Mary Ann
I received a call from the bank, asking for additional documents. It was nine in the morning when I talked to the loan officer and now, it’s past lunch time already. Yet, I haven’t accomplished anything.
Papaano ba naman ay maya’t maya ay nakaka-receive ako ng text mula kay Mark. Ang una niyang text ay nasa tonong naninita.
“Bakit umalis ka ng hindi mo ako ginigising? Dapat nagpapaalam ka sa akin kung saan ka pupunta.”
Sobrang aga akong nagising at nagawa kong makaalis ng hindi ito nagigising. Dahan-dahan ang naging pagkilos ko sa loob ng kwarto para hindi ako makagawa ng anumang ingay.
Ayaw kong makaharap si Mark pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi. Idagdag pa na natulog siya ng walang pang-itaas. Natatakpan ng kumot ang pang-ibabang katawan ni Mark kaya hindi ko alam kung ano ang suot niya or kung may suot ba siyang pang-ibaba.
Namumula na naman ang mga pisngi ko nang maalala ko ang nakita ko kagabi. Ang ipinakita niya sa akin. Talagang nabigla ako ng tanggalin malaglag ang twalya sa bewang ni Mark. May ilang segundo na natuon ang tingin ko sa likuran niya.
Hindi ako makapaniwala na maghuhuad siya sa harap ko. Although nakatalikod siya at tanging ang butt lang niya ang nakita ko, still, he was standing just a few feet away from me wearing nothing.
May ilang saglit din napaisip ako kung malambot o firm ang butt cheeks ni Mark. Napahanga din ako ng makinis at pantay na kulay ng puwet at hita niya.
Nakakahiya man aminin pero na-memorize ko ang itsura ng butt ni Mark bago pa man ako tumili at nagtakip ng mata.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko kagabi. Akala ko lalapitan niya ako pero lumabas siya ng kwarto at nakatulugan ko ang paghihintay sa pagbabalik niya.
Nang magising ako kanina, natuwa ako na makita siya sa tabi ko. I thought sa ibang kwarto siya natulog. May unan na nakapagitna sa aming dalawa. Nakahiga siya patagilid, paharap sa akin kaya malaya kong napagmasdan ang nakapikit niyang mukha. Nakadantay pa ang isang kamay niya sa unan.
Mabuti may unan sa pagitan namin.
I sighed.
Maingat akong bumangon para hindi ko siya magising.
I sighed… again.
.
I sighed… one more time.
Dapat masaya ako na he didn’t take advantage at hindi niya itinuloy ang banta niyang spoon hug. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang malungkot ako.
Nakita kong nag-vibrate na naman ang phone ko.
Kaya siguro kung ano-ano ang naiisip ko dahil sa mga kalokohang text ni Mark. Pinagsisihan ko na sinagot ko pa ang una niyang text, hindi na tuloy niya ako tinigilan.
“Hinalikan mo ako siguro bago ka umalis, may laway kasi ako sa bibig ko paggising ko.” Natawa ako sa pangalawang text ni Mark.
After a while I received another text from him. “Bilang ko ang lahat ng brief ko, dinala mo ‘yung isa noh?”
“Bakit hindi ka nagre-reply? Siguro busy ka sa kakatingin sa picture ko? Anong parte ng katawan ko ang kinunan mo?” Pangungulit pa rin niya sa akin.
“Anong ginagawa mo? Ako ito nasa mall ako ngayon, bumibili ako ng mga panty mo. Kailangan mo ng bago para masisikip pa ang mga garter. Alam mo na makalaglag panty kasi ang alindog ng Baby mo.”
Napahagikgik ako.
Baby mo?
He kept on calling me Baby pero ako, I would never call him that.
Malabo.
Kinuha ko ang cellphone ko. Ano na naman kayang kalokohan ang text ni Mark.
“I’m outside.” Message niya sa akin.
Outside?
I called him to ask.
Hindi pa tapos ang isang ring, sinagot na niya agad ang tawag ko.
“Labas ka, andito ako sa labas.” Sabi ni Mark.
