Mary Ann
Nakayuko ako habang kumakain. Pasimple kong sinusulyapan si Mark na busy sa pagkain. Halatang nagutom siya sa tagal ng ipinaghinintay niya sa akin. Walang kaming kibuan habang kumakain, sa katunayan ay nanahimik na siya mula pa kaninang lumabas kami ng elevator.
He didn’t even bother to ask me what I want to eat.
Basta na lang siyang nag-order at ng dumating ang mga iyon ay nilagyan niya ng mga pagkain ang plato ko. Not a single word. Only chew and gulping sounds ang maririnig sa table nila. It’s like anyone’s worst first blind date. Eating with a total stranger.
But they were far from being strangers.
I already saw his butt! Namula ako ng maisip ko na naman ang likuran ni Mark.
“Shame on you, Mary Ann kumakain ka pero kung ano-ano ang naiisip mo!” Pagalit ko ang sarili.
My phone ranged. I looked at it and saw Ethan’s name on the screen of my phone.
“Hindi mo ba sasagutin? Tumatawag sa iyo boss mo.” Finally, Mark talked to me.
Naiinis na inirapan ko siya. Kahit kailan palagi na lang niyang pinaglalaruan ang damdamin ko. He was sweet one minute, cold and distant the next.
Mark reached for my phone.
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Ako naman ang nawalan ng ganang kausapin siya.
“Hello.” Mark answered Ethan’s call. He paused for a while to listen to the other line. “Kumakain pa kami…” There’s a hint of irritation on his tone. “Ng lunch. Aakyat siya kapag tapos na kami.”
Iyon lang ang sinabi ni Mark at ibinaba na niya uli ang phone ko.
Tapos itinuloy niya uli ang pagkain.
“What’s worng with you?” ‘Di ko napigilang tanungin siya.
He looked at me chewing. Still, no answer, he just stared at me.
“Fine!” Galit na inalis ko ang table napkin sa lap ko at inilagay ko iyon sa ibabaw ng mesa.
“Saan ka pupunta? Tapusin mo muna ‘yan?” Utos ni Mark sa akin sabay hawak sa kamay ko.
“Nawalan na ako ng gang kumain. Mauna na ako.” Sabi ko.
“Subuan kita gusto mo?” Nakangiting itinaas niya ang kutsarang hawak.
Ayan na naman siya. He’s back to his sweet and playful self.
“I hate you.” Sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay ko.
Hindi na ako tumayo at ipinagpatuloy ko lang ang pagkain. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Sagad sa buto ang kapilyuhan.
“Bakit naman naiinis ka sa akin? Naglilihi ka na ba agad? Ang bilis naman.” Patuloy na pang-iinis ni Mark.
“Ewan ko sa iyo. Huwag mo akong kausapin. Tutal kanina ka pa nanahimik diyan sana itinuloy-tuloy mo na lang.”
“Nagagalit ka kasi hindi ako nagsasalita?” Nagtatakang tanong ni Mark.
“Sino ba naman ang hindi magagalit? Nandyan ka nga pero parang wala naman akong kasama.” Reklamo ko bago ako uminom ng tubig.
Pagkaba ko ng baso ay nagulat ako ng biglang dumukwang si Mark para halikan ako sa bibig.
“Mark!” Naiskandalong usal ko sa pangalan niya. Lumingon-lingon ako sa paligid. Papaano kung may makakita sa amin. Nakakahiya, baka kung ano ang sabihin ng mga empleyado ng hotel na nakikipagharutan ako sa oras ng trabaho.
“Why?” Inosenteng kinindatan pa niya ako.
“Huwag ka ngang bigla biglang manghahalik? We are in a public place.”
“Ahhh.” Pinunasan ni Mark ang bibig at napatango-tango. “Sige I’ll keep that in mind para hindi ka na magalit sa akin. Tatandaan ko na una dapat kapag kakain tayo kakausapin kita para hindi ka magtatampo.”
“Hindi ako nagtatampo!” Tanggi ko.
Nginitian lang ako ni Mark at ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Second, no unexpected kisses in public. Nakalimutan ko mahiyain ka nga pala, you prefer kisses in our bedroom.”
Napayuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko. Lumalim ang paghinga ko at biglang nag-init ang pakiramdam ko. Naalala ko ang mapanuksong pagyakap at paghalik niya sa akin kagabi sa bedroom… sa bedroom nila.
I liked the sound of it. Bedroom nila!
“Pangatlo, dapat magpapaalam muna ako bago kita halikan. Kagaya ngayon, pwede pa ba akong makahalik ng isa pa?” He said before he leaned again to raised my chin and kissed my lips.
Mabilis lang palagi ang halik ni Mark hindi katulad noong unang beses niya akong halikan. Pero kahit ganoon, matagal naman kung mawala ang epekto noon sa akin.
Bakit hindi na ako nagagalit kapag hinahalikan niya ako? Nasasanay na ba ako sa mga paglalambing at sa mga halik na animo para akong tinatakam?
Mary Ann Alano, what’s happening to you?
“Galit ka pa ba?” Tanong ni Mark habang nakatingin kami sa isa’t isa. “Nagutom kasi ako kaya nag-concentrate muna ako sa pagkain. Saka mawawalan ako ng gana kapag kinausap kita.”
Tignan mo itong taong ito. Pagkatapos akong lambingin, iinisin na naman ako. Napapagod na ako sa pagiging unpredictable niya.
“Kung nakakawalang gana pala akong kausap bakit sinabay mo pa akong kumain?” Hindi ko napigilang magtampo.
“No, ayan nagtampo ka naman. Kiss uli kita?” Akmang hahalikan na naman niya ako pero itinaas ko ang tinidor ko para patigilin siya.
“Tumigil ka na nga sa kalokohan mo.” Pinanlakihan ko siya ng mata.
Inalis niya sa kamya ko ang hawak kong tinidor at ibinababa niya iyon sa pinggan ko. “Pakinggan mo muna kasi ako bago ka magalit. Mawawalan akong ganang kumain kasi kapag kausap kita at nakikita kong bumubuka ang mga labi mo. Mas gusto kong umuwi na lang tayo at magkulong sa kwarto kaysa kumain.” Ipinagsiklop niya ang mga daliri namin. “Iyon ang dahilan kaya huwag ka ng magtampo. Kapag ganyang nakasimangot ka at nakatulis ang mga nguso mo, mas na-tempt akong halikan ka.”
Hindi ko matagalan ang mapanukso niyang mga mata. Naalala ko kahapon ang sabi ng isa sa mga kaibigan niya sa akin, magaling daw magpaibig ng mga babae si Mark. Ngayon hindi na ako magtataka.
He was really adorable, sweet and affectionate.
“Mary, malapit na?” Tanong ni Mark habang nilalaro ng pinky finger niya ang palad ko. May dulot iyong kakaibang kiliti.
“Malapit ang alin?” Tanong ko.
“Malapit mo ng sabihin na mahal mo ako.” Mark said, pulled my hand and kissed it.
My breathing became heavy and my heartbeats pounded my chest.
“I know people make promises all the time
Then they turn right around and break them
When someone cuts your heart open with a knife, now you’re bleeding
But I could be that guy to heal you over time
And I won’t stop until you believe it
Cause baby you’re worth it.”
At first I didn’t understand what’s he’s saying and then I realized, Mark was singing. He was singing to me.
“No I won’t fill your mind
With broken promises and wasted time
And if you fall, you’ll always land right in these arms
These arms of mine”
Binawi ko ang kamay ko. Hindi ito pwedeng mangyari. Mahal ko si Ethan. Si Ethan ang mahal ko. Kaya nga ako pumayag sa ganitong set up dahil gusto kong mapansin ako ni Ethan.
Damn him!
I hated Mark for making me feel this way.