Hera’s POV
Nakakamiss din pa lang umuwi dito sa Pilipinas. Ibang-iba dito kumpara sa US. Simula sa lenggwahe, pananamit, klima, sa klase ng tanawin sa paligid, sa design architecture ng mga building, lalo na sa kultura. Kung paano ka liberated doon, kabaligtaran naman dito sa Pilipinas, lalo na dito sa bayan ng La Clarmen. Dalagang Pilipina ang mga kababaihan dito. Mga mahihinhin at ang klase ng mga pananamit ay halos nakatago na ang ibang balat sa kanilang katawan.
I was born here in Philippines. Dito ako sa Pilipinas nag-aral hanggang sa ikanim na baiting sa elemantarya. Pero pinalipad ako ni mommy sa US noong nag-high school na ako. Her idea was to finish my studies abroad until college. However, nagsara kasi ng business doon nila mommy dahil sa matinding pinsala ng typhoon kaya napagdesisyunan nila mom na dito na ako magkokolehiyo at magtatapos sa Pilipinas. Dumito na rin kami for good and for the sake of our safety. May nakaalitan din kasi si mom ng business woman sa US.
Magdadalawang araw pa lang ako dito sa La Clarmen. Sobrang walang magawa kaya pumunta ako sa kubo malapit dito sa mansyon. Kay mang Isko pa lang ako pinakikilala ni daddy dahil sa annual party niya na lang daw ako ipakikilala sa lahat ng mga manggagawa dito. Teka, wala ba talaga silang idea na artista ako sa US? Sabagay, hindi naman na rin nakapagtataka. Ayaw ni mommy na sumulong ako sa industriya ng pag-aartista dahil kung magkamali raw ako ay baka madamay ang mga businesses namin lalo na sa US. Pero noong nakita niyang masaya ako sa ginagawa ko at sa tulong na rin ng daddy ay napapayag ko na siya.
Gawain ko na rin ang kumuha ng video dahil namiss ko na ang humarap sa camera. Kanina, habang kinukunan ko ng video ang opisina ni daddy sa kubo ay bigla akong tinawag kaya pumasok ako sa silid kung nasaan sila.
Nakita ko ang binatang kasama ni daddy. Maganda ang hubog ng katawan nito and I must say, nakaka-akit. Kahit alam ko na may pagitan kami ng ilang taon ay hindi maalis ang paghanga ko sa kaniya. Ngunit nawala rin 'yon noong nalaman ko na magkasama sila ni Jemma. Narinig ko rin kasi si daddy kanina na pumapag-ibig daw ito kaya alam ko na maaring sila.
Sa katunayan, bagay na bagay sila dahil sa parehas sila na may makinis at napakagandang kulay ng balat. Tulad ni mommy, brown complexion din. Pinoy na pinoy talaga hindi katulad ko na parang bampira sa putla ng balat. Porcelain skin ang balat ko, tulad na tulad kay daddy.
Nilisan ko ang kubo na iyon kasama si dad. Gustuhin ko man na magtagal pa pero hindi na pwede. Dumating na rin kasi si mang Tope, kaya no choice kundi ang umuwi na, kahit kung tutuusin ay iilang hakbang lang naman ay mansyon na. Overreacting lang kasi ito si mommy eh.
Papasok na sana kami ng mansyon ng may nakaligtaan si daddy.
“Nako Tope, painitin mo na nga muna ang kotse. Pumunta muna tayo sa tubuhan. May nakalimutan ako sa kubo doon. Kakailanganin ko 'yon sa business meeting bukas sa Singapore.”
Sa pangungulit ko, sumama ako kay daddy since busog pa naman ako. Gusto ko rin makita ang tubuhan doon. Sadly, umuwi rin kami kaagad pagkakuha niya ng ilang mga long brown folders at ilang mga flash drives.
Habang tinatahak namin ang daan pauwi, binaba ko ang window ng kotse. Ang sarap-sarap ng hangin, hindi ko ipagpapalit ang hanging probinsya dito sa La Clarmen kapalit ng snow sa US.
Mga ilang sandali pa, isang malapad na taniman ng tubuhan na ang nakita ko. Ano kaya ang magandang kunin na kurso sa kolehiyo? Mag-agriculture na lang kaya ako? Total wala namang akong kapatid. Nakakainis, ni hindi man lang ako binigyan ng panahon at pagkakataon na magkaroon ng kapatid. Surely, wala namang ibang magmamana nito kundi ako lang kaya mas magandang mag-agriculture na lang ako. Para may mag-manage na rin sa lugar na 'to in the near future kasi hindi naman din ako nakasisiguro kung hanggang kailan ako artista. Teka, baka may chico na malapit dito!
“Dad! Pwede bang bumaba muna tayo saglit? Kukuha lang ako ng paborito kong prutas! Promise saglit lang po!” pangungulit ko sa kaniya. Sa tagal-tagal ng panahon, ngayon lang ata ako makakakain ng marami nito.
“Anak, gustuhin ko man pero baka magalit ang mommy mo. Kanina pa tayo hinihintay at anong oras na rin. Huwag kang mag-alala at sa susunod ay magsasawa ka na rin sa chico dito.” Sagot niya sa akin.
Ewan ko ba, sa dami ng pananim ditong prutas tulad ng mangga, pinya, avocado at papaya, talagang chico pa ang nahiligan ko.
“Hindi ka pa rin nagbabago. Talagang mukha ka pa rin ng chico!” pangangasar ni daddy sa akin.
“Totoo!” singit naman ni mang Tope sa pag-uusap namin ni dad.
