Duel

1173 Words
" Fine! Tapos na ba?" Mahinang sabi niya, pero sarkastiko. "In your face!" sa kanyang isip, ang kapal talaga ng lalaking ito. Pero siyempre, its not the time to nag. Bawal magsuplada ngayon, buhay ang nakataya. Maya maya, kumatok ang guard sa salamin ng kanyang kotse. "Ma'am bawal po mag overnight dito. Wala po ba kayong pang hotel?" Pagjojoke ng guard. "Magsasara na po kasi ang building." Seryoso nang sabi nito. Di nila napansin, ang sasakyan nalang pala nilang dalawa ang naiwan sa parking lot. "Mr. Guard, ito ang susi ng aking sasakyan." The man rolled down the window. " Pakihatid nalang bukas pagka out mo sa iyong duty sa address dito sa calling card. Pag di mo maihatid yan bago mag alas dose ng tanghali bukas, may pipindutin ako para sasabog." Saad nito, na medyo ikinabigla ng Guard dahil seryoso ang poging lalaki. "Yes boss." Nahintakutang sagot nito, at dali daling kinuha ang susi. "Here's your tip." Inabutan niya ng sampung 1000 bills ang guard. Nakita yon ni Mira at naisip niyang baka galing hinoldap nilang lalaki kanina. "Salamat po, Boss." Nakangiti na ulit ang guard, pero may nakakubling takot sa kanyang mukha. Samantala, sa Careless Whisper bar, naiinip na si Donna sa kakahintay kay Mirasol. "It's past 9pm na, asan kna ba girl? Sabi mo kukunin mo lang yung kotse mo sa Halsema bldg, ba't nauna pa akong nakarating sa'yo?" Kausap niya ang kanyang sarili habang panay ang tingin sa kanyang cellphone at sa gate ng bar. Nakailang tawag na kasi ito kay Mira, pero di niya sinasagot. Patuloy ang re-dial ni Donna. "Hello, Donna." Bati ni Mira. Sa wakas sinagot na niya ang tawag. "I'm sorry but I can't come tonight. May unexpected na nangyari kasi. Enjoy the night nalang ha. Ikaw na bahala magsabi sa mga kasama natin.." walang emosyong sabi ni Mira. "Okay, then. So pauwi ka na?" Nagtataka man, nakuha paring tanungin ni Donna. Pero naririnig niya ang kabilang linya na parang nasa biyahe ito. Tunog at ugong ng mga sasakyan, at busina ang naririnig niya. "And Donna," katahimikan ulit. "I might not be able to join the training from now on. Hindi na rin ako maka sama sa Korea. Ikaw na lang ang papalit sa akin. I believe in you. Get the gold medal for me. I wish you the best." Doon na nararamdaman ni Donna ang bigat sa kalooban ni Mirasol. "But why?" Halos naiiyak na siya, dahil kanina lang ay atat na atat magpractice at nanggigigil sa training ang kanyang kaibigan. Tapos ngayon, what the h*ll is happening? "I'm getting married tomorrow." Walang emosyong sabi ni Mira sa kaibigan. "What?" Nagulat na naman si Donna sa isa pang rebelasyon. "Hindi mo manlang ba ako iinvite?" Naiiyak na talaga si Donna. Kakaiba na kasi ang Mirasol na kausap niya ngayon. Something was off. "Hindi," Maikling sagot ni Mira. "Huwag ka namang ganyan friend. Mag date nga muna tayo bago ka manlang ikasal. Kay Eric ba?" Umiiyak na talaga si Donna. May nangyari ba sa kaibigan niya? Sana hinintay nalang niya para sabay sila. Sobrang nagi guilty si Donna ngayon. Naalala niyang Eric ang pangalan na sinasambit ni Mira kanina habang pinagsusuntok ang punching bag. "Not to that bastard Eric." nabuhay na naman ang galit na nararamdaman niya kanina. This time, galit at nerbiyos dahil sa katabi niya sa sasakyan. "Donna. Take care of yourself. Ako nalang ang tatawag sayo pag may time, okay?" Yun lang at naturn off na ang cellphone . "Wait! Mirasol! Hello Mirasol!" May gusto pa siyang sabihin, kaya dinayal ulit niya ang number ni Mirasol pero hindi na ito matawagan. After the call, the man removed the headset from her ears while she was driving. She accelerated the car to it's full speed pero di niya nakitaan ng pagkagulat ang lalaki. Walang masyadong sasakyan sa highway, kaya malaya siyang bilisan ang takbo ng sasakyan. "Yan lang ba ang kaya mong speed?" Pang aasar ng lalaki, na tila tsina challenge siya para bilisan pa ang takbo ng kanyang sasakyan. She was very annoyed, but she just rolled her eyes. She forgot that she is with the criminal. She can be killed anytime in case the man was annoyed to her behavior towards him. "Ang gaganda naman ng mga mata ng magiging asawa ko. Nagro-roll." Natatawa nitong sabi, at tila nakakalokong inabot pa niya ang kanyang pisngi. " What's your name?" Tanong ng lalaki. " Mirasol Carlos." Kung ano lang ang tanong, yun lang ang sinasagot ni Mira. "Lemme see your ID. Professional ID to be exact." Paniniguro nito. Gamit ang isa niyang kamay, kinuha ni Mira mula sa kanyang wallet ang kanyang professional drivers license, at patapong iniabot sa nagrequest. Nakita niyang tinignan ng lalaki ang kanyang ID habang nakangiti. "Gusto mong mag enroll ng good manners and right conduct course after our marriage?" He said teasing her, because of her way in giving the ID card. Medyo nasagi na naman ang ego ni Mira. "Ok, whats your job?" Kasunod na tanong ng lalaki habang nagdadrive si Mira. "Fighter." Maikling sagot niya. "So why then you did not fight me?" "Siyempre may baril ka, ako wala." Naiiling nalang si Mira sa paguusap nila. Parang mga bata lang. "If I will drop my gun, would you try to fight?" Sabi ng lalaki, bagay na nagbigay ng pag-asa kay Mirasol. Ganito lang din kalaki si Eric, at parehas din sila ng height pero napatumba niya agad. Sigurado siyang matatalo din niya ang isang ito. Pero hindi nalang siya umimik. "It seems you really wanna fight with me huh? Okay then, we will fight! Itigil mo sa kalyeng yun. Wala masyadong sasakyang dumadaan dun." Sabi ng lalaki. Medyo nakaramdam siya ng pangamba dahil naalala na naman niya ang ang ginawa sa kanya ni Eric nang makita niyang walang katao tao sa babylonian garden kaninang umaga. Nanggigigil na naman siya pag naalala niya ang pangalan ni Eric. "If you defeat me, kahit hindi na tayo tutuloy sa bahay niyo. Hindi na rin tayo magpapakasal bukas." sa tinurang iyon ng kriminal, tuwang tuwa siya pero hindi niya ipinahalata.. "But! There's a big but ok? But If I," sabay turo sa sarili, "If I will defeat you, be my wife forever! You have to introduce me to all your friends and relatives." Pagbibigay kundisyon ng lalaki. Mirasol smirked secretly, thinking that it's so easy. She can defeat this man easily. Ikaw ba naman ang ilang beses nag champion sa laban. Mas malalaki pa ang katawan ng mga nakalaban niya noon sa kick boxing. "Ok, fine! Deal!" sagot niya sa lalaki. Ganun siya ka bilib sa sarili. Sa isip niya, "siraulo talaga tong kriminal na to." Pero tuwang tuwa siya dahil sigurado siyang wala nang magaganap na kasal bukas. Matutuloy siya sa Busan, at makakasali sa tournament next month. Buong kumpiyansa siyang bumaba ng sasakyan. Sunod na bumaba ang lalaki. "Come on, Mirasol Carlos!" Panghahamon ng lalaki. Nakatayo lang ito at relaks na naghihintay na sugurin niya. Medyo nagulat pa siya dahil memorize na nito agad ang kanyang pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD