CHAPTER ONE
SUNOD-SUNOD ang pagkislapan ng mga camera sa harapan ni Mayor Adriano Morello habang halos magsiksikan ang mga reporter upang makakuha ng malinaw na kuha ng alkalde. Ang buong conference hall ay puno ng ingay—mga bulungan, tunog ng camera shutter, at sunod-sunod na tanong mula sa media. Ngunit sa gitna ng kaguluhan ay nananatiling kalmado at matikas si Mayor Adriano. Nakasuot ito ng kulay abong suit, maayos ang tindig, at bakas sa kanyang mukha ang awtoridad na lalong nagpapatibok sa puso ng maraming tao sa loob ng silid.
“Habang nasa pwesto ako, hindi makakalusot ang mga gawaing masama dito sa bayan natin. Hindi ko hahayaan na lumaganap ang droga dito.” Matigas ngunit puno ng paninindigan ang boses niya habang diretsong nakatingin sa mga camera.
Saglit na natahimik ang buong conference room bago muling umugong ang mga bulungan.
“My God… he sounds so sincere,” pabulong na sabi ng isang babaeng reporter habang hindi inaalis ang tingin kay Mayor Adriano.
“Hindi katulad ng ibang pulitiko. He actually means every word he says,” dagdag naman ng isa pang mamamahayag.
Isang lalaking reporter ang bahagyang ngumiti habang inaayos ang kanyang salamin. “No wonder people trust him. Tingnan mo pa lang kung paano siya magsalita… hindi scripted.”
Lalong dumami ang nagtataas ng kamay upang magtanong. Ngunit kahit sunod-sunod ang mga tanong ay nananatiling mahinahon si Mayor Adriano. Hindi siya natataranta. Bawat sagot niya ay diretso, malinaw, at puno ng kumpiyansa.
“Mayor, marami po ang nagsasabing delikado ang kampanya ninyo laban sa droga. Aren’t you afraid for your life?” tanong ng isang reporter.
Bahagyang ngumiti si Adriano bago sumandal nang kaunti sa podium.
“If serving the people means risking my life, then so be it. I would rather die protecting this town than live watching innocent families suffer.”
Halos mapahinto sa pagsusulat ang ilang reporter dahil sa sinabi niya. May ilan pang napatingin sa isa’t isa na tila ba kinikilabutan sa kanyang katapangan.
“Omg…” halos pabulong na sambit ng cameraman na bakla. “That man is fearless.”
Hindi maiwasan ng ilang babaeng reporter ang mapatitig sa kanya. Bukod sa gwapo itong alkalde ay kakaiba ang karisma nito. Iyong tipong kapag nagsalita ay mapapaniwala ka talaga. Ang lalim ng kanyang boses at ang seryosong ekspresyon ng mukha niya ay lalong nagpapadagdag ng dating nito.
Habang nagsasalita siya tungkol sa mga plano niya para sa bayan ay hindi maikakaila ang paghanga ng mga taong naroroon.
“He’s different,” bulong ng isang senior journalist. “Sa tagal ko sa media industry, ngayon lang ako nakakita ng mayor na ganito ka-passionate.”
“Hindi lang siya puro salita,” sagot naman ng katabi nito. “He actually goes to dangerous places himself. Naalala mo noong sumugod siya sa raid kahit walang body armor?”
“Yeah… and people love him for that.”
Napangiti nang bahagya si Mayor Adriano nang mapansin niyang halos lahat ay nakatutok sa kanya. Ngunit sa likod ng matapang niyang imahe ay may bahid ng pagod ang kanyang mga mata. Halatang ilang gabi na itong kulang sa tulog. Gayunpaman ay hindi niya iyon ipinahalata.
“For as long as I am the mayor of this town, no child will grow up living in fear. Hindi ako titigil hangga’t hindi ligtas ang bawat pamilya rito.”
Muling nag-ingay ang mga camera. Halos lahat gustong makuha ang bawat emosyon sa mukha niya.
Biglang tumayo ang isang batang reporter mula sa likuran. Halatang baguhan pa lamang ito sa industriya dahil nanginginig pa ang boses nito habang nagtatanong.
“Mayor… bakit po kayo ganito ka-dedicated sa trabaho ninyo?”
Napatahimik si Adriano sandali. Unti-unti siyang napayuko bago muling tumingala. Sa pagkakataong iyon ay tila nag-iba ang emosyon sa kanyang mga mata.
“Because I know what it feels like to lose someone because of drugs.”
Natahimik ang buong silid.
“My younger brother died because of addiction,” pagpapatuloy niya habang bahagyang namumula ang kanyang mga mata. “I was too late to save him. At simula noon ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang maranasan iyon ng ibang pamilya.”
Halos maiyak ang ilang reporter sa narinig. Ang iba ay agad napayuko habang nagsusulat. Iyong iba naman ay tuluyang natulala.
“That explains everything…” mahina ngunit emosyonal na bulong ng isang babae.
Hindi na lamang basta paghanga ang naramdaman nila para kay Mayor Adriano. Biglang naging personal ang lahat. Naramdaman nila ang sakit, determinasyon, at katotohanan sa likod ng bawat salita nito. Sa labas ng munisipyo ay naririnig ang sigawan ng mga taong sumusuporta sa kanya.
“Mayor Adriano! Mayor Adriano!”
At habang pinagmamasdan siya ng mga reporter ay tila pare-pareho silang napaisip.. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may isang lider na hindi lamang mahusay magsalita… kundi totoong handang lumaban para sa bayan.
Nang matapos ang interview ay agad nagsitayuan ang mga reporter habang sinusundan ng camera si Mayor Adriano palabas ng conference hall. Marami pa rin ang gustong humabol ng tanong ngunit maagap na humarang ang mga bodyguard nito. Sa kabila ng dami ng tao ay nananatiling kalmado si Adriano habang inaayos ang manggas ng kanyang suit.
Paglabas niya sa lobby ng munisipyo ay agad niyang nakita ang babaeng matiyagang naghihintay sa kanya.
Nakatayo roon si Martina Morello habang nakasandal sa itim na sasakyan nila. Suot nito ang simpleng fitted white dress ngunit hindi maitago ang natural nitong kagandahan. Mahaba ang kulot nitong buhok na bahagyang hinihipan ng hangin habang ang mapupulang labi nito ay nakakurba sa isang mapang-asar na ngiti.
Halos mapatingin ang ilang reporter sa kanya.
“That must be his wife…”
“She’s gorgeous.”
“No wonder the mayor is obsessed with her.”
Ngunit tila wala nang ibang nakita si Adriano kundi ang asawa niya. Biglang lumambot ang seryosong ekspresyon ng mukha niya nang magtagpo ang mga mata nila ni Martina.
Lumapit agad ang babae at walang pag-aalinlangang hinawakan ang kamay niya.
“Mukhang marami na naman akong makakakompetensya sa asawa ko,” nakangiting sambit ni Martina habang nakataas ang isang kilay. “Marami na namang hahanga sa’yo.”
Napailing si Adriano at bahagyang natawa. Iyong klase ng tawa na bihirang makita ng publiko dahil madalas seryoso ito sa harap ng tao.
Hindi niya binitawan ang kamay ng asawa bagkus ay mas hinigpitan pa niya iyon.
“Hindi naman nila ako makukuha,” mahinahon ngunit puno ng lambing na sagot niya bago yumuko nang kaunti upang bumulong malapit sa tenga nito. “Because I’m all yours.”
Bahagyang napangiti si Martina ngunit hindi niya napigilan ang pamumula ng pisngi niya. Kahit ilang taon na silang kasal ay tila hindi pa rin nawawala ang epekto ng bawat salita ni Adriano sa kanya.
“Sa bagay…” natatawang sagot niya habang pinaglalaruan ang necktie ng asawa. “Kasal nga pala tayo.”
Huminto sandali si Adriano at titig na titig sa mukha ng asawa niya. Para bang kahit gaano kagulo ang paligid ay si Martina lamang ang nagbibigay sa kanya ng katahimikan.
“Malas nila,” dagdag pa ni Martina na may mapaglarong ngiti. “Hindi mo sila pwedeng pakasalan.”
Napailing si Adriano bago tuluyang matawa nang mahina.
“You sound jealous.”
“Maybe I am.”
Mas lalo pang ngumiti ang alkalde bago marahang hinaplos ang pisngi ng asawa. Halos mapanganga naman ang ilang reporter na nakasaksi sa eksena.
“Grabe… ibang-iba siya kapag asawa na niya ang kaharap,” bulong ng isang babae.
“The mayor looks softer around her.”
“At ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan.”
Ngunit tila walang pakialam ang mag-asawa sa mga matang nakatingin sa kanila.
“Alam mo,” mahina ngunit seryosong sabi ni Adriano habang nakatitig kay Martina, “kahit ilang tao pa ang humanga sa akin… ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw.”
Saglit na natigilan si Martina. Sa limang taon nilang magkasama ay hindi pa rin siya nasasanay sa pagiging diretso ng asawa niya pagdating sa nararamdaman nito.
“You’re unfair,” natatawa ngunit halatang kinikilig na sabi niya. “You always know what to say.”
“Because I only tell the truth.”
Bahagyang yumuko si Adriano at hinalikan ang noo ng asawa sa harap ng mga tao. Biglang umugong muli ang tunog ng mga camera dahil sa eksenang iyon.
“Mayor! Sir, one picture please!”
Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na muling humarap si Adriano sa media. Sa halip ay inalalayan niya si Martina papasok ng sasakyan nila.
Bago tuluyang sumakay ay sumulyap pa si Martina sa mga reporter at ngumiti nang tila ba proud na proud sa lalaking nasa tabi niya. At habang pinagmamasdan silang paalis ng lahat ay iisa lamang ang nasa isip ng mga taong naroon..Sa likod ng matapang at kinatatakutang Mayor Adriano Morello ay may isang babaeng kayang pahinain ang matigas niyang puso.