CHAPTER 9

1331 Words
Hera’s POV Reminiscing the past three years ago, just turned my day to be the saddest one since I’ve been here in this place. Kung tutuusin wala pa ngang isang taon after that heart breaking moment, nakakapanlumo lang. Nasaktan man ako pero still I doesn’t considered that as a totally heart break pain. Naging masakit lang dahil parang nawalan ako ng kapatid and that’s the reason why I didn’t considered him as my ex. Napakabilis lang ng pangyayaring ’yon, hindi ko pa rin matanggap ang naging ending ng relationship naming dalawa. On the other hand, kahit paano hindi naman din puro negative ang mga nangyari. Baka God’s will na rin ’yon para hindi masayang ang oras niya sa’kin, lalo na ang pagmamahal niya na hindi ko naman kayang tumbasan. I know someday, makakakilala rin siya ng taong magsusukli sa wagas na pagmamahal na kaya niyang ibigay. Parehas sana kami ngayon na gra-graduate na rin ng highschool sa pagkakataong ’to, pero kasi sa US may K-12 Program kaya mauuna ako sa kaniya magkolehiyo. Gusto ko siyang kumustahin pero wala akong access sa kaniya. Naka-block ako sa lahat ng social media accounts niya maging sa kaniyang roaming number sa US. By the way, kasama ko na sila Eros, Jemma, kuya Vincent at Jasper dito sa table at ini-enjoy ang birthday party. Gustuhin ko man na mairita, pero ngayon, nangingibabaw na si Max sa isip ko. Nakakalungkot, gusto ko na lang umalis dito at mapag-isa muna. “Kuya Vincent, pwede -- mauna na lang muna ako umuwi sa inyo.” Kinuha ko na ang aking bag purse at tumayo na. “Why? Where are you going?” pagtataka niyang tanong. “I just need some air kuya.” Napansin ko rin na tumingin si Eros sa akin, nagtatanong at nagtataka ang kaniyang mga mata. “Do you want me to drive you home?” biglang sabat ni Eros. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. “But Eros, sinabi mo sa akin na mag-eenjoy muna tayo ngayon sa party ni Jas!” sabat naman ni Jemma. This girl never failed me na mainis talaga. Pero kung gusto niya si Eros makasama, wala akong paki-alam, saksak pa niya sa baga niya. “Eros, please drive her home.” Saad ni kuya Vincent kay Eros. “I can commute naman, don’t worry I’ll be fine. Happy birthday ulit Jas and ingat ka sa flight mo mamaya.” Pilit na ngiti ko sa may kaarawan at tumalikod na sa kanila. Palakad na ako sa labas ng gate ng mapansin ko bigla na may sumusunod sa akin. Hindi ko naman na rin kailangan pa tumingin kung sino ang nasa likod ko. Kilala ko kasi ang may nag mamay-ari sa pabangong ’yon. That scent was the same from the jacket that I used weeks ago. “Hera, hintayin mo na lang muna ako dito sa gate. Kukunin ko lang sandali ang kotse.” Pagbibilin niya. This man, napaka-bossy niya talaga. Hindi ba niya narinig kanina na I need some air? Bahala siya. Imbes maghintay sa kaniya, nagsimula na akong maglakad palabas ng village. Ano kayang ginagawa ni Max ngayon? Is he okay? Is he enjoying his vacation? Most of the time kasi we visists lake, doon kami namamasyal ng mga ganitong buwan. Hays, how I wish to see the face of that man again. “Hera, what did I tell you earlier?” sigaw ni Eros mula sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho. “Eh ikaw? Did you hear earlier na I need some fresh air, ALONE?” sigaw ko rin sa kaniya. Beast mode na nga ako sa kaniya kaninang umaga, pasundo-sundo pa niya si Jemma. “Don’t worry I won’t bother you during the ride.” Pamimilit niya pa. Kung gaano ako kabagal maglakad, ganoon