Doon nagposisyong lumaban si Mira, at sumugod. Pero lahat ng atake niya ay puro defense lang ang ganti ng kanyang kalaban. Pagod na siya pero di manlang niya nasagi ang katawan ng lalaki. Lahat ng suntok at tadyak ay nailagan nito kahit pa close up fight. Pagod na siya pero di parin niya nasaktan ang lalaki. Doon na siya nag umpisang mabahala. "Last try", sabi niya sa sarili. Then she applied her best technique, which is her winning blow!
In a split second, she was pinned under him while he protected her head to avoid touching the ground. Bagok na sana ang ulo niya kung di nilagay ng lalaki ang kanyang palad sa batok niya. Then he slowly let go of her head, and he stood up. There she is motionlessly lying on the ground. Iiwan ba siya doon? Babangon na sana siya pero inioffer ng lalaki ang kanyang kamay.
She held it as she stood up. Nakatulala parin siya habang nakatayo at nakatingin sa lalaki. "Napaka guwapo pala itong kriminal na ito," naisip niya. Kanina pa niya kasama pero ngayon lang talaga niya nakita ang mukha nito. But she shook her head, dahil naalala na naman niya ang nakahandusay at duguang lalaking binaril ng mga ito.
"Is it unbelievable? Now, lets go to your house my dear. Deal is deal." Pagpapaalala nito sa kanya , dahil talagang tulala na siya at di makapaniwala sa kanyang pagkatalo.
"I will drive sweetheart. Just show me the way." Nakangiting sabi nito at iginiya siya sa co-pilot seat, tsaka umikot ito sa drivers seat. She described the street going to their mansion. Nang umandar na ang kanyang kotse, nagulat siya dahil may ibibilis pa pala ito. Naisip niya, siyempre expert magdrive ito. Baka isa ring carnaper bukod sa pagiging killer.
Agad silang nakarating sa Carlos' mansion. Pagdating nila, sinalubong agad sila ng kanyang ama at ina. Kararating lang ng mommy niya galing England.
"Hello po, Ma'am, Sir. I am Mirasol's long time fiance. My name is Rex Jay." Nakangiting bati nito sa mga magulang ni Mirasol.
"Good evening too hijo! What a pleasant surprise! Come on in!" Ganting bati ni Mrs. Carlos habang inaakay sila papasok. Tuwang tuwa ang mag-asawa dahil nakilala nila ang binata.
"Abah! Parang kilalang kilala nina mommy at daddy ang kriminal na to. Palibhasa kasi, atat magkaroon ng manugang. Haist!" naiinis niyabg bulong sa sarili.
Abot tenga naman ang ngiti ng mag-asawa habang nakatingin sa kanilang dalawa, na ipinagtataka naman ni Mirasol.
"Kaya pala top secret ang boyfriend mo hija, isa pala siyang batikang Direktor. We are happy for both of you. So, kailan ang kasal niyo mga anak?"
Batikang Direktor? So what? Kriminal naman. Sumagi na naman kasi sa isip ang duguang lalaki.
" Dad, " Brix uttered while he entertwined their fingers. " Bukas na po sana. At hinihingi ko po ang iyong pahintulot na makasal kami bukas na bukas din."
" Oh! " Napasinghap si Mrs. Carlos, pero matamis ang ngiti niya.
"That's it hijo! Call us Dad and Mom. After all, we are family. Pero bakit agad agad, is there something you want to tell us?" Mr. Carlos looked at his daughter suspiciously. Alam ni Mirasol na iba ang nasa isipan ng kanyang ama. Iniisip nitong baka buntis siya.
"Eh ka... kasi Dad, Mom, ehh.." she stammered..
"Dad, Mom," gaya gaya ito sa tawag ni Mirasol sa kanyang mga magulang.
"I'm so sorry po , but we already did it. Kaya kailangan na po naming magpakasal bukas."
"Wait, we already did what? Ang kapal!" Nanggigigil na sabi niya sa kanyang sarili. Matalim na tingin ang ipinukol ni Mirasol sa binata. If sharp looks can cause laceration, the man might be wounded a thousand times, or he was already chopped into pieces, and is already dead by now. She was really pissed off.
Dahil hawak hawak ng lalaki ang kanyang kamay, inapakan nalang niya ng malakas ang paa nito dahil sa inis. But in the eyes of her parents, they are flirting in front of them , especially when Brix yelp in agony.
"Ouch naman! huwag ka nang mahiya, kasi napagdaanan naman na nila yun." Sabi nito habang nakangiwi at hinihimas ang kanyang paa.
Her parents welcomed the man with arms wide open. Hindi na siya nagprotesta pa at, baka humantong pa sa m******e. Pasalamat nalang siya at mabait pa itong kriminal, ayaw niyang mapahamak ang kanyang mga magulang.
Kinabukasan, lahat ay plantsado na. Hindi alam ni Mirasol kung paanong nangyari iyon . Basta paggising niya sa umaga, nakahanda na ang lahat.
Sobrang kay bilis ng pangyayari. Mula sa pagme makeup sa kanya, pagsuot niya ng kanyang gown, at paghatid sa kanya ng kanyang mga magulang papunta sa naghihintay na napaka guwapong binata, ay hindi niya namalayan. Katabi nito ang kanyang mga magulang. Wala parin siya sa sarili , hanggang narinig niya ang sinabi ng officiating minister.
"Let's welcome Mr. & Mrs. Brix Jose!" pagkatapos ay umugong ang masigabong palakpakan.
Doon bumalik sa alaala niya ang mga pangyayari kahapon. Akala niya panaginip lang ang lahat.
Now, she was already married to a certain man. According to her parents, this man was a famous actor and movie director. She doesn't know anyone from the entertainment industry, that's why she never knew anything about this man. After graduation, she engaged herself in sports and tournaments in different countries that's why she does not have time to appreciate movies.
"Smile naman diyan!" Sabi ng kanyang groom, na panay ang halik sa kanyang noo at pisngi. Parang totoong very loving husband, yun pala, marriage for convenience lang para hindi mabunyag ang karumaldumal na krimeng nagawa. With that thought, she smiled in disgust.
"Remember the rules." Bulong nito sa kanya na nagdulot ng kilabot sa kanyang katawan.