Eros POV
Pumasok na kami sa restaurant na kakainan namin. Well not totally a resto, but well known tapsihan dito sa La Clarmen. Tumitingin tingin siya sa paligid, pati na rin sa mga pagkaing nakahain sa ibang table malapit sa amin.
Buti na lang at may mga bakanteng upuan pa. Hindi naman kasi katulad 'to sa mga mamahaling kainan kung saan pwede ka magpa-reserve ahead of time.
Kahit malaki ang jacket ko sa kaniya, ang cute cute pa rin niya tingnan. Not cute pala dahil napakaganda niya. Bumagay rin kasi sa balat niyang malaporcelana ang kulay itim kong jacket. Mas better ng naka-jacket siya, para hindi na rin masyado litaw ang pagka-sexy niya. Hays, what a gorgeous lady!
Naalala ko tuloy kanina noong nakita ko siyang nag-re-retouch sa sala. Na starstruck talaga ako sa ganda niya. Ni hindi na nga ako pumasok kahit uhaw na uhaw na ako, hindi ko kasi alam kung papaano ko siya kakausapin sa mga oras na 'yon kung magkakasalubong ang tingin naming dalawa.
“I think, wala na tayong mauupuan.” Malungkot na saad niya.
“Mayroon pa, doon tayo sa may bintana. Mas maganda ang view doon.” Sagot ko sa kaniya, nahalata niya kaya akong nakatulala sa kaniya? For sure namang hindi dahil alam kong gutom na gutom na ang isang 'to.
Nakahanap at nakaupo na kami bandang dulo, katapat nga ng bintana. Nalalasap na namin ang napakalamig at preskong simoy ng hanging dagat. Halata naman 'tong kasama ko na talagang naninibago. First time niya siguro sa ganitong klaseng kainan.
Habang naghihintay kami ng menu, nakatanaw siya sa dagat. Pinagmamasdan niya ito ng nakangiti.
“It’s so perfect.” Saad niya.
Hay nako, mabuti naman. Akala ko magmamaldita na naman siya sa akin eh.
“I know, kaya kita dinala dito.” Usal ko sa kaniya habang pinapatong ang mga kamay ko sa lamesa.
“Are you often here?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa bintana.
“Bihira, kapag may mga special occasion lang.” Respond ko sa kaniya.
Tumingin siya sa'kin bigla. Tinitigan niya ako ng ilang mga sigundo. Magmamaldita na naman ba siya sa akin?
Magsasalita na sana ako ng biglang may pamilyar na boses akong narinig, papalapit sa table namin.
“Eros! Nako sabi ko na ikaw eh. Alam mo naman lumalabo na ang mga mata ko. Kamusta iho!” pagbati ni aling Judith sa amin, ang owner at head cooked dito.
“Nako mas maayos pa po sa okay, kayo kamusta po? Long time no see.” Tugon ko sa kaniya.
“Okay naman at kaya pa namang mag-luto sa awa ng Diyos iho.” Sagot niya sa'kin ng napakalambing.
“Sino naman itong kasama mong dilag iho?”
“Si Hera po pala, anak po nina Don Joaqin at Donya Margarette.”
“Kagandang dalaga naman itong kasama mo Eros!”
Tumingin siya kay Hera at inabot ang kaniyang kamay para magpakilala.
“Hello nice to meet you, iha.” Tugon ng matanda sa dalaga.
“Nice to meet you rin po.” Inabot niya rin ang kaniyang kamay at nagbigay ng matamis na ngiti.
“Si Jemma, nasaan? Himala at hindi mo yata siya kasama ngayon.” Tanong niya sa'kin.
“Si Jemma nasa prutasan po, namimitas ng chico.” Tugon ko sa kaniya.
Hindi ko alam o mali lang ako pero parang nagmamaldita na naman ang kasama ko.
“Anong nagustuhan mo sa menu, Hera?”
“Same as yours.” Matipid na sagot niya sa akin.
“Dalawang tapsi, isang lomi at isang bulalo.” Banggit ko ng order kay aling Judith.
“Wala ka bang idadagdag iha?” dagdag tanong ng matanda sa dalaga.
“Hmm. Feista halo-halo na lang po.” Malamig na tugon niya, mas malamig pa sa halo-halo.
“Dalawang tapsi, isang lomi, isang bulalo at isang halo-halo, coming right up! Maiwan ko na muna kayo, enjoy while waiting!” saad ng matanda at lumakad na papunta sa counter.
“Okay ka lang?” pagtataka kong tanong sa kaniya. Pero, wala akong nakuha na kahit anong sagot.
Habang nakatingin sa dagat, tahimik lang siyang pinagmamasdan ang humahampas na alon sa dalampasigan.
Parang switch ng ilaw ang mood ng babaeng ito, on and off! Ano ba ang nagpap-trigger ng pagka-beast mode niya?
This woman drives me crazy!
After ten minutes, dumating na rin ng order namin. Nilapag itong maingat ng waitress sa lamesa namin.
Palihim kong pinagmamasdan ang expression ng mukha niya. Hindi ko alam kong matutuwa ba siya o hindi, baka kasi hindi siya familiar sa mga putahe dito.
“Wow, mukhang masarap!” bigkas niya na may pananabik. Mukhang nagustuhan niya ang istura. Ang lasa kaya, magugustuhan niya?
Kumakain na kami ngayon at ini-enjoy ang pagkain na inorder namin. Ni hindi ko nga makausap ang kasama ko dahil busing busy rin siya sa sarili niyang pagkain.
“Grabe, ang solid! Ang sarap sarap!” wika niya na akala mo ay hugis bituin na ang mga mata niya sa pagkatuwa.
“Hindi naman kita dadalhin dito kung alam kong hindi mo magugustuhan.” Tugon ko sa kaniya.
Naka-on na naman ang mood switch niya. Good mood na naman eh. Sa bagay, busog na siya. Kanina galit siya at parang gutom na lion. Ngayon para na siyang isang malambing na pusa. Makapangyarihan talaga ang pagkain, lalo na’t kapag masarap ito. Nakakabago ng mood at awra at patunay na nga ang kasama ko ngayon.
“Hindi ko na kaya ang halo-halo, pwede take out ko na lang? Please?” sabay nag-puppy eyes sa akin. This brat!
“Sure ipalagay na lang natin sa plastic, dalhin natin.”
“Thank you!” pagpapasalamat niya. Mas cute pala siya mabusog!
“Magkano lahat? Ako na magbabayad.” Pangungulit niya sa'kin.
“Hera kapag kasama mo 'ko, ako ang gagastos.” Pagpupumilit ko naman sa kaniya.
“Yabang porke kakasweldo lang ha. Treat ko na lang din sayo kasi igagala mo 'ko.” Saadniya, hawak-hawak ang kaniyang pitaka.
“Pwede naman card 'di ba?” tanong niya.
“Hahaha I’m sorry lady pero cash lang ang pwede dito. It’s not the same with the fancy restaurant you had.” Paghalakhak kong sinabi sa kaniya.
“Magkano nga lahat?” tanong na naman niya na parang siyang naghahamon.
Tiningnan ko ang resibo at binasa ang total amout.
“Four hundred seventy five.” Tugon ko sa kaniya.
Kinuha niya ang kaniyang wallet at nagulat ako ng naglabas siya ng kulay asul na papel, isang daang libong piso. Nilapag niya 'yon sa ibabaw ng lamesa namin.
“O sige ganito na lang. Kung sino ang unang maka-ubos ng isang basong coke, siya ang magbabayad.” Pag-iimbita niya.
Sasakyan ko na lang ang trip niya, paniguradong matatalo ko naman siya.
“Okay on my count. One, two, three!” pagkabilang niya, sabay-sabay naming ininom ang kaniya kaniya naming mga baso.
I never expect this pero siya ang nauna. Ayoko! Ayoko na siya ang magbayad!
“Okay natalo ka, kaya ako na ang magbabayad.” Nakangiting saad niya.
Magsasalita na sana ako ng biglang lumapit ang waitress dala ang take out niyang halo-halo.
“Ma’am ito na po ang inyong take out, Fiesta Halo-Halo.” Inabot niya kay Hera ang maliit na plastic.
“Sir Eros, sabi ni ma’am Judith huwag niyo na raw po pala bayaran ang inorder niyo. Total ngayon lang naman daw po kayo ulit nakapunta dito.” Sabi ng waitress.
Hindi ko maiwasang hindi lumingon sa counter. Kumaway siya sa akin, gano'n din ako.
“Salamat.” Bigkas ko sa aking mga labi. Kahit walang boses iyon, alam ko na nabasa niya ang nais kong iparating sa kaniya.
“Let’s go Hera.” Pagyayaya ko sa kaniya. Kumaway rin siya kay manang Judith bilang pagsasalamat at pagpapaalam niya. Umalis din kami pagkatapos.
Inalalayan ko siya pagbaba ng hagdan at pag-akyat sa kotse.
“Nag-compete pa tayo Hera, wala naman pa lang magbabayad sa ating dalawa, hahaha.”
“I never expect na ililibre niya tayo. Lakas mo sa kaniya ha, super bait niya. Ang galing niya magluto, ang sarap.”
“So where is our next destination?” tanong ko sa kaniya.
“Ay sa chicohan, tara doon tayo pumunta.” Suggest ko, alam ko naman na magugustuhan niya.
“Ayoko pumunta doon.” Sambit niya. Nagulat ako sa sagot niya. Lalo na sa paraan ng pagkasabi niya. Sa pagkakaalala ko pa nga, sabi ni mang Tope ay no'ng nakaraan pa raw 'tong nangungulit na pumunta sa chicohan.
“Hmmm, mayroon bang nagbebenta ng aso dito?” pagtatanong niya sa'kin.
“Mayroon, pero hindi ko lang alam kung bukas pa ngayon.”
“Tara doon na lang tayo.”
“Okay, mag-seat belt ka na.”
Napansin ko, hindi lang isa ang halo-halo na dala niya kaya hirap siyang magbitbit. Pinasobrahan yata ni manang Judith para sa'kin.
“Ako na magkakabit ng seat belt mo.” Lumapit ako sa kaniya. Nakita ko ang mukha niya, halos kalahating dipa lang ang pagitan naming dalawa.
For the second time, my world just stopped again.