Hera’s POV
Wearing my favorite sleeve less pink dress today na above the knee ang length, nag-match ito sa mala-porcelain kong balat at sa shape ng aking katawan. Nag-curl din ako sa laylayan ng mahaba kong buhok para goddess naman ang maging looks ko today. Nag-spray rin ako ng favorite kung perfume na super bango. Take note, goddess ako today not just a princess. HAHA! Ambisyosa!
Tiningnan ako saglit ni Eros at alam ko na nagandahan siya sa akin. O baka sabihin na naman niyang revealing ang suot ko? O sadyang feelingera lang ako!
Akala ko, siya ang matutulala sa akin. Well that was a big mistake! Plain navy blue v-neck shirt na pinatungan ng black leather jacket. His hair was fixed parang nagpa-mens salon pa! And he smells so so good! SO DAMN GOOD! Napakagwapo! Real talk paano siya ginawa?
“Hera, the car is ready. Tara na?” pagyayaya ni Eros sa akin.
I don’t know pero bakit nakakakilig kapag binabanggit niya ang pangalan ko? Real talk er, nakakatunaw at it sounds so sweet to my ears! Sinong hindi kikiligin eh bukod sa napakaganda niyang lalaki, ang bango bango pa!
“Hera?” pag-uulit niya. My gosh nakatulala na pala ako, nakakahiya!
’’H-ha?’’
“Sabi ko tara na.” Sambit niya at naglakad na papunta sa kotse.
Bakit pumunta siya sa front seat? Pagbubuksan niya ba ako ng pintuan? If not, I know how to drive naman if ever. Pero not a good idea to drive now, lalo ngayon na pakiramdam ko, mas dumami pa ang paru-paru sa aking tiyan.
Papunta na sana ako sa driver’s seat ng bigla siyang nagsalita.
“What are you doing? Seat here.” Usal niya. Err, pinagbuksan niya nga ako ng pintuan! Nakakabinibini namans this!
“Oh, I thought ako ang mag dra-drive eh.” Tugon ko sa kaniya na pilit na pinipigilan ang pagngiti at pilit na tinatago ang kilig. Shems!
“Never gonna happen Hera. Masyado malubak ang ibang parte ng daan dito sa La Clarmen.” Pagpapaliwanag niya sa’kin at sumakay na rin siya sa itim na Cadillac.
“I think were good to go, where do you want to go first?”
“Hmm, anywhere. Ikaw na bahala kung saan tayo unang pupunta.” Sagot ko sa kaniya. Anywhere kung saan wala si Jemma. Char!
“So, as I’ve heard dito ka naman pala lumaki until sixth grade mo ng elementary. Pero noong mag ha-high school ka na, tsaka ka nag-stay sa US. Am I right?” tanong niya.
“Yeah, as much as I want to finish my studies there, pero wala eh. Si mom pinilit akong dito na lang sa Pilipinas magtapos.” Pigil na ngiting sagot ko sa kaniya.
Nakikinig pala siya sa kwento ko last time? Err!
“Dito ka from pre-school to grade six, wala ka bang natatandang lugar kung saan ka madalas magpunta dati? Wala ka bang best memorable place dito? Remember your childhood memories while were hitting the road.” Saad niya.
Tumingin ako sa aming dinadaanan, napakagandang pagmasdan. Binaba ko ang window para mas lalo pang ma-enjoy ang preskong hangin mula sa labas.
“Yes, pero kakaunti na lang natatandaan ko eh.” Pagsasaad ko habang nakatingin parin sa malawak na tubuhan.
“So what do you remember then? I’m sure naman na may special place ka dito sa La Clarmen na hindi mo makakalimutan.” Usisang saad niya.
Habang nagtatanong siya, nag-re-reminisce ako. Grabe parang kailan lang iyon, kahit taon na pala ang lumipas. Naalala ko, minsan na akong naligaw sa chicohan. Pati tuloy si yaya Rose at mang Tope napagalitan that time.
Hays, napaka-nostalgic sa pakiramdam kapag naalala ko ang mga bagay at mga panahon na iyon.
“Sa taniman ng chicohan, doon ako madalas dati.” Pagtatapat ko sa kaniya.
“I see. Narinig ko nga ’yon na kinwento mo kay Jemma. Mahilig ka pala sa prutas na ’yon.” Pagkamangha niya.
Akala ko hangin lang ako sa kaniya eh, nakikinig din naman pala talaga siya noong nag-uusap kaming tatlo sa garden kasama si Jemma. Speaking of that woman, ayoko muna siya isipin. I don’t want to ruin my day just because of her.
“Did you study abroad too?” pagtatanong ko sa kaniya out of the blue.
“Why’d you ask?” pagtataka niya.
“Wala lang. You can speak in English kasi.”
“Ahh, I see. Well natutunan ko lang dahil mahilig ako sa mga English movies mapa-series man o hindi. Kaya ko nga yata manuod ng fifty movies a day kung pwede lang na ’wag ng maghanap buhay. Besides, napakahigpit sa St. Joseph. Everyone is required to speak in English dahil if you are caught, warning na kaagad. Kaya kami ni Jemma? Madalas kami mag-english no’n kahit wala kami sa university to enhance our communication skills.”
“Oh.” Huli kong banggit sa kaniya at tumingin muli sa labas.
