Eros POV
“Aba, aba! Talagang pumapag-ibig kana talaga Eros! At mukhang magandang lahi pa ang kakalat dito sa ating baryo!” bungad sa akin ni Don Joaqin Villanoza, isang napakahusay na businessman dahil sa napalago niya ang buong tubuhan at iba pang prutasan dito sa bayan namin.
Siya rin ang dahilan kung bakit ako na impluwensyahan na tahakin din ang kursong Business Management. Sa tulong din niya, kami ni Jemma at iba pang mga anak ng trabahador dito sa tubuhan ay ginawaran niya ng scholarship para makapasok sa St. Joseph College.
Naalala ko tuloy ang limang araw na bakbakang tsutor ko kay Jemma, ngunit nagbunga rin naman iyon dahil nakapasa rin siya sa entrance exam. Psychology naman ang kinuha niyang kurso.
“Don Joaqin, magandang gabi po! Nakarating na po pala kayo galing US. May ipagagawa po ba kayo?” tanong ko sa kaniya ng may pagkamangha. Madalang na kasi siya dito at napapadalas na rin kasi ang mga meetings niya sa ibang bansa dahil sa mga bago niyang clients.
Mayroon din siyang kubo dito sa mansyon bukod sa tubuhan. Maliit lamang ito kung ikukumpara sa kubo malapit sa tubuhan.
Ang malaking kubo malapit sa tubuhan naman ang nagsilbing pangalawang tahanan niya dahil halos doon na siya lagi gumugugol ng malaking oras at panahon. Hindi na nga lang tulad ngayon dahil nag-eexport na ng mga tubo at ilang prutas sa labas ng bansa.
“Nako iho, luluwas kasi kami ni Margarette kaya kailangan kong maghabilin sa iyong ama ng ilang mga tagubilin. Bukas ng gabi na kasi kaagad ang alis namin at baka magtagal kami ng isang linggo sa Singapore, that’s why I’m here.” Tugon niya sa akin.
“Napakaswerte mo Isko! Mayroon ka ng anak na bukod sa masipag na, napakagalang at napakatalino pa.” Saad niya kay ita’y habang inaabot kay Don Joaqin ang isang tasang kape. Nginitian ko lamang silang dalawa dahil sa mga naririnig kong papuri sa akin.
“Nako sinabi mo pa! Sa susunod na isang taon, may businessman na rin ako katulad mo Don Jaoqin! Mababawasan na namin ng paunti-uni ang utang namin sa inyo ni Donya Margarette!” humalakhak sila habang nag-uusap.
“Iho ano ba ang plano mo? Isang taon na lang at pwede ka nang lumipad kung saan mo gustong tumungo. Kung ano ang gusto mong abutin.” Usal ni Don Joaqin sa akin.
“Malay mo ay makatulong din ako sayo. Huwag na huwag kang mahihiya na lumapit sa akin.” Dagdag pa niya.
“Nako Don Joaqin. Sobra-sobra na po ang tulong na binibigay niyo sa akin, sa aking pamilya.” Malumanay na sagot ko naman sa kaniya.
“Dahil sa iyo, sa inyo ni Donya Margarette nakapag-aral ako. Dahil sa inyo ay may hanap-buhay kami at mayroon kaming bubong na natutuluyan. Patawarin niyo po ako, hindi ko na ata kaya pang tumanggap ng tulong mula po sa inyo. Sobra-sobra na po ang lahat ng tulong niyo sa amin. Maraming salamat na lang po, Don Joaqin.” Dagdag ko pang paliwanag sa kaniya.
“Oo nga naman Don Joaqin, mukhang gustong gusto na ni Eros na tumayo sa sarili niyang mga paa.” Tugon naman ni tatay na bakas sa kaniyang mukha na maluha-luha pa, dahil sa labis na kasiyahan at kagalakan sa akin.
“O teka lang anak ha, Don Joaqin puntahan ko lang po sandali si Jemma. Baka hinahanap na niya ako eh. May pinasuyo kasi ako kanina noong dumating siya, maiwan ko lang po kayong dalawa sandali.” Tumayo ito dala-dala ang tasa ng kaniyang iniinom na kape.
“Sige Isko, hindi naman na rin ako magtatagal. Hinihintay ko lang rin si Tope. Dito na lang muna ako, mag-uusap na lang muna kami ni Eros.” Ngumiti siya kay tatay, hinayaan siyang makaalis at lumabas na sa pintuan kung nasaan kami naroroon.
“Accompany me Eros, mukhang na-miss ko na ang pakikipag-usap sayo. Kumusta ka na ba? Kamusta ang pag-aaral mo?” panimulang tanong niya sa akin.
“Totoo po, talagang na-miss ko nga po ang mga pag-uusap nating dalawa. Ang dami ko po laging natutunan sa inyo kapag nag-uusap tayo. 'Yong thesis ko po last year, kayo po ang talaga ang nakatulong sa akin ng sobra! Best presenter pa po ang grupo namin sa College Division sa St. Joseph!” manghang kwento ko sa kaniya habang naalala ang mga nakaraang achievement na nakamit ko dahil sa malaking tulong mula sa kaniya.
“Ano ka ba maliit na bagay. Kumusta pala kayo ni Jemma? Kayo na ba?”
“Haha, bakit po niyo natanong?” nahihiya kong tanong sa kaniya habang kumakamot ng aking ulo.
“Eh nako iho. Eh, mukhang kalat naman na dito sa La Clarmen ang relasyon na namamagitan sa inyong dalawa.”
“Hehe, madalas lang po talaga kasi kami magkasama, kaya siguro napagkakamalan po kami.”
“Anong ibig mong sabihin, iho?”
“Espesyal po siya sa akin dahil kababata ko po siya.”
“Hanggang doon at ganoon na lang ba iyon?” sasagot na sana ako sa kaniyang tanong ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinapa at dinukot niya ito sa kaliwang bulsa ng kaniyang maong na pantalon.
“Excuse me Eros, sasagutin ko lang itong tawag galing kay Margarette.”
“Wala pong problema, take your time Don Joaqin.”
Sandali lamang ang kanilang pag-uusap at narinig ko ng nagpaalam na siya mula sa kabilang linya.
“Si Margarette, tumawag sandali para pauwiin na kami.” Sabi niya sa akin.
Mag-isa lang naman siya na pumunta dito. Sinong kami ang tinutukoy niya? Nalito ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako nag-abalang tanungin pa siya.
“So Eros, entertain me again. Talagang matagal na tayong 'di nag-uusap eh, pasensya iho. We keep on track businesses outside the country kasi that’s why we often get here. You know naman, were expanding.”
“Nako Don Joaqin bakit po kayo naghihingi ng paumanhin? No problem po wala pong kaso! Don Joaqin napakaraming salamat po sa tulong niyo ha. Alam ko po may isang taon pa akong tatahakin bago ko masuot ang itim na toga at makamit ang aking diploma pero ngayon pa lang, nagsisimula na po akong magpasalamat sa inyo.” Saad ko sa kaniya ng may buong pusong kagalakan.
“Iho, hindi na iba ang pamilya mo sa akin, lalo na ikaw.” Ngumiti siya sa akin habang kinukuha niya ang kaniyang sombrero sa kaniyang uluhan.
“Ikalawang ama mo naman ako.” Usal pa niya.
“Alam mo, maganda ang pagpapalaki sa iyo ni Isko.” Dagdag pa niya.
“Nako sinabi niyo pa. Dinisiplina po kasi nila ako sa murang edad pa lang. Pinaintindi rin po nila ang kahalagahan ng buhay at ang kahalagahan ng edukasyon kaya pursigido po talaga akong makapagtapos.”
“Maganda iyang ginagawa mo. Sana tulad ni Isko ay nagkaroon din ako ng anak na lalaki, para naman ay may sumunod din sa yapak ko.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
“Iho ipagmamalaki ka rin niya.” Magtatanong na sana ako kung sino ang tinutukoy niya ng biglang tumunog na naman ang kaniyang cellphone.
“Excuse me iho, I’ll just answer this one again asap.” Tumungo lang ako sa kaniya bilang pagtugon.
Iniisip ko muli kung sino ang tinutukoy niya na ipagmamalaki rin ako. Pero sa huli, naisip ko na baka si ina’y lang ang tinutukoy niya.
Ng hindi kalayuan, nakita ko si Jemma na may kausap na babae habang nakatalikod ito. Nagtangka akong lumapit kung nasaan sila naroroon ng biglang natapos din ang tawag ni Don Joaqin.
“Nako Eros pasensya, Margarette just called again. Pinauuwi na talaga kami dahil baka lumamig na raw ang ulam. Ang sarap pa naman ng luto ng iyong ina’y.”
“Nako opo. Anong oras na rin po pala kasi napasarap po ang usapan natin, kaya tuloy nakakailang tawag na po si Donya Margarette.”
“Eh paanong hindi tatawag. Hindi raw kasi sinasagot ni Hera ang tawag ng mommy niya kaya baka nag-alala 'yon siya.” Pagpapaliwanag niya pa.
Hera? Iyon ba ang minsan ng naikwento ni ina'y sa akin?
Mga ilang sigundo pa naming pag-uusap ay dumating na si mang Tope, ang family driver ng mga Villanoza. May dala siyang ilang mga files na ipinabibigay kay ita’y at isang malaking payong dahil sa dahan-dahan na pa lang pumapatak ang ulan. May mga dala itong mga paper bag na sigurado naman akong pagkain ang laman para sa aming hapunan.
“Hera! Tara na at ang mommy mo ay hinahanap na tayo!” sigaw ni Don Joaqin pagkatapos ubusin ang natitirang kape sa kaniyang tasa at inilapag sa ibabaw ng malapad na lamesa. Ilang sandali lang ay pumasok na sa pintuan ang kaniyang tinutukoy.
“So you must be Eros, right?”
Sa pansamatalang pagkakataon, tumigil sandali ang aking mundo.