Kitang kita ni Eric kung paano bumangga ang kotse ni Mirasol sa pader, kaya nagmadali siyang lumapit para tulungan ang naggagalaiting dalaga. Pero hindi pa siya nakalapit, humarurot na ulit ang kotse nito papalayo. Labis ang kanyang pagsisisi. Hindi talaga niya mapaptawad ang kanyang sarili kung may masamang mangyari sa dalagang kanyang minamahal. Masyado kasi siyang naexcite. Hindi niya alam kung bakit hindi na niya nacontrol ang kanyang katawan nang nalasahan niya ang mga labi ni Mirasol.
Sa CR ng gym, ilang beses nang paulit ulit na nagtoothbrush si Mirasol. Halos dumugo na ang kanyang gums sa kakatoothbrush. Galit na galit parin siya sa ginawa ni Eric sa kanya. First kiss niya, tapos ganun? Balak pa yata siyang e-rape? Dahil sa naisip niyang yon, lalong nagliyab ang galit sa kanyang dibdib. Nahalata iyon ni Donna.
"Oy Mira, anong kasalanan ng punching bag sa'yo? Ang lalakas yata ng suntok at tadyak mo diyan ah?"
Pero parang wala siyang naririnig. Patuloy parin ito sa malalakas na suntok at sipa sa punching bag. Napailing nalang si Donna dahil ngayon lang niya nakitang ganun si Mirasol. Nang lumapit siya, narinig niya ang pangalang binabanggit ni Mirasol habang maliksing nageensayo ng kick boxing.
"I hate you Eric!" Paulit ulit na sinasambit ng dalaga.
Pagkatapos ng ensayo, tinipon sila ng coach.
"Guys! It's time to relax a bit bago tayo magpatuloy sa ensayo nextweek. Nagpa book ako sa Careless Whisper bar ngayong gabi. Drink all you can, treat ko. Pwede tayong mag overnight doon, nagpa reserve din ako ng rooms. Incase feel niyong di niyo kayang magdrive, better stay there nalang kaysa maaksidente okay?" masiglang sinabi ng kanilang coach.
"Yes coach!" they replied in chorus.
"Okay, take time to prepare. Mauna na yung mga gustong mauna. Uwi muna ako to fetch my wife. See you there guys!" Aniya bago tuluyang tumalikod.
The team chattered with excitement as they dispersed. Sina Donna at Mirasol nalang ang naiwan sa Gym. Naligo muna kasi sila, dahil gusto nilang presko bago pumunta sa party. Maya maya, nagpaalam na din si Donna dahil may bibilhin pa daw siya sa mall. May mga nageensayo pang ibang grupo kaya kampanteng nagpaiwan si Mira. Pupuntahan pa niya ang kanyang kotse sa Halsema Bldg. sa di kalayuan.
When she went there, she unexpectedly witnessed a crime scene, and she is terrified to the core.
She is shivering underneath the car where she hid when she heard footsteps approaching. She thought that they can find her and kill her right at that moment. Thankfully, the three criminals left the area. So she slowly came out and planned to report to the police. She was about to open her car door, but unfortunately, one of the criminals stayed and gave her only two options.
"I will repeat," iritadong anas ng lalaki na parang nanggigigil.
"Marry me, or you will die. I will give you three minutes to answer. The timer starts now!" Malakas na ulit ang boses nito.
She is shaking terribly. Ano ang kanyang pipiliin? Maging asawa ng kriminal, or mamatay nalang? Time is precious. Importante ang bawat segundo. Only two minutes were left. Kung sana alam niya ang distansya mula sa lalaki, pwede siyang makipagsapalaran, at makipambuno sa kriminal at agawin ang kanyang baril. She closed her eyes while saying a silent prayer. Nagulat nalang ulit siya nung nagsalita ang magandang boses.
"Five.." paguumpisa nitong magbilang. Gosh! patapos na pala ang 3minutes. Talagang inorasan siya. Pambihira namang kriminal ito!
"Four.." pagka count down ng lalaki.
"three.." wala parin siyang sagot.
"Two.." paano na ito? Naumid na ang kanyang dila.
"Wa-"
"Yes, I do!" She yelled immediately without opening her eyes. Beads of sweat rolled on her forehead.
"Yes, you do, what?" Tila nakakalokong tanong ng lalaki.
"I will marry you." She softly uttered. Nanghihina na talaga siya sa takot.
"Okay. We must be together tonight. Either we will go to your house, or to my house?" Tanong ng lalaki, ang boses ay parang nakangiti na.
"My house." Sagot ni Mira. Atleast pag sa mansion nila, alam niyang monitored ng cctv at ito ay connected sa office ng tauhan ng ama niya. Maalarm agad ang pulisya kung sakaling may hindi magandang mangyari.
"What shall we use? Your car, or my car?" Pinapipili na naman siya.
" My Car." Sagot niyang steady ang pagkakatayo mula kanina pa. She love her neon car. Unang sahod niya ang pinambili niya dito.
"Okay then, you drive or I will drive?" Choices again.
"Omigash! Kalokang lalaki ito. Kung hindi ko lang nakita kung paano nila pinatay yung tao kanina, amused na sana ako sa kanya." Nasa isip niya kahit abot abot ang kaba.
" I wil drive." Sagot niya , tapos binuksan na ang kanyang sasakyan, at naupo sa drivers seat. Siya nalang ang magdrive para panerbyosin nga niya ang kriminal na ito. Pag yung istilo niya magdrive sa car race ang gagawin niya, for sure, mahihilo ang lalaking ito, at idadrop nalang niya sa police station. Ganun kasi ang nangyari noon kay Donna nung nakisakay sa kanya. Nawalan ng malay ang kaibigan niya.
Sumandal siya at pinakalma ang sarili.
Sumunod na naupo sa co-pilot ang lalaki. Kampanteng nakaupo ito, animo'y sa kanya ang sasakyan, at siya naman ang kanyang utusang driver.
Naamoy niya ang pabango ng kriminal, swabe ito sa pakiramdam. Alam niyang mamahalin ang pabango nito. Napapikit nalang siya.
"Ok, lets go!" Utos ng lalaki. Pero di parin tumitinag si Mirasol. Para siyang robot sa harap ng manibela.
"I have rules nga pala, " casual na sabi ng lalaki .
" Rule number 1, wala kang nakita kanina otherwise, alam mo na ang mangyayari." paguumpisa nito.
"Number 2, after our wedding tomorrow, you will move to my house, and be my legally wedded wife. What's mine is yours, and what's yours were mine." Ang magandang boses.
"Omigash! Ayoko ang iyong mga possessions, mga gamit sa pagpatay ng tao." Sagot niya sa kanyang isip. Pero diretso lang siya ng tingin sa harap ng sasakyan, at walang imik.
" Number 3, hindi ka lalabas kung hindi ako kasama. Or ang aking mga body guards."
" Kupal nito, kala mo naman napaka pogi at decent ang trabaho to be proud of. Edi wag nalang akong lalabas ng bahay!" Sagot ulit niya sa kanyang isipan.
" Rule number 4, Bawal kang makipag date sa iba. Ofcourse, sino ba namang misis ang makikipagdate sa iba bukod sa kanyang asawa? Pagtataksil yon diba?" Tsaka nakita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata na nakangiti ang kiriminal.
"5th, don't seduce me, kasi papatulan kita." Sabi nitong nakangiti.