“Anong ginagawa mo diyan? Marami akong ginagawa ngayon Mark.” Ayokong lumabas pero nakatoon naman ang tingin niya sa nakaradong pinto ng opisina niya.
“Nagugutom ako, hindi pa ako nananghalian. Samahan mo akong mag-lunch.”
“Anong oras na ha. Mag-two na bakit hindi ka pa kumakain?” Sabi ko habang nakaipit sa tengga ko ang phone. Tumayo na ako at kinuha ko na ang wallet ko sa bag.
“Gusto ko kasi kasabay kitang kumain.” Paglalambing niya sa akin
Natigil ako sa paglalakad.
Napalunok ako.
Ano ba itong ginagawa ni Mark sa akin?
“Kumain na kasi ako.” I lied. “Hindi kasi talaga ako pwedeng lumabas, Mark sorry.”
“Liar!” Akusa ni Mark. “Kanina pa akong eleven thirty dito sa labas ng opisina mo kaya alam kong hindi ka pa kumakain.”
Eleven thirty? Ibig sabihin, twelve thirty, one thirty. Tumingin ako sa suot kong relo. One fifty na. Two hours and twenty minutes siyang naghintay sa akin sa labas?
Pinindot ko na ang end call button. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo siya at nakadikit pa rin ang phone niya sa kanang tengga. Agad siyang ngumiti ng makita ako. Isinara ko ang pinto at huminto ako sa table ni Dina.
“Kapag dumating si Ethan pakisabi nag-lunch out lang ako.” Bilin ko bago siya bumaling kay Mark. “Saan mo gust-“
Pinutol ng halik niya ang tanong niya.
One quick kiss, one wet smack kiss and I felt my stomach rumbled. Napahawak ako sa tiyan ko. Ang lakas ng tunog na nanggaling doon.
“Sabi ko sa iyo Sir, pasukin mo na si Ma’am sa loob. Ayan nag-ingay na yung tiyan niya sa gutom.” Sisi ni Dina kay Mark.
“Dahil yata sa kiss ko kaya lalong nagutom ang Baby ko?” Mapang-inis na tukso ni Mark.
Napahagikgik si Dina.
Kinurot ko siya sa braso. Hinila ko na rin siya papuntang elevator. Baka kung ano pa ang maisip niyang sabihin sa harap ni Dina.
“Hindi mo ba tatanungin kung nagugutom na Baby mo?” Pangungulit pa rin ni Mark habang naghihintay kami ng elevator.
“Mark, hindi kita Baby dahil hindi naman ako Mommy mo.” Nag-iwas ako ng tingin. “Itigil mo na nga yang kalokohan mo, ang baduy!” Nagkunwari akong parang nandiri para ipakita ang na nako-cornyhan ako sa mga jokes niya.
Inakbayan ako ni Mark hanggang sa makapasok kami sa loob ng elevator. Walang tao at tanging kaming dalawa lang ang nandoon. Maluwang ang elevator pero magkatabi kaming nakatayo. Nakaakbay pa rin ang braso niya sa balikat ko at hindi ko naman iyon inaalis.
“Bakit gusto mo bang Mommy na ang itawag ko sa iyo?” Tanong ni Mark.
“Mark!” Siniko ko siya.
“Oh, huwag kang magalit.” Natatawang sabi niya.
Bumukas ang elevator at may pumasok na tatlong babae. Mukhang mga guest ng hotel. Gumilid si Mark at hinila ako pasunod sa katawan niya.
Nakaakbay pa rin ang mga braso niya sa akin.
Nakapatong lang ang braso niya sa balikat ko. Isang simpleng akbay. Maging ang kamay niya ay naka-steady lang, hindi gumagalaw para i-caress ang braso ko. Idagdag pang may suot akong coat kaya hindi nagdidikit ang mga balat namin.
Pero ng pasimpleng itinagilid ni Mark ang mukha niya at halikan niya ako sa buhok sabay bulong sa akin.
“Saka na lang kita tatawaging Mommy kapag may totoong baby na tayo diyan sa loob tiyan mo.”
I felt an indescribable emotion.