CHAPTER 7

2088 Words
Hera’s POV Ilang araw na rin mula noong gumala kami ni Eros sa bilihan ng mga aso. Matagal ko na kasing gusto na magkaroon ng aso kaya lang alam ko na wala akong kakayahan na mag-alaga kaya ‘yon, himas himas na lang. Ang ganda lang isipin at alalahanin no’ng memories. Char may memories na kami together. Super bango pa naman ng jacket! Rawr! “Ayoko na nagtatalo tayo.” Iyang mga kataga na ’yan, hindi ko talaga makalimutan. Paano kami hindi magtatalo eh na ba-bad trip nga ako sa best friend niyang ’yon. Naalala ko tuloy bigla noong niyaya niya akong pumunta sa chicohan. Nandoon si Jemma namimitas ng prutas, tapos pupuntahan sana namin. Okay lang ba siya? Oo favorite ko ang prutas na ’yon pero hello! Nanggigigil pa rin ako kay Jemma! Lalo na kapag naalala kong magkasama sila ni Eros sa kwarto niya buong gabi noong nadisgrasya siya. Nakaka-bad trip din si manang Judith, hinahanap pa ang wala. Gaano ba sila kadikit ng babaeng ’yon? “Eh nako iho eh, mukhang kalat naman dito sa La Clarmen ang relasyon niyong dalawa.” Iyan din ang linya na narinig ko kay daddy last time, hindi na pala dapat ako magtaka. Isa pa to si dad eh, hmmp! Jemma, manang Judith and daddy. Mahal ko naman kayo pero sorry, hindi ko maiwasan na may maramdamang inis sa inyo, hays. And I must admit, this is out of my jealousy. Alasnwebe na ng umaga pero ito nakahiga pa rin ako. Rainy morning kasi ngayon eh. Pababa na ako ng hagdan ng may pamilyar akong boses na naririnig. Bumaba ko at napag-alamang si Jasper, ang isa ko pang pinsan dito sa La Clarmen. Nang nasa hagnan na ako, nakita ko si Jemma. Nakita ko na may ka-text siya. Habang tumitipa siya sa kaniyang cellphone ay halata naman na ka-text niya si Eros. At hindi lang iyon, makalipas ng ilang sigundo, may kausap na siya sa kaniyang cellphone! Napaparanoid na ako. Sino kaya ang kausap niya talaga ngayon? What the nakakabwisit na umaga! “There you are, my pretty cousin!” ani ni Jasper. Isa pa ’to. Naiinis ako sa pinsan ko na ’to, napaka-playboy kasi! Kung hindi ko lang ’to pinsan, hindi ko talaga to papansinin! “Hello, kamusta ka? Happy birthday rin pala.” Matamlay na bati ko, habang nilalabanan ang inis ko sa kaniya at sa ibang kasama namin dito sa mansyon. “Thank you, cousin. Pasensya na ha at napapunta ako agad dito. Maaga na kasi gaganapin ang party ko.” “Ha? Akala ko ba six pm pa? Bakit naman kasi napa-aga ang party mo Jas?” tanong ko at may idinukot siya sa kaniyang bulsa. “Ang gift sa’kin, trip to Hongkong for three days and two nights. Mamayang alas-otso na rin ang flight ko eh. Ikaw? Kamusta naman ang bagong buhay mo rito?” tugon niya sa’kin at yumakap ng mahigpit. “Okay naman kuya, still adjusting here in rural life.” Sambit ko sa kaniya at humiwalay na sa pagkakayakap. “Anyway Hera, sasama na sa akin si Vincent papunta sa bahay. Would you like to come with us? Or magpapahatid ka na lang kay mang Tope mamaya?” tanong niya sa’kin. Mahal ko naman ‘tong pinsan ko na ’to, kaya lang sayang. Mas gusto ko sanang gumala sa chicohan ngayon eh! Hays, sa susunod na lang ulit. “Hera ano, sasabay ka na ba sa amin papunta?” “With us? You are referring to?” “Damn, si kuya Vincent. Sino pa ba? Are you expecting others pa?” tanong niya na may pagtataka. Akala ko kasi kasama si Eros eh, kaibigan rin kasi niya ‘yon. And that Jemma rin pala! Grrr! “Okay, I’ll take a bath na, just wait me here in a minute para makasabay na ako sa inyo.” Usal ko naman sa kaniya. “I’ll watch movie while waiting you and kuya Vincent.” “I know it’s still early in the morning to watch horror movie but yeah, try Train to Busan.” Suggest ko kaniya sabay talikod at umakyat na papunta sa kwarto. “Is it really good idea na sumama pa sa kanila? Hays, kung hindi niya lang talaga birthday!” bulong ko sa sarili habang kinukuha ang tuwalya. “Makasilip na nga muna sa terrace kung malakas pa ba ang ulan.” Dagdag ko pa. The other magnificent design in my bedroom, ’yon ay may maganda akong balcony. May mga flowers na nakapaligid dito at napakaganda ng scene mula sa kinatatayuan ko. Makikita mo kasi ang iba’t-ibang uri at kulay ng bulaklak sa garden. Naalala ko na naman tuloy ang chicohan! “Oh my ang prutasan! Wala na talagang makakapigil sa akin na makapunta sa chicohan at kumain ng sampong kilo no’n!” usal ko papalabas ng glass door ng balcony. Tinaas ko ang aking kamay at sinalo ang tubig mula sa ulap. Pinapakiramdaman ko kasi and trying to gauge kung gaano kalakas ang ulan. Nang hindi kalayuan, nakita ko sa Eros papasok ng gate. Basang basa siya sa ulan! That man! What the heck is he doing? Gusto niya ba na magkasakit! Sisigawan ko na sana siya mula sa kinatatayuan ko ng biglang napansin ko si Jemma, may dalang payong at tuwalya papalapit sa kaniya. Damn, I hate looking at them together pero heto ako nakatayo pa rin at nakasubaybay sa kanilang dalawa. Sumilong sila sa guard house. Sinirado ni Jemma ang kulay dilaw niyang malaking payong at pinupunasan niya ng buhok si Eros! Super lapit nilang dalawa sa isa’t isa, I can’t stand this anymore. Pumasok na ako sa kwarto at napilitang maligo na at magbihis. Kainis! Kaysa makita ko sila dito, pupunta na lang ako sa party ni Jas! I hate this feeling. Why self, why? Am I really attracted to that man and it’s just me who is in denial? While choosing for a shoe, kuya Vincent suddenly knocked my door. “Hera? Are you done? Let’s have breakfast first before going. Tumila na rin ang ulan.” Ani niya. “Okay kuya, I’ll be there in a second.” Sagot ko sa kaniya. I hate this day so much. Oh chico, I have to go there, ma-good mood man lang ako! Pagkatapos naming kumain, lumakad na ako palabas. Pababa na ako ng hagdan at nakita ko si Jasper, kausap si Jemma. Hays! “Ihahanda ko na ang kotse ha.” Sabi ni kuya Vincent at nauna ng lumabas. Thanks God, buti tumila na ang ulan. Wala ng dahilan para mag-stay ako ngayon araw dito sa bahay! After several seconds, lumapit sa akin si Jasper pati ang nagpapakulo ng dugo ko, si Jemma. “Good morning Hera!” bati sa’kin ni Jemma. Good morning? Gusto mo batukan kita? “Good morning din, kamusta?” tanong ko sa kaniya. Sorry Jemma kung naiinis ako sayo, kinakain kasi ako ng selos. Ang harot mo rin kasi kay Eros, hmmp! “Okay lang, medyo busy kasi sa prutasan. Madalas ako sa doon. Pero ngayon sa party muna ako ni Jasper.” Tugon naman niya. “W-what? I mean that’s -- great! Para -- marami tayo.” Pagsisinungaling ko. Ano ba naman ‘yan! Kasama pala siya sa party! Okay, sa party ka ngayon buong araw so good thing, pwede ako pumunta sa chicohan na wala ka. Masasaktan talaga kita kung pupunta at makikita kita mamaya doon. “Ah kaya pala ngayon lang kita uli nakita, anyway I’m really sorry about your feet.” Saad ko sa kaniya. “Promise, I didn’t mean it.” Pagpapaliwag ko pa. “Nako okay lang, wala namang may gusto sa aksidenteng ’yon. Tsaka hinilot at inalagaan naman ako ni Eros that night!” saad niya sa’kin na halata namang tuwang-tuwa at kilig na kilig. As if! Kinikilig ka lang dahil nakasama mo siya sa kwarto mo! Hmmp! This woman, kung nakakapatay ang titig, napatay na kita ng walong beses! Pero syempre, no choice kundi ang pakisamahan at plastikin siya. Again I’m not a bad person, I just