Hera’s POV
“Happy morning La Clarmen! Panibagong araw na naman!” bulong ko sa sarili habang iniikot ang tingin sa kabuuhan ng aking bagong kwarto. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang kinukusot pa ang aking mga mata.
“Magandang umaga po, madame Hera!” masayang bungad sa akin ng isa sa aming kasambahay. Nasa kusina siya ngayon, naghahanda na para magluto ng aming magiging almusal.
“Gutom na po ba kayo ma'am at nagising po kayo ng maaga?” tanong sa'kin ni manang Tess, ginang na marahil ay bumilang na ng maraming taon, dahil sa kulubot na niyang mga balat.
“Nako hindi pa po, huwag niyo po akong alalahanin. Just take your time ho, hihintayin ko na lang po ang lulutuin niyong tinolang manok.” Nakangiting sagot ko naman sa kaniya.
"Manang, Hera na lang po ang itawag niyo sa'kin.” Sabay nagtinginan kami at nagngitian. Si mommy naman kasi ang overreacting masyado. Gusto niya pa talaga akong ipatawag na maam or madame.
“Alam ko 'yang iniisip mo manang, tawagin mo na lang akong ma'am kapag nandiyan si mommy. Kapag wala po, Hera lang.” Tugon ko sa kaniya.
“Nga pala ma'am – “ bago pa man matapos ay sumabat na ako kaagad.
“Ano nga po pangalan ko kapag wala si mom?” tanong ko sa kaniya habang nagpipigil ng tawa.
“Ay pasensya ma'am – este Hera!” sabay lang kaming dalawang nagtawanan dahil sa napaka-aga naming diskusyon.
“Hera, alam kong maninibago ka sa bagong mong buhay mo rito. Pero pangako sa iyo iha, magugustuhan mo ang pagtira mo! Hindi ka magsisisi!” saad niya at batid ko sa kaniyang mukha kung gaano siya kasiya na dito na ako sa Pilipinas maninirahan.
Sa katunayan, sa umagahan ko pa lang ngayon, nakakapanibago na. Kung dati ay pancake at bacon ang kasadalasang umagahan ko, pwes not now! Ngayon totoong pagkain na. I’m so excited!
Habang nakaupo at tinitingnan ang paggawa ni manang Tess sa paghihiwa ng manok, biglang dumating ang isang pamilyar na binata. Tama, si Eros nga. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya. Parang umiikot ang paro paro sa tiyan ko. Matagal ako sa US at sanay ako na napalilibutan ng magagandang klaseng lalaki pero ang isang 'to, ewan ko ba, kakaiba ang awra.
Kumuha ako ng fresh orange juice at naglagay sa malaking baso. I don’t know. I‘m maybe in a state of being in denial but yes, I am expecting a simple hello or good morning from him. Pero what I’ve got? Kahit isang hi, o pagtaas man lang ng kilay bilang pagbati sa akin ay wala. Nga-nga te.
Imbis na ngitian ako, isang matalas na tingin lang ang binato niya sa'kin. Aba leche may problema ka ba sakin? Tanong na nabuo ko sa isip ko.
“Ina’y, ito na ho ang isang tali ng bagong pitas na sayote at saluyot.” Usal niya kay manang Tess habang nilalabas sa plastic at dahan-dahang nilalagay sa lababo para hugasan ang mga iyon.
“Maraming salamat anak, ang bilis mo ha. Magaganda ang mga gulay na nakuha mo.” Sagot naman niya kay Eros. Ngayon ko lang naalala ang sabi ni daddy na ang asawa ni mang Isko ang tagaluto dito sa mansyon.
“Na'y nahugasan ko na. Kung may ipapagawa ka pa, tawagin mo lang ako ha. Nasa garden lang po ako.” Tumungo lang si manang Tess sa kaniya bilang pagtugon.
Pabalik na siya ulit sa garden at nilampasan lang talaga ako. Wow, just wow. I can’t believe what just happened. Ako ang babaeng sanay mapansin, pero ngayon, ignored lang ako!
“Anak ako ng amo pero parang hangin lang ko sayo ha!” sabi ko sa isip ko dahil sa labis na gigil pero nanatili na lang iyon sa aking isipan.
Mga ilang sandali pa at nakararinig ako ng isang malakas na sigaw.
“Hera Amity Villanoza, I’m home!” dali-dali naman akong bumaba sa upuan at inubos kaagad ang orange juice. Tumakbo ako kaagad papunta sa entrance ng mansyon. Kilalang kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwede magkamali.
“Kuya Vincent, I missed you so much! Anong oras ka dumating dito?” sambit ko habang patakbong papunta sa kaniya.
Siya ang pinsan ko na kung anong kinabait ko ay siya namang kabaliktaran ko . Gayun pa man, over protective lang ito sa akin kaya secure sila mom kapag siya ang kasama ko. Lalo na sa US, siya ang pinaka-close ko na pinsan doon. Siya rin ang dahilan kung bakit fluent pa rin ako magtagalog. Sa labas ng dorm at school lang naman kasi ako nag-e-english speaking.
“Mga one hour ago pa. Ops! Alam ko 'yang mga ganiyang tinginan mo.” Singhal niya sa'kin sabay kumuha ng tubig sa table. Ng hindi kalayuan, nakita ko si Jemma at si Eros. Hindi ko na rin pinansin ng matagal sila dahil sa pagkamiss ko sa pinsan kong kaharap ko ngayon.
“Ewan ko sayo, kahit na dapat sinabi mo edi sana sinalubong kita sa airport! Magpapa-red carpet ako!” pangangasar kong sabi sa kaniya habang kumukuha ulit ng fresh orange juice sa table.
“O paano? Matutulog lang muna ako saglit. Sa guest room muna ako, may jet lag pa talaga ako eh.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay hinalikan niya ang aking noo at pumanhik na sa itaas. Sinundan din siya ni mang Tope para ihatid ang mga maleta niya.
Gustuhin ko man na kausapin pa siya pero he seems really exhausted dahil sa flight niya. I’ll let him rest na lang muna tsaka ko siya kukulitin ulit.
Hindi ko namamalayan, papalapit na ang mga paa ko sa labas ng mansyon kung nasaan sila Eros at Jemma. What the? What am I doing!
“Magandang umaga po ma'am Hera!” bungad na bati sa akin ni Jemma. Mabuti pa siya, marunong mag-good morning. Hindi katulad ng katabi niya na wala man lang kakibo-kibo sa akin.
“Good morning din, 'di ba nag-usap na tayo sa kubo noong nakaraan? Again, please call me Hera na lang please.” Pakiusap kong sabi sa kaniya.
“Okay Hera.” Sabay ngiti at biglang bumukas muli ang kaniyang mapupulang labi.
“May ipasusuyo po ba kayo?” tanong niya sakin at tila’y naghihintay ng aking isasagot.
“Nako wala, wala naman. Anong ginagawa niyo?” maang-maangan kong tanong sa kaniya, kahit alam ko naman na ginugupit niya ang ilang piraso ng dahon sa bermuda hawak ang napakalaking gunting.
“Ito, inaayos lang po ang mga halaman. Ako kasi ang in-charge dito.“ Masayang saad niya sa akin habang nakatayo pa rin sa mataas na ladder at pinilit inaabot ang ilang matataas na parte ng halaman.
Ang galing naman ata ni Jemma? Wala siyang fear of heights? Sana all!
“Eros! Ano tinitingin tingin mo? Loko ka talaga, simulan mo na ang magbungkal ng lupa!“ Sigaw niya sa binata at tumawa. Mukhang close na close nga ata silang dalawa.
“Anong year ka na Jemma?” tanong ko sa kaniya habang humahawak ng ilang mga bulaklak. Bahagya kasing nanginginig ang aking kamay dahil sa binatang kasama niya kaya inihawak ko ana lang doon!
“Ako? Second year college na ako, dalawang taon na lang ay gra-graduate na. Idol ko kasi iyang si Eros eh!” pagmamalaki naman niyang saad sa akin.
Ang hangin hangin dito sa garden kaya siguro pati katabi ni Jemma, nilamon na rin ata ng hangin. Na a-awkward ba siya sa akin? Wala naman ata akong sinabing masama sa kaniya? Ni wala nga akong matandaan na nag-kausap na kaming dalawa eh.
“Ikaw, 'di ba graduating ka na ng high school?” tanong niya sa akin pamatay awkward na rin sa aming tatlo.
“Oo, graduating na sa high school. Ang daya niyo, buti pa kayo. Ilang taon na lang ang kailangan niyong bubunuin. Ako kasi apat na taon pa sa kolehiyo.” Sagot kong matamlay sa kaniya.
“Nako Hera. Tulad nga ng sabi ni Eros, enjoyin mo na muna ang pag-aaral mo at malapit mo na rin tahakin ang totoong mundo, mauuna lang kami ng kaunti.” Pag-cocomfort niya sa'kin. Hindi lang maganda si Jemma, napakabait pa.
“So, dito ka na ba for good? Until college?” tanong niya habang gumugupit pa rin ng mga halaman.
“I don’t know Jemma eh. Baka pabalikin din ako ni mom sa US after high school graduation ko dito sa Pinas.” Smile smile lang, hindi ko alam pero nai-intimidate ako sa presensya ni Eros. Why I feel so intimidating when I’m around of him?
“I see. So paano naman boyfriend mo? Iniwan mo muna saglit sa US?” pangangasar niyang tanong.
“Nako, wala naman kasing chico doon. Meron naman kung tutuusin pero super bihira lang.” Sabi ko sa kaniya. For sure magtataka siya sa sinabi kong iyon.
“Ha? Chico? What do you mean?” pagtataka niyang tanong as what I’ve expected.
“Magpapaligaw lang ako kapag may magbibigay sa'kin ng tatlong chico.” Saad ko sa kaniya habang nilalabanan ang kilig sa isip.
“Puro roses at chocolate lang ang nagbibigay sa'kin doon, eh wala naman akong hilig sa alinmang iyon. It’s too common na rin kasi kaya I want extra special.” Dagdag ko pang sabi sa kaniya.
“Ang unique naman ng trip mo!” manghang pangangasar niya sa akin.
“Baka walang magbigay sayo at tumanda kang dalaga! Tandaan mo nag-iisa ka lang na anak nina Don Joaqin at Donya Margarette! Kailangan mong magparami Hera. Hahaha!” Talagang mukhang mabait nga siya pero bully rin pala. Silly but cute though.
“May nagbigay naman na sa'kin before sa US.” Sabi ko sa kausap ko. Nakita ko rin ang pagkamangha niya dahil sa reaction kaniyang mga mata.
“So you mean you already had one?”
“No. Dalawa lang kasi ang chico na dala niya. Dapat tatlo para I love you, “di ba? Ganoin!” kilig na saad ko sa kaniya.
Sumusulyap si Eros ng tingin sa akin. Ayan na naman ang tiyan ko, na animo’y napaliligiran ng mga paro paro.
“Hala may blow-fly!” malakas na sigaw ko sa harap nila.
“Nako, bakit naman may bangaw dito?” maging si Jemma ay winawasiwas niya rin ang kaniyang kamay kahit may dala siyang mabigat.
Nang hindi sinasadya, tumama ang paa ko sa ladder na ginagamit niya.
Nasalo siyang mabilis ni Eros pero tumama ang kaniyang paa sa ladder. Mabilis itong naging pasa at ganoong bilis na rin ang t***k ng puso ko sa pagkakataong ito!
“H-hindi ko si-na-sadya.” Putol putol kong pagpapaliwanag sa kanila.
Sa sobra kong inis sa sarili dahil sa katangahan, nagsisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Tumakbo ako papunta sa kwarto. Nagpalamon ako sa aking higaan hanggang sa makatulog na ako.
Mag-aalas otso na ng gabi at ang konsensya ko ay nariyan pa rin. Maging ang takot dahil sa galit na galit na tingin ni Eros sa akin na animo'y ramdam na ramdam ko na parang ilang sigundo pa lang ang lumipas noong mangyari ang insidente.
Buong araw ako sa kwarto at nagpadala na lang ng pagkain para umiwas na rin kina Eros at Jemma.
Gustuhin ko man na bumaba, wala naman akong makakasama. Pagod pa rin kasi si kuya Vincent dahil sa mahaba niyang byahe at jetlag.
Mag-aalas nwebe na, I’ve decided na mag-sorry na kay Jemma. She deserve an apologize from me dahil alam ko, ako ang at fault sa nangyari at to heal my conscience na rin. Dahan-dahan kong binaba ang hagdan na aakalaing isang magnanakaw dahil sa pag-iingat ko sa paglalakad.
Natanaw ko ang kwarto ni Jemma ng 'di kalayuan sa aming mga kasambahay. Mga ilang sigundo pa at nasa harap na ako ng kaniyang pintuan.
Muli, huminga ako ng malalim. Kakatok na sana ako, pero may iba pa akong naririnig na boses mula sa loob. Samakatuwid, hindi nag-iisa si Jemma sa kaniyang maliit na kwarto.
Napansin ko bigla na may maliit na uwang sa gilid ng kaniyang pintuan. Tahimik akong sumilip doon at nakinig sa posibleng pinag-uusapan nila.
Kung ang akala ko ay naghahalo ang iyak at sipon ni Jemma dahil sa nagpasaya siya sa kaniyang paa, pwes nagkakamali pala ako.
Nagtatawanan sila at hindi lang iyon. Nakita kong napakalapit nila sa isa’t isa. Unti-unting namumuo ang inis ko kay Jemma. Normal ba sa babae na may kasamang lalaki, alas nwebe na ng gabi, magkasama pa rin sila? Dalagang Pilipina ang itsura pero ugaling US dahil liberated?
Hindi ko na kinaya ang mga naririnig at nakikita ko kaya nagdesisyon na akong umakyat na lang ng hindi nag-so-sorry sa kaniya. I think Jemma doesn't deserve a sorry from me. Mukhang nag-eenjoy rin naman ata siya sa mga nangyari. Mukha pa ngang blessing sa kaniya eh.
Kung alam ko na ganiyan man lang ang mangyayari, sana pinilayan ko na lang siya.
“Oh my, self what’s happening? Turning yourself to evil one?” pinapagalitan ko ang sarili ko sa pagkakataong to habang pabalik sa kwarto.
Nakailang oras na akong paikot-ikot sa higaan ko pero ito, gising na gising pa rin ang diwa ko.
“Saan kaya natulog si Eros?”
“Doon ba sa kwarto ni Jemma?”
“Magkatabi kaya sila?”
“Ano pa kaya ang ginawa nila sa buong gabi?”
Mga tanong sa isipan ko, samahan pa ng maaring mahalay na ginawa nila!
"You’re getting to my nerves, EROS LUTHOR RAMOS!"