din kabagal ng pagmamaneho niya sa kotse. Mukhang hindi niya talaga ako lulubayan! Mga ilang minuto rin, nakapag-decide na ako na sumakay na lang sa kotse. Nakakainis din kasi imbis na magmuni-muni ako mag-isa, paano ko magagawa ‘yon kung may nakabuntot sa’kin na kotse, right? Nakababa rin kasi ang window ng kotse kaya nakikita niya ako. “Damn! Fine I’ll hop in!” sigaw ko. Bahala siyang mabingi sa’kin. Total puro si Jemma lang naman ata ang hinahanap niya. Sumakay ako sa sasakyan at sinirado kong malakas ang pinto. “Dahan-dahan naman, kanina ka pa ganyan ah.” “What?” pataray kong sagot sa kaniya. “Nabanggit ni Vincent kanina, binagsak mo rin daw ang pintuan ng kotse niya.” Sorry na. Eh bad trip nga ako kanina sa inyo ni Jemma eh, bahala kayo damay-damay na ’to. Self, hold your tongue and control your anger please! “You told me na you won’t bother me, right?” tumingin ako sa kaniya. I can see his concern through his eyes. Hindi na siya sumagot pa. Tahimik na kami sa buong byahe pauwi. While driving through the vast area of sugarcane, naalala ko na naman tuloy siya. Cane juice ang favorite ni Max. I remember so many of him, mas lalo lang tuloy akong kinakain ng lungkot. Hayss. Kaya imbes na sumilip ako sa daan at tumingin sa labas, mas pinili ko na lang na ipikit ang aking mga mata, baka may maalala na naman ako about kay Max eh. Mga ilang minuto ang lumipas, nagulat na lang ako ng biglang tumigil ang kotse. “I think bringing you home will making your day worse.” Saad ng kasama ko, pero nanatili pa rin na nakasara ang mga mata ko. “What.” Matamlay kong sambit. Ayoko muna makipagtalo sa isang ’to, masyado ng malungkot ang araw ko. “You’re just going to lock yourself in your room and cry all day, if I let to drive you home.” Dagdag pa niya. Eh ano wala ka namang pakialam. “Why do you care?” kumbaba kong tanong. “Because -- ” magsasalita na sana siya na may narinig akong ibang pamilyar na boses. Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa paligid. “O nariyan na si ma’am Hera niyo, maghanda kayo ng meryenda!” sigaw ni mang Isko sa ibang mga kasama niya. Lumapit din siya kung nasaan ang kotse namin. “Magandang hapon, Hera!” bati sa’kin ni mang Isko. “Magandang hapon din po.” Pilit kong bati at ngiti sa kaniya. “Ita’y, mag-pa-park lang po ako sa kabila.” Paliwanag ni Eros sa kaniyang ama. Tumungo lang ang kaniyang ama bilang pagsangguni. “Damn Eros naman, gusto ko muna mag-isa pero bakit mo pa ako dinala dito?” kalmado kong tanong sa kaniya. “I just want to makeup your day.” “What?” “Igagala kita sa chicohan.” “CHICO! Are you kidding me!” namuhay na yata ang lahat ng laman loob ko sa katawan ng marinig ko ang bagay na ’yon. Lumapad ang ngiti ko. Biglang nagbago ang mood ko in an instant. Matagal ko na gustong gawin ’to pero wala namang sasama sa’kin. Ayoko naman si Jemma no. Speaking of her, alam kong wala siya dito dahil nasa party pa siya kasama nila kuya Vincent ngayon. Tinanggal ni Eros ang kaniyang sombrero. Pinagpag niya iyon at isinuot sa’kin. “Put this on, medyo mainit pa kasi eh.” Usal niya. “Okay lang ako, hindi naman ako maarte.” Sabi ko sa kaniya. Pero makulit ang isang ’to talaga eh. Lumapit siya sa’kin at isinuot niya ang kaniyang sombrero sa ulunan ko. “Don’t you dare to take it off Hera.” Pagbibilin niya. Talagang bossy siya, legit! Ngumuso na lang ako. Gosh pati sombrero niya ang bango bango kaasar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD