Chapter Five - Roommate

1590 Words
Mark Pagpasok ko sa loob ay agad akong naghubad at tumapat sa ilalim ng shower. Kailangan ko iyon. Tumingala ako. Hinayaan kong dumaloy sa mukha ko ang tubig pababa sa katawan ko.             The cold shower helped me. My body calmed down although the yearning feeling was still burning inside.             I smiled. I didn’t know I had it with me, that much self-control. Good thing, I let her put some clothes on before I approached her. Because if I started teasing her ng naka-undies lang siya, siguradong hinid ako naliligo ngayon at may iba kaming ginagawa kami ngayon.             Itinodo ko ang lamig ng tubig.             Yumuko ako at hinayaan kong sa ulo ko bumagsak ang malamig na tubig. Idinikit ko rin ang ulo sa tiles. Parang dapat iuuntog ko ang sarili sa katangahan kong ginawa.             Bakit hindi ko pa sinamantala ang pagkakataon? Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari, ang maangkin si Mary Ann para matigil na ang kahibangan ko sa kanya. Mula kasi ng makilala ko siya ay hindi na siya maalis sa sistema ko. Ang mukha niya ang laging laman ng isip ko at naroon ang matinding pagnanais na lagi ko siyang makita.             She had this overbearing power over me, parang lagi niya akong hinahatak palapit.             Sa dami ng mga nakarelasyon ko, tanging siya lang ang hindi ko makuha. Yes, she’s not immune with my charm and touch but I wanted more. Noon challenge lang marahil sa ako kay Mary Ann but everytime I looked at those sad eyes, she awakened my longing to rescue her from her misery.             The wall she surrounded herself, I wouldn’t get tired of breaking. Alam kong hindi na magtatagal makakapasok din ako sa puso niya. Soon those eyes will never loose its luster. Sisiguruhin kong ang mga matang iyon ay hindi na muling titingin sa kanya ng katulad ng unang nagtama ang kanilang mga mata.             Unaffected. Distant. Cold.   I’m sitting inside a coffee shop reading a newspaper while waiting for my friend when a lady sat at my table. I glanced at her but she seemed to be occupied. She was tapping the table with her fingers.              Iginilid ko ang hawak na dyaro at tinawag ko ang pansin niya. “Miss.”             Our eyes met. It was the first time a woman just looked at me without even staring. Her eyes were focused on my eyes alone.             “The seat was occupied. My friend was on her way here.” I added.             Even before, I finish my sentence, she looked away. “I’m just waiting for my coffee. I’ll leave once your friend arrives.” She said looking at the newspaper I’m holding.             Nainsulto ako. Sinilip ko din kung ano ang tinitignan niya.             “Wait.” She held my hand. “Don’t move, I need to read this.”             Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Napangiti ako. Akala ko talaga immune na ako sa presence niya iyon pala, gusto lang magpapansin.             Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakawahak niya at tiniklop ko ang dyaryong hawak. Inilapag ko iyon sa gilid ng lamesa.             “Sandali lang please.” Pakiusap niya.             “Miss, if you have the courage to sit here. Don’t pretend you’re just interested on the newspaper I’m reading.”             “Huh?” Tinaasana niya ako ng kilay. “What are you saying?”             “No use on denying it. Although, I’m impressed. First time akong naka-encounter ng ganyang trick just to get to my attention.” I extended my hand. “I’m Mark Smith.”             “I’m not denying anything. Umupo lang talaga ako rito para hintayin ang order kong coffee. See?” Itinaas nito ang hawak na receipt. “I have no intention of ‘getting your attention’.” Pagbibigay diin niya. “Sorry to hurt your ego but the article on the newspaper you’re reading is really far more appealing.” She said before she stood up.             Nice. Mataray!             “Wait, ayaw mo bang mabasa ng buo ang far more appealing article?”                   Nahinto siya at muling umupo. “Ipapahiram mo sa akin?” Nawala ang iritasyon sa boses niya.             “Ibibigay ko pa ito sa iyo. Tutal tapos ko na namang basahin.” I handed it over to her.             “Thank you.” Inabot naman niya iyon  pero hindi ko iyon binitawan. Tumaas na naman ang kilay niya sa akin.             “But first you have to give me your name and number.” He stated his condition.             “Now who’s making tricks?” Parang nawalan ito ng gana at binitawan nito ang newspaper na inaalok niya. Tumayo ito at lumapit sa counter.             Agad naman siyang sumunod at tumabi rito.             “Well there’s no harm in trying.” Bulong ko sa kanya.             Tinignan niya ako ng masama bago siya humakbang paabante para makalayo sa akin. She leaned on the counter and asked. “Matagal pa ba yung Cappucinno?”             “Your name Ma’am?” Malakas na tanong ng attendant Hindi ko narinig ang binulong niyang pangalan. “Cappucino for Ma’am Mary Ann.”             Nangiti ako ng may ibang attendant na nagsigaw ng pangalan niya. So it’s Mary Ann.             Pagharap niya sa akin ay nahuli kong ngiti niya sa mga labi. Nilagpasaan niya ako at lumabas na siya ng coffee shop. Sinundan ko siya  at maagap na sinabayan ako siya sa paglalakad. “Mary and Mark, magka-ryhme, mukhang may future.”              Huminto siya at hinarap ako. “Mister, please stop following me.” Then she walked again.             “I just want to get your number. Please….” Pahabol ko.             “Kapag hindi ka titigil ng kakasunod sa akin, sisigaw ako.” Banta niya habang patuloy ko pa rin siyang sinasabayan sa paglakad. Naramdaman ko na bumilis ang paghakbang niya, halatang gusto akong iwanan..             Hinawakan ko ang braso niya para pahintuin siya sa paglalakad.             “You!” Nagulat na sabi niya at agad na pumiksi. “Bitiwan mo ako kung hindi ibubuhos ko sa iyo itong kapeng hawak ko.”             “Wait, listen first.” Inabot ko uli sa kanya ang hawak kong newspaper. “Here, sa iyo na.”             “Hindi ko nga ibibigay sa iyo ang number ko.” Hindi niya iyon inabot.             “Okay lang. Sa iyo na.” Maas inilapit ko iyon sa kanya.             Tinignan niya ako na parang nagdududa bago niya inabot ang inaalok ko. “Thank you.”             “Don’t thank me.” I said smiling and I slowly stepped back. “Just promise me that when we see each other again. You’ll give me your number and you will smile.”             Then she smiled.             And I felt great.             Huminto ako sa pag-atras. “I didn’t hear you say it.”             “Para namang magkikita pa uli tayo.” She said and shrugged her shoulder.             “Yun nga eh, there’s a less of a one percent chance that will be meeting each other again. So promise me.” I insisted smiling.             “Promise.” She eventually gave in to my request.             “Yes!” Napasuntok ako sa hangin. “Keep you promise Mary and don’t forget my name.”             Tumango siya bago muling lumakad.             “It’s Mark Smith!” Pahabol na sigaw ko.             Itinaas niya ang dyaryong hawak, her way of letting me know that she heard me. Tinanaw ko siya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.             I’m smiling when I turned off the shower. I pulled a towel and wrapped it around my waist.  Lumabas ako ng banyo at nakita kong nakaupo si Mary at nakasandal sa headboard ng kama.             Nagsalubong ang mga mata namin.             Ngayon kapag nakikita ko na ang mga mata niya. Mayroon ng emosyon. Madalas na nakikita kong naiinis siya sa akin. Minsan nakikita kong natatawa siya sa mga kalokohan ko. At mayroon ding mga pagkakataong tulad ngayon na tinitignan niya ako na para bang ako lang ang tao sa mundo.             Halo-halong emosyon. Nahihirapan akong basahin, hindi ko maintindihan pero gustong gusto ko na nakikita ko mga mga nangungusap niyang mga mata.             “Hinihintay mo ako? Huwag mong sabihing hinihintay mo kung magbabago ang isip ko?” Nakangiting pang-iinis ko sa kanya.             “Dream on!” Inis na sigaw niya.             “Ako o ikaw!” I said and walked to my closet. Binuksan ko iyon at naghanap ng maisusuot. “May space dito na pwede mong paglagyan ng gamit mo. Bukas mo na lang ayusin busy pa kasi ang mga mata mo sa pagtingin sa katawan ko.” Nakatalikod ako sa kanya pero nararamdaman kong nakasunod ang tingin niya sa akin.             “Hindi ako nakatingin sa iyo. Kapal!” Tanggi niya.             “Ah ganoon ba?” Inalis ko ang pagkakabuhol ng twalya sa bewang ko at hinyaan kong malaglag iyon sa sahig.             “Markkkkk” Narinig kong tili ni Mary.             Nangiti ako. Hindi pala nakatingin pero naiskandalo ng makita ang puwet ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakatakip ang dalawang kamay sa mukha niya. Sinong mag-aakala na ang babaing inakala kong hindi ko na muli pang makikita ay nakaupo na ngayon sa kama ko at titira pa ng isang linggo sa bahay ko. Ngunit sa tinatakbo ng mga pangyayari, mukhang magiging permanente na pananatili niya roon, sa kwarto ko, sa bahay ko…  At sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD