Hera’s POV Finals na at ang daming school works. Hindi na nga yata ako nilulubayan ng mga research eh. Laging akong puyat at pagod kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit madalas akong nagkakasakit ngayon. Dibale ng pagod, at least masaya naman ako dahil I’m super inspired at hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko, alagang Centrum ata 'to no! “Hera, great job to your presentation! Nice work!” bati sa akin ni Yani, kaklase ko sa English III. Iba talaga kapag alaga at suportang Eros eh! Nakaka-bloom at nakakatalino! Walang binatbat ang memo plus gold niyo! “Thanks.” Nginitian ko lang siya at naglakad na palabas. Saan kaya ako pwede ngayon pumunta? May break kasi ako na one hour. Ah, daanan ko na lang si Jas sa room niya. “Hi Edison, have you seen Jasper?” tanong ko sa isa niyang