“Naalala ko pa noong grade five ka, pauwi na tayo noon galing sa eskwelahan. Nangungulit ka sa amin ng yaya Rose mo na huminto muna tayo saglit. Kaya lang, nalingat ang yaya mo noong pumunta tayo sa puno ng mga chico at kalahating oras ka naming hindi nakita. Kaya hayon! Nasermonan si Rose pag-uwi, pati ako!” sabay halakhak ng dalawa kong kasama. Sa katunayan, buhay pa sa alala ko ang mga sinabi niyang iyon.
“Mang Tope saan na po pala si yaya Rose ngayon?” curious na tanong ko sa kaniya.
“Nag-asawa na siya at umuwi na muna sa Bacolod.” Sagot niya sakin.
Ang husay niya sa pag-aalaga, hindi na ako magtataka kung bakit siya ang nagustuhan ni mommy. Sobrang maalaga siya sa akin simula noong ako’y bata pa hanggang mag-grade six. Kung gaano kasarap ang may laging umaalalay sa'kin, ganoong kabaligtaran naman ang naranasan ko noong nag-high school na sa US. Lahat sa sa'kin na. Si mommy kasi, gusto niya na hindi na ako basta umasa sa iba. Pero noong nagkasakit ako, ang isa pa naming kasambahay na si manang Rosalinda ay pinalipad din sa US para may kasama nang umalalay sa'kin. Hindi ko ba talaga kaya mabuhay ng ako lang?
Ilang sandali pa sa aming paglalakbay ay nakita na namin ang malaking gate na nababalutan ng iba’t-ibang uri ng mga halaman at makukulay na mga bulaklak.
“Ma’am Hera, nandiyan na pala kayo!” salubong sa amin ni manang Tess dala ang malaking payong papalapit sa akin.
“Kamusta ma'am? Naalala mo pa ba ang tubuhan? Halos doon ka lagi pagkagaling mo sa eskwela noong bata ka pa!” dagdag pa niya.
“Natatandaan ko po pero ang dami na po kasi ng nagbago.” Sagot ko sa kaniya.
“Nako, huwag ka na magtaka ma'am. Mahusay kasi ang pamamalakad ni Don Joaqin, talagang hands on siya sa pag-aasikaso at mas napadali iyon dahil nandiyan si Isko para makatulong sa pagsubaybay ng tubuhan maging sa mga prutasan.” Tugon niya na animo’y kahit mga mata niya ay nakangiti sa akin.
Nginitian ko lang siya bilang pagtugon. Nakakatuwa ang makarinig ng mga bagay tulad ng mga ganoon dahil mabibilang lamang sa darili at napakabihira lang ang makahanap ng napakasisipag na tauhan lalo na ang tapat sa kanilang amo.
“Sumama ka pa talaga sa daddy mo ha.” Salubong na saad ni mommy sa akin.
“Sige na, mauna na kayong dalawa na pumasok sa dining. Kakausapin ko lang si Tope sandali regarding sa flight namin ng daddy mo, bukas ng tanghali.” Tugon ni mommy sa'kin. Tumungin naman ako kay daddy to confirm for I know na nangako siya sa akin na igagala niya pa ako bago lumabas na naman ng bansa.
“Daddy? You told me na bukas pa ng gabi ang flight niyo ni mommy? You promised me na ililibot mo muna ako dito sa La Clarmen?”
“Yes. Pero kasi naging urgent ang meeting, I'm really sorry iha.” Malungkot na sagot niya sa'kin.
“Hindi ba pwedeng si mom na lang muna para mag-bonding naman tayo?” pagpupumilit ko pa sa kaniya.
“As much as I love your suggestion anak pero hindi ko pwedeng hayaang mag-isa ang mommy mo. Hintayin mo na lang kami. One week lang naman kami sa Singapore. Promise, babawi ako.” Hinawakan niya ang buhok ko at humalik sa aking noo.
“Okay, I’ll wait then.” Pagsagot ko sa kaniya at tumungo na lang sa dining area.
Nang makarating, nakita ko si Jemma na naghahain at naglalagay ng mga plato sa hapag kainan.
“Anak iha, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kanina ha?” tanong ni mom sa akin habang nag di-dinner. Of course, alam ko tatawag siya. Hindi ako masamang anak. Gusto ko lang ma-enjoy ang gala ko no. In short, hindi ko dinala ang cellphone ko. Kasama ko lang din naman si daddy, I think there’s no need to worry about.
“Nako mom, sorry na. Naka-charge kasi ang phone ko kanina kaya nakalimutan ko rin bitbitin.” Pagdadahilan ko sa kaniya na halos namumuo na ang mga pawis ko sa aking noo.
“Mom, tanghali pala ang flight niyo bukas? Akala ko ba gabi pa?” segwey ko sa kaniya. Syempre mahirap na, road to bad mood na naman ata siya eh. Ayaw ko kumain sa kwarto, ako lang mag-isa roon. I don’t know pero minsan feeling ko nga hindi ako nag-iisa, parang may nakatitig sa'kin. Baka may multo dito!
“I’m so sorry iha, pinaaga ng board ang meeting gawa ng bumababa ang sales. Masyado na rin kasi competitive ang ibang company sa Singapore, so we have to act as fast as we can.” Pagpapaliwanag niya.
“Joaqin, dear bumaba ka na samahan mo na kami ng anak mo. Ako na bahala mag-impake mamaya.” Pagyayaya niya.
Nagsisisi na ako kung bakit pa ko ng segwey. Nalungkot lang din siya na aalis na naman sila ni daddy. Dinagdagan ko pa ang lungkot sa business trip nila. Haysss.
Sa future kaya, kaya ko rin ba ang mag-handle ng stress tulad nila mommy at daddy? Mas gugustuhin ko pa na mapagalitan na lang ako kaysa ang maramdaman na naman ang mag-isa dito sa mansyon.