Hera’s POV Kanina pa ako paikot-ikot sa aking kwarto, hindi ko alam kung anong gagawin kay Chico. Ilang araw na kasi siyang hindi dumudumi, ramdam ko na rin na namimilipit siya sa sakit sa kaniyang katawan. “My baby Chico, hold on please. Tatawagan ko lang si tito Jasper mo ha, tatanungin ko siya kung ano ang pwede nating gawin.” Kahit ako ay mangiyak ngiyak na rin habang naghahanap sa contacts ng phone ko kung sinong pwedeng makakatulong sa amin. “Bakit hindi ka sumasagot Jas. Ay hala, may thesis pa pala siyang tinatapos kagabi! Sino pa ba ang pwede!” pabalik balik ang lakad ko, nakaka-aligaga naman 'to! “Hindi kasi pwede si Eros, nasa training 'yon siya for sure. Ay teka Friday ngayon! Morning lang ang training niya at wala ng klase sa hapon! Pwede tayo samahan ng daddy mo.” Tinawag

