Hera’s POV
“Magandang umaga po ma – Hera po pala!” masayang bungad sa akin ni manang Rosalinda habang nagwawalis sa sala, isa pa naming kasamahay dito sa mansyon na nakasama ko rin sa US.
Dahil sa nangyari kagabi, hindi ata normal ang pag-iisip ko ngayon. My mind was so puzzled and exhausted. Ewan ko ba, I have to do something else today or else baka maging aktibo na lang akong bulkan at bigla na lang pumutok ng walang babala.
“Aha! Mag-gy-gym na lang ako ngayon! Para na rin mag-produce ang utak ko ng happy hormones, ng dopamine!” bilin ko sa sarili at dali-dali bumangon sa aking higaan.
So here it is, I’m wearing my leggings at sports bra, mas na e-excite akong mag gym ngayon! Now I’ll do warm ups para hindi naman mabigla ang lovely muscles ko. So keeping the shape na lang muna ako today, you know, keeping myself sexy, hehe!
“Manang pwede ho bang pakikuha ng susi ng gym?” pakisuyo ko sa kaniya habang nagdidilig naman sa garden.
“Wow! Napaka-sexy naman ng batang ito!”
“Nako manang Rosalinda ka aga-aga, binobola mo na ako ha!”
“Nako nagsasabi lang ako ng totoo Hera, napakaganda mo naman at mas nakita ko na ang sexy-sexy mo talaga.”
“Nako manang, feeling ko nga po ay ang taba ko na. Ang galing kasi ni manang Tess magluto.”
“Nako Hera sinabi mo pa, parehas sila ng anak niyang si Eros, napakahusay rin magluto. Sige Hera, sandali lang ha at kukunin ko na ang susi para makasimula ka na.” Masayang tugon niya sa’kin at lumakad na.
“Okay na sana eh, pero narinig ko na naman pangalan niya. For real ba?” reklamo ko sa sarili.
While waiting to manang, nakita ako ni mang Tope na nasa hardin kasama ng lalaking kinaiinisan ko. Bakit andito to? Sinira na nga ang oras ko kagabi, sisirain niya rin ba ang umaga ko? Son of a witch.
“Magandang umaga Hera!” masayang bati sa akin ng aming family driver.
“Magandang umaga rin ho mang Tope!” pilit ko namang ngiti at bati sa kaniya.
“Mukhang mag-gy-gym ka ha.”
Ay hindi manong, matutulog ako. Hala sorry sorry manong, pati tuloy ikaw, nadadamay na sa inis ko sa kasama mo.
“Hehe, opo na miss ko na rin po kasing magpapawis.”
“Nako sakto! Free naman ’to si Eros! Pwede ka niyang samahan Hera, matagal na rin itong hindi nag-gy-gym eh. Wala naman na rin siyang ibang gagawin, ’di ba Eros?” usal at itinuro niya ang kaniyang kasama.
WHAT! Are you kidding me! Dahil sa kaniya stress ako! Wata ka manong! Grrr!
“Nako okay lang po ako mag-isa manong, I can handle myself naman po.” Pilit na masayang sagot ko kay mang Tope.
“Nako hindi pwede Hera. Baka madaganan ka ng dumbbell o kung ano man sa gym o di kaya’y mapaano ka tapos wala kang kasama. Baka malintikan pa kami ni Donya Margarette! Mayayari kami doon!” singhal naman niya.
Lord please naman, bakit po ganito ang araw ko?
“Eros ano pa ang hinihintay mo? Sige na, magbihis ka na at samahan mo na si Hera.” Bilin niya sa kaniyang kausap. Matagal muna silang nagtitigan bago nakapagsalita si Eros.
“S-sige manong, nasa -- akin din po kasi ang susi.” Sagot naman niya kay manong.
“O paano, aalis na muna ako. Have a great day Hera!” huling sambit niya, bago tumalikod na sa amin. May pa-great day ka pa manng Tope, makukurot na talaga kita sa tagiliran eh!
“Ay Hera, muntik ko ng makalimutan. Tumawag si Don Joaqin kanina.”
“Ano po sinabi ni daddy, manong?”
“Hindi ka raw kasi sumasagot sa tawag niya kagabi.”
“Ay naka-charge po kasi and naka-silent po ang phone ko.” Gasgas na pagdadahilan ko sa kaniya. Aware ako na tumawag si dad kagabi. Paano ko sasagutin ’yon eh bad trip nga ako dahil sa nangyari kagabi? Iyon ang reason kaya pinagpabukas ko na lang na kausapin si daddy.
“Magtatagal kasi sila doon ng dalawang linggo pa. Lagyan mo na lang ng ring tone ang phone mo dahil baka tumawag sila ulit, o ’di kaya ang mommy mo.” Suggestion niyang sabi sa akin.
“Opo, lalagyan ko na po mang Tope. Salamat po sa paalala.”
“Hera, nga pala. Dahil na adjust sila ng araw doon at magtatagal pa, nagbilin si Don Joaqin na igala kita. Alam ko rin na noong nakaraan mo pa gustong humilamos ng chico.” Saad niya sa’kin habang kumakamot sa kaniyang ulo.
“Kaya lang kasi Hera, hindi maganda ang blood pressure ko ngayon, highlood kasi ako. Tsaka ang init ng panahon. Mahirap na, kaya magpapahinga na lang muna ako. Kaya bukod sa gym, si Eros na rin muna ang sasama sayo sa buong maghapon.” Dagdag pa niyang paliwanag.
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o nauubusan na ako ng good hormones sa katawan.
Patience Hera, patience. Deep breath self. Inhale, exhale, inhale, exhale!
“Aalis na ako. Eros umayos ka ha, galingan mo kung hindi dalawa tayo malilintikan at mawawalan ng trabaho!” pangangasar niya sa binata at tuluyan nang lumakad paalis.
Dalawa na lang kami ngayon sa garden. No choice kundi makisama na lang sa mokong na ’to. I have to deal this day and face this evil.
Well, kung tutuusin, pwede ko naman sabihin sa kaniya na ayokong samahan niya ako. Pero I think, hindi naman yata pwede na lagi ko na lang siyang iniwasan, right?
“Hmm, magbibihis na muna ako saglit. Ikaw rin magbihis ka na.” Usal niya sa’kin.
“Huh? Can’t you see nakapang-work out na ako?”
“Then your work out outfit is too revealing. I don’t like it.”
Leche, desisyon ka ba?
“What did you say? For your infomation Eros, I don’t care either you like it or not. Besides I didn’t dressed up myself just to impress you.”
“Brat. Wait me here in a minute.” Bumato lang siya ng tingin sa akin at lumakad na paalis.
Oh my! This kind of my early morning is just too much, just too much! FOR REAL!
While waiting to that evil man, my phone vibrated in my pocket. I saw the contact name on the screen, it was mommy calling me.
“Hi mommy! I missed you so much! How are you and daddy?”
“Hello dear sweetheart! Were fine with your dad naman iha, we just missed our only baby girl! I just called to check you out, I thought nga tulog ka pa eh. What’s the reason for waking you up in this early morning darling?”
“Well, I’m now here in Philippines so I think mom, I should change my routine like this anyways.”
“Wow, that’s good to hear dear. By the way, magtatagal pa kami ng dalawang linggo ng daddy mo dito ha.”
“Hays, yeah I know. Nabanggit nga ni mang Tope sa akin.”
“I’m so sorry dear, alam kong malungkokt ka dahil na-extend kami. Just list all the stuff na lang, ng mga gusto mong pasalubong. Just name it and I’ll bought it for you, I promise.”
“Okay mom, just take care with yourself and daddy okay? Will you?”
“Yes, we will iha. Ikaw rin ha. O siya, ’di na ako magtatagal pa. Our meeting will start in a few minutes.”
“Alright, just say hi to dad for me. Take care and I love you both so much!”
“Sure iha, nasa comfort room pa kasi siya. Love you too baby, bye.” Then the call just ended. Oh God, I missed them so much!
“You done?”
“Oh my, you startled me!” nakakagulat naman ang mokong na ’to!
“I’m sorry, I didn’t mean to.”
Trying to break the ice, nagtitigan lang muna ang eksena naming dalawa ng biglang dumating si manang Rosalinda.
“Hera, wala talaga ’yong susi! Kahit saan ko na hinanap.” Malungkot na saad niya.
“Nasa akin po manang, pasensya po. Sa akin po kasi inihabilin ni Jasper ang susi last time. Pasuyo na lang po na makagawa ng protein shake para sa kaniya.” Pakisuyo naman ng mokong kay manang Rosalinda.
Bakit kaya hindi niya mabanggit-banggit ang pangalan ko?
“Let’s go.” Pagyaya niya na sa’kin. Hindi ba niya pwedeng sabihing, let’s go Hera? I think mas masarap sa ears ’yon. Ganoin!
He glanced me once at naglakad na papasok sa gym. I can’t avoid looking at his biceps. Sabi kanina ni mang Tope ay matagal na siyang hindi nakakapag-gym. Pero bakit napaka well-formed niya? Mukhang talagang maintained ang muscles niya! Oh my! Lord forgive me for I have sinned!
After several minutes of walking and running sa treadmill, some planks and push-ups, tumigil at umupo na muna ako sa couch to catch my breathe.
After cooling down, I feel so thirsty. Tubig na lang ang ininum ko, nakalimutan ko kasi dalhin ang Gatorade ko eh, no choice.
Grabe hindi ba siya nauuhaw? Ang tagal na namin dito, mga two hours na rin siguro. After my water break, sumakay muli ako sa treadmill to do some glute pre-exercise and kickbacks naman with a speed of three.
Minutes passed by, siya naman ang nag-water break. Hmm, iniiwasan niya ba ako? Sana kung napipilitan siyang samahan ako, sana hinayaan niya na lang akong mag-isa dito.
Patakbong lakad siyang papalapit sa’kin, nasa gilid ko kasi ang water dispenser.
“OUCHHHH!”
Sa mabilis na pangyayari, bigla akong na out balance, dahil sa paghinto bigla ng treadmill.
“WHAT THE HECK! Okay ka lang ba Hera!” sigaw niya sa labis niyang pag-aalala.
Parang fine naman ako. Kasi narinig ko na ang pangalan ko na binaggit mo eh, hehehe. Sa disgrasyang eksena nga lang.
“I’m fine, I’m fine. Don’t worry.” Pagpapakalma ko sa kaniya.
“I’m sorry, napatid ko ang outlet ng treadmill na ginagamit mo.” Pagpapaliwanag niya habang alalang-alala pa rin sa kalagayan ko.
“Did you hear what I’ve said? I said I’m fine Eros. Maliit na galos lang ’to, band-aid lang katapat nito.”
Umupo rin siya sa sahig at nakatitig sa’kin. Ang over reacting naman. Bakit? Dahil baka mawalan siya ng trabaho?
“Hey don’t worry, I won’t tell dad nor mom to keep your job.”
“What? You’re worrying and thinking like that? Are you for serious?”
“Eh ano pala?”
“Damn I’m worried about you!” sigaw niya.
“C-chill. Nahihilo lang ako -- slight. Baka dahil lang sa pagbagsak ko.” Usal ko habang nakahawak sa aking sintido.
“I’m so sorry Hera, babawi na lang ako sayo.” Saad niya habang naka-puppy eyes siya sa harap ko. What the heck, is this even real?
“Igagala kita ngayon kahit saan mo pa gusto pumunta Hera. Kahit libutin pa natin ang buong La Clarmen, just please forgive me.”
I thought this day was the worst, but see what happened? Nagbago bigla ang ihip ng hangin.