That Jemma, nabanggit na naman ang pangalan. Kaasar.
Tahimik na ang buong byahe namin. Nadadaanan namin ang malawak na prutasan sa pagkakataong ito. For this time, I don’t wanna talk muna. I just want to breathe deeply with this wonderful surroundings. Surroundings means ang tubuhan, hindi si Eros. Pero pwede na rin siyang kasama doon. Hehe.
After several minutes, bigla siyang nagsalita uli.
“Si Jemma pala, namimitas din ’yon ng chico ngayon. Pwede ka magpasama sa kaniya.” Usal niya.
Nabanggit na naman ang pangalan niya! Wala na, nagbago na ang mood ko. Magsama kayong dalawa. Pwe!
Tama pa ba ’tong desisyon ko, na sumama pa sa kaniya?
“Kumain na muna pala tayo, wala pa tayong tanghalian eh.” Pagyayaya niya.
“Sige ikaw na lang, busog pa naman ako.”
Tumitingin tingin siya sa akin habang nag-dra-drive.
“Paanong busog eh nag protein shake ka lang din naman kanina, ’di ba?”
“Alam mo ikaw, wala kang pakialam.”
“Oh anong nangyari? Kanina okay ang mood mo ah, ba’t parang galit ka na?”
“Galit? Bakit naman ako magagalit, duh?” pagtataray ko. Bahala siya sa buhay niya.
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang napaka-cute na restaurant. Hindi pa ako nakakababa pero napapamangha na ako. Napaka-simple, yet napaka-perfect para sa’kin.
Open air ang restaurant, hindi tulad ng kinakainan kasama ng mga kaibigan ko sa US or nila mommy kapag may mga special occasion. Over reacting kasi ’yon si mom, baka raw kasi may lason or panis na ang ganitong klaseng kainan.
First time ko ’to if ever. Muntik ko ng makalimutan na bad mood nga pala ako, na may kasama pala akong nakaka-bad trip.
“Dali na. Huwag ka na magpa-baby diyan.” Biglang pagsasalita niya na talaga namang ikinagulat ko.
“PA-BABY?’’ pinanlakihan ko siya ng mata pero pinilit ko pa rin na kumalma.
’’Sige na kakain na tayo! May pera naman ako.” Sabi ko sabay ikot ng mata sa kaniya.
This man, nawala na ang kilig ko. Naiirita na ako sa kaniya. Ako kasama mo tapos panay ka Jemma. Sarap mo rin mahalin eh! Este saktan eh.
“Dito tayo kakain?” pagtatanong ko sa kaniya for confirmation.
“Yes, dito nga.”
Bababa na sana ako ng sasakyan ng bigla siyang nagsalita muli.
“Bakit ka naka-dress? Naka-backless ka pa, masyado revealing Hera.”
“Revealing? Eh ano naman sayo? Tour guide kita hindi fashion designer Eros.”
“Oo na pero alam mo naman na mahangin dito. Baka umangat-angat iyang dress mo and the worst part is mabastos ka.”
“Pakialam mo ba?” nakakainis. Nag-dress ako para sa kaniya tapos hindi niya lang pala ako maa-appreciate! Napagalitan pa ’ko!
“Ang maldita mo, hindi bagay sayo Hera.”
“Oh my gosh, wala kang pake Eros.”
“Magtataray ka talaga sa’kin?”
“Eh ano?” huli kong sagot sa kaniya.
Pagkatapos noon ay hindi na siya nagsalita. Mga ilang minuto kaming tahimik sa kotse sa harap ng restaurant. Minsan nagkakahulihan pa kaming nagkakatinginan sa isa’t-isa.
Then suddenly, kumulo ang tiyan ko. Gosh hindi man lang marunong makisama, napahiya ako doon ha!
“That’s it, I think gutom ka na, let’s go.” Pagyayaya niya. Wala na akong choice, gutom na rin naman kasi ako talaga. Lalo pa akong ginutom ni Jemma!
“In two condition.” Sabi niya.
’’What?’’
“First, wear my jacket.”
“And if not?”
“Hindi tayo kakain.”
Kainis ang bossy ng isang to!
“Damn. Fine!” nako kung hindi lang ako gutom juscolored makikipagtiisan talaga ako sa kaniya dito!
Kinuha ko ang black leader jacket niya at sinuot ko. Ang bango bango what the naman! Wahhh, nakakarupok!
“Good girl.” Sabi niya.
Nakakarupok na talaga ang isang ’to. No Hera Amity Villanoza, labanan mo!
“So, if this is the first one, what is the second?” pagtatanong ko habang inaayos ang aking buhok.
“I don’t want you to look at me like that.” Napatigil ako sa narinig.
“What -- do you mean?”
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Humarap siya sa akin at nilagay ang kamay niya sa likod ng upuan ko -- dahilan para tumaas lahat ng buhok ko sa batok!
“Ayoko ’yong bigla ka lang nananahimik. Tapos nagugulat ako, mainit na naman ang ulo mo sa’kin.”
Nanahimik muli ako bigla sa sinabi niya.
“Ayoko na nagtatalo tayo.” Dagdag pa niya. Pagkatapos no’n, tumalikod na siya sa’kin at bumaba na sa kotse ng hindi man lang hinintay kung ano ang magiging sagot ko.
This man is slowly, slowly captivating me.