
"Yoon o! Ang ending si Doc Jeff pa din. God sweet talaga ni Doc sa kaniya. Alam ko ang tagpo na yan. Bago palang dito si Allie, umiiyak siya diyan. Tapos biglang dumating si Doc Jeff super worried sa kaniya. Alam ko kaninong video yan, kay Shawn. Siya kasi nandon no'ng time na yon. Inaalo namin si Allie, para yang bata si Allie na nagsusumbong kay Doc Jeff. Super sweet talaga yan na moment." sabu nong bakla na si Gab.
Wala na suko na ako. Namalayan ko nalang umalis ako sa balcony at lumabas ng kwarto. I went to the parking, balak kung umalis. I need some air to breath. I can't understand how I feel right now. Para akong sasabog sa inis. Is this what they call jelousy? f**k! I don't like it. Ngayon lang ako naka feel ng ganito.
Biglang naman nag ring ang phone ko. It's an unregistered number that is calling. Sino naman 'to?
"Yes. Hello?” naiirita kung sagot.
"Aj anak, it’s Tita Melissa. May favor sana akong iask sayo." sabi niya sa kabilang linya.
“ Oh hi Tita, ano po yon? Tanong ko sa kaniya at kumalma ako.
“ Hindi ko alam nasaan si Gwayne. Baka andiyan sa Pinas. Hanapin mo naman, hindi kasi ako sure if saan ba siya ngpunta basta narinig ko plan niya umuwi ng Pinas and sure ako ikaw ang una niyang icontact pag andiyan na siya. Nag aalala kasi ako." sabi niya na halata sa boses ang pag aalala.
"Sige po Tita, no need to ask me. She's the only cousin i have kaya i will look for her and ako na ang bahala sa kaniya dito. Wala pa naman ng memessage sa akin, maybe wala pa siya dito. Sigurado naman ako na tatawag yon pag nandito na." sabi ko kay Tita para mabawasan ang pag aalala niya.
" Salamat Aj ha, regards
kay Kuya."
"Okay po, ingat po kayo, bye Tita," paalam ko.
Haist, this Brat! Saan na naman kaya ngsusuot. binigyan pa ako ng another problem. Makabalik nalanh nga sa taas. Di na natuloy ang balak kong pag alis.
Tapos na ang program, nakita kong wala ng masyadong tao sa ground floor. Sana din umalis na ang nga kumag. Umalis na nga kasi pagpasok ko si Kai ang naiwan. Himala at ngpaiwan.
"Oh ba't nandito kapa?" Ngtataka kong tanong sa kaniya.
“ Easy bro, alis kasi ako balik ng Shang Hai. Mamaya pa ang flight ko na gabi kaya tambay muna ako dito, wala akong ibang mapuntahan.” Paliwanag niya.
"Kailan balik mo? Punta ata tayo kina Atreus next week. Ipapkilala na ng formal ang asawa niya." pagpapaalala ko sa kanya.
"I'll be back asap, samahan ko lang ang cousin ko. May new business kasi kami na iopen na sa amin dalawa lang. Okay ka lang? " tanong niya. Natatingin ngbseryoso sa akin.
Knowing Kai, siya ang tao na walang pakialam sa paligid niya basta ang importante sa kanya ang mga conputer niya, laptop at iba pang gaming gadgets. adik kasi to sa mga gadgets. He owns a gaming company in Shang Hai at mayroon na ata dito sa Pinas branch. Pati mga gaming gadgets store marami siya sa buong mundo. Mayaman din ang kumag na'to. Aside sa mayaman ang family niya. Mayaman din siya sa sarili niyang company. Kaya nakakapagtakang nag ask if ok lang ako. Hindi muna ako nagsalita.
" I know it’s hard kasi ngayon ka lang maging ganyan sa babae tapos madami kapang kaagaw. Nagkagusto ka kasi sa isang kakaiba. Kakaibang ganda. Kahit ako man I won't deny it I am attracted to her. She's smart and business minded. Which is gusto ko sa isang babae. He can run an empire bro. Kahapon narinig namin siya. She's a fiery imaginative person but sweet in her own way.
Yung confidence niya is so damn sexy. Kaya go, work for it and sana di ka bumitiw kasi sa nakikita ko parang mahihirapan ka yata. Ingat ka I think she has trust issues. Pag yan masira mo baka tuluyan siyang mawala sayo." mahaba niyang sabi pero tumatak sa akin. Minsan lang to magsalita, pero may laman.
Napatango nalang ako at napabuntong hininga. Nahulog naman ako sa malalalim na pag isip.
"Oh! Bella posted a picture on IG. She's hungry ang tired. Mag order ka, padalhan mo ng food sa OR, baka nagugutom. Chance mo na ipakita ngayon," utos niya sa akin.
"f**k! Wala si Mang Ben dito.", sabi ko.
"Puta Aj pati sa babae mo iaasa mo kay Mang Ben? Seryoso? Mag effort ka boi kung gusto mo siya. Sa tulad ni Bella, she's not a materialistic person pero nakikita ko grabe siya mag appreciate ng effort ng isang tao. Kaya if gusto mo mahulog siya sayo yon ang pagtuunan mo ng pansin." pangaral niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay saan naman to natoto akala mo kung sinong expert pagdating sa relationship.
"Wala na, nagcomment na yung Jeffrey sa post niya. I think this one knows her really well. Wow tawag sa kaniya love. Finish na." sabi niya na nakatingin sa akin ng mapang asar.
"Patingin," nabasa ko nga f**k! Anong love. Aaaah! Kainis mas lalong uminit ang ulo ko. Bahala siya doon siya sa love niya himingi ng pagkain. Damn! My day is ruined.