hate this woman ‘cause she made my blood boil in an instant. “Anyway pupunta ka sa party ’di ba? Do you want to ride with us?” pagsabat at pagyayaya ni Jasper sa kaniya. Oh no, huwag mo ng dagdagan ang stress ko Jasper! Pakiusap naman! I need some air, you know! “Ay hindi na Jas, susunduin kasi ako ni Eros. Nagbihis lang siya saglit, basang-basa kasi siya sa ulan kanina.” Saad niya. Alam mo ate gurl? Wala akong pakialam kung susunduin ka niya. Edi ikaw na ang sinusundo! Magsama kayo, pagbuhulin ko pa kayo eh! “O sige, mauuna na kami nila Vincent.” Pagpapaalam ni Jasper sa impaktitang Jemma. Kumaway na lang ako sa kaniya bilang pagpapaalam. Baka malamon ko siya ng buhay eh, mahirap na. “Bye, see you there.” Habol pa ni Jemma. Alam mo Jemma for your information, ayaw kita makita. Alam mo ba ’yon? “See you then.” Sapilitang reply ko sa kaniya, no choice eh, kasakal ha! Bumyahe na kami sa bahay nila Jasper kung saan gaganapin ang kaniyang party, nang madaanan namin ang isang napakalaking school. “Woah, ang angas naman ng school na ’to kuya.” Usal ko kay kuya Vincent habang nakatingin sa window. “I know right. Papayag ba si Tita Margarette na mag-aral ka dito kung hindi maganda?” tugon niya. “No wonder. Kinausap pa ni tita Margarette si mom na lumipat daw ako sa school na ‘yan.” Ani ni Jasper. “What do you mean?” “Sa St. Plaridel ako dati, eh nalaman ni tita, kaya kinausap niya si mom. at pinalipat na rin ako diyan sa St. Joseph. You know what, you’re very lucky to have her as your mom. And us having her as our aunt. She really knows the best!” proud niyang sabi. Of course, mommy knows best. Mommy pa ba? Kalahating oras ay nakarating na kami sa party. Marami na rin mga bisita, na halos kaedaran lang din namin ni Jasper. “Guys meet my beautiful cousin, Hera.” Pagpapakilala sa akin ni Jasper sa kaniyang mga kaibigan. “Wow, mukha kang indorser. Artista ka ba?” mangha naman sa isa sa mga kaibigan niya. “I’m -- “ Naputol na ako sa pagsasalita ng bigla naman sumabat si kuya Vincent. “Of course! Wala namang pangit sa aming mga Villanoza!” saad niya at nagtawanan naman kaming mga nasa harap niya. Napaka-fancy ng party ni Jasper. Great Gatsby ang motif at matched na matched ito sa kabuuang itsura dito sa labas ng kaniyang bahay. Simple lang ang isininuot kong dress, ni hindi nga ako sumunod sa motif ng party. Bahala sila basta ako, sleeveless blue dress lang ang suot ko. Pagtingin ko sa kabilang dako, nako ko si Jemma, papalapit na sa table kung nasaan ako! “Hera hello! O ano, nasaan na sila?” usal niya. Sila? Ano ka nila? Nakakasakal ha! Need ko labanan ang pagkamaldita mode ko. Hays! “Kumuha lang ng drinks, hehe. Kayo, kumain na ba kayo?” “Hindi pa, nagdrinks lang din muna kami ni Eros eh.” “Ahh I see.” Alam mo wala akong pake, sarap niyo itupi ni Eros sa apat eh no! “Ay wait lapitan ko lang muna si Eros, baka hinahanap na ako eh.” “Sure.” Sabay smile sa kaniya. ’Te, gusto mo i-glue kita sa kaniya? Edi ikaw na ang hinahanap! Damn! Nakakawalang gana kaya mas pinili ko na lang na pumirmi sa isang sulok. Dumating na rin sila kuya at binigyan ako ng ilang pick-a snacks and macaroons. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung tama pa ba na umuwi ako dito sa Pilipinas at dito magtapos ng pag-aaral ko. Haysss. All I know is just follow my mom’s instructions. Mother’s knows best nga raw ‘di ba? Ngayon, gusto ko na lang yata bumalik sa US at doon mag-aaral ulit. Pero noong nasa US ako, pilit ko namang umuwi dito sa Pilipinas dahil kay Max. Speaking of Max, how is he